Chapter 9

2037 Words
Napabuntong-hininga si Khethania habang nakatingin sa daan, kung saan dumaan ang lalaking tumulong sa kanya. Dahan-Dahan siyang napaupo habang iniinda ang sakit ng katawan niya. Nararamdaman niya ang hapdi nang sugat at sakit sa katawan. Muli niyang sinuri ang katawan niya. Napangiti na lang siya nang makita ang benda sa kamay, heta at ulo niya. Alam niyang ginamot siya ng lalaking iyon. Napapikit na lamang siya. "Paano na ngayon, nasaan na kaya sila Bella, hays! Sana ligtas lang sila," sambit niya sa sarili. Pagmulat niya, napatingin siya sa tabi at nakita ang espada niya. May nakita rin siyang pagkain doon at prutas na mukhang sinadyang iwan sa kanya. Muli siyang napangiti at kumain na rin. Kailangan niyang magpalakas upang mahanap sila Bella at makapunta na sila sa Allejera. Mayamaya rin ay muli siyang nakatulog upang makapagpahinga na muna. "Grabe! Kahit may mga sugat, maganda pa rin tingnan haha!" "Tingnan niyo ang bente! Ang puputi!" "At mabango rin hahaha! Swerte tayo nito!" "Tingnan mo nga ang espada niya, mukhang mamahalin rin. Mayaman siguro ito panigurado!" Unti-unting napadilat si Khethania dahil sa ingay na naririnig niya. Nang magmulat siya, nakita niya ang limang kalalakihang nakatunghay sa kanya. "Sino kayo!" sigaw niya at napaatras. Ngunit napadaing siya dahil sa sugat niya. "Wow mukhang matapang rin, may kasama ka ba dito binibini?" nakangising sabi nito. Hindi siya nakapagsalita at nakaramdam nang takot sa mga sandaling iyon. Lalo na at nag iisa siya at may iniindang sugat. "Mukhang wala ka ngang kasama hahaha! Alam mo ba kung anong lugat ito? Lugar ito ng mga katulad namin, inaangkin ang mga nakikita namin at dahil nandito ka, amin ka na rin hahaha!" Bahagyang napalunok si Khethania habang sinisiksik nang mabuti ang sarili sa puno. "Halika ka na binibini, sumama ka na sa amin," muling sabi nito at narinig niya ang tawanan ng mga ito. Nakita niya ang kamay nito na papalapit upang hawakan siya. Napapikit siya. Kung wala lang siyang iniindang sakit, kaya niyang labanan ang mga ito pero dehado siya ngayon. Toogsh! "Ah!" Narinig niya ang pagdaing nang isa sa mga lalaking nakapalibot sa kanya. Napadilat siya at nakita ang lalaking kanina lamang ay akma siyang hahawakan na namimilipit sa sakit, habang nakahawak sa kamay nitong duguan. Nakita niya ang bagay na tumama dito, isang palaso. Tumingin siya sa pinanggalingan ito at natigilan siya nang makilala kung sino ang may gawa noon. "Kaduwagan ang ganyang bagay, alam niyo ba iyon? Nakita niyo nang may mga sugat siya pero gusto niyo parin siyang angkinin? Hindi siya bagay na makukuha lang siya nang basta-basta," narinig niyang sabi nito. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa pagdating nito. Hindi niya alam pero gumaan ang loob niya nang makita ito. Napatingin ito sa gawi niya at napailing. ''Sino ka ba!" sigaw nang lalaking natamaan ng palaso ni Dylan. Hindi sumagot si Dylan at naglakad ito papalapit. Napaatras ang mga ito dahil sa masamang tingin na binigay niya. "Hindi ko kailangang magpakilala saiyo at wala akong pakialam sa inyo. May nakalimutan lang akong dalhin at kuku---" napatigil siya nang makita ang bagay na nakalimutan niya. Napatingin naman si Khethania sa tiningnan nito. Natigilan siya at napakamot na lumingon kay Dylan. "Kinain mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Dylan dito. Marahan namang tumango si Khethania sa kanya. Napapikit ito sa inis. "Tsk!" Biglang napaiwas si Dylan sa bagay na papalapit sa kanya. Isang majika ang ginamit ng isa sa mga ito. Seryosong tumingin si Dylan sa gumawa no'n. "Wala akong panahong makipaglaban kaya umalis na lang kayo," seryosonh sabi niya sa mga ito. "Matapos mong saktan ang kasamahan namin? Hindi! Magbabayad ka sa ginawa mo!" sigaw ng mga ito at sigunod si Dylan. Hindi naman kumilos si Dylan at nanatiling nakatayo. Pinagmasdan naman ni Khethania ang nangyayari. Nakita niya ang mga ito na sumugod doon. Nakatayo lang ang lalaki at tila hinihintay ang mga ito. Ngunit natigilan siya, dahil sa isang iglap pareho nang bagsak ang mga sumugod sa kanya. 'A-Ang galing, paano niya iyon nagawa?' sambit niya sa sarili at namamanghang tumingin dito. Lumingon ito sa kinaroroonan niya at narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Naglakad ito papalapit sa kinaroroonan niya at inilahad ang kamay. "Pupunta rin ako sa Allejera, sumabay ka na lang sa akin," sabi nito. Hindi agad siya nagsalita at nagugulat pa rin sa ginawa nito. Lalo na sa pag abot ng kamay nito sa kanya. Nanatili siyang nakatingin dito at sa kamay nito. Dahil sa ginagawa niya bigla itong nailang. "Kung ayaw mo, ikaw nang baha--" "Sasama ako," sabi niya at hinawakan ang kamay nito. Habang magkahawak ang kanilang mga kamay, nakaramdam sila pareho nang kakaibang pakiramdam. Mabilis na tumayo si Khethania at bumitaw sa kamay nito, dahilan upang muntik na siyang matumba kung hindi agad siya nahawakan nito. "Let's go," anyaya nito. Marahan siyang tumango at sumama na dito. "A-Ano pala ang pangalan mo?" biglang tanong ni Thania. Napalingon ito sa kanya. "Dylan," sagot nito. "I'm Khethania," pakilala niya rin dito. Tumango lang ito bilang sagot sa kanya. "Salamat pala kanina at bumalik ka, kung hindi baka kung ano nang nangyari sa akin," sabi niya dito. "Tsss, hindi ako bumalik para saiyo, bumalik ako para doon sa pagkain na naiwan ko na kinain mo," sabi nito. Napamaang si Khethania habang nakatingin dito. Hindi niya alam kung anong isasagot sa sinabi nito dahil tila napahiya siya sa sinabi niya kanina. Hindi na siya nagsalita pa kaya napalingon sa kanya si Dylan at napabuntong-hininga. Naramdaman niyang napahiya ito dahil sa isinagot niya. "Mabuti na lang rin at bumalik ako, alam ko rin kasi ang kalagayan mo at alam ko kung anomg klaseng lugar ito," siya niya dito, kaya napalingon sa kanya si Khethania. "Lugar ito ng mga bandido, tulad noong nais kumuha saiyo kanina. Kung wala kang sugat, sigurado akong kaya mong lumaban," muling sabi nito. Umiwas nang tingin si Khethania at napangiti. "Salamat rin at pinasakay mo ako dito sa kabayo mo," nakangiti niyang sabi kay Dylan. Bahagyang napasinghal si Dylan sa kanya. "Malamang, isinama na nga kita di ba? Sa kalagayan mo, matatagalan tayo kung palalakarin kita. Ayokong matagalan pagpunta sa Allejera, kaya ikaw na lang ang pinasakay ko diyan," sabi nito sa kanya. Nawala ang ngiti niya at asar na nakatingin dito. "Ang bait mo talaga eh no?" naasar na sagot niya. Napailing lang na lang si Dylan at di na nagsalita. "Oonga pala, 'yong mga kasama ko pala pwedi ba natin silang puntahan?" sabi ni Khethania. "Puntahan? Nagbibiro ka ba? Kung tutuusin pwedi natin silang makita o masalubong dito. Malayo na ito sa Tauwan, kaya kung nakaligtas sila sa atake noong mga ibon na umatake saiyo siguradong nandito na sila," sabi ni Dylan. Natigilan siya. Ngayon lang niya naisip kung nakaligtas nga ba ang mga kasama niya sa atakeng iyon. "Ganito na lang, magpadala ka na lang nang mensahe sa kanila na sa Allejera na lang kayo magkita. Kapag sumagot, deretso na tayo. Kapag hindi, balikan mo sila," sabi nito. Napataas ang kilay niya at napatingin kay Dylan. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o hindi. "Oh bakit? Huwag mong sabihing isasama mo pa ako sa paghahanap sa kanila? Tsss, sabi ko naman saiyo nagmamadali ako," sabi nito. Napabuntong-hininga siya. Kung tutuusin tama naman ito. Tinulungan na siya nito kaya hindi na nito obligasyon na samahan siya, dahil ngayon lang naman sila nagkakakilala at wala naman itong pakialam kung sino ang kasama niya. 'Nakakaabala na nga siguro ako sa lalaking ito,' sambit na lamang niya sa sarili. "Sige, gawin natin ang sinabi mo," sabi ni Khethania. Marahan siyang bumaba sa kabayo. Hindi na niya hinintay na tulungan pa siya nito. 'Baka sabihin na naman niyang maaabala na naman siya, tsss,' sambit na lamang niya sarili. "Aw!" Napalingon sa kanya si Dylan at nagulat sa ginawa niyang pagbaba dahil muntik na siyang mapasobsob, kung hindi niya naitukod ang kamay. "Ano bang ginagawa mo? Alam mo naman ang kalagayan mo," naiinis na sabi ni Dylan sa kanya. Tinapik niya ang kamay nito na akma siyang tutulungan. "Okay lang ako, ayokong makaabala saiyo. Kung gusto mo nang umalis, umalis ka na," seryosong sabi niya at naglakad malapit sa puno. Dahan-dahan siyang umupo at sumandal dito saka pumikit. "Pasaway ka rin pala, tsss sige aalis ako kapag sumagot sila sa mensaheng ipapadala mo," sabi ni Dylan at may nilabas na ibon gamit ang majika niya. Binigyan siya ng papel at panulat. Kinuha niya iyon at nagsulat. "Bigyan mo ako ng bagay na may koneksyon sa inyo ng taong padadalhan natin nito," sabi nito. May kinuha si Khethania na isang panyo at binigay kay Dylan. Tinali iyon ni Dylan sa paa, maging ang sulat ay nilagay niya doon. May binulong si Dylan dito saka niya iyon pinalipad sa ere. Naglakad pabalik si Dylan kung saan naroon si Khethania. Sumandal rin siya sa puno tulad nang ginawa ni Khethania. Naging tahimik sila at walang kahit sino sa kanila ang nagsalita. Tumingala si Khethania at nakikita niya ang matinding sikat ng araw. Nararamdaman niyang malapit na siya sa Allejera at hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. "Pwedi ba akong magtanong?" biglang tanong niya kay Dylan na napalingon sa kanya. "Ano iyon?" sagot nito. "Anong klaseng lugar ba ang Allejera," tanong niya dito. Napatitig si Dylan sa kanya kaya napaiwas siya dito. "Ibig sabihin wala kang alam tungkol sa Allejera?" tanong ni Dylan. "Wala akong alam sa lugar na iyon at hindi pa ako kailanman nakapunta roon," sagot niya at napayuko. Mariing siyang tinitigan ni Dylan. Napabuntong-hininga siya, iniisip kong wala nga ba itong alam sa lugar na sinasabi nito. "Kung ganoon bakit ka pupunta doon, kung wala ka palang alam sa lugar na iyon," nagtatakang sabi ni Dylan. Hindi agad nagsalita si Khethania at iniiwasang magsalita sa totoong pakay niya sa Allejera. Napabuntong-hininga si Dylan. "Sa lahat nang kaharian, ang Allejera ang pinakamagandang kaharian at makapangyarihan ang maharlikang pamilya nito. Higit sa lahat, mababait sila. Siguro dahil sa inggit, nagawa silang traydorin at patayin. Wala akong masyadong alam kung ano ang dahilan kung bakit sila namatay. Isa lang naman ang alam ko na may kinalaman sa pagkamatay nila, kundi ang mga taga-Holland," kwento ni Dylan. Napaangat ang tingin ni Khethania kay Dylan. "Magkapatid ang hari ng Allejera at Holland. Kaya naman inaangkin ng mga taga-Holland ang mga lupain at kaharian ng Allejera. Ang mga tagasilbi ng palasyo ay ginawang alila sa Holland. Pinapahirapan at pinapatrabaho na walang bayad. They become a slave of Holland kingdom," sabi ni Dylan. Napansin ni Khethania ang kakaibang aura kay Dylan, tila ba galit ito. "Ano pala ang gagawin mo sa Holland?" bigla niyang tanong. Bahagyang napatingin sa kanya si Dylan pero umiwas rin nang tingin. "Inaalam ko kung nais pa ba ng mga taga-Holland na tuluyang angkinin ang kaharian, lalo na ang palasyo ng Allejera," seryosong sabi nito. Nagtataka namang tumingin sa kanya si Khethania. "Bakit? Anong koneksyon mo sa Allejera at tila nag aalala ka?" tanong ni Khethania. Hindi agad nakasagot si Dylan sa kanya. Napatingin siya sa malayong dako na tila natatanaw nito ang kaharian ng Allejera. "Magkaibigan ang hari ng Allejera at ang ama ko. Nais ng ama ko na mabawi mula sa kanila ang kinuha nila sa Allejera, lalo na ang mga tao na kinuha nila sa Allejera upang gawing alipin. Hindi gusto ng ama ko ang ginagawa nila. Higit sa lahat, naniniwala ang ama ko na buhay pa ang nawawalang prinsesa ng Allejera. Inihahanda ng aking ama ang kaharian ng Allejera, para sa pagbabalik ng prinsesa. Matagal na naming hinahanap ang nawawalang prinsesa at hindi pa rin namin ito nahanap. Nagbabakasakali kami na ang pagbabalik ng Prinsesa ang tanging paraan upang bumalik ang sigla ng Allejera." Hindi nakapagsalita si Khethania sa sinabi ni Dylan. Natulala siya at iniisip ang mga sinasabi nito. 'Prinsesa ng Allejera' wala sa sariling sambit niya. "Dahil ang prinsesa ang inaasahan nang lahat, upang maging payapa ang lahat nang kaharian. Taglay ng Prinsesa ang isang malakas na kapangyarihan na siyang makakatalo sa kasamaan," seryosong sabi ni Dylan. Napaiwas siya nang tingin dito at hindi parin nagsalita. Ngunit natigilan siya sa sunod na sinabi nito. "'Cause she is the reborn of the legendary phoenix," sabi ni Dylan. Nakaramdam siya nang kakaiba dahil sa sinabi nito. Tila ba konektado ito sa kanya at hindi niya iyon maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD