Chapter 19

2173 Words
Nang makalabas na kami ni Dylan sa kwebang iyon ay hinatid niya pa ako sa kwarto ko, upang magpahinga muna. Tahimik kaming naglalakad patungo sa kwarto namin ni Bella. Nang makarating kami ay muli siyang nagsalita. "Ipapatawag na lang kita dito mamaya para makakain ka," sabi niya sa akin. Tumango lang ako saka ngumiti sa kanya. Tumango rin siya sa akin saka tumalikod. Bago pa siya naglakad ay tinawag ko siya. "Dylan sandali," tawag ko sa kanya. Huminto naman siya at bumalinh sa akin. "Bakit?" "Y-Yong sinabi mo kanina, a-ano ba ang ibig sabihin no'n?" tanong ko sa kanya. Napansin kong natigilan siya at bahagyang napaiwas sa akin. Saglit lang iyon at muli rin siyang tumingin saka ngumiti. "Kung hindi mo pa iyon maintindihan, naiintidihan ko. Nakakagulat naman talaga ang mga sinabi ko kanina pero lahat nang iyon ay totoo. Sa ngayon, huwag mo muna iyon isipin at sagutin. Aalis na ako," paalam niya at tuluyan nang umalis sa harapan ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Bahagya akong napangiti at pumasok na sa kwarto namin ni Bella. Napansin kong wala siya. Siguro kasama niya si Drake ngayon. Hinubad ko ang mga damit ko at dumeritso sa banyo upang maligo. Habang naliligo ako. Hindi ko maiwasang balikan sa aking isip, ang mga sinabi sa akin ni Dylan. Sa ganoong kaiksing panahon namin na nagsama ay talagang nakakagulat ang mga sinabi niya sa akin. Kahit sino naman siguro ay magugulat kapag sinabi iyon nang isang lalaki. Hindi ko pa siya lubusang kilala pero nararamdaman ko ang pagiging mabuting tao niya at pagpapakatotoo. Kahit sino rin namang babae ay magkakagusto sa kanya. Matangkad, gwapo, magaling makipaglaban, seryoso pero may mabuting puso. Higit sa lahat, isa pang prinsipe. Sigurado akong maraming nagkakagusto sa kanya dito sa palasyo at hindi ko na kailangang ipagtaka pa iyon. Mabilis kong tinapos ang pagligo. Lumabas ako sa banyo at muntik na akong mapasigaw nang makita kong sino ang nasa loob ng kwarto. Isang lalaking nakaupo sa silya malapit sa kama. May hawak siyang libro at tila parang nagbabasa. Mahigpit ang paghawak ko sa tuwalyang nakabalot sa katawan ko. "S-Sino ka?" kinakabahang tanong ko dito. Nag angat ang kamay niya at may tinuro. Kaya naman napatingin ako dito. "Magbihis ka muna," sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa binabasang libro. Wala sa sariling naglakad ako patungo sa wardrobe at naghanap nang aking maisusuot. Pasulyap-sulyap ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko dahil sa presensya niya. Nasisiguro kong hindi siya tagarito sa Gordon. Bumalik ako sa banyo at doon nagbihis. Mabilis ang mga naging kilos ko. Gusto kong tumakas dito pero mukhang malabo. Baka kasi nagkakamali lang ako at tagarito lang siya lang sa palasyo. Ngunit ang kakaibang pakiramdaman na ito ay naghatid nang matinding kaba sa akin. Napalunok ako at dahan-dahanng lumabas sa banyo. Ganoon parin ang porma niya. "S-Sino ka ba?" kinakabahan ko paring tanong sa kanya. "Ikaw ang dating nililigawan ni Drake hindi ba? Khethania Allejera?" sabi niya saka lamang niya binaba ang hawak niyang libro at tumingin sa akin. Napaatras naman ako sa kakaibang tingin na binigay niya sa akin. Seryoso ko siyang tiningnan at mabilis kong tiningnan ang espada ko pero naunahan niya ako. Sa isang iglap lang hawak na niya ang espada ko. "I've heard you're a swordwoman, just like your former parents," sabi niya at sinisipat nang tingin ang espada ko. "Ibigay mo iyan sa akin," seryosong sabi ko. Ngunit imbes na ibigay at itinuro niya ito sa kinaroroonan ko. Bahagya akong napaiwas sa isang bagay na muntik nang tumama sa akin. "Your fast," nakangising sabi niya. "Who are you?!" "Did you heard about--Slayers?" nakangising sabi niya. Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Slayers? Hindi kaya isa siya sa mga Slayers? Dahan-dahan akong napaatras papalapit sa pinto habang hawak niya ang espada ko. Ngunit tumingin siya sa akin at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Binato niya sa akin ang espada ko. Kaya naman napapikit ako dahil siguradong hindi ko iyon maiiwasan. Ngunit wala akong naramdamang kakaiba sa katawan ko. Hindi ko maramdamang tinamaan ako. Kaya nagmulat ako nang mata at natigilan sa nakita ko. Nasa may dibdib ko na ang espada at may kung anong majika ang sumangga nito para hindi ito tuluyang tumama sa akin. Napatingin ako sa kanya nang tumawa siya. "So I'm right, someone is protecting you," sabi niya. Mabilis kong kinuha ang espada ko. Hindi ko maintindihan, ilang beses narin akong nasugatan noon dahil sa epsadang ito. Ngayon lang nangyari na hindi ako masugatan nito. Sino ang tanong sinasabi niyang pumo-protekta sa akin? "Drake is courting you before and now the prince of Gordon is confessing his feelings. How romantic they are huh," nakangising sabi niya. Naglakad siya papalapit sa akin kaya napaatras ako. Mahigpit kong hinawakan ang espada ko. Nanatili naman siyang nakangisi habang nakatingin sa akin. Bigla akong napakurap nang mapunta siya sa harapan ko at mabilis niya akong nasakal sa leeg. "Akala ko mahihirapan akong kunin ka, madali lang pala. You have a power of a phoenix but you are weak. Ano kayang mapapala saiyo ni Lucy, ganoong napakahina mo naman pala," sabi niya. Hinigpitan niya ang pagkakasakal sa akin, kaya naman nahihirapan na akong huminga dahil sa ginagawa niya. Napapikit ako at sinisigaw sa isip na sana ay iligtas nila ako. Someone save me! Bella! Drake! Dylan! Tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Habang iniinda ang sakit sa pagkakasakal niya sa akin. "Iniisip mo na siguro na iligtas ka nila, huwag kang mag alala. May nakalaan ako para sa kanila," sabi niya at tumawa. Mayamaya binitawan na niya ako, kaya napaubo ako nang todo. Ngunit natigilan ako nang mapansin nasa loob na ako nang kulay itim malaking bilog na nakalutang. "A-Anong...." sambit ko. Inipon ko ang buong lakas ko. Kinuha ko ang espada at hinampas dito. Ngunit balewala ang ginawa ko. "Makakawala ka lang diyan, kapag namatay ako o kung gusto kong palabasin ka," nakangisi niyang sabi. Sinubukan ko ulit itong sirain pero wala parin. Kaya napaupo na lamang ako at muling tumingin sa kanya na nakangisi parin. Ano kayang nangyayari sa labas. Sana naman maayos lang sila. Ayokong mapahamak sila nang dahil lang sa akin. Malaki na ang naitulong nila sa akin kaya kailangang hindi na sila madamay pa rito. "Sasama ako saiyo," biglang sabi ko. Nawala naman ang ngisi niya at nagtatakang nakatingin sa akin. ''Bakit? Sinabi ko bang sumama ka sa akin? Kahit sabihin mo pa iyan o hindi, sasama ka talaga sa akin. Magkagulo man o hindi," nakangisi niyang sabi. Tumayo ako. Pilit na inaabot siya upang huwag gawin ang nais nito. "Pakiusap huwag niyo nang idamay ang mga tao dito. Dalhin niyo na lang ako!" sigaw ko sa kanya. "Dependi iyan kung hindi sila haharang sa pagkuha namin saiyo. Ngunit syempre magpapaalam din tayo sa kanila," sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita ay nasa ibang lugar na kami. "Magpaalam ka muna sa kanila, nakakahiya naman kung aalis ka na agad bigla di ba? Atleast, alam nila kung saan ka pupunta," sabi niya. Natigilan ako nang makita sila Bella na nagulat sa pagdating namin. Sabay silang napatayo, mukhang nag uusap sila nang sandaling ito. "Khethania!" sabay nilang sigaw nang pangalan. Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa kanila. Nakita ko Bella na nagulat sa sitwasyon ko. "Pakiusap, huwag mo na silang idamay," pakiusap ko sa kanya. "Gaya nang sabi ko, dependi iyan kung lalaban sila o hindi," sabi niya. "Pakiusap!" sigaw ko na sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin. Pagtingin niya sa kinaroroonan nina Bella, ay nagulat ako sa ginawang pag atake ni Drake gamit ang espada na agad naman nitong nasangga. "Pakawalan mo siya, Mest," mariing sabi ni Drake dito. Mest? Ibig sabihin Mest ang pangalan ng lalaking ito. "Oh, relax Drake, masyadong mainit ang ulo mo," sabi nito at bigla na lamang tumilapon si Drake sa gilid at bumangga sa pader. "Nakikiusap siya pero hindi ka nakinig kaya kasalanan mo iyan. Sige na, kayo na ang bahala dito," sabi niya at bigla na lamang may lumitaw sa harapan niya. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang mga slayers. Lima ang biglang lumitaw at sigurado akong si Mest and pinuno nila.. "Pakawalan mo sabi siya!" sigaw muli ni Drake at umatake sa kanila. Ngunit bago pa siya makalapit ay may humarang na sa kanya at bigla na lang silang nawala. "Drake!" sigaw ni Bella. May sumugod sa kanya at bigla na lang rin silang nawala. "Bella! Drake!" sigaw ko na lang. May naradaman akong kamay na pumasok sa loob kung saan ako nakakulong. Hinila ako nang kamay na iyon at nakilala ko kung sino iyon. "D-Dylan," sambit ko. "Oh mahusay ang ginawa mo, Dylan!" papuri ni Mest sa ginawa ni Dylan sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at nilagay sa likod niya. "Hindi niyo siya makukuha mula sa amin," mariing sabi ni Dylan. Ngumisi lang si Mest sa kanya. "Alam ko naman kung gaano ka kagaling, Dylan kaya syempre naghanda kami nang para saiyo," sabi nito. "Recca," tawag niya. Lumapit ang tinawag nitong Recca at may inilabas na majika. Gamit ang majika ay may nabuo dito na isang tao. Napatingin ako kay Dylan nang makita ang pagkagulat nito. "This girl is very important to you and Drake. Recca is a necromancer, she can use her magic to the dead people and comeback to life. Now Dylan, can you see this girl infront of you now?" nakangising sabi ni Mest kay Dylan. Naramdaman ko ang kakaibang galit kay Dylan. "Huwag kang mag alala Dylan, kapag pinatay si Khethania ni Lucy. I will use Recca's magic to reborn her again for you," sabi niya at tumawa. Nanginginig ang mga kamay ni Dylan habang nakahawak sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya upang pakalmahin siya. "Napakawalang hiya mo para gawin iyan kay Diana. You killed her and now you make her a puppet to use against us? Now you're telling me that you will use that to Khethania? No! You can't!" mariing sigaw niya. Nabigla na lang ako nang ipinaharap niya ako sa kanya. "No matter what, I will protect yo,u Khethania," sabi niya at bigla akong hinalikan sa labi na siyang ikinagulat ko. Parang huminto ang mundo ko sa ginawa niya. May nalasahan akong kakaiba at nasisiguro kong dugo iyon. Dugo niya? Napadaing na lang ako nang kagatin niya ang labi ko. Kaya naghalo ang dugo naming dalawa. Mayamaya humiwalay na siya sa akin at napatitig. Bigla siyang ngumiti, habang ako ay gulat na gulat sa ginawa niya sa akin. "Makuha ka man nila ngayon o hindi. Hindi ka mahihirapan at hindi ka nila masasaktan," mariing sabi niya at muling humarap kina Mest. "Napakahangal nang ginawa mo, Dylan!" naramdaman ko ang galit ni Mest at nakita kong nawala siya. Lumitaw siya sa harap namin ni Dylan at sinutok niya ito. Kaya tumilapon si Dylan sa ginawa niya. "Dylan!" "You are my rival, Dylan is my love you b***h!" narinig kong sabi nang isang babae at nagulat na lang ako nang nasa harap ko na siya at sinutok ako kaya napahandusay ako. I know her. She was Drake sister who died 3 years ago. Minsan ko na siyang nakita noon at nagulat ako sa balitang patay na pala siya. Tapos ngayon heto siya at nabuhay muli dahil sa babaeng nagnagangalang Recca; ang babaeng bumubuhay ng mga patay. "You're already dead, Diana," sabi ko habang tumatayo. "Patay man o buhay, kahati parin ang tingin ko saiyo. Hindi kita gusto noon pa, nang malaman kong nililigawan ka nang kuya ko. Kaya ngayon papatayin kita dahil kahati na kita kay Dylan!" sigaw niya at sigunod ako. Naisangga ko ang espada ko sa pag atake niya sa akin. Masasabi kong malakas siya. Napatingin ako kay Recca, nakatayo lang siya habang nakatingin sa amin. Ngunit may napansin ako sa kanya. Ang mga mata niya, ang kilos ng mga kamay niya. Ibig sabihin ba ito, katawang tao lamang si Diana at ang isip ni Recca ang kumikilos sa bawat atake ni Diana? Pasimple akong napangsi. Magaling siya pero hindi niya alam na hindi siya makadepensa sa sarili niya habang pinapakilos niya ang isang bagay. Mabilis ang naging kilos ko, habang nakikipagpalitan nang atake sa babaeng ito. Habang naglalaban kaming dalawa palapit naman kami nang papalapit kay Recca. Hinampas ko ng espada si Diana at nakaiwas ito, kaya naman nilipat ko ang espada sa kabila kong kamay at hinampas si Reeca sa braso. "Ah!" daing nito kaya napangisi ako. "You can't depend yourself while controlling someone else, that's your weakness," sabi ko sa kanya. Galit siyang tumingin sa akin habang hawak ang kanyang braso na nasugatan. Hinanap ko nang tingin si Dylan at nakikipagpalitan ito nang atake kay Mest. Magaling si Mest at nararamdaman ko iyon. "Sa tingin mo ba, matatalo mo ako nang ganoon lang babaeng phoenix?" Natigilan ako. Napalingon ako kay Recca na nakangisi na sa akin. Nakita ko ang sugat niya sa braso at mas nagulat ako. Unti-unti itong nawawala. Ginagamot niya rin ba ang sarili niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD