Chapter 20

1839 Words
THIRD PERSON POV Napunta sa kabilang dako sina Bella at Drake. Pareho silang magkahiwalay dalawa habang nakaharap sa taong makakalaban nila. "Hindi ko akalaing ganito kaaga kayo makakarating dito," mariing sabi ni Bella sa katapat niyang si Rogue. Napangisi ito. "Gustong-gusto ko talaga ang kapangyarihan rin Mest, nakapasok kami kahit may inilagay kayong harang," nakangising sabi nito. Naging seryoso ang tingin ni Bella dito, nang banggitin nito ang pangalan ni Mest. Napansin nito ang pagiging seryoso niya kaya natuwa ito. "Mukhang apektado ka rin sa galit ni Drake kay Mest. Paano na lang kaya kung.... patayin rin kita? Ano kaya ang mararamdaman niya? Hahahaha!" Tumawa ito nang malakas matapos nitong sabihin ang mga katagang iyon. Napahigpit ang hawak ni Bella sa latigo niya at hinampas ito sa tabi niya. Kaya naman tumigil sa pagtawa si Rogue. Muli itong napangisi dahil sa naging reaksyon niya. "Hindi ako mamatay tulad nang ginawa niyo kay Diana. Mas lalong hindi niyo makukuha si Khethania!" galit niyang sigaw at sumugod dito. Mabilis niyang hinampas ang latigo dito. Ngunit mabilis itong nakaiwas at nagpalabas ito majika sa kamay saka pinatama sa kanya. Naiwasan niya ito pero hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Bigla itong lumitaw sa harap niya at mabilis siya nitong nasuntok sa dibdib, habang may majika itong binuo sa kamay. Bumagsak siya at ilang beses na bumangga sa mga pader at dahil nasa kaharian sila ay may mga taong naroon. Mabilis naman nagsipagtabukhan ang mga tao upang makalayo sa lugar. Napadaing sa sakit si Bella habang dahan-dahang tumayo. Tumingin siya kay Rogue na nakatayo sa itaas nang isang bahay. Nakatingin lang ito sa kanya na tila hinihintay siya lumapit dito at muling ipagpatuloy ang laban. Seryoso siyang tumingin dito at inayos ang latigo niya saka muling sumugod dito. Samantala kaharap naman muli ni Drake si Timmy na nakangisi sa kanya. Hindi maiwasan ni Drake ang mainis dahil si Mest ang gusto niyang makalaban. Hindi niya maiwasang maalala ulit ang nakita niya kanina kay Khethania. Ganoon ang eksena nang hulihin nito noon si Diana na kapatid niya. Ganoon ring eksena kung paano siya tingnan ni Diana. Hindi niya hahayaan na ganoon rin ang mangyayari kay Khethania. Hindi na niya hahayaan pang matulad ito sa sinapit ng kapatid niya. Mariin siyang nakatingin kay Timmy. "Iniisip mo siguro na si Mest ang nais mong makalaban? Haha huwag kang mag alala, makakalaban mo rin siya. Kung matatalo mo ako sa laban na ito. Ngunit kapag ginusto ni Mest na umalis na kami ay aalis na kami. Sa ngayon, maglalaban muna tayong dalawa," nakangising sabi nito at sumugod sa kanya. Inihanda ni Drake ang sarili at naglabas ng espada gamit ang majika niya. Sumugod rin siya rito at katulad niya ang may espada rin ito gamit ang sarili nitong majika. Nagpalitan sila nang atake. Hindi agad makasabay si Drake dahil sa mabilis nitong mga kilos. Kaya tanging depensa lamang ang nagagawa niya. "Kung gusto mong iligtas si Khenthania, sabayan mo ang lakas ko!" sigaw nito. Tumilapon siya sa lakas nang paghampas ng espada nito at hindi niya agad naisangga ang espada niya. Nawala ang ginamit niyang espada sa pagbagsak niya. Hindi pa ito nakuntento at mabilis itong nakapit sa kanya at sinuntok siya sa mukha. Muli siyang tumilapon at muli siyang sinundan ni Timmy. Sinuntok siya sa tiyan at sinipa. Tuluyan siyang bumagsak saka lamang siya tinigilan ni Timmy. "Paano mo ililigtas si Khenthania kung ganyan ka kahina? Paano na lang kaya kung pati si Bella ay mawala rin saiyo? Makakaya mo pa kaya, kung tatlong babae ang tuluyang mawala dahil sa mahina kayo?" natatawang sabi nito. Dahil sa mga narinig niya ay galit na naikuyom niya ang mga kamay at dahan-dahang tumayo. Pinahid niya ang dugo sa labi niya at mariing tumingin kay Timmy. "Hindi na mauulit pa ang ginawa niyo kay Diana. Hangga't nabubuhay ako ay hindi ko hahayaang magtagumpay kayo!" sabi niya dito. Habang sinasabi niya ay may lumalabas na malakas na aura mula sa kanya. Napangisi naman si Timmy dahil sa nasaksihan niya. Mukhang nagalit ito dahil sa mga sinabi niya. At nasisiguro niyang dito na magsisimula ang totoong laban sa pagitan nilang dalawa. Habang nakikipaglaban si Drake at Bella sa magkahiwalay na lugar. Nasa iisang lugar naman sina Khenthania at Dylan na nakikipaglaban. Kaharap ni Dylan si Mest na nakatayo at hinihintay kung ano ang gagawin niya. Nakikita ni Dylan si Luther at Serra na tahimik lang na nakatayo. Ngunit napansin niyang kumilos si Seren at naglakad palapit kay Khenthania. Maging si Luther ay naglakad rin papalapit sa kinaroroonan nila ni Mest. "Masaya bang makipaglaban sa nag iisang kalaban? Huh, Mest?" natatawang sabi ni Luther nang makalapit ito. "Medyo nakakawalang ganang makipaglaban, ikaw na ang lumaban sa kanya," sabi ni Mest at tumalikod. Natigilan naman si Dylan sa ginawa nito. Akmang kikilos siya nang harangan na siya ni Luther. "Kayo nang bahala dito, kukunin ko na ang babae," muling sabi nito. "Sige," sagot ni Luther. Kaya naman natigilan ulit si Dylan, nang mabilis na nakalapit si Mest kay Khethania. Blag! "Kung saan-saan ka nakatingin, nandito lang naman ang kalaban mo," natamaan siya sa suntok ni Luther kaya naman napaatras siya. Inis siyang tumingin dito at muling bumaling sa kinaroroonan ni Khethania. Natigilan siya sa nakita niya. Nasa harapan ni Khethania ang dalawang babae, habang nasa likod niya si Mest. 'Hindi pwedi ito,' sambit niya sa sarili. Mabilis siyang kumilos patungo sa kinaroroonan ni Khethania pero agad siyang naharangan ni Luther. Muli siyang natigilan nang gumamit ito ng teleportation at napunta sila sa kabilang dako ng palasyo. "Ngayon sigurado ako na makakalaban ka na nang maayos," nakangisi nitong sabi ni Luther. Naikuyom niya kamao dahil sa ginawa nito. Hindi na niya alam kung anong mangyayari kay Khethania; lalo na hindi niya ito makita ngayon. Samantala, nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Khethania sa tatlong nakapaligid sa kaniya. Hindi niya alam kung paano harapin ang mga ito nang sabay. "Nararamdaman ko naman malakas ka, pero sa ngayon hindi mo pa taglay ang kapangyarihan ng phoenix. Kaya naman madali lang sa amin ang makuha ka," narinig niyang sabi ni Mest na nasa likod niya. Pasimple siyang tumingin dito at nakiramdaman sa dalawang babaeng nasa harapan niya. Alam niyang dehado siya sa sitwasyong ito. Nag iisa lamang siya habang tatlo ang mga ito. Napayuko siya at mahigpit na hinawakan ang espada niya. "Sa pagkakataong ito, nakikipaglaban sila para sa akin. Kaya hindi ako dapat mawalan nang pag asa dahil may tiwala kami sa isa't isa!" biglang sigaw niya. Inipon niya ang kanyang lakas at kapangyarihan sa kanyang espada. Napaatras naman sina Mest sa lakas na nagmumula rito. Nakita nilang nagbago ang kulay ng espada ni Khethania at sa isang iglap lang ay nawala ito. Nakita naman ni Mest na bumagsak si Recca, habang may tama sa dibdib mga braso. Napansin naman niyang mabilis na umiiwas si Seren sa mga mabibilis na atake nito. Napangisi siya sa nakikita niya. Ang kakayahan nito na gumamit ng espada ang naging dahilan kung bakit naging mabilis ito. Nais niya pa naman sanang makita ang totoong kapangyarihan nito, bilang isang phoenix. Hindi halos makasabay si Seren sa bilis ng mga atake ni Khethania. Tanging depensa lamang ang nagagawa niya. Maging ang depensa niya ay nahihirapan din siya. Sa sumunod na atake ni Khethania ay hindi niya nakayanan, natamaan siya at tumilapon. Nang tumilapon na si Seren ay mabilis siyang lumapit kay Mest at hinampas ng espada. Ngunit nasangga iyon ni Mest at hindi man lang naapektuhan sa atake niya. Napangisi naman si Mest sa ginawang pag atake nito sa kanya. Ngunit masasabi niyang hindi pa nito nalampasan ang kakayahan at kapangyarihan niya. Sa isang kilos ng kamay niya ay tumilapon si Khethania at bumangga sa pader. "Hindi mo ako mapapantayan Khethania, kaya bibigyan ulit kita nang pagkakataong mamimili. Sasama ka ba nang kusa o kailangan pa nilang mamatay para lang sumaman ka sa amin," sabi ni Mest kay Khethania. Dahan-dahan naman tumayo si Khethania at seryosong tumingin kay Mest. Magsasalita pa sana siya upang sagutin ang sinabi nito. Ngunit natigilan siya nang may nakita siyang imahe nila Bella, Drake at Dylan na nakikipaglaban. Nakita niya kung paano nahihirapan si Bella sa pakikipaglaban nito. Samantalang tila inaasar naman si Drake ng kalaban nito dahil nakikita niya ang pagkapikon sa mukha nito. Samantalang patuloy naman sa pakikipaglaban si Dylan sa katapat nitong si Luther. May tiwala siya sa kakayahan ni Dylan pero hindi niya masasabi kung kaya ni Drake at Bella ang pakikipaglaban sa mga kaharap nito. "Kaya kong pahirapan sila kahit nandito ako. Kaya rin ni Recca na gamitin ang kapangyarihan niya, upang ma-distract sa laban. Imbes na makipaglaban nang maayos ay hindi niya magagawa. Tingnan mo Khethania, sige gawin mo na Recca," sabi ni Mest. Napatango si Recca at ginawa ang sinabi nito. Natigilan si Khethania dahil biglang lumitaw ang imahe ni Diana sa lugar kung saan naglalaban sina Drake, Bella at Dylan. Pareho ang mga ito na natigilan sa nakita. Lalo ja si Drake na hindi halos makakilos. "Kayang utusan ni Recca si Diana na patayin ang mga ito. Habang nag aalinlangan sila sa pakikipaglaban. Marami pa akong maaring gawin Khethania, iyon ay kung marunong kang tumanggap nang pagkatalo at sumamam na nang maayos sa amin," nakangising sabi nito. Nanatiling nakatingin si Khethania sa mga imaheng pinakita ni Mest sa kanya. Hindi niya mapigilan ang luha lalo na at sumugod ang mga kalaban nito. Nakita niya kung paano pahirap sina Bella. Napakuyom niya ang kanyang kamao habang nakatingin dito. Hindi niya alam kung anong gagawin, ang tanging gusto niya ay itigil na pagpapahirap sa mga kaibigan niya. Napayuko siya habang umiiyak, nalilito siya kung anong gagawin. "Marunong akong tumupad sa usapan Khethania, basta marunong ka rin," nakangising sabi ni Mest at naglakad palapit dito. Nanatiling nakayuko si Khethania habang umiiyak. Mayamaya ay nagsalita siya. "Sige, sasama na ako," biglang sabi ni Khethania. Kaya napahinto sa paglakad si Mest at napangisi. "Basta ipangako mong aalis na rin sila dito," umiiyak niya paring sabi. "Well done, okay I promise," sabi ni Mest at tinulungan pa siyang makatayo pero tinapik niya ang kamay nito. "Umalis na tayo, kung saan niyo man ako dadalhin," sabi niya dito. "Okay, Okay let's go. Timmy, Luther, Rogue lets go," marahang sabi nito. Gumamit ito ng teleportation kasama si Khethania. Nakarating sila sa labas ng Gordon. Mayamaya pa ay dumating na rin ang kasamahan nito, na naging kalaban nina Bella kanina. "We need to go back," sabi nito saka tuluyang nilisan ang kaharian ng Gordon kasama si Khethania. Muli pang sumulyap si Khethania sa kaharian at malungkot na namaalam dito. "Hindi ko alam kung dapat ko pa ba itong isipin pero, nasisiguro akong hindi dito matatapos ang lahat. May tiwala ako sa inyo. Alam kong hindi ninyo hahayaang balutin nang kasamaan ang mundong ito. Lalo na saiyo Dylan, may tiwala ako saiyo tulad nang pagtitiwala mo sa akin. Ngunit sadyang ganito ang magiging kapalaran ko at kung may pagkakataon pa, lalaban ako para sa kalayaan ko," sambit niya sa sarili at tuluyang nilisan ang lugar kasama ang mga slayers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD