Chapter 12

2078 Words
Naabutan sila nang gabi kaya naman nagpahinga muna sila at nagpalipas ng gabi upang makapunta na sila sa lugar nina Dylan, sa kaharian ng Gordon. Tahimik parin si Khethania nang mga sandaling iyon at hinayaan naman nila. Ngunit hindi nakatiis si Bella at nilapitan siya upang kausapin. "Simula nang dukutin ka ng malaking ibon na iyon, subrang nag aalala ako. Mabuti naman at si Dylan pa ang tumulong saiyo," sabi ni Bella. Ngunit hindi sumagot si Khethania at nanatiling tahimik. Napabuntong-hininga si Bella, alam niya kung anong nararamdaman nito. Maging siya ay naguguluhan at gustong tanungin ang dalawa pero hinayaan niya muna. "Alam ko kung anong nararamdaman mo, dahil maging ako nalilito pero naiintindihan ko ang sitwasyon," sabi ni Bella sa kaibigan. Narinig ni Bella ang pag buntong-hininga nito. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin," sagot ni Khethania sa kanya. Nag angat nang tingin si Khethania at tumingin sa buwan na siyang nagsilbing liwanag sa gabi. "Dahil talagang nakakalito at nakakabigla ang mga nangyari. Una, noong sabihin ng tita mo na may naglagay nang harang sa kapangyarihan ko kaya hindi ko ito magagamit, ang tungkol sa ginagawa ng mga taga-Holland, ang ginawa sa akin ng dark wizard sa Tauwan, ang pagkikita namin ni Dylan, ang mga nalaman ko tungkol sa Allejera dahil sa kanya, ang mga tao sa Allejera na tila tuwang-tuwa na makita ako. Higit sa lahat ang nangyari sa akin sa palasyo at paglitaw ng isang babae na mukhang kilala ni Dylan. Hindi ko alam kung alin sa mga iyon ang dapat kung alamin at paniwalaan. Nalilito ako sa nangyayari," sabi ni Khethania at kasabay noon ang pagtulo ng luha niya. Hinagod naman ni Bella ang likod niya at inaalalayan ito. Nakakalito naman talaga ang nangyayari dito, lalo na at papunta sila ngayon sa Gordon. "Hindi ko talaga maintindihan," muling sabi ni Khethania. Hindi nila alam ay narinig pala sila ng dalawang lalaki. Nagkatinginan si Dylan at Drake dahil sa mga sinabi nito. Pareho silang napabuntong-hininga, dahil maging sila ay hindi inaasahan ang mga nalaman. "Kailangan mong intindihin ang lahat, Khethania," sabi ni Dylan sa dalaga. Lumingon naman sa kanya si Khethania. "Paano ko iintindihin lahat Dylan? Nalilito kung bakit, bakit ganito?" umiiyak na nitong sabi sa kanya. "Ito ang nakatadhana saiyo kaya kailangan mo itong maintindihan, maging ako nagulat sa nakita ko. Hindi ko aakalaing ang babaeng matagal na naming hinahanap ay nakasama ko na pala," sabi ni Dylan. "Paano ko maiintindihan Dylan? Nakatadhanang ano? Ano ba ang nakatadhana sa akin, sabihin mo nang maayos!" Hindi agad nakasagot si Dylan at seryosong nakatingin lang kay Khethania habang umiiyak ito. "Ikaw na nga ang nagsabi di ba? Pupunta ka sa Allejera dahil gusto mong alamin kung ano ang koneksyon mo sa lugar na iyon. Ngayong alam mo na ang koneksyon mo, dapat maintindihan mo iyon," mariing sabi niya dito. Umiwas nang tingin si Khethania sa kanya dahil amindo siyang tama ito. Kaya nga siya pupunta sa Allejera para malaman kung anong koneksyon nito sa pagkatao niya. Ngayong alam na niya, hindi na niya alam kung kaya ba niya itong tanggapin. "You are the lost princess of Allejera." Pareho silang lahat na natigilan at sabay na napalingon sa isang taong bigla na lang dumating. Mula sa dilim ay naglakad ito papalapit sa kanila. Nakita nila ang isang batang babae habang may nakadapong maliit na kulay puting ibon. Hindi sila nakapagsalita dahil sa gulat. "S-Sino ka?" Si Bella ang unang nakabawi sa pagkagulat. Matamis itong ngumiti sa kanila. "Dahil saiyo Khethania, kaya ako narito," sabi nito at bumaling kay Khethania na bahagyang napaatras. Sabay na lumapit si Drake at Dylan upang protektahan si Khethania. Hinawakan naman ni Bella ang kamay ni Khethania, habang nasa likod sila ng dalawang lalaki. "What do you want, little girl?" tanong ni Drake. "I'm not here to fight or something and I'm not what you think. I am her grandmother," nakangiting sabi nito sa kanila na siya lalong ikinagulat nilang lahat. Hindi sila makapaniwalang nakatingin dito. Ang batang babaeng nasa harap nila ay lola ni Khethania! Kaya naman pareho silang nagulat. "A-Are you serious?" tanong ni Bella. "Yes, I am. Nakakagulat oo, pero talagang lola ako ng babaeng iyan. Dahil sa kanya kaya ako nandito, ako ang nagbabantay sa estatwa na hinawakan mo kanina at masasabi kong, sa wakas dumating ka na rin," sabi nito sa kanya. Hindi parin nagsalita si Khethania at nakatingin parin dito. Hindi parin siya makapaniwala sa nalaman at nakikita niya. "I-Ikaw ba ang naghihintay sa akin?" tanging sabi ni Khethania dito. "Oo, ako iyon," sabi nito. "Teka, bakit parang pamilyar ka? Sandali Khethania , kung hindi ako nagkakamali ay kamukha mo siya noong bata ka pa," biglang sabi ni Bella. Mariin naman napatitig si Drake sa bata at tama nga ang sinabi ni Bella. Kamukha ito nang batang si Khethania. "Yes, we look a like my dear and I'm here to guide you. We need to go at Gordon Kingdom. You need to know everything of what you are, I will wait for you there," sabi nito at nakita nila ang dahan-dahang pagkawala nito sa ere. Hindi agad sila nakapagsalita. Hindi nila inaasahan ang pagdating nito. "I-I still can't believe," sambit ni Bella. Tumango naman ang dalawang binata at hindi na nagsalita. Sabay silang napatingin kay Khethania na mas lalong naging tahimik. Hindi na nila ito kinausap at hinayaan na lang. Pareho na silang nagpahinga upang bukas ay makapunta na sila sa Gordon. Ngunit hindi nila alam na may nakasaksi at nagmamasid sa kanila. Itinago lamang ng mga ito ang presensya upang hindi sila maramdaman. Narinig nila ang lahat nang pinag usapan nito at pareho itong natuwa. "Sabihin mo sa prinsesa ang mga nalaman natin mula sa kanila," sabi ng isang lalaki. Tumango naman ang kasama nito at mabilis na umalis. Nakangisi ang mga naiwan habang pinagmamasdan sila Khethania, na ngayon ay nagpapahinga. 'Matulog muna kayo, dahil sa paggising niyo pareho kayong mamatay," nakangising sambit nito. Samantala, binuksan ni Camilla ang pinto nang kanilang bahay--ang kinilalang ina ni Khethania, dahil may isang taong kumakatok dito. Nagulat naman siya sa taong nasa labas nang kanilang bahay. Seryoso itong nakatingin sa kaniya at tila may nais sabihin. ''Ikaw ang kinikilalang ina ni Khethania di ba?" tanong nito. Hindi agad nakapagsalita si Camilla sa sinabi nito. Nanatili siyang nakatitig dito. "Sino iyan, Camilla?" Narinig niyang tanong nang kanyang asawa na si Leo. Lumapit na rin ito upang tingnan kung sino ang nasa pinto, kaya maging ito ay nagulat nang makilala ito. "M-Minerva? A-Anong ginagawa mo dito?" gulat na sabi ni Leo dito. Seryoso pa rin itong nakatingin sa mag asawa. "Hindi niyo ba ako papasukin?" sabi nito. Doon lang kumilos ang mag asawa. "P-Pasok ka, Minerva," sabi ni Camilla dito. Tumango si Minerva at naglakad patungo sa upuan. Umupo ito maging ang mag asawa. "Anong kailangan mo, Minerva?" tanong ni Camilla. Napabuntong-hininga ito at seryoso paring nakatingin sa kanila. "Hindi ko alam kung kailangan niyo itong malaman pero sa tingin ko ay kailangan," sabi nito. Nagkatinginan naman ang mag asawa. "Ano ba iyon?" tanong naman ni Leo. "Tungkol kay Khethania, kailangan niyo siyang sundan kung saan siya ngayon dahil nanganganib ang buhay niya," seryosong sabi nito. Natigilan naman ang mag asawa at hindi alam ang isasagot sa sinabi nito. "Nanganganib siya at iyon ang nakikita ko," muling sabi nito. "A-Anong ibig mong sabihin?" nagugulahang tanong ni Camilla. "Nararamdaman ko ang panganib na nakaabang sa kanya, sa pagkakataong makarating siya sa Allejera at doon magsisimula ang panganib na mangyayari sa kanya," mariing sabi nito. "Hindi ko maintindihan Minerva, ano bang sinasabi mong panganib na nakaabang kay Thania?" tanong muli ni Leo. "May lahi siyang phoenix at nararamdaman ko iyon. Hindi ko masabi kung anong uri siya ng phoenix, dahil may humaharang sa kapangyarihan niya. Ngunit masasabi ko, na malakas ang kapangyarihan ni Khethania. Mawawala lamang ang harang kapag nasa Allejera na siya. Ngunit hindi ito magiging sapat upang ma-protektahan ang kanyang sarili, kung mahal niyo siya ay iligtas niyo siya sa mga panganib na nakaabang sa kanya," mariing sabi ni Minerva. Nagkatinginan naman ang mag asawa dahil sa sinabi nito. Hindi nila alam kung totoo ba ang sinasabi nila. Ang tanging alam nila ay may kakahayan si Minerva na malaman ang magiging kalagayan nang isang tao. "Sige, susundan namin siya," sagot ni Leo. Tumango ito sa kanila. "Sa tingin ko, sa mga oras na ito wala na sila sa Allejera," sabi ni Minerva. May nilabas itong isang maliit na bolang crystal. Nilapag niya ito sa mesa na nasa harapan nila. Nanatiling nakatingin lang ang mag asawa sa ginagawa nito. "Sa pamamagitan nito, malalaman natin kung nasaan na sila ngayon. Sa totoo lang, simula nang pumunta sila sa akin upang alamin ang kapangyarihan ni Khethania. Sinubukan kung sundan sila kaya nalaman ko kung saan sila napunta. Ngunit hindi ko na sila nasundan pa ulit dahil pumunta na ako dito, para ipaalam sainyo ang mangyayari," sabi ni Minerva sa kanila. "Pwedi na ba nating malaman kung nasaan na sila ngayon?" tanong ni Camilla. Tumango ito. May ginamit itong majika saka lumiwanag ang bolang crystal. Nang mawala na ang liwanag ay nakita nila nang malinaw ang nangyayari sa mga ito. Dahil gabi na ay nakita nilang nagpapahinga ang mga ito. "May nagmamasid sa kanila," seryosong sabi ni Minerva at tinuro ang isang madilim na bahagi. "Nanganganib ba sila?" nag aalalang sabi ni Camilla. "Hindi ko masabi pero mukhang ganoon na nga. Ngunit wala akong nakitang pagkilos mula sa mga ito. Sa tingin ko pinagmamasdan lang nila ang kilos nina Khethania," sagot nito. "Sa tingin mo may gagawin sila kina Khethania?" tanong ni Leo. "Hindi ko masabi," tanging sagot ni Minerva. Pinagmasdan nilang tatlo kung may mangyayari bang pagkilos ng mga taong nagmamasid kina Khethania. Sa pagmamasid nila ay biglang natigilan si Leo, nang makilala ang isang lalaking kasama nina Khethania. "Teka, tama ba itong nakikita ko? Kasama nila ang prinsipe ng Gordon?" hindi makapaniwalang sabi ni Leo. "Oo, siya nga," sagot ni Minerva sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama ito ng anak nila. Naramdaman niya ang pagtayo ni Camilla kaya napatingin siya dito. "Hindi ko kayang tingnan na lamang ang mga mangyayari kay Khethania. Susundan ko sila kung saan sila papunta," seryosong sabi ni Camilla. Naglakad ito papunta sa sili nilang mag asawa at may kinuha roon. Sinundan naman siya ng kanyang asawa at nakita ang ginagawa niya. Sinuot niya ang lagi nitong sinusuot sa tuwing may misyon sila. Kinuha nito ang espada at nilagay sa likod nito. Inayos ang buhok saka humarap sa asawa na katulad niya ang nakahanda na rin. "Pupuntahan natin si Khethania," mariing sabi ni Camilla. Tumango sila Leo saka siya lumapit sa asawa upang yakapin. "Nandito tayo para iligtas siya, sa mga nakaabang na panganib sa kanya," seryosong sabi ni Leo. Tumango ito at yumakap rin sa kanya. "Sasama ako." Sabay silang napalingon sa biglang nagsalita. Humiwalay sila sa pagkakayakap at tumingin sa anak nilang si Caleb, na katulad nila ay nakaayos na rin. Narinig nito ang lahat at sa nais nilang gawin kaya nagpasya itong sumama sa magulang, upang makatulong sa kapatid. "Hindi na Caleb," sabi ni Camilla sa anak. Umiling ito at seryosong tumingin sa kanila. "Hindi ko rin kayang maghintay na lamang, sa kung anong magiging balita kay ate at gusto kong makatulog sa kanya," mariing sabi nito. Napabuntong-hininga ang mag asawa sa nais nang kanilang anak, kaya tumango na lamang sila dito. Sabay na silang bumalik kung saan naroon pa rin si Minerva at naghihintay sa kanila. "Sigurado ba kayong ngayon kayo aalis?" tanong sa kanila ni Minerva. Tumango ang mag asawa. "Oo," sagot ni Camilla. Tumango si Minerva at may kinuha ito sa bag saka binigay sa kanila. Isang bracelet. "Sa pamamagitan nito, malalaman niyo kung nasaan sila. Kay Bella ito kaya ito lang ang magagamit niyo para malaman kung nasaan sila." Kinuha ito ni Camilla. "Maraming salamat saiyo, Minerva, malaking tulong ang ginawa mong ito sa amin," nakangiting sabi ni Camilla dito. "Wala iyon, nais ko lang makatulong lalo na kay Khethania. You're lucky to have her and so she is. I have to go, be careful of your journey," paalam nito saka tumayo. Nagpasalamat ang mag asawa sa kanya saka siya hinatid ni Caleb sa pinto. Maging ito ay nagpasalamat sa kanya at tumango lang siya. Nang nasa labas na siya ay napatingin siya sa maliwanag na buwan. 'This is your destiny, Khethania. I hope you will overcome this kind of situation," sambit na lamang niya sa sarili saka umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD