Chapter 5 - 1 "The New Neighbor"

2461 Words
- PAMELA - SABADO wala akong pasok sa opisina kaya balak kong matulog ng mahaba ngunit gustuhin ko man gawin iyon hindi ko pala pwedeng gawin dahil maagang nagigising ang anak ko. "Mommy, Mommy wake up," yogyog ng anak ko sa akin. "Baby, Mommy is still sleepy. Can you give me ten more minutes, please!" pakiusap ko sa kanya. Ang bigat pa kasi talaga ng mga talukap at ang hapdi pa ng mga mata ko. Inaantok pa ako. "But Mommy I'm hungry. I want to eat the pancake you always make me for breakfast," pangungulit ni Finn sa akin. "Baby eat cereals first mommy is still sleepy eh..." nakapikit parin ako. "But Mommy you promised me that you will play basketball with me today too, right?" "Yes I did promise you that but I did not say that we will play early in the morning." "But Mommy it's already past nine in the morning and I haven’t eaten any breakfast," nakasimangot na si Finn dahil imbis na bumangon ay umayos pa ako ng higa. "I'm so so so hungry, Mommy," reklamo ulit nito. Ghad. Ang daming so niyon ah. Bigla akong napabangon. Nakonsensya kasi ako baka nga totoong so so so hungry na nga siya. Kawawa naman ang anak ko. Baka nalipasan na ng gutom dahil lang sa gusto ko pang matulog.  "Okay, okay... Give me one minute to prepare myself. Go to your yaya first and I’ll be there soon, okay?" utos ko sa kanya. "Yeheyyy. You’re really the best Mommy in the whole entire world," ngiti na nito at lumabas na ng kwarto ko. Kahit tinatamad pa akong bumangon ay napilitan na akong tumayo. Ganito talaga kapag nanay ka na at tatay pa. Halos wala na akong time para sa sarili ko. Maski ang matulog ng mahaba sa umaga ay hindi ko na nagagawa. Pero hindi ako nagrereklamo. Kahit mahirap. Masaya akong may anak ako. Siya ang kumukumpleto sa araw-araw ng buhay ko. Sumilip ako sa labas mula sa bintana ng kwarto ko. Nakita ko si Fin na naglalaro na ng bola sa bakuran namin kasama ang yaya niya. Isang kamay lang ang gamit nito kasi may cast pa ang isa niyang braso dahil sa pilay na nakuha niya sa aksidente apat na araw na ang nakakaraan. Napakunot ako ng noo ko ng makita kong may mga naglilipat ng gamit papunta sa kapit bahay namin. May nakabili na yata sa katabi naming bahay. Ilang buwan na rin 'yon na naka for sale. Sa ibang bansa na daw kasi nakatira ang dating may ari ng bahay kaya ibinenta nalang kaysa naman nakatingga lang dahil mukhang wala nang balak ang nag-iisa nitong anak na umuwi ng Pilipinas dahil sa trabaho nito sa ibang bansa.  Mabuti naman at may bago na pala kaming kapit bahay. Sana may anak din na kaedad ni Finn para may kalaro na ang anak ko.  Naghilamos lang ako at nagsipilyo. Hindi na ako nag-abalang magbihis. Pinatungan ko nalang ng silk robe ang manipis kong pantulog. Mamaya na ako maliligo at magbibihis. Ipagluluto ko muna ng pancake niya si Finn at ng makakain na. Okay lang naman na magpalakad-lakad ako ng nakapantulog dito sa bahay dahil pulos naman kami babae maliban kay Finn na syempre ay baby pa naman.  Pagbaba ko ng hagdan ay sinalubong ako ni Mira. May hawak itong baso ng juice na mukhang para kay Finn. Nakalagay kasi iyon sa plastic na baso  na inuman ni Finn. "Ma'am, may bagong lipat na po sa kapit bahay natin," makikita ang excitement sa mukha nito.   "Nakita ko nga. Pero bakit mukhang tuwang-tuwa ka naman yata?" tanong ko dito. "Hay nako Ma’am. Ang gwapo kasi ng bagong lipat nating kapitbahay," sabat ni Manang Inday. Ang isa pang kasambahay namin. Siya ang bahala sa pagluluto at paglilinis ng bahay habang si Mira ay si Finn talaga ang pinaka focus nito.  Nilingon ko si Mira. "Siya nga? Kaya pala umagang umaga namumutok ang blush on nitong si Mira," napapailing kong turan. Kung may mga babae na kilay is life, itong si Mira ay blush on is life.  "Hehehe. Totoong gwapo naman kasi, Maam. Hindi lang gwapo ang hot pa po at mukhang mabango kahit pawisan." Ghad. May pagka malandi talaga 'tong babaeng 'to. "May pawis bang mabango?" natatawa kong tanong. "Nako Ma’am, kung nakita mo baka magkacrush ka rin. Grabe kaya yong mga pandesal sa tiyan Ma’am." "Hoy Mira, huwag mo sabihing kababae mong tao ay nambubuso ka," sita ko sa kanya. Nako baka mapabaranggay pa kami ng wala sa oras. "Ay hindi po Ma’am. Nakahubad po  kasi ang pangtaas niya habang nagbubuhat ng mga gamit." Napailing nalang ako. Iyong trabahador ata na nagbubuhat ng mga gamit ang tinutukoy nito. Hay nako kahit nalang sino ang crush ng babaeng ito. Minsan gusto ko na ngang batokan ng matauhan at hindi puro crush ang inaatupag.   "O e, may bago ka nanaman ngayong crush? Paano iyong driver nila Mrs. Reyes. Ayaw mo na sa kanya?" pabiro kong tanong habang inihahanda ang mga gagamitin sa pancake na hiling ng anak ko. "Nako Ma’am pagsabihan mo 'yan. Nahahawa na 'yan sa kalandian noong mga yaya ng mga kapitbahay natin," si Manang Inday. "Si Manang Inday talaga. Crush lang naman. Tsaka ayaw kong tumandang dalaga katulad mo noh," nakasimangot na turan ni Mira. Si Manang Inday ay mahigit kwarenta na ngunit hindi pa ito nag-aasawa. Samantalang si Mira ay nasa bente palang.  "Kaysa naman katulad mo na kung sinu-sino nalang ang crush. Hindi na ako magtataka kung matutulad ka sa ibang mga babae diyan at  isang araw lolobo 'yan tiyan mo ng hindi alam kung sino ang ama." "Aray ang sakit naman Manang. Hindi ako nakailag doon ah," pagbibiro ko dito. Sapol na sapol kasi ako sa sinabi nito.  "Ay Ma’am sorry po. Pero hindi po kayo ang sinasabi ko..." napapahiyang paliwanag ni Manang Inday. "Joke lang Manang," nakangiti kong turan dito. "Uy ikaw Mira, makinig ka dito kay Manang Inday kung ayaw mong matulad sa akin. Hindi madali ang maging single mother. Kaya ikaw unahin ang pag-aaral at huwag crush-crush ang inaatupag. Gusto ko ay matapos mo ang pag-aaral mo para may maabot ka sa buhay at hindi maging habang buhay na namamasukan na katulong. Alalahanin mo ang pamilya mo sa probinsiya na umaasa sayo," pangaral ko dito.  Pinag-aaral ko si Mira sa kolehiyo. Naawa kasi ako sa kanya dahil high school lang ang natapos dahil iyon lang daw ang kaya ng magulang nito. Kaya kahit gusto nitong mag-aral ay wala daw itong magagawa kaya nagtrabaho nalang at napasok nga bilang yaya ni Finn. Noong nalaman ko na gusto niyang makaipon para makabalik sa pag-aaral ay sinabihan ko siya na mag-enroll sa kolehiyo. Habang nasa Kindergarten si Finn nasa eskwelahan naman nito si Mira. Ako ang nagbabayad ng tuitions niya kaya buo niyang napapadala sa pamilya niya sa probinsya ang sahod niya. Wala din naman siyang ibang pinagkakagastusan dahil libre naman sila lahat dito sa bahay maliban nalang syempre sa mga personal nilang pangangailangan.  "Opo, Maam. Alam ko naman po 'yon," nakatungo na turan ni Mira. "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo," turan ko  dito. "Nasaan na tuloy ang alaga mo at baka pawis na ang likod ni---" Pitttttttt. Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ng marinig namin ang malakas na busina ng sasakyan sa labas ng gate. "Finn, Finn anak..." sigaw ko. Parang nalaglag na naman ang puso ko mula sa dibdib ko. Mabilis ako tumakbo papunta sa labas. "Hoyy magdahan dahan ka nga sa pagmamaneho! Wala ka sa highway! Muntikan ka nang nakasagasa ng bata." Nakita ko ang isang hubad baro na lalaki. Hawak nito sa isang kamay si Finn habang sinisigawan nito ang isang palayong kotse. "Finn!" agad kong lapit sa anak ko at tiningnan kung may sugat ba ito. "Are you hurt? Oh God, you will really give me heart attack. Bakit ka kasi lumabas ng gate?" nakaluhod ako sa harap niya para magpantay kami. "E kasi Mommy hinahabol ko yong ball," pangangatwiran ni Finn. "Next time tell your yaya to get it for you, okay? Paano kung nasagasaan ka? Ano nalang ang gagawin ni Mommy. Hindi pa nga magaling ang braso mo mula sa aksidente mo noong nakaraang araw e." "Mommy, I'm fine. Tito pogi here saved me again," nakangiti pang turan ni Finn.  Tiningnan ko ang lalaking nagligtas kay Finn. Nabigla ako ng makilala ko ang pogi pero masungit na lalaki sa ospital. Ibang iba ang itsura niya ngayon. Mukha kasi siyang mayaman na negosyante sa suot niyang business suit noong nakaraang araw ngunit ngayon naman ay mukha siyang tambay sa kanto sa suot na kupas na maong at tsinelas na guma. Nakahubad siya ng pangtaas na nakasampay lang sa balikat niya. Medyo pawis siya pero mukha paring mabango. He had short black hair, dark brown eyes, sharp features, and a body that looked as if it had been sculpted in stone. If you looked up tall, dark and handsome, you wouldn’t have been surprised if this guy popped up as the poster for the description.  “Get a grip, Pamela. You don’t even know this guy!” paalala ko sa sarili. Agad kong iniwas ang tingin ko sa hubad niyang katawan. "Y-You again..." sambit ko. Muntik ko na batokan ang sarili ko ng mautal ako. Ghad. Ang hot niya naman kasi. Kainis! "Ilang beses ba kailangan maaksidente ng anak mo para matuto kang alagaan siya?" Nag-iisa ang linya ng kilay niya habang nakatingin sa akin.  "I-I..." wala akong mahanap na salitang isasagot dito. Kahit anong rason ang sabihin ko ay may mali ako. Alam ko kahit anong rason ang sabihin ko, may kasalanan parin ako  sa dalawang beses na muntikan nang napahamak ang anak ko. "T-Thank you for saving my son, again!" pasalamat ko nalang ng hindi parin tumitingin ng diretso sa kanya. "Good I saw him. Pero paano kung hindi? Baka nasagasaan na ang anak mo. Bakit kasi hinayaan mong maglaro ng walang bantay?" "Sir pogi, ako po ang may kasalanan. Iniwan ko po ang alaga ko para sana kumuha lang ng juice. Hindi ko naman alam na lalabas siya ng gate," si Mira na lumapit na sa amin. "Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sayo. Sa pangalawang pagkakataon ay muli mong nailigtas ang buhay ng anak ko. Maraming-maraming salamat talaga," nilingon ko ang anak ko. "Finn magpasalamat ka sa kanya," utos ko dito. "Thank you po ulit, tito pogi!" pagpapasalamat naman ni Finn. Umupo ang lalaki para magpantay sila ni Finn. "You're welcome," anito at ginulo ang buhok ni Finn. "You should not go out of the gate without your Mommy or your yaya. It's very dangerous. Maybe next time something will really bad happen to you, okay?" "Opo, tito pogi," sagot ni Finn. "If you don't mind. Bakit ka pala nandito? Tsaka...Tsaka ganyan ang ayos mo?" hindi ko napigilang itanong. "Maam, siya po yong sinasabi ko sayong hot na bago nating kapitbahay," sabat ulit ni Mira. "Ganoon ba. Ikaw pala ang bago naming kapit bahay? Kung ganoon ay welcome sa Village namin Mr.---" "Gabriel Sandoval..." abot nito sa kamay ko. Buti naman at hindi na ako napahiya sa pagkakataong ito. "Sandoval? I thought its An---" "I'm more comfortable with Sandoval," putol nito sa sasabihin ko.  "Then, welcome and thank you again Mr. Sandoval. I'm Pamela Lopez and as you already know this is my son Finn Jasper." "Ako naman po si Mira, ang yaya ni Finn," sabat ni Mira at kinuha ang kamay ni Gabriel. "Dito ka na po titira, tito pogi?" nakangiting tanong ni Finn dito. "Yes." "Then you can play basketball with me? My Mommy doesn't know how to play. She doesn’t even know how to do a simple drible."  "Sure." Gabriel smiled, and I thought I might swoon. Dear God, he had a dangerous smile. When he wasn’t smiling, he had that whole, smoldering sexy and kind of intimidating vibe-- just enough to keep my body in check. When he smiled and even it wasn’t for me, my body spun like a top inside---heat and electricity swirling. His eyes crinkled at the corners, the brown brightening and his mouth softening.  “You can always visit me and we can play in my house. I have a big backyard where we can play basketball.  "Talaga po? Promise?" "Promise." Nakipag pinky promise pa ito. "Yeheyyy." tuwang-tuwa na turan ni Finn. "You hear that, Mommy? I can play basketball with tito pogi," excited  na turan nito. Ang kabaitan na ipinapakita niya sa anak ko ay may kung anong damdamin na ginigising sa kaibuturan ng puso ko. Suddenly I wanted to wish Gabriel to be Finn’s father.  "I think you should go inside now," turan ni Gabriel sa akin. "Unless you don't mind being watched almost naked in broad daylight," pilyong nakatingin ito sa nakalantad na bahagi ng dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko ng yukuin ko ang sarili kong ayos. Ghad. Nalilis na pala ang suot kong silk robe. Halos nakalantad na pala ang kalahati ng katawan ko. Sa mabilis na kilos ay agad kong  tinakpan ang sarili ko. Nang iikot ko ang tingin sa paligid ay nasa akin pala ang tingin ng mga barakong trabahador nito sa paglilipat bahay. "Mga bastos," napapahiyang wika ko sabay hila kay Finn at nagmamadaling pumasok na ng bahay. "Ma’am, parang crush ka ni Sir pogi," si Mira noong makapasok na kami sa bahay. Hinarap ko ito. "Ikaw Mira hindi na ako natutuwa sa kapabayaan na ginagawa mo sa anak ko ha! Kabilin-bilinan ko naman sayo na huwag mong iwawaglit ang tingin mo sa anak ko, diba? Lalong lalo na kapag nasa labas kayo ng bahay," matigas ang boses na kausap ko kay Mira.  Tumungo si Mira. "Sorry po ulit Ma’am. Hindi na po mauulit." "Dapat lang dahil last chance mo na 'to. Hindi porket mabait ako sayo ay aabusuhin mo na. At tigilan mo na 'yang mga crush crush na 'yan kung dahil diyan ay nagiging pabaya ka na sa trabaho mo. Sa susunod na may ganitong mangyari sa anak ko sisisantihin talaga kita. Naiintindihan mo?" "Opo, Maam. Hindi na po talaga mauulit," nakayuko na sagot naman ni Mira sa akin.  Iniwan ko na ito at umakyat na ako ng kwarto para magpalit ng maayos na pambahay. Nang makaakyat ako sa kwarto ko ay hindi ko naiwasan na sumilip sa kapitbahay mula sa bintana ng kwarto ko ngunit agad ko din na isinara ang kurtina ng hindi sinasadyang magkatinginan kami ni Gabriel na ngayon ay  nakatayo sa may labas ng gate ng bahay niya at nakatingala rin pala sa direction ng bintana ng kwarto ko. “Tsk. Gwapo sana kaso presko!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD