Chapter 17

2050 Words
Sabay na naglakad sina Bella at Khethania palabas nang kanilang kwarto. Kanina lamang ay pinuntahan sila nang tagapagsilbi upang mag agahan kasama ang hari at reyna. Kahit na kinakabahan parin sila na muling makaharap ang hari at reyna ay kailangan parin nilang humarap sa mga ito. "Nakakailang pala kapag ang hari at reyna ang umaya saiyong makisabay sa kanilang kumain eh no?" natatawang sabi ni Bella. Bahagyang natawa rin si Khethania, dahil maging siya ay naiilang at kinakabahan. "Oonga eh, first time ko iyong ganito," sagot naman ni Khethania. "Di bale mas masarap parin sa pakiramdaman, na ang bestfriend mo ay isa palang princessa sa isang kaharian," nakangiting sabi ni Bella sa kanya. Napailing lang siya dito. "Bilisan na nga natin, nakakahiya namang paghintayin sila. Huwag mo na akong bulahin pa diyan," sabi na lang niya dito at hinawakan ang kamay. Binilisan nila ang lakad upang makarating na agad sila. Nang makarating sila ay nakita nilang sila na lang pala ang hinihintay. "Pasensya na po," hinging-paumanhin ni Khethania sa mga ito saka sila umupo ni Bella. Ngumiti lang ang mga ito sa kanila. "Okay lang iyon, prinsesa," sagot ng reyna sa kanya. Kaya naman mas lalo siyang nailang. Pinagsilbihan naman sila ng mga katulong nito. "Khethania," tawag sa kanya ng hari. Bumaling naman siya sa hari at nakita niyang nakangiti parin ito sa kanya. "Nalaman kong magaling ka palang gumamit ng espada. Sigurado akong sina Camilla ang nagturo saiyong gumamit nang ganyan," sabi ng hari sa kanya. Marahan tumango si Khethania dahil sa sinabi nito. "Oo, sila ang nagturo sa akin," nakangiting sagot niya dito. "Si Camilla ay talaga bihasa na sa paggamit ng mga sandata at isa siya sa nagtuturo noon dito. Samantalang si Leo naman ay isa sa may mataas na ranggo dito sa palasyo. Mahigpit na ipinagbabawal noon, na magkaroon nang relasyon ang kung sino man ang kasapi dito sa palasyo. Nang malaman ng mga magulang ko ang relasyon nila ay pinarusahan sila at inalis sa mga ranggo nila. Buntis na si Camilla noon kaya naman pinaalis sila dito sa palasyo," sabi ng hari. Hindi nakapagsalita si Khethania sa narinig niya mula rito. Napatingin naman siya sa reyna at napansin niyang napayuko ito. "Humingi siya nang tulong sa akin pero binalewala ko siya at pinatapon sa malayo kahit buntis siya. I really made a big mistake to her," malungkot na sabi nito. Nararamdaman niya ang sakit at pagsisisi nito dahil sa ginawa sa sariling kapatid. Kaya naman isang malungkot na ngiti ang binigay niya dito. "Huwag po kayong mag alala, sigurado akong maiintindihan kayo nina mama. Mababait sila at alam kong mapapatawad niya kayo," sabi niya dito. Nag angat nang tingin ang reyna at ngumiti sa kanya. Nagpatuloy sila sa pagkain at pagkukwentuhan sa mga nangyari. Hanggang sa muling nagsalita ang hari at seryoso ito sa sinabi. "Sa susunod na araw babalik kayo sa palasyo ng Allejera," seryosong sabi nito. Natigilan naman sina Khethania dahil sa sinabi nito. "Bakit po?" tanong ni Khethania. "It's time for you to merge the phoenix statue. Kapag naging isa na kayo ng phoenix, makukuha mo na ang kapangyarihan mo bilang phoenix at mawawala na ang nilagay na harang diyan sa kapangyarihan mo. Magagamit mo na ang kakayahan mong gumamit ng majika," seryoso parin sabi ng hari. Bahagyang napalunok si Khethania at hindi napigilan ang sarili na mapatingin kay Bella. Napatingin din ito sa kanya at seryosong tumango. "But before of that, Dylan and you will do something. He will tell you later about it," muling sabi nito kaya naman napatingin siya kay Dylan. "Okay,'' sagot niya Muli silang nagpatuloy sa pagkain at nang matapos ay sabay na rin silang umalis ni Dylan. Simula noong nandito na sila sa Gordon ay hindi niya pa ito nakasama na sila lang dalawa. Kaya naman bigla siyang nailang dito dahil sa mga nangyari. Sumunod lang siya kay Dylan, hanggang sa makarating sila sa isang kweba. May lihim na silid doon na siyang pinakatagong lugar ng Gordon palace. Nang makarating sila sa lugar na iyon ay hindi mapigilang mamangha sa nakikita ni Khethania sa paligid. Punong-puno nang liwanag ang paligid at may isang malaking puno na maraming bunga na iba-iba ang kulay. Kaya napatingin siya kay Dylan. "Anong lugar ito?" tanong niya kay Dylan. "This is the sacred garden," sagot sa kanya ni Dylan. Ngunit imbes na muling magtanong ay natigilan siya sa sunod nitong ginawa. Nakita niyang nagsimula itong maghubad sa harapan niya. Kaya bigla siyang tumalikod dito. "A-Anong ginagawa mo?" kinakabahan niyang tanong dito. "We're going to surpass your power with the body soul magic spell in this place," sagot sa kanya ni Dylan. "Ha? Eh anong kinalaman no'n diyan sa paghuhubad mo?" kinakabahan niya paring sabi habang nakatalikod dito. "Close your eyes," sabi ni Dylan sa kanya. Ginawa naman niya iyon at naramdaman niya ang kamay ni Dylan na humawak dito. "Hubarin mo lahat ng damit mo, kailangang wala tayong damit kapag gagawin natin ang magic spell na iyon. Pag nahubad mo na ang damit mo, lumuhod ka na nakatalikod sa akin. Ganoon din ang gagawin ko habang magkahawak ang kamay natin," sabi nito sa kanya. Hindi na siya nagtanong pa at sinunod na lang ang sinabi nito. Matapos niyang mahubad ang mga damit niya ay lumuhod patalikod dito at muling hinawakan ang dalawang kamay ni Dylan habang nakatalikod. "In this place, we can surpass our power even you. Magagamit mo ang makukuha mong kapangyarihan dito. Ngunit hindi ito magiging sapat upang makipaglaban ka. Mai-enhance ang kapangyarihan at abilidad mo sa paggamit ng mga sandata; tulad ng espada mo," sabi ni Dylan sa kanya. Habang sinasabi iyon ni Dylan may naramdaman siyang kakaibang aura sa katawan niya. Nais man niyang dumilat ay hindi niya ginawa. Nanatili siyang nakapikit katulad nang kay Dylan. "May itatanong sana ako," biglang sabi niya. "Ano iyon?" tugon ni Dylan. "Medyo malabo pa rin kasi sa akin ang lahat, lalo na sa kung sino ang babaeng nasa palasyo ng araw na iyon. Nais kong malaman kong sino iyon," seryoso niyang tanong dito. "Siya si Lucy Hollie; ang nag iisang princessa ng Holland. Pinsan mo siya dahil magkapatid ang pareho ninyong ama," sagot ni Dylan. Dahil sa sinabi ni Dylan, nagulat siya. Hindi niya aakalain na pinsan niya ang babaeng iyon. "Ngunit bakit? Bakit parang gustong-gusto niya akong patayin?" nagtataka niyang tanong kay Dylan. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Alam mo bang sila ang dahilan kung bakit namatay ang magulang mo? Ang hari ng Holland ang pumatay sa mga magulang mo. Sila ang dahilan kung bakit naulila ka. Sila rin ang dahilan kung bakit naging alipin ang mga tao na mula sa kaharian ng Allejera. Higit sa lahat, nais niyang makuha ka upang mapasakanya ang kapangyarihang tinataglay mo. Kapag nakuha na nila ang gusto niya. Papatayin ka rin nila at lahat ng mga taga-Allejera ay tuluyan nang magiging alipin. Gagamitin nila sa kasamaan ang kapangyarihang makukuha nila mula saiyo," mahabang sabi ni Dylan sa kanya. Hindi niya alam kung paano isasaisip ang bawat salitang sinabi ni Dylan. Hindi niya alam kung paano magsalita dahil sa mga nalaman niya. "Sa madaling salita, sila ang nagpahirap saiyo," seryosong sabi nito. Hindi nakapagsalita si Khethania sa sinabi ni Dylan. Wala siyang alam sa kung ano ang dahilan kung bakit iyon ginawa ng mga taga-Holland sa Allejera. Ang tanging nabuo sa isip niya ngayon ay ang mag ingat. "Sa mga sandaling ito, siguradong nagpaplano na sila kung paano ka makuha mula rito. Kaya naman marami na kaming tauhan na nakapaligid sa buong kaharian at dito sa palasyo. Upang hindi sila agad makapasok kung sakaling lulusob sila. Hinanda na namin ang dapat ihanda kapag pupunta sa sila dito. Dalawang araw tayong mananatiling ganito at hindi natin alam kung ano man ang mangyayari sa labas," muling sabi ni Dylan. Natigilan naman siya sa sinabi nito. "Ibig sabihin dalawang araw tayong magkasama dito?" "Oo, bakit? Naiilang ka ba sa akin?" tanong nito sa kanya. Bigla siyang nakaramdam nang kakaiba sa sinabi nito kaya hindi siya nakasagot. "It's okay, magiging komportable ka rin sa akin," muling sabi nito na mas lalong hindi siya nakapagsalita. Hindi na muling nagsalita si Dylan at pinakiramdaman ang kasama niya. Napangisi siya nang hindi na ito tumugon sa mga sinabi niya. Noong sinabi nang kanyang ama ang tungkol sa spell na ito ay nag alinlangan siya. Dahil maging siya ay naiilang sa mga sandaling ito. Hindi niya aakalaing si Khethania pa ang makakasama niya sa spell na ito. Matagal na niyang gustong gawin ang bagay na iyon pero wala siyang makuhang kapareha na makasama dito. Dahil mailap siya sa mga babaeng nakakasama niya at higit sa lahat, tanging isang babaeng may koneksyon sa pagtao niya ang dapat na makasama niya sa spell na iyon. Hindi niya aakalaing darating ang araw na magagawa niya ito, kasama ang isang babaeng kamakailan lamang niya nakilala ang makakasama niya sa spell na iyon. Napangiti na lamang siya at nag-fucos sa ginagawa nilang dalawa. Samantala, inaayos naman ni Bella ang latigo niya na nakalagay sa bewang, habang nakaupo. Kasama niya si Drake sa tower kung saan nakikita ang buong kaharian ng Gordon. Makikita mula sa tower ang kabahayan at ang magandang centro ng Gordon. "Ano kayang ginagawa ni Dylan at Khethania ngayon," biglang sabi ni Bella. Napatingin naman sa kanya si Drake na abalang tumitingin sa paligid. "Hindi ko alam, ang sabi ni Dylan dalawang araw silang mananatili sa lugar na iyon. Hindi naman niya sinabi kung saan, basta nandito lang raw sa palasyo," sagot ni Drake sinabi ni Bella. "Ganoon ba," tugon ni Bella at tumayo saka tumabi siya kay Drake. "Nararamdaman ko ang kakaibang simoy ng hangin," seryosong sabi ni Drake. Naging seryoso rin ang tingin Bella sa malayong bahagi ng kaharian. "Ako rin, malayo pa ito pero siguradong papunta iyon dito," mariing sabi ni Bella. Natahimik silang pareho at mariing dinadama ang kakaibang simoy ng hangin habang nakapikit. "Hindi ko masabi kung kailan sila makakarating dito, ngunit nasisiguro ko na pagnandito na sila tapos na sina Dylan at Khethania," muling sabi ni Drake at minulat ang kanyang mga mata. Ganoon rin si Bella at tumango sa kanya. "Siguradong ang grupo ng slayer ang paparating, kaya kailangan natin itong paghandaan," mariing sabi ni Bella at naikuyom ang kamao. Alam nila ang kakayahan ng bawat membro ng grupo at masasabi nilang mahuhusay ang mga ito. Napalaban na sila sa mga ito at tanging apat lamang ang nakaharap nila at may dalawa pang hindi. "Anim silang membro ng slayer at apat lang ang nakaharap natin. Wala ang dalawa sa kanila at sigurado akong makakasama nila ang dalawang tao na iyon sa pagsugod nila dito," sabi ni Bella. Napansin ni Bella ang kakaibang aura kay Drake, kaya naman hinawakan niya ang kamay nito upang pakalmahin. "Wala si Mest at Recca," mariing sabi ni Dylan. "Drake," sambit ni Bella at niyakap ito. "I will not forgive him for killing my sister. This is the time that I will avenge her. I kill Mest," mariing sabi ni Drake. Walang nagawa si Bella sa galit na nararamdaman nito. Niyakap na lamang niya ito upang maibsan ang galit na nararamdaman nito. Alam ni Bella ang tungkol sa pagkamatay ng kapatid ni Drake. Kaya nila iniiwasan ang pagdaan noon sa Laloma ay dahil ayaw muna ni Drake na makaharap ang mga Slayer na pumatay sa kapatid niya; lalo na si Mest na siyang pumatay dito. Dumaan noon sila Drake at kapatid niya upang magdala ng gamot papunta sa Allejera pero hinarang sila ng mga Slayers. Nais nilang bumalik na lamang upang hindi sila mapalaban pero hindi sila hinayaang makaalis. Napalaban sila ng kapatid niya sa mga ito. Ngunit sadyang mahuhusay ang mga ito na gumamit ng majika kaya natalo sila at sa harap niya pa mismo pinatay ang kapatid niya. Dumating noon ang hari upang pigilan ang mga slayers at pinaalis sila doon. Humihinga pa ang kapatid niya noon pero binawian na rin habang pabalik na sila sa Atlanta. Kaya nangako siya sa sarili noon na ipaghihigante niya ang kapatid. Nagsanay at nagpalakas siya para kapag nakaharap na niya ang mga ito ay matatalo na niya. Kaya naman ayaw niyang makigulo ang mga ito sa misyon nila sa pagpunta muli sa Allejera, pero sa pagkakataon ito ay hindi na ito palalapasin pa ni Drake. Haharapin niya ito at sisiguraduhin niyang siya ang makakapatay dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD