Chapter 7

1988 Words
Marahan kong minulat ang mga mata ko, nang maramdaman kong may gumigising sa akin. "Thania, kailangan na nating umalis." Nakita ko si Bella na ginigising ako. Tumango ako saka dahan-dahang tumayo. Nakita kong naghihintay na sa amin si Drake, kaya inayos ko muna ang gamit saka kami lumapit ni bella sa kaniya. "Mukhang gutom na gutom ang mga lobo na iyon, walang tinira pati buto kinain, tsk!" napapailing niyang sabi, habang nakatingin sa lugar kung saan doon kinain ng mga lobo ang kabayo namin kagabi. "Malamang baka pati tayo kainin ng mga iyon kung nakita tayo," sabi naman ni Bella. Hindi ako nagsalita at nakatingin lang doon. Grabe, wala ngang tinira ang mga iyon. "Tara na," anyaya ni Drake. Tumango kami Bella at sumunod sa kanya. Dahil wala na kaming kabayo, kailangan na naming maglakad. Mahaba-habang lakad ito, malamang. "Ano pa bang klaseng nilalang ang pwedi nating makita dito sa gubat na ito?" tanong ko habang naglalakad kami. "Marami, dahil ito ang kagubatan ng Tauwan. Maraming naglilipanang nilalang sa lugar na ito lalo kapag gabi. Kaya iwasan nating magpagabi para hindi tayo mapalaban," seryosong sabi ni Drake. "Hindi lang lobo ang makikita natin dito, lalo na kapag mapapadpad tayo sa lungga nang malalaking gagamba. Tulad ng mga lobo na nakita natin kagabi, malalaki rin sila kaya kailangan nating mag ingat kahit pa may kapangyarihan tayo," sabi naman ni Bella. Tumango ako sa sinabi nila at napaisip. Narinig ko na rin ang pangalan ng lugar na ito. Tulad nang sabi ni Bella, kung ano-anong nilalang ang pwedi naming makita dito. Bakit nga ba kasi dito kami dumaan kung alam naman nilang mapanganib ang lugar na ito. Napabuntong-hininga ako, kaya napansin kong tumingin sa akin si Bella. "Bakit Thania?" tanong niya sa akin. Huminto siya maging si Drake na napatingin sa amin. "Napaisip kasi ako, kung mapanganib pala ang lugar na ito, bakit dito tayo dumaan?" sabi ko sa kanila. Natigilan sila at nagkatinginang dalawa. "Nag usap kasi kami ni Drake noong gabing nasa bayan pa tayo," sabi ni Bella. May kinuha siya sa dala niyang bag at pinakita sa akin. Ang mapa na binigay nila mama sa akin. "Halika," sabi niya. Lumapit ako maging Drake. "Ganito kasi, Nakikita mo ba ang Atlanta kung saan tayo galing?" sabi niya at tinuro ang pinanggalingan namin. Tumango ako sa kanya. "Bago tayo makarating sa kaharian ng Allejera, may lugar tayong madadaan tulad nito. Ito ang lugar ng Ampora sa hilagang bahagi, habang itong nasa gitna ang Laloma at itong nasa silangan ay ang lugar kung nasaan tayo ngayon, ang Tauwan. Sa lugar na ito ang maraming mga kakaibang nilalang at isa ito sa kinakakutan ng mga naglalakbay, pinili namin ito ni Drake para na rin makaiwas sa gulo," paliwanag ni Bella sa akin. Nalito ako at hindi maintindihan ang sinasabi niya. Ibig ba niyang sabihin ay pinili nila ang lugar na mapanganib para makaiwas sa gulo? Ano bang gulo ang sinasabi nila. "I don't understand, why did you choose this place if it's a dangerous," sabi ko sa kanila. "Dahil sa lugar na ito, maayos tayo makakapaglakbay. Huwag lang tayong maabutan ng gabi at kailangan nating itago ang mga sarili natin sa dilim. Samantala, kung sa Ampora at Laloma tayo dadaan, mapapalaban tayo." Napalingon ako kay Drake. "Bakit nga?" nalilito kung tanong. Muli silang nagkatinginang dalawa. "Ang Ampora, doon dinadala ng mga taga-Holland ang ilang tagapagsilbi nang kanilang kaharian at doon pinapahirapan o pinapagt-trabaho. Alam mo naman siguro na isang desyerto ang ilan sa lugar ng Ampora. Kapag taga-ibang bayan ka, hindi ka agad makakadaan doon dahil huhulihin ka ng mga kawal. Ang Ampora ay dating bahagi ng Allejera na ngayon ay inaangkin ng mga taga-Holland. Kapag tayo na galing sa Atlanta, mas mahihirapan tayong dumaan," paliwanag ni Drake sa akin. Bahagya akong napatango. Ganoon ba iyon? Bakit ganoon ang mga taga-Holland. "Eh ang Laloma?" tanong ko. "Mas lalong hindi tayo makakadaan sa Laloma, dahil pag aari rin iyon ng mga Holland. Masyadong mahigpit ang Holland sa tulad nating mga naglalakbay. Bawat lugar doon ay may nakabantay at mahuhusay rin ang mga tauhan nila, lalo na iyong may kakayahang gumamit ng majika," seryosong sabi ni Bella. "Kaya ginusto naming dito na lamang dumaan upang makaiwas muna sa gulo, kailangan lang talaga nating mag ingat," sabi ni Drake. Muli akong napabuntong-hininga. Mabuti na lamang at kasama ko silang dalawa, dahil kung hindi baka hindi pa ako nakaabot sa Allejera, kinain na ako ng mga nilalang dito o di kaya naging alila ng mga taga-Holland o mapatay ng mga taga-Laloma. "Huwag kang mag alala Thania, basta kasama mo kami wala kang dapat ikatakot," sabi ni Bella at hinawakan ang kamay ko. Tumango naman si Drake sa akin kaya ngumiti lang ako sa kanilang dalawa. Pagkatapos noon ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Maingat kami sa bawat nilalakaran namin at binibilasan upang hindi kami maabutan ng gabi. Matindi ang sikat ng araw kaya medyo nakakapagod na ring maglakad. Nagpahinga muna kami saglit sa isang puno malapit sa bangin. Mula sa kinaroroonan namin, natatanaw ko ang mga nagtataasang mga bato at mga puno. Natatanaw ko rin ang isang ilog sa di-kalayuan. Masarap ang simoy ng hangin kaya napapikit ako. 'Hihintayin kita,' Napamulat ako bigla dahil tila may nagsalita. Napalingon ako kina Bella at Drake. Nakahiga si Drake sa damuhan habang nakapikit at naka sandal naman si Bella sa puno at umiinom ng tubig. Kaya sino iyong nagsalita? Hihintayin niya ako? Saan? 'Sa Allejera, hihintayin kita,' Nanigas ako sa kinatatayuan nang may tila ibong lumipad sa tabi ko at nawala bigla. Hindi ko maipaliwanag ang nakita at naramdaman ko. Hindi siya isang simpleng ibon, malaki iyon na kulay ginto at nawala bigla. Bakit? Ano ba talaga iyon? Sino ang naghihintay sa akin sa Allejera. "Thania!" Nawala bigla ang iniisip ko nang marinig ko ang pagsigaw ni Bella. Doon ko lang rin nakita na biglang dumilim ang paligid na kanina lang ay matindi ang sikat ng araw. Anong nangyari? Nakita kong tumakbo palapit sa akin si Bella at may pinalabas sa kamay niya patungo sa akin. Ngunit hindi ako ang puntirya niya kaya napalingon ako sa likod ko. Nakita ko ang pagbagsak ng isang malaking kulay itim na ibon. Mas nagulat pa ako dahil hindi lang iyon ang nakita kong papalapit. Mas marami na ang mga iyon kaya napaatras ako. "Thania!" Hinila niya at napasunod sa pagtakbo niya. Nakita ko naman si Drake na gumamit ng majika para patamain ang mga naglalakihang ibon. "A-Anong nangyari? Bakit biglang dumilim? At anong klaseng ibon ang mga iyan?" naguguluhan kong tanong. Gumamit na rin ng majika si Bella upang patamain ang mga ibon. Nasa likod nila kaya naman nilabas ko na rin ang espada ko, baka biglang may lumapit sa akin. Napapaatras kami sa puno, habang dumadami naman ang mga ibon na umaatake sa amin. "Nakakaasar ang mga ibong ito, Drake ikaw na bahala," sabi ni Bella at tumabi sa akin. Pumunta sa harapan namin si Drake at pumwesto upang maghanda. May pinalabas siyang kulay dilaw sa pareho niyang kamay. "Flame Roar!" sigaw niya. Isang malakas na kapangyarihan ang pinalabas niya at pinatama sa mga ibon. Mayamaya nakita namin ang pagbagsak ng mga ito. May ilan naman na lumayo at tila nakatingin sa amin. Natigilan ako nang makitang unti-unting naglaho ang mga ito at bumalik ang liwanag nang paligid. "What was that?" hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi sila sumagot at sabay na napatingin sa akin nang seryoso. Kaya naman nagtataka ako sa kanila. "Bakit?" nagtataka kong tanong. "It's from the dark wizard," seryosong sabi ni Bella. Dark wizard? "Hindi ko alam pero mukhang ikaw ang puntirya ng mga iyon, Thania," sabi ni Drake. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Anong ako? Bakit? "Kagagawan iyon ng isang itim na salamangkero. Sa tingin ko, wala silang balak na saktan ka pero binabalaan ka," mariing sabi rin ni Bella. "B-Bakit?" nalilito kong sabi. "Hindi namin alam," sagot ni Bella. "Kanina, habang nakatayo ka doon, may napansin akong kakaiba. Naramdaman namin ni Bella ang pagbabago nang simoy ng hangin, na tila nagbabadyang may panganib. Tinawag ka namin ni Bella pero hindi ka tumutugon, hanggang sa biglang bumalot ang kadiliman sa paligid. Hindi mo parin iyon napansin at tulala ka lang, mabuti na lang at lumapit si Bella sa iyo bago ka atakihin ng mga iyon," paliwanag ni Drake. Hindi ko nga ba napansin iyon? Oo, mukhang hindi ko nga iyon napansin dahil natulala ako sa boses na narinig ko. "Ano bang nangyari sa iyo?" narinig kong tanong ni Bella. Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko rin alam, basta bigla na lang akong natulala sa di malamang dahilan," kaila ko sa kanila. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nila. "Di bale, magpatuloy na lang tayo," sabi ni Drake at kinuha ang gamit niya. Sumunod na lang kami ni Bella sa kanya. Tila may kulang sa mga sinabi nila. Lalo na ang tungkol sa sinasabi nilamg Dark wizard. Ano naman ang dahilan nito upang atakihin ako? Higit sa lahat sino nga ba ang taong iyon na naghihintay sa Allejera. THIRD PERSON POV Binuksan ni Dylan ang pinto ng Library, kung saan naroon ang kanyang amang naghihintay sa kanya. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ng kanyang ama. Nakita niya itong nakaupo habang may binabasang isang libro. "Pinapatawag mo raw ako, Ama," sabi niya sa kanyang ama. Nag angat ito nang tingin at seryosong binaba ang libri na binabasa nito. "Gusto kong pumunta ka ulit sa Allejera," seryosong sabi nito kaya natigilan siya. "Bakit?" tanong niya. "Gusto kong alamin mo kung may balak pa ba ang mga taga-Holland, na tuluyang sakupin ang Allejera. Nabalitaan ko kasi na maraming taga-Holland ang laging pumupunta sa Allejera, upang kunin ang ilang mga taong naninirahan upang gawing tagapagsilbi nila," seryosong sabi nito. "Akala ko ba hindi na tayo mangingialam sa kung anong nangyayari sa Allejera," natatakaang tanong nito. "Oo, pero may nararamdaman ako na muling makakabangon ang Allejera. Sigurado akong buhay pa ang anak nina Reyna Khenna, gusto kong ipagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang prinsesa," sabi nito. "Ngunit, matagal na panahon na natin itong hinahanap ama, kaya imposibleng buhay pa ito," sabi ni Dylan sa kanyang ama. Hindi ito sumagot, tumayo ito at may kinuhang isang libro. Lumapit siya dito upang alamin kung anong mayroon sa libro. "Nasisiguro akong buhay pa ang prinsesa dahil dito," sabi ng kanyang ama at tinuro ang isang bahagi ng pahina ng libro. "Ito iyong libro kung saan nakasulat at mga maharlikang pamilya di ba?" aniya. "Oo, at ito ang pamilya na may lahing phoenix. Ang unang pamilya na bumuo ng Allejera, na nagtataglay nang kapangyarihan ng phonex. Si Arrena, nagtataglay ng malakas na kapangyarihan ng white phoenix. Siya ang ina ni Reyna Khenna. Si Reyna Khenna naman namana niya ang white phoenix, may kakambal si Khenna pero hindi na nakalagay dito sa libro. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko may dahilan kung bakit wala ito dito. Tanging babae lamang sa pamilya nila ang may taglay ng makapangyarihan phoenix," paliwanag ng kanyang ama. Mariin siyang tumingin sa libro, nakikita niya ang simbolo ng white phoenix sa pangalan na nakalagay dito. Ngunit, natuon ang paningin niya sa kakaibang kulay ng huling pangalan na naroon. Nasisiguro niyang iyon ang simbolo nang nawawalang prinsesa ng Allejera. Kulay ginto na nahahaluan ng kulay pula. "Sigurado ba kayong buhay pa siya?" tanong niya. "Oo, dahil kumikinang ang kanyang simbolo. Kaya siguradong buhay pa siya ngayon, may inutusan na akong muli siyang mahanap kaya ikaw na ang pupunta sa Allejera para alamin ang kalagayan ng lugar na iyon," sabi ng kanyang ama. Wala siyang nagawa kundi ang tumango. Hindi niya maintindihan ang sarili, hindi niya maalis ang tingin sa simbolo na tinitingnan niya. Nakaramdam siya nang kakaiba dito. "Bukas lumakad ka na, aabangan ko ang balita mula doon," muling sabi nito. Tumango na lamang siya at umalis na doon para maghanda. Buhay pa nga ba ang prinsesa? Bakit nakaramdam ako nang kakaiba sa simbolo niya bilang Phoenix at ano nga ba ang itsura niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD