Chapter 8

1752 Words
KHETHANIA'S POV Dark wizard. Ano ba talaga ang ibig sabihin no'n? Bakit sinasabi nila Bella na ako anh puntirya. Hays! "Here, eat this," narinig kong sabi ni Bella. Binigay niya sa akin ang isang isda na inihaw ni Drake. Nandito kami sa tabing-ilog at kumakain. Mabuti na lang at marunong kumuha ng isda si Drake kaya may nakakain rin kami. "Huwag mo nang isipin iyon, ang mahalaga walang nangyari sa saiyo," muling sabi ni Bella na tumabi sa akin at kumakain rin. "Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niyo kanina, ano bang kinalaman ng dark wizard sa nangyari kanina," tanong ko sa kanya. Napansin kong natigilan siya at bahagyang binaba ang kinakain niyang isda saka napayuko. "Ang alam ko kasi, galit ang mga dark wizard sa mga may lahing phoenix. Alam mo ba kung anong klaseng lugar ang Allejera?" seryosong sabi niya. Natigilan ako bigla, ang Allejera. Oonga pala, muntik ko nang makalimutan. Minsan ko na iyong narinig na ang lugar ng Allejera ay may lahing phoenix. "May lahi silang phoenix, kaya hindi ko alam kung bakit ka inatake ng dark wizard o di kaya may lahi kang Phoenix?" sabi niya at seryosong tumingin sa akin.. Natigilan ako at hindi nakapagsalita. P-Posible kaya iyon? "Sa Allejera ka natagpuan nina tita at tito, kaya may posibilidad na may lahi kang phoenix," muli niyang sabi. "Pero hindi lahat nang nakatira sa Allejera ay mga may lahing phoenix, dahil sa pagkakaalam ko ang maharlikang pamilya lamang ng Allejera ang nagtataglay nang kapangyarihan ng phoenix," biglang sabi ni Drake na nakalapit na pala sa amin. "Pero bakit inatake siya ng dark wizard, alam naman natin na malaki ang galit ng mga ito sa mga phoenix," sabi ni Bella. "Wala tayong ediya sa nais ng taong iyon, lalong wala tayong ediya sa tunay na pagkatao ni Khethania," sabi ni Drake kaya napabuntong-hininga si Bella at napatingin sa akin. "Sabagay," aniya. "Sige na, kailangan nating maghanap ng masisilungan ngayon. Dahil mukhang uulan at malapit nang gumabi," seryosong sabi ni Drake. Tumango kami ni Bella sa kanya kaya inayos na namin ang gamit at naghanap nang pwedi naming pagsilungan ngayong gabi. "Malapit na tayong makaalis sa lugar na ito, baka bukas nasa hangganan na tayo Tuawan," narinig naming sabi ni Drake. Nakatingin siya sa mapa, kaya lumapit kami. Nandito kami sa mataas na bahagi ng malaking puno ng Akasya. Wala kaming nakitang matutuluyan, kaya nagpasya kaming dito na lamang sa puno pansamantala. Mabuti na lang at maliwanag ang buwan kaya hindi umulan. "Pero delikado pa rin tayo dito, wala tayong ediya kung anong klaseng nilalang ang makikita natin ngayong gabi," sabi ni Bella. Napatingin ako sa kanila. "Kailangan lang nating maging maingat at maging aktibo sa paligid," sagot ni Drake. I sighed. Sumandal na lang ako sa puno at tumingin sa malaking buwan. Napakaganda nito at tila napakalapit na pweding abutin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Tila ba naging mahina ako sa mga sandaling ito. Napakatapang ko pa noong sabihin kong pupunta ako sa Allejera pero naging mahina ako sa mga sandaling ito, lalo na at wala akong magamit na kapangyarihan tulad ni Bella. Bakit kaya may naglagay nang harang sa kapangyarihan ko at sino. Sino nga ba ako? "May paparating, itago niyo ang mga sarili niyo," biglang sabi ni Drake. Tinago kong mabuti ang katawan ko at tumingin sa baba kung saan nakatingin sina Bella. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Iyong mga lobo na kumain sa aming kabayo. Marami ang mga ito na tila naghahanap ng pagkain. Napalunok ako. Mapupula ang mga mata nita at napakatukis ng mga ngipin. "May masasalubong sila," mahinang sabi ni Bella. Napatingin ako sa tinuro ni Bella. Mga tigre na kasing laki rin ng mga lobo. Naging mabagsik ang mukha nila nang masalubong ang isa't isa. "Tsk! Mas mabuti talagang dito tayo sa itaas ng puno," sabi ko. "s**t! May iba pang paparating!" Napalingon kami ni Drake kay Bella at sa itinuro nito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Mga naglalakihang ibon. Hindi ito katulad kanina na mga maiitim, iba ito. Mabilis kong nilabas ang espada ko at inihanda ang sarili. "This is not good," ani ni Drake. Mayamaya pa sumugod na ang mga ito sa amin kaya wala kaming nagawa kundi ang lumaban sa mga ito. Winasiwas ko ang espada at hinahampas kapag may lumalapit sa akin. Bumabagsak naman ang mga natatamaan ko. Napalingon ako kina Bella na nakikipaglaban din sa mga ito. May kakayahang lumutang sa ere si Bella kaya sumusugod na rin siya dito. "W-What the?" gulat kong sambit. "Thania!" sigaw ni Bella. "Ahhhh!" sigaw ko. May isang malaking ibon na kumuha sa akin gamit ang kanyang nagtataasang kuko palayo sa puno, palayo kina Bella. Nakita ko pang sumunod si Bella sa akin pero mas dumami ang mga ibong lumalapit kaya hindi niya ako nagawang sundan pa. Higit sa lahat, ang bilis lumipas nang isang ibon na ito. Ginamit ko ang buong lakas ko at kahit nahihirapan ako. Hinampas ko ang espeda sa bente niya. Kaya naman nabitawan niya ako at iyon ang mas malalang nangyari. Mabilis akong bumagsak sa kung saan-saan bago ako tuluyang nawalan nang malay. THIRD PERSON POV Habang naglalakad si Dylan bitbit ang kanyang kabayo papunta sa ilog, may napansin siya sa isang puno sa di kalayuan. Mariin niya iyong tiningnan at napagtanto niyang isang tao ang nakalambitin dito. Nilapitan niya ito at nakita niyang isang babae. Maraming sugat at tila malala ang pagkabagsak nito. Marahan niya itong tinulungang ibaba sa puno. Ginamot niya rin ang sugat nito. Napatitig siya sa mukha nito habang ginagamot niya ito. 'Saan naman kaya ito galing at ang tindi ng sugat niya,' sambit niya sa sarili. Tumayo siya at hinubad ang kanyang pang-itaas na damit. Lumusong siya sa tubig upang malamigan. Mahaba-haba rin ang nilakbay niya at malapit na siya sa Allejera. Iniwasan rin niyang dumaan sa ilang bayan para makaiwas na rin nang gulo, pero iba naman ang bumungad sa kanya. Napalingon siya muli sa babae na nakahiga sa ilalim ng puno. Hindi niya alam kung kailan ito magigising dahil sa tinamong sugat nito. Napailing na lamang siya at lumangoy papunta sa mas ilalim na bahagi. Mayamaya ay umahon na rin siya at nagbihis. Pinatuyo niya muna ang damit saka muling umupo at tiningnan ang babae. Sa pagkakatitig niya dito, may naramdaman siyang kakaiba. Wala siyang nararamdamang kapangyarihan dito, pero nararamdaman niya na tila napakahalagang tao ang nasa harapan niya. Kumuha siya ng mansanas at kumagat habang nakatingin pa rin dito. Napahinto siya nang gumalaw ang kilay nito at napagmasdan ang unti-unting pagdilat ng mga mata. Nagtitigan silang dalawa na tila ba kinikilala ang isa't-isa. "Ahhhhh! Sino ka! Ouch!" biglang sigaw nito at napadaing dahil sa paggalaw n. Nagulat naman ni Dylan at muntik pa siyang mabilaokan sa kinakain niya. "S-Sino ka?" muling tanong nito. Habang umaatras at iniinda ang sakit sa katawan. "Sabihin na lang natin na ako ang tumulong saiyo mula sa pagkakalambitin mo sa puno at gumamot diyan sa mga sigat mo," sabi ni Dylan dito. Hindi nakasagot ang babae at napatingin sa sarili. Doon nakita niya ang mga natamong sugat niya at inalala ang nangyari. "Sandal, nasaan ang kasama ko?" nagtataka nito tanong at tumingin sa paligid. Ginaya naman siya ni Dylan na tumingin rin sa paligid. "Wala akong ibang taong nakita bukod saiyo," sabi niya dito. Hindi ito nakapagsalita kaya nagtatakang tumingin si Dylan dito. Sinusuri kong anong iniisip nito. "Kung ganoon, napahiwalay na nga ako sa kanila," narinig niyang sabi nito. Tumikhim siya kaya napalingon sa kanya ang babae. "Ano bang nangyari saiyo bago ka nagkaganyan," tanong ni Dylan. Napabuntong-hininga ito. "May dalawa pa akong kasama at inatake kami ng mga malalaking ibon. Dinukot ako noong isang ibon at napahiwalay sa kanila. Nagawa kong makawala sa ibon na iyon kaya bumagsak ako at nawalan nang malay," sabi nito. Napatango si Dylan sa sinabi nito. Ngunit natigilan siya nang may pumasok sa isip niya. "Malalaking ibon? Bakit saan ba kayo huling nagkasama ng mga kasama mo?" tanong ni Dylan. "Doon sa kagubatan ng Tauwan," sagot nito kaya nabigla siya. "Seryoso ka? Bakit niyo naman naisipang doon dumaan, saan ba kayo patungo?" muling tanong niya dito. Hindi agad ito nagsalita. "Hindi kita kilala kaya bakit ko sasabihin saiyo kung saan kami pupunta," sabi nito at umiwas nang tingin dito. Napabuntong-hininga si Dylan at napailing dito. "Hindi rin naman kita kilala at tinulungan kita," sabi niya dito. Hindi ito halos makatingin sa kanya, kaya naman tumayo na lang siya. "Kung sabagay tama rin na hindi mo sabihin kung saan ka pupunta, isipin mo na lang na hindi tayo nagkita at hindi kita tinulungan. Malayo pa ang pupuntahab ko kaya iiwan na kita dito," paalam niya sa babae at naglakad patungo sa kabayo niya. "Sandali!" Napahinto siya at napalingon dito. "S-Salamat pala sa ginawa mo sa akin at pasensya na rin," sabi nito. Tumango lang si Dylan at muling tumalikod dito. Kung tutuusin wala naman dapat siya alalahanin dito. Natulungan na niya ito at sapat na iyon para iwan na niya ang babae. "Sandali lang!" muling tawag nito nang akmang aalis na siya. Lumingon siya dito at nakitang nakatayo ito habang nakahawak sa puno. "W-Wala akong alam sa lugar na ito," sabi nito. Napakunot-noo siyang nakatingin dito. "Bakit? Responsibilidad ko pa na wala kang alam sa lugar na ito? Sabihin mo nga saan ba talaga kayo pupunta ng mga kasama mo," naiinis na niyang tanong dito. Matagal itong hindi nakasagot kaya naiinis na siya sa paghihintay at tumalikod na dito. "Papunta kami sa A-Allejera," narinig niyang sabi nito kaya natigilan siya. Lalo na nang banggitin nito ang lugar, kung saan rin siya pupunta. Sa Allejera. Muli siyang napatingin sa babae na nakayuko. "Anong gagawin niyo sa Allejera," seryoso niyang tanong. Nag angat ito nang tingin at natigilan siya. Nakita niya ang lungkot sa mga nito. "Hindi ko maaring sabihin, pero napa-importante no'n sa pagkatao ko. Kailangan kong makapunta doon, a-alam mo ba ang papunta doon?" sabi nito. Umiwas siya nang tingin. "Bakit ko naman sasabihin saiyo? Bumalik ka na lang sa kung saan kayo nanggaling ng mga kasama mo," sabi niya dito at tuluyan nang umalis palayo dito. Nararamdaman ni Dylan na nagsasabi ito nang totoo, pero hindi rin siya pweding magtiwala na lang basta-basta. Hindi niya alam kung kalaban ito o hindi. Ang importante sa kanya ay walang makakasagabal sa pagpunta niya sa Allejera. Muli pa siyang lumingon sa pinanggalingan niya, kung saan sa tingin niya naroon ang babae. Napabuntong-hininga na lang siya at mabilis na pinatakbo ang kabayo palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD