Chapter 18

1727 Words
BELLA'S POV Lumipas ang dalawang araw ay wala kaming tigil sa pagbabantay sa paligid ng palasyo. Napansin ko naman ang pagiging seryoso ni Drake habang naghihintay kami, kung kailang susugod dito ang mga taga-Holland; lalo na ang mga slayers. Alam ko naman kasi kung bakit siya ganyan. Kung noon ay iniwasan niyang makaharap ang mga ito, habang naglalakbay kami patungong Allejera. Ngayon siguradong hindi na namin iyon maiiwasan at mas pinaghahandaan niya iyon. Nang sinabi kasi ng hari sa amin, na sa anumang oras ay paniguradong susugod dito ang mga taga-Holland dahil narito si Khethania ay inihanda na namin ang aming mga sarili. Dahil siguradong mapapalaban kami at talaga naman lalaban rin ako para kay Khethania. Ipinagkait nila sa kaibigan ko ang magkaroon nang masayang pamilya. Kaya naman hindi ko hahayaan na maging ang kalayaan ng kaibigan ko ay ipagkakait rin nila. Hindi ako makakapayag sa nais nilang gawin kay Khethania. Sinabi sa amin lahat nang mahal na hari ng Gordon, kung sino ang pumatay sa hari at reyna ng Allejera. Alam na namin ang tungkol doon pero nagulat parin ako dahil magkapatid pala ang hari Holland at Allejera. Hindi namin alam kung ano ang dahilan kung bakit iyon ginawa nang hari ng Holland, ngunit sa tingin ko at dahil iyon sa inggit. Mabubuting tao ang hari at reyna ng Allejera at pinapahalagahan nila ang kapakanan nang kanilang mamamayan. Kaya sang-ayon ako sa nais nang hari ng Gordon, na gabayan namin si Khethania upang makuha nito ang kalayaan mula sa Holland at kalayaan ng mga taga-Allejera na ginawang alipin ng mga taga-Holland. Nais kong maging masaya si Khethania, nakakagulat man ang pagkatao niya ay hanga rin ako sa pamilyang pinanggalingan niya. She have a blood of phoenix and speaking of that, Holland is not only her enemy. There is also the dark wizard. Kung nag aalala ako sa gagawin ng mga taga-Holland kay Khethania, mas lalo ako nangangamba sa kung anong gagawin ng dark wizard na iyon. Wala kaming alam kung kailan ulit ito aatake pero sana huwag siyang makisabay at baka mahirapan kaming talunin silang lahat; lalo na at mahina pa ang kapangyarihang taglay ni Khethania. "What's wrong?" Napatingin ako bigla sa nagsalita at nakita ko si Drake na kakarating lang at may dalang pagkain. Inilapag niya ito sa harapan ko. Napabuntong-hininga ako. "Nag aalala pa rin ako sa kung ano ang mangyayari," sambit ko at muling napabuntong-hininga. "Ano bang inaalala mo?" muli niyang tanong. Napatayo ako at tumingin sa malayong dako. Magdidilim na at nandito parin kami aa tower upang makiramdam sa mga kalaban. "Alam nating dalawa na hindi lang mga Holland ang nais na ipahamak si Khethania. Nandiyan pa ang dark wizard na iyon at iyon ang ipinag aalal ko lalo," seryoso kong sabi. Naramdaman kong tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko saka marahang pinisil iyon. "Naiintindiha kita, ganya din ang nararamdaman ko. Hindi natin alam kung kailan sasalakay ang kalaban. Ang tanging magagawa na lang natin ngayon ay ang mag ingat at maghintay," sabi niya. Marahan akong tumango. Habang nakatingin ako sa malayo may napansin akong paparating. Nararamdaman kong hindi ito kalaban dahil nakita kong isa itong ibon. "May paparating," sabi ko. Tumingin naman si Drake sa tinitingnan ko. Malinaw na namin na nakikita ito at may napansin akong nakalagay sa paa nito. Isang sulat. Nang tuluyan na itong makalapit sa amin ay kinuha ko kaagad ang sulat na iyon. Pamilyar sa akin ang amoy at nasisiguro kong kay tita Minerva ito galing. "Kay tita Minerva," sabi ko at tiningnan ang nakasulat dito. Natigilan ako sa mga nabasa ko at napatingin kay Drake. Bella, alam ko kung nasaan kayo ngayon. Siguradong nasa Gordon na kayo at nakikita ko ang mga nangyayari diyan. Ngunit biglang nawala ang mga imahe na mula diyan kaya paniguradong may nilagay na kayong spell diyan kaya nagpadala na lamang ako ng mensahe. Paparating na ang kalaban niyo na mula sa Holland. Papunta na rin diyan sina Camilla at Leo para makita si Khethania. Ngunit higit sa lahat, mag ingat kayo dahil hindi lang taga-Holland ang makakalaban niyo. Nakikita ko siyang nagmamasid diyan, pero mukhang nalaman niya na nakita ko siya at bigla hindi ko na siya makita. Ingatan niyo ang mga sarili niyo; lalo na si Khethania. May papalapit na panganib diyan kaya mag ingat kayong lahat.... Tita Minerva. Nagkatinginan kami ni Drake dahil sa nabasa namin. May nagmamasid? Ibig sabihin nasa paligid lang namin ang dark wizard? Ngunit wala siyang ginawa kundi pagmasdan lang kami? "Paparating sina tita Camilla," biglang sabi ni Drake. Tumango ako. "Mukhang nalaman nila mula kay tita ang sitwasyon ni Khethania ngayon," sabi ko. "Kung pupunta sila dito, siguradong magkikita sila ng reyna," sabi naman ni Drake. Oonga pala, nakakagulat din nang malaman namin na magkapatid pala ang reyna at si tita Camilla. Wala kaming ka alam-alam tungkol doon at ganoon rin si Khethania. Kaya nakakagulat talaga at ngayon papunta sila dito para kay Khethania. "Ipaalam natin ito sa hari," sabi ko. Sumang-ayon naman si Drake at sabay na kaming pumunta sa kung saan naroon ang hari at reyna. KHETHANIA'S POV Marahan kong minulat ang mga mata ko. Nararamdaman ko ang kakaibang aura sa katawan ko. Maging ang mga kamay namin ni Dylan na magkahawak. "Khethania, ayos ka lang ba?" narinig kong tanong ni Dylan. Pinisil niya ang kamay ko at ganoon rin ang ginawa ko. "Oo ayos lang ako," sagot ko sa kanya. "Sandali na lang at matatapos na tayo. Kailangan mong indahin ang sakit na mararamdaman mo ngayon," sabi niya sa akin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero may tiwala naman ako sa kanya. Medyo nanghihina na rin ako dahil ilang oras na rin ang nakalipas. Hindi ko alam kung araw o oras lang ba ang lumipas habang nandito kami ni Dylan. "Heto na, indahin mo Khethania," sabi ni Dylan. Inihanda ko ang sarili ko. Mayamaya may kakaiba akong naramdaman. Umaakyat mula sa paa ko ang kakaibang aura paitaas hanggang sa ulo na tela ba nais nitong sumabog. "Ahhhhh!" sabay naming daing ni Dylan nang tela may sumabog na nga at subrang sakit ang naramdaman ko. Para bang nakuryente ang buo kong katawan. Sabay naming nabitawan ang magkahawak naming kamay ni Dylan at tuluyan na akong napahiga habang iniinda parin ang kakaibang sakit na nararamdaman ko. "K-Khethania, m-magpahinga muna tayo saglit," narinig kong sabi niya. "O-Okay," nahihirapan kong sagot. Napapikit ako dahil sa panghihina ng katawan ko. Mayamaya pa ay napansin kong kumilos na siya. Siguradong nagbibihis na siya, kaya naman kumilos na rin ako at nagbihis. Nang makabihis ako ay sumandal ako sa katabing puno kung nasaan kami. Napansin kong lumapit siya at gaya ko ay napasandal rin siya sa puno. "Are you okay?" tanong niya sa akin. Marahan akong tumango sa kanya. "Oo, medyo nanghihina lang ako dahil sa tagal natin doon," sabi ko sa kanya. "Ganoon talaga, tulad ng mga magulang ko ay ginawa na rin nila iyon. Lagi nila iyong ginagawa sa loob nang isang taon para bumalik ang lakas nila. Noon ko pa gusto gawin iyon pero hindi naman iyon pweding gawing mag isa. Kailangang dalawa, babae at lalaki," sabi ni Dylan kaya naman napatingin ako sa kanya. "Kung ganoon, bakit hindi mo ginawa iyon kasama ang reyna," sabi ko sa kanya. Umiling siya sa sinabi ko. "Dapat iisang kapareha lang ang pweding dapat na gumawa no'n. Hindi pweding iba-iba at dapat may koneksyon kayo sa isa't isa kapag gagawin iyon," sagot niya sa akin. "Kung ganoon, nagawa ba natin iyon nang tama?" sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. "Kung may koneksyon tayong dalawa ay magagawa natin iyon nang tama," sabi niya sa akin. Napatingin rin ako sa kanya. Pareho kaming napatitig sa isa't isa at parehong hindi nakapagsalita. Bahagya akong napalunok at umiwas nang tingin sa kanya. "Maybe, we have and I can feel it," narinig kong sabi niya. Natigilan muli ako nang maramdaman kong hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako doon bago sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin sa kamay namin, saka muling tumingin akin. W-What's this? Kinabahan ako bigla sa kakaibang tingin na binigay niya sa akin. Iniangat niya ang kamay ko habang pareho kaming napatingin doon. "I don't know but, I wanted to protect this hand with those people who wants to hurt it," sabi niya habang nakatingin parin doon. Marahan niya pa iyong hinahaplos na tila mamahaling bagay. Hindi ko mapigilan ang kakaibang kabog nang dibdib ko dahil sa ginagawa niya. Bakit nga ba niya sinasabi ang mga bagay na ito. Bakit naging ganito ang kilos niya ngayon sa akin? "A-Ano bang pinagsasabi mo," naiilang ko nang sabi at akmang babawiin ang kamay ko nang higpitan niya ang pagkakahawak nito. "I don't want to let go of this hands," muling sabi niya. Muli naman akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga sinasabi nang lalaking ito. "You know what, I promise before that; the woman who will join that spell with me, she will be my queen." Napabuka ang bibig ko sa gulat dahil sa sinabi niya. His queen? Hindi ako makakuha nang sagot dahil sa mga sinabi niya. Naramdaman ko ulit ang kabog na kanina pa hindi nawawala dahil sa mga pinagsasabi niya. Napakurap na lamang ako nang halikan niya bigla ang kamay ko. "I'll promise. I will protect you, Khethania," nakangiti niyang sabi sa akin. Tumayo siya kaya nahila niya ako dahil nanatiling nakahawak siya sa kamay ko. "Let's go, they are waiting for us," sabi niya. Wala sa sariling tumayo na rin ako. Nanatili parin magkahawak ang kamay namin habang naglalakad kami palabas. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi at ginagawa niya. Isa lang ang nasa isip ko, pamilyar ang ganitong nararamdaman ko. Minsan ko na itong naramdaman noong nililigawan ako ni Drake. Inaamin ko naman na naa-apektuhan ako sa mga ginagawa at matatamis na salita ni Drake noon. Ngunit tanging kaibigan lamang ang tingin ko sa kanya at wala nang iba. Samantalang ito si Dylan, kamakailan lang kami nagkakilala at nagkasama. Ngunit kakaiba na rin ang nararamdaman ko, lalo na ngayon sa mga sinasabi niya. Nabigla ako. Hindi ko aakalaing manggagaling ang mga salitang iyon sa kanya. Samantalang bago ko pa lamang siyang nakilala. Totoo kaya ang mga sinasabi niya? Kailangan ko bang maniwala sa kanya? Ano ba ang ibig sabihin ng mga sinabi niya. Tama bang sabihin kong.....may gusto siya sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD