Chapter 4 - 1 "Lukso Ng Dugo"

1942 Words
SOBRANG sakit sa akin noon na pakawalan si Ysabel. Pero alam ko na mahal na mahal niya parin talaga si Jaden Aragon at kahit kailan ay hindi ko ito napalitan sa puso niya sa mga dumaan na taon. Masakit pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na mas masaya siya sa piling nito. Letting Ysabel go doesn't mean I lose to Aragon, but I chose to give Ysabel the happiness she really wants, because that's what she deserves. I given up for the sake of Ysabel and Bea's happiness. That's how much I love them. And the most important is we remain as very good friends, even with Jaden, I don't have hard feelings towards him anymore. I wish them well. "You look great, Gab. For sure many girls are running after you. Gabriel Sandoval Anderson one of the most eligible bachelors in the country and the newest member of the Billionaire's club. Girls must be running after you," Ysabel teased me. "Huwag mong sabihin na pinagsisihan mo nang hindi ako ang pinili mo. Well too late. I'm not taking you back. You already lost your chance," I teased her back with a grin. She chuckled. "Loko. That's not what I meant." She smirked. "But seriously Don't you have a plan to settle down? You need a wife to take care of you and attend to your needs. Especially now. It's the right time for you to have someone besides you. Someone you will look forward to going home to after a long day at work." Ramdam ko ang concern sa boses niya. I smirked. "Wife? How? My fiancee married another man. So, if I will be 'Matandang binata", I quoted. "It's all your fault, Mrs. Aragon." Pinalo niya ako sa braso. "Hoy tigilan mo nga ako, loko ka. Baka akala mo hindi ko alam na nagiging playboy ka na rin, Mr. Gabriel Sandoval Anderson. Balita ko ay kabi-kabila ang mga babae mo." "Ako, playboy?" turo ko sa sarili ko "Para namang hindi mo ako kilala." "Don't deny it. Tita Joan has been calling me and been asking me to talk to you." "Mommy is just bored. Don't believe everything that she says---" "Oh really? And what about those articles in magazines?" nakataas ang kilay na tanong niya  sa akin. I chuckled, "I did not know that you believe gossips now too, Ysay."  "So the writers who wrote those articles in magazine about you are liars?" nakataas ang kilay na hamon ni Ysabel sa akin. Ayan na mag-uumpisa nanaman 'yan sa kakatalak. Sa totoo lang malala pa siya sa nanay ko. "Oh, stop nagging me, Ysay. They're all inventing things. How can you even be so sure that's been about me when they don't even know who I am. If I remind you... those articles don't contain my face. They are just guessing who Gabriel Anderson is since I haven't published my face to the public. You know me... I don't need and like that kind of fame. I want to remain my life private. I just joined The Billionaire's Club because of business connections, not for those women to throw themselves to me." "And why are you being so defensive right now? I didn't know you could talk so much," she said laughing. "No, I am not defensive. I'm just telling the truth," nakasimangot ko nang turan dito.  Tumingin ako sa wristwatch ko. "Anyway, I have to go. As I said I just drop by to say hello to you."  "Hey, are you mad? You know that I'm just concerned, right? And I'm worried too..." malungkot ang boses na turan niya. Napabuntong hininga ako. Ang totoo ay matagal na panahon na akong hindi nagpapakita sa kanya. Simula noong nagpakasal sila ni Aragon. Nagkakausap kami sa telepono. Para iupdate niya ako ng tungkol sa negosyo namin pero hindi ako sumisipot sa mga business meetings. Sinasabi ko lagi na busy ako. Pero ang totoo. Nasasaktan parin kasi ako kapag nakikita ko siyang masaya sa piling ng iba. First love ko kaya siya. At siya palang ang nag-iisang babaeng minahal ko maliban sa nanay at mga kapatid ko sa ama. "I know but I'm fine, Ysay. Nakamove-on na kaya ako sayo. So don't feel guilty if you think I don't take my relationships seriously. It's not you, it's me... I just haven't found the right woman for me." Etchos! Alangan naman sabihin ko na mahal ko parin siya hanggang ngayon. Eh di para na akong gago niyon. Mahigit limang taon na rin 'yon. Tagal na, diba? Pero ganun kasi ako kapag nagmahal. Malalim. Kaya nahihirapan akong magmove-on. "Fine. I believe you. Visit us when you get to have time away from work. Bea will be very happy to see you." "I will. Give her a lot of kisses for me." Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na. "We will wait for you, Gab." Narinig kong pahabol niyang turan noong palabas na ako ng pinto. Hindi ko na siya sinagot pa. Hindi ko kasi alam kong kailan ako ulit magkakalakas ng loob makita siya lalo kung kasama niya ang asawa niya. Noong kasal niya nga pakiramdam ko lamay ko e. Ngumingiti ako pero ang totoo durog ang puso ko noon. Imagine, nag-attend pa ako ng kasal nila. Kahit durog na durog ang puso ko noon. Pero umalis ako kahit hindi pa tapos ang kasal. Hindi pala ako ganoon ka masukista. Nagbook ako ng flight agad-agad pabalik ng Amerika. At iyon yung time na umiinom ako sa club at nag-alaga ng lasing na babae sa hotel room ko. I know it's been five long years, but I still feel a little pain in my chest every time I see her. Mahirap pala kapag ang bestfriend mo ay maging ex-girlfriend mo rin. Mahirap ibalik ang pagkakaibigan ng hindi nasasaktan dahil hindi na ako  ang dahilan ng mga ngiti niya. May ibang lalaki nang nagpapasaya sa kanya at hindi na ako 'yon. Tama na self move-on na, diba? Napakuyom nalang ako sa kirot. Bakit naman kasi ganito ang pusong 'to? Ang hirap magmove-on. "Sir, are you okay?" tanong ng sekretarya kong si Melissa. Kasama ko kasi siya at nagpaiwan lang sa labas ng opisina at nagtingin-tingin sa loob ng boutique. "I'm fine. What's my next meeting?" I asked. "Ngayon po naka schedule ang meeting niyo sa model agency para sa bagong Champaign-ad nitong paradise Valley Mall." Napakunot ang noo ko. "Why? Were they able to convince Miss Lopez to work with our new Campaign-ad?" "Iyon na nga po sir Gab ang problema at dahilan kung bakit sila nagpaarange ng meeting. Matagal na daw po kasi silang walang balita tungkol kay Miss Lopez. Nakikiusap po sila kung pwede pumili nalang daw kayo ng ibang model---" "No. I would rather change them if they cannot comply with our needs," putol ko sa sinasabi ni Melissa. "Okay, Sir. I will look for new model agency then," anito na walang magawa. Kapag sinabi ko dapat iyon ang masunod. Kasalanan nila. Tatanga-tanga sila sa pagpapadala ng file sa akin e di bahala sila. Hindi ako ang nawalan. "Anong mayroon? Bakit sobrang dami naman yata ng tao sa event center?" tanong ko kay Melissa. "May event po kasi dito ngayon, sir Gab. May artista daw po na darating. Iyong sikat na bida po sa bagong teleserye ngayon na---" "I don't watch teleserye," putol ko sa sinasabi nito. Napapahiyang tumahimik naman ito.  Dahil maraming tao sa event center ng mall ay nahirapan kaming makipagsiksikan para makalabas. "Sir Gab, baka pwede po manood muna tayo sandali. Nandito na rin naman po tayo at pinacancel mo naman po ang meeting mo sa model agency," pakiusap ni Melissa sa akin. Mukhang isa rin ito sa tagahanga ng artistang guest ng mall ngayong araw.  Sinamaan ko siya ng tingin. Seriously, alam ba nito kung gaano ka importante ang bawat minuto sa ng oras ko? Tapos gusto niyang manood ako ng mall show ng kung sino mang artista?  Napayuko ito. "I'm sorry, Sir Gab," mababakas ang lungkot sa boses nito. Bigla naman akong nakaramdam ng awa. Para kasi itong bata na pinagalitan ng ina dahil ayaw bilhan ng hinihingi nitong candy.  "Fine," bawi ko. “Ngunit sandali lang tayo,” wika ko dito. Sige na nga minsan lang naman isa pa hindi rin naman masamang ideya ang manood ng event sa mall kung saan ako na ngayon ang tumatayong CEO. Isa pa hindi naman masamang ideya na makikita at maexperience ko ang isa sa magaganap na event dito personally para rin alam ko kung may kailangan bang baguhin sa pamamalakad sa event center.  "Talaga po, Sir?" nag ningning ang mga mata ni Melissa. Tapos ay mabilis na kumilos papunta sa VIP entrance ng event. "Dito po tayo, Sir Gab." Makikita ang excitement sa mukha nito na para bang nasa cloud nine. Big deal pa rin talaga sa mga simpleng tao na katulad nito ang makakita ng celebrity.  Dahil sa VIP card na hawak ni Melissa ay agad kaming inasikaso at pinaupo ng event organizers kahit wala naman kaming reservation lalo na ng makilala ako ng mga ito.  “Mr. Anderson, nandito po pala kayo. Sana po ay nagsabi kayo kaagad para naasikaso namin kayo kaagad,” gulat na salubong sa akin ng event manager.  “No problem, Mr. Manalo. Don’t mind me. You can go back to work. I’m here as one of the audience and not for work,” pagpapakalma ko dito dahil mahahalata ang nervous sa mukha nito.   “Enjoy the show, Mr. Anderson,” anito at bumalik na sa pwesto nito.  Naupo naman ako sa isa sa mga upuan sa VIP area ng event center katabi ni Melissa. Inikot ko ang tingin sa paligid habang nakaupo. May pangamba sa puso ko habang tinitingnan ang sobrang daming tao. Bakit parang sobrang dami naman yata? Ganoon ba kasikat ang mga artistang darating ngayon?  Nang lumabas na ang love team na bida sa nasabing teleserye ay mas lalo pang naging maingay ang paligid sa hiyawan ng mga fans. May mga iba’t ibang grupo din na may hawak na mga tarpaulin ng babae at lalaking artista. Mayroong solo at mayroon din magkasama ang dalawa. Sinisigaw ng mga fans ang pangalan ng dalawang artista habang iwinawagayway ang mga hawak na tarpaulin.  “This is crazy!” napapailing kong wika. Gusto kong pagsisihan kung bakit ko pinaunlakan si Melissa sa hiling nito. Pakiramdam ko ay parang magtatalunan na ang mga tutuli ko sa tainga sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao. Lalo pang lumakas ang ingay ng mag-umpisa nang kumanta ang love team. Halos hindi ko na nga marinig ang inaawit ng dalawa dahil sa ingay.  Pero infairness maganda ang artistang babae at maganda rin ang hugis ng katawan nito  na bakat sa suot na fitted knee length yellow dress. Magandang lalaki din naman ang ka love team nito at bagay sila.  "No wonder the people are screaming like crazy," bulong ko. "Ang ganda ni Miss Ellie Mendoza noh, Sir?" nakangiting turan ni Melissa sa tabi ko. Narinig yata ang sinabi ko. Hindi ako sumagot. Napatayo kasi ako sa inuupuan ko ng makita ko ang pagtutulakan at pagkakagulo ng mga tao sa isang bahagi ng event center. Bigla akong binalot ng pangamba. Hindi nagtagal ay nagka stamped na dahil sa pagtutulakan ng mga tao. “Dammit!” Sinasabi ko na nga ba eh at hindi ako nagkamali. Nasira na ang bakod na naghihiwalay sa mga tao at sa stage. Agad akong lumapit at tumulong. Si Ellie Mendoza ay inagaw ang microphone sa host na natulala nalang sa isang gilid. "Please calm down everyone! Take care of the injured people..." pakiusap nito sa nagkakagulo na mga tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD