Chapter 3 - 3

1547 Words
MAAGA ang flight ko noon pabalik ng Amerika kaya kinailangan kong umalis at iwan siya habang mahimbing na natutulog. Sinubukan ko naman siyang gisingin  kaso hinawi niya lang ang kamay ko at bumalik sa pagtulog. Pinabayaan ko nalang. Alam ko naman kasi na puyat at napagud ko siya. Nag-iwan nalang ako ng sulat at phone number ko sa isang papel. Pinatong ko doon ang susi ng kotse niya para makita niya paggising niya. Ngunit hindi niya ako tinawagan. Siguro ay walang halaga sa kanya ang pagkawala ng virginity niya at ang nangyari sa pagitan namin. Sabagay ano ngam ba ang in-expect ko sa isang one night stand? Isa pa hindi rin naman ako handa pumasok sa isang panibagong relasyon noong panahon na iyon. Heart broken pa ako noon sa ex-girlfriend ko. Dahil nagpakasal ito sa biological father ng anak niya. "Melissa, come inside," pindot ko sa intercom diretso sa mesa niya. Ilang sandali ay nasa harap ko na siya. "Yes, sir Gab?" "Tell the model agency that we are choosing Miss Lopez to be the new face of Paradise Valley Mall's new campaign ad," utos ko kay Melissa. "Miss Lopez po?" nagtataka ang mukha nito. "Yes. Pamela Hailey Lopez to be exact. One of the models from the files you just sent me." "May Pamela Lopez po ba doon?" nasa mukha parin nito ang pagtataka. "Where the hell do you think I got it if it's not from the files you sent me?" Letse! Minsan kasi talaga ay may pagkatanga rin itong secretary ko. Ewan ko nga kung bakit hindi ko pa ito sinisisante. Siguro dahil alam kong kailangan niya ng trabahong 'to dahil siya ang nagpapaaral sa tatlo niyang maliliit na kapatid. "I-I'm s-sorry, Sir. Sige po tatawagan ko po agad ngayon ang  agency." "Good." Paglabas ni Melissa ay muli ko tinitigan ang litrato sa screen ng computer ko. Maganda nga talaga siya at hindi lang dahil nakainom na ako ng gabing iyon. At ang katawan... Parang inukit ng magaling na sculptor. Ang ganda ng curves. At ang sarap niyang--- "Letse, Gabriel! What the hell are you thinking?" mura ko sa sarili ko. Ano bang iniisip ko? Napasinghap ako ng makaramdam ako ng paninikip ng pundilyo ng pantalon ko. No way, Gabriel! Not this time! Isinara ko ang email ko at ibinaling ko ang attention ko sa mga papeles na nasa ibabaw ng mesa ko. Kailangan kong abalahin ang sarili ko kundi ay baka maging tambayan ko  nanaman ang comfort room. "Damn, Gabriel! You're no longer a  sixteen year old boy to do that," inis kong paalala sa sarili. Ilang sandali ay muling kumatok si Melissa. "Sir, tinawagan ko po ang model agency. Humihingi sila ng paumanhin dahil hindi sinasadyang naisama nila ang old file ni Miss Lopez." Biglang nag-init ang ulo ko sa narinig ko. "What do you mean old file?" I  asked. "Sir, matagal na daw po kasing huminto si Miss Lopez sa pagmomodelo at hindi na ito tumatanggap ng kahit anong project. Hindi lang daw po nila sinasadyang maisama ito sa mga files na sinend nila sa atin." "Are they serious? They sent us a file of a model to choose and now they will tell us that it's a mistake?" Letse! Mga bobo! Anong klase mga empleyado mayroon sila? "Tell them we will pull out the account if they cannot fix their mistake." "But, sir---" "It's their fault for being irresponsible and not checking properly the files before sending them to us. So they should pay the consequences. If they cannot convince Miss Lopez to work with us then I don't think they are worthy to trust on this account." "I-I will inform them your demand, sir Gab." turan ni Melissa at mabilis nang lumabas ng opisina ko. Nakakainis! Pero hindi ko alam kung kanino ako mas na naiinis. Sa kapabayaan ng agency o sa sarili ko? Bakit kasi kailangan ko pang gawing big deal ito gayong pwede naman akong pumili nalang ng ibang modelo.  Ngunit may bahagi sa puso ko ang nagsasabing gusto ko ulit itong makita. Gusto kong malaman ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako. Makikilala niya ba ako? Mahigit limang taon na rin ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa alaala ko ang nangyari noong gabing iyon.    ---   KASALUKUYAN akong nasa isang branch ng Paradise Valley Mall. Nalaman ko na narito rin pala si Ysabel. Ang kababata at ex-girlfriend ko. Isa siyang sikat na fashion designer at may ari ng isang sikat na clothing line na ang pangalan ay "Kings Apparel" na mabibili sa lahat ng "Kings Boutique" branches. Sa loob man o labas ng bansa.   Ang Kings Boutique ay magkatulong namin na itinayo namin  ni Ysabel noong magkasama pa kami  sa Amerika. Kaka graduated lang noon ni Ysabel sa course nitong Master of arts major in fashion designing habang ako naman ay nag-aaral ng masteral ko sa business management. It was not easy at first, but we did not give up. We gave our all to this business until it became known to the market and later on international. Sabay kaming nangarap at sabay naming natupad ang mga pangarap namin sa negosyo. Ngunit mga pangarap lang namin sa negosyo ang natupad hindi ang maging magkasama at bumuo ng pamilya. Muli kasi nitong nakita si Jaden Aragon, ang first love nito at biological father ng anak nitong si Bea. Hanggang sa namalayan ko nalang na mag-isa nalang pala ako sa pangarap naming magpapakasal at bubuo ng pamilya. I love Ysabel so much kaya pinakawalan ko siya. I did let her go to see her happy even if it means breaking my heart at the same time. Ganoon naman daw talaga ang pag-ibig---marunong magpalaya kung hindi na nagiging sapat. Ayaw ko naman siyang ikulong sa isang relasyon kahit na alam ko na may ibang nilalaman ang puso niya. Hindi naman ako masukista para gawin iyon. "Good afternoon, sir Gab," bati sa akin ng dalawang sales lady. Syempre ay kilala nila ako bilang business partner ni Ysabel at may ari ng Kings Apparel. "Good afternoon. Is Ysabel here?" nakangiti kong tanong. "Nasa opisina po niya niya po si ma'am Ysabel, sir Gab," sagot ng isa. "Okay." Naglakad ako papunta sa maliit na opisina ng boutique at marahan na kumatok sa pinto. "Come in," narinig ko ang boses ni Ysabel mula sa loob. Pinihit ko na ang doorknob. "Hey," nakangiti kong bati habang nakasilip sa pinto. "Oh my God, Gab. You're here! What a pleasant surprise," tili nito na makikita sa mukha ang katuwaan na makita ako. Kahit naman hindi naging happy ending ang nangyari sa amin ay nanatili naman kaming magkaibigan. Sinalubong ako nito ng mahigpit na yakap. "Hindi naman halatang na miss mo ako ng sobra noh?" I teased. "I do miss you so much, Gab. And you know that." Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin."Gusto kong magtampo sayo. Balita ko ilang months ka nang dumating. But how come ngayon mo lang naisipan magpakita sa akin?" "Sorry. I have been very busy. Couldn't find time to visit you guys." "Oh yes. I heard that you finally accepted your father's offer." "I have to." "I'm very happy for you, Gab. Oh wait, should I call you Mr. Anderson now?" may halong pagbibiro na turan nito. Kailan ko lang pinalitan ang apelyedo ko at tuluyan na tinanggap si daddy sa buhay ko. Malaki kasi ang hinampo ko sa kanya dahil sa hirap na dinanas ng mama ko sa pagpapalaki sa akin mag-isa dahil iniwan niya ito pagkatapos niyang buntisin at nagpakasal pala siya sa iba. Pero sa paglipas ng mga taon ay unti-unti ko narin siyang natanggap. Nakita ko rin kasi ang pagpupusige niya na makabawi sa amin ng mama ko. At kailan lang ay tuluyan ko nang tinanggap ang offer niya na pamalit sa pwesto niya bilang CEO ng Anderson & Co.. Gusto niya kasing maaga na magretire pasa mas magkaroon ng maraming oras kasama ang mama ko. "Silly. I'm fine with just Gab, Ysa. Anyway I just dropped by because I heard that you're here too. How are you and the kids?" "Have a seat." Turo nito sa visiting chair sa harap ng mesa. "We are all fine. The kids are all fine. They're all healthy and joyful. But Bea misses  you. She heard that you're back and since then she has been asking me when will you visit her. She misses her Daddy Ninong, you know..." Bea is Ysabel's ten years old daughter. Daddy Ninong ang tawag niya sa akin dahil ako ang tumayong ama niya mula noong pinagbubuntis palang siya ni Ysabel hanggang sa muling bumalik sa buhay nila ang totoo nga nitong ama. "Tell her I miss her so much too. It's just that this past few weeks my schedule is so tight. I can't find time to visit San Martin." San Martin is the place where Ysabel family lives. Doon din ako ipinanganak at nagkaisip bago kami dinala ni daddy sa Amerika. "Don't worry, I already explained it to her. I know you're busy, especially with the position you have right now. Anyway, how are you? Baka naman sa sobrang busy mo ay napapabayaan mo na ang sarili mo?" "Is that a concern coming from my bestfriend or from my ex-girlfriend?" I teased her again. "From both." Sabay pa kaming natawa.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD