Chapter 16

1756 Words
THIRD PERSON POV Hindi alam ni Khethania na may nakatingin sa kanya habang naglalakad siya palabas ng silid na iyon. Napangiti ito sa tapang na pinapakita nito. Alam niyang kayang-kaya nitong malampasan ang mga pagsubok na darating dito. "You're brave my dear, I know you can protect those person who's important to you," sambit nito sa sarili. Magaan ang loob niya dahil may tiwala siya kay Khethania. Alam niyang hindi nito ipapahamak ang lahat at po-protektahan niya ang lahat. "For now, that's the only thing that I can left to you. The spell that I give you earlier, you will use that and you will remember that spell," muling sambit nito at tuluyang nawala. Hindi alam ni Khethania na sa pagyakap nito kanina ay may nilagay itong spell. Isang spell na tanging maiiwan nito sa kanya upang protektahan siya. Samantala, nakarating si Khethania sa kwarto na binigay sa kanila ng reyna. Kasama niya si Bella sa kwarto at may mga damit na rin na inihanda sa kanila. Tahimik na nakatayo si Khethania habang malayo ang tingin. Nakita siya ni Bella na tahimik lang kaya naman nilapitan niya ang kaibigan. "Are you okay?" tanong niya dito. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihing 'okay nga lang ba ako' dahil sa tingin ko, hindi pa magiging okay ang lahat," sagot nito. Napabuntong-hininga si Bella sa isinagot ng kaibigan. Tumabi siya dito. "Alam ko ang nararamdaman mo, kaya hindi ako magtatanong ng kahit ano. Ang masasabi ko lang, hindi mo kailangang madaliin ang pagtanggap sa katotohanan nang pagkatao mo. Unti-unti lang Khethania at matatanggap mo rin ang nakatandhana saiyo," sabi ni Bella dito. Hindi sumagot si Khethania at napayuko lang ito. Hinawakan ni Bella sa balikat ang kaibigan at hinagod niya ito. "I still don't know, where I start for everything about myself," tanging sabi ni Khethania. "All you need to do is to start now, stand up and don't let your guard down. Lalo na at maraming nakaabang upang ipahamak ka. Nandiyan pa ang mga taga-Holland at ang itim na salamangkera. Huwag mong hayaang lamunin ka nang nararamdaman mo. Kailangan mong magpalakas at nandito lang kami para tumulong saiyo, kapag kailangan mo nang karamay," nakangiting sabi ni Bella sa kanya. Nag angat siya nang tingin kay Bella. Ngumiti siya dito at niyakap. "Iyong grandmother mo, nasaan na pala siya?" tanong ni Bella. Humiwalay siya yakap dito at tumingin sa malayo. "Bumalik na siya kung saan man siya nararapat ngayon. Matapos sabihin sa akin ang lahat kung ano ako at anong klaseng pamilya kami," nakangiting sabi niya. "Kung ganoon wala na pala siya?" sabi ni Bella. Tumango lang si Khethania at hindi mawala dito ang ngiti niya. "Nagugulat parin ako sa mga nalalaman ko tungkol sa pagkatao ko. Lalo na at nakilala ko ang lola ko at pamilya ko. Hindi ko maintindihan pero masaya parin ako sa mga nalaman ko. Kahit na wala na sila sa tabi ko ngayon, mananatili parin sila sa puso ko at ginagabayan ako. May mga tao akong dapat protektahan at mga taong umaasa sa akin. Higit sa lahat, kayo na mga kaibigan ko at handang samahan ako. Ma-swerte parin ako dahil nandito kayo at hindi ako iniiwan," nakangiting sabi ni Khethania sa kanya. Hindi napigilang maging emosyonal ni Bella at marahan itong hinampas ang braso niya. "Ano ka ba, syempre nandito kami para saiyo. Kung ano mang laban mayroon ka, sasamahan ka namin hanggang sa makuha mo ang tagumpay," nakangiting sabi ni Bella. Muli silang nagyakapang dalawa habang umiiyak. Habang nag uusap naman sila ay narinig naman lahat ni Dylan at Drake ang mga pinag-usapan nila. Napangiti na lamang si Drake, habang napailing si Dylan. "Gaano niyo na ba kakilala si Khethania?" biglang tanong ni Dylan kay Drake. Bumaling naman si Drake kay Dylan na nakatingin parin kina Khethania. "Well, naging kasama ko sila ni Bella noong nag aaral kami ng martial art doon sa kaharian ng Atlanta. Matagal nang magkaibigan ang dalawang iyan. Higit sa lahat, isa ako sa mga nanliligaw kay Khethania noon," nakangiting sabi ni Drake. Nagulat naman si Dylan at napatingin kay Drake. Hindi niya inaasahan ang sinabing iyon ni Drake. "Isa ka sa nanliligaw kay Khethania noon?" hindi makapaniwalang sabi niya dito. Natawa naman ni Drake dahil sa gulat niya. "Nakakagulat ba ang malaman 'yon? Look at Khethania, she's beautiful and kind. Sino ba ang hindi magkakagusto sa kanya? Alam mo bang maraming humahanga sa kanya bilang isang swordwoman? Masasabi ko ngang ma-swerte ako dahil napansin niya ako at hinayaang ligawan siya," sabi ni Drake sa kanya. Hindi agad nakapagsalita si Dylan at napatingin na lang kay Khethania na nakangiting nakikipag usap kay Bella. Hindi maintindihan ang sarili habang nakatingin kay Khethania. May kung anong nararamdaman siya dito. Hindi niya alam kung ano. "Do you still love her?" wala sa sariling tanong ni Dylan kay Drake. Habang nanatiling nakatingin parin siya kay Khethania. "Actually yes, but even if I love her. I already destined to marry someone, that's Bella. We are just arrange marriage, but I tried everything to love her. Nagawa ko naman at nakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Khethania. Tanging panghihinayang na lang ang nasa akin at gusto kong bumawi sa kanya dahil sa biglang pagkawala ko. Hindi ako nagpaalam sa kanya at walang sinabi si Bella sa kung anong relasyon namin. We feel guilt for everything," sabi ni Drake at napabuntong-hininga. Napatingin sa kanya si Dylan. "Siguro naman maiintindihan iyon ni Khethania," sabi ni Dylan. Ngumiti lang si Drake at muling tumingin sa dalawang babaeng tumatawa na ngayon. "I know her very will, she will understand everything about us. But still I feel guilt, for leaving her without telling the truth," malungkot na sabi ni Drake. "Knowing her, yes she will understand. It's up to you if you still feel that, if you have to make it up to her. Then, you already did for being with her now," sabi Dylan. Marahang tumango si Drake sa kanya at seryoso napayuko. "Bella and I promise together to help her, to achieve everything. We are willing to help her and get everythings back," mariing sabi niya. "Me too," sagot naman ni Dylan. Napatingin si Drake sa kanya at nakitang kina Khethania ito nakatingin. Napangisi siya dahil sa kakaibang tingin niya sa babae. Ganito rin kasi niya ito tingnan noon. "Do you like her?" biglang tanong ni Drake na ikinabigla ni Dylan. Napatingin ito sa kanya. "W-What? Who?" nalilitong sabi nito. Napailing si Drake habang nakangisi kay Dylan. "You know whom I talking about, Dylan," nakangising sabi nito. Umiwas nang tingin si Dylan dahil sa mapang-asar na tingin ni Drake. "It's okay if you can't say something, but the way you look at her, is the way I look at her before. I want to treasure her more, but now I treasure someone else," sabi ni Drake at napatingin na lamang kay Bella na nakangiti kay Khethania. Inaamin niyang nahirapan siyang pakisamahan ito, lalo na at kaibigan ito nang babaeng gusto niya. Ngunit ginawa niya lahat upang makisama nang maayos dito. Hanggang sa matutunan na rin niya itong mahalin. "I don't know, but I want to protect her to those people who wants to harm her," biglang sabi ni Dylan kaya naman muling napatingin sa kanya si Drake "I am too," sagot naman ni Drake at napangiti sila sa isa't isa saka sabay na tumingin kina Khethania. Samantala, sa kaharian ng Hollad. Isang malakas na hampas ng latigo ang umalingaw-ngaw sa loob ng palasyo. "I told you to get her! Not to play with them!" galit na sigaw nang kanilang prinsesa. Si Lucy; ang nag iisang anak nang hari at reyna ng Holland. Walang kahit sino dito ang dumadaing sa sakit, habang hinahampas ng latigo. Dahil kapag dumaing ang mga ito ay mas malakas na hampas pa ang ibibigay nito. Kaya tahimik na iniinda nang grupo ng Slayers ang sakit na mula sa latigo ng prinsesa. "Mga wala kayong kwenta! Kukunin niyo lang nakipaglaban pa kayo!" galit na sigaw ni Lucy sa mga ito. Napayuko ang mga ito at walang kahit na sino sa kanila ang nagsalita. "Calm down my princess, you don't need to be harsh with them. Sila ang mga magagaling natin na wizard. Kaya huwag kang masyadong magpadala sa nangyari," awat sa kanya ng kanyang amang hari na si Gregor Hollie; siya ang kapatid nang hari ng Allejera, na si Haring Rafael. "Tsss! This is the first time that you failed your mission. I will forgive you all this time, just this time! Once you all failed again, I will make sure that you will deserve a painful punishment! Understand?!" sigaw ni Lucy sa mga ito. "Yes princess!" sabay na sabi nito. Napabuntong-hininga si Lucy at umupo sa trono kasama ang ama niya. Nasa harapan nila ang limang membro ng grupo at nakayuko sa kanila. "Sa ngayon, paniguradong nasa Gordon na sila kaya medyo mahihirapan tayong makapasok doon kaya planuhin niyong mabuti ang pagsugod niyo doon," sabi ni haring Gregor sa kanila. Napairap naman sa kawalan si Lucy at tumingin sa ama niya. "Mahihirapan? Wala iyan sa atin ama, lahat nang gusto natin ay nakukuha natin. Kaya hindi natin kailangang mahirapan sa pagpasok sa Gordon. Isa pa nandito si Mest, sa kanya ko ipapaubaya ang babaeng iyon. Kayo! Bahala na kayong makigulo sa kanila, kapag nakuha na ni Mest ang babaeng iyon. Umalis na agad kayo sa lugar na iyon at huwag nang makipaglaro!" naiinis pa rin na sabi Lucy sa kanila. "Yes princess," sabay na sagot ng mga ito. Kahit na naiinis si Lucy sa mga ito. Inaamin niyang mapagkakatiwalaan ang mga ito; lalo na sa mga kapangyarihan nitong taglay. Subalit may pag aalangan parin siya dahil sa prinsepe ng Gordon. Si Dylan. Magaling at mahusay ito. Marami na siyang naririnig dito kaya kailangang pagbutihin ng mga ito ang pagkuha kay Khethania. Pinaalis na nang hari ang grupo ng slayer at naiwan sila nang anak niyang si Lucy. Napansin niya na natahimik ito kaya nilapitan niya ito. "What's wrong, Lucy?" tanong nito sa anak. "Nothing, I need to rest," tanging sabi nito at iniwan na siya. Nakatingin lang ang siya sa anak niyang naglalakad palabas at patungo sa silid nito. Simula nang mawala ang ina ni Lucy ay naging gahaman na rin ito sa kapangyarihan at nais makuha ang lahat nang gusto nito. Lalo na ang pagkakaroon nang kapangyarihan ng phoenix. Hindi niya alam kung tama ba ang mga pinaplano nito pero may tiwala siya sa kakayahan nito. Kaya naman handa siyang tulungan ito sa nais nitong makuha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD