Chapter 13

1886 Words
Marahang nagmulat ng mata si Khethania, nang maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. "Thania!" Napalingon siya sa tumawag sa kanya at nakita niya si Bella na naghahanda ng pagkain kasama sina Drake at Dylan. "Halika na, malayo pa ang lalakarin natin kaya kumain muna tayo," sabi sa kanya ni Bella. Tumango siya at naglakad papapit sa mga ito pero bigla siyang napahinto. Hindi niya maintindihan pero nararamdaman niyang may kakaiba sa paligid. Kaya naman nilibot niya ito nang tingin. Nasa lugar parin naman sila kung saan sila huminto at nagpahinga kagabi. Heto nga at naghahanda ang mga kasama niya ng pagkain para sa kanila. 'Pero bakit ang dami? Wala naman kaming dalang pagkain na ganoon ka rami,' sambit niya sa sarili habang nakatingin sa mga ito, na naghihintay sa kanya. "Halika na! Ano bang itinatayo mo diyan!" muling tawag sa kanya ni Bella. Napabuntong-hininga siya. 'Okay lang naman sila, kaya wala dapat akong ipag alala,' muling sambit niya sa sarili at muling humakbang, ngunit sa sandaling iyon tuluyan na siyang napahinto. Tinitigan niyang mabuti ang mga kasamahan niya. Nababatid niyang may mali talaga sa nangyayari. Ang lakas nang pangdama niya sa paligid, na may kakaiba talaga. Napatingin siya kay Bella na lumapit na sa kanya. "Ano bang nangyayari saiyo?" tanong nito at akmang hahawakan siya nang bigla siyang umiwas. Napaatras siya palayo rito. Kaya nagtataka itong nakatingin sa kanya. "May mali," sabi niya at muling tumingin sa paligid. May nararamdaman siyang kakaibang aura dito, isang aura na hindi pamilyar sa kanya. Kaya nababatid niyang hindi ito ang Bella na kaibigan niya. Nilabas niya ang espada na nasa likod niya at dinuro dito. "Hindi ikaw si Bella, kaya sino ka?" mariing tanong niya dito. "What? Are you serious, Khethania?" naguguluhang sabi nito sa kanya. "I know that your not my friend! Where are they?" muling tanong niya dito. May naramdaman siyang aura na papalapit, bigla siyang tumingala sa langit. Doon nga nakita niya ang kaibahan at may isang taong mula roon ang papalapit na sa kanya. Sinangga niya ang espada, dahil sa ginawang pag atake nito sa kanya. Magkatapat ang bawat sandata nilang dalawa ng isang babae. Buong pwersa niya itong tinulak saka siya tumalon palayo dito. "Sino ka! Nasaan ang mga kasama ko!" pasigaw na tanong niya dito. Ngumisi ito sa kanya at lumingon sa kung saan. Kaya sinundan niya ang tingin dito. Natigilan siya nang makitang hindi na ito gumagalaw at bigla na lang ito dahan-dahang nawala. Boggsh! "Ahh!" daing niya nang tumilapon siya. Bigla na lang kasi siya nitong inatake habang hindi siya nakatingin dito. Dahan-dahan siyang tumayo at seryosong tumingin dito. "Sino ka ba!" muling tanong niya dito. Ngumisi lang ulit ito. "Nagagalak akong gusto mo akong makilala babaeng phoenix," nakangising sabi nito. "Pwedi ba sagutin mo ako, sino ka?" Hindi niya maiwasang mainis dito, nang bigla na lamang itong tumawa. "Well, I am Seren, one of the five slayer. I'm here to slay you apart, phoenix!" nakangising sabi nito at agad na sumugod sa kanya gamit ang hawak nitong espada. Naging mabilis naman ang kilos ni Khethania at mabilis na umiwas saka sumugod dito. "Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, pero hindi ako magpapatalo saiyo!" sabi niya dito nang magkaharap muli ang kanilang mga sandata. "Mabuti kung ganoon," sabi nito at hinampas siya ng sandata pero nakaiwas siya. Sinugod niya at pareho silang nagpapalitan nang atake. Naninibago siya sa kinikilos niya dahil bigla siyang naging mabilis at madaling makaramdaman. Naisip niya na baka epekto ito nang mahawakan niya ang estatwa. Nang muli silang huminto sa pag atake ay natigilan siya sa nais nitong gawin. May nilabas itong majika sa kamay at nabuo nang pabilog. Napangisi si Seren sa naging reaksyon ni Khethania. Alam niya kasing wala pang taglay na majika ang babae, kaya pagkakataon niyang gawin ito ngayon. Pinatama niya ito patungo kay Khethania kaya isang malakas na pagsabog ang nangyari. Kalmadong nakatingin si Seren sa kinaroroonan ni Khethania, dahil siguradong hindi ito makakaligtas sa atake niya kahit pa gamitin nito ang sariling sandata ay maaapektuhan pa rin ito. Saglit lang ay nawala na ang usok sa paligid, kaya naman natigilan siya sa kanyang nakita. May isang taong nakatayo roon at nakita niya ang ginawa nitong pananggang isang majika. Mas lalo siyang natigilan nang makilala ito. "Dylan!" mariing sabi niya habang nakatingin dito. Nakita niya si Khethania na nasa likod nito. Samantala, nagulat naman si Khethania sa biglang paglitaw ni Dylan sa harapan niya, upang sanggain ang atake ni Seren gamit ang sariling kapangyarihan. "D-Dylan," sambit niya dito. Hindi ito tumugon sa kanya. Bumuo ito nang isa pang majika at pinatama doon kay Seren na agad namang nakaiwas. "This is just an illusion," mariing sabi ni Dylan at tinulungan siyang makatayo. "I-Illusion?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango si Dylan sa kanya saka muling tumingin kay Seren na nakatayo sa di-kalayuan sa kanila. "Gaya nang inaasahan ko, makakalabas kayo sa ilusyong ginawa ko. Mas ma-swerte nga siya dahil siya ang narito," sabi nito. "Anong kailangan niyo?" mariing tanong ni Dylan dito. Ngumisi si Seren sa kanila at itinuro ang sandata nito kaya Khethania. Natigilan naman si Khethania sa ginawa nito. "Narito kami upang kunin sa inyo si Khethania," sabi nito. Seryosong tumingin si Dylan sa kanya at tinago si Khethania sa likod nito. Bigla na lang nagbago ang paligid at bumalik sa dati. "Thania!" Napalingon si Khethania sa tumawag sa kanya. Nakita niya si Bella na agad lumapit kasama si Drake. "A-Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Khethania kay Bella. "Nagulat kami kanina nang magising kami, nasa isang illusion kami at nakipaglaban sa kasamahan ng babaeng iyan. Hindi ka namin makita kaya gumawa nang paraan si Dylan upang hanapin ka. Mabuti na lang at nahanap ka niya. Nais ka nilang kunin, Thania," mariing sabi ni Bella. Hinawakan siya nito sa kamay, maging si Drake ay tumabi sa kanya. "Luther," narinig nilang sambit ni Dylan kaya naman napalingon sila sa tinitingnan nito. Nakita nila ang apat na taong nasa tabi ni Seren. Tatlong lalaki at si Seren. "They are the well-known slayer group from Holland, Luther, Seren, Timmy and Rouge," sabi sa kanya ni Bella. Kaya muli siyang napatingin sa mga ito. Nararamdaman niya ang malakas na kapangyarihan mula sa mga ito. "Ibigay niyo na lang ang babaeng iyan, Dylan, upang walang masaktan sainyo," sabi noong isang lalaking tinawag ni Dylan na Luther. Natigilan sina Khethania sa sunod na ginawa ni Dylan. May nilabas itong majika at naging espada. "Hindi namin siya ibibigay para lang maging kasangkapan niyo!" sigaw ni Dylan at sumugod sa mga ito. Inihanda naman nina Drake at Bella ang sarili upang lumaban. "Huwag kang aalis na tabi ko, Thania," seryosong sabi ni Bella sa kanya. Umiling siya at hinawakang mabuti ang sandata niya. "Kaya kong lumaban," mariing sabi niya at sumugod na lang bigla. Kaya nagulat si Drake at Bella sa ginawa nito. Ngunit nawala kay Khethania ang atensyon nila, nang lumitaw sa harapan nila ang dalawang kasama ng mga ito na nakalaban nila kanina. "I've heard, you're a good fighter then let me test it," sabi nang lalaking kaharap ni Drake, si Timmy. May pinalabas itong majika, isang ice magic at pinatama kay Drake. Agad naman siyang napaiwas at naglabas din siya ng apoy sa kamay at pinatama dito. Nakaiwas rin ito sa atake niya, hanggang sa nagpapalitan na sila nang atake. Samantala, nagpapalitan na rin nang atake si Bella at ang lalaking si Rouge. Nilabas ni Bella ang mahabang latigo na gawa sa majika niya. Hinahampas niya ito kay Rouge, na iniiwasan lang nang lalaki. Nag labas ito itim na kapangyarihan at pinatama kay Bella. Ngunit naiwasan iyon ni Bella, tumingin si Bella sa mga bato sa paligid at kontrolado niya ito binato kay Rouge. Sinangga at iniiwasan lang rin iyon ni Rouge at nakikipagpalitan na rin nang atake kay Bella gamit ang kapangyarihan nito. Magkaharap naman si Luther at Dylan na parehong hawak na espada na mula sa kapangyarihan nila. "Ibigay mo na lang kasi siya para wala na tayong problema at hindi na tayo maglaban pa, Dylan," nakangising sabi nito. "Kahit anong mangyari hindi namin siya ibibigay!" sagot ni Dylan at mabilis itong inatake kaya naman natamaan ito at bumagsak sa kung saan. Habang magkaharap naman si Seren at Khethania na parehong may hawak na espada. Nakangisi lang si Seren sa kanya. "Tingnan nga natin kung hanggang saan ang kaya mo, babaeng phoenix!" sabi nito at mabilis umatake sa kanya. Napaatras pa siya lakas at bilis nitong umatake. Nagkasanggan ang mga sandata nila, habang nagkatinginan silang dalawa. ''Nararamdaman kong mahusay ka, pagdating sa pakikipaglaban sa espada. Ngunit sa tingin ko hindi mo pa ako mapapantayan sa paggamit ng majika," mariing sabi nito at may pinalabas sa kamay nito at pinatama sa kanya. "Ah!" daing niya nang tumilapon siya at bumangga sa isang puno. Napatingin naman sa kanya ang mga kasama niya. Nais siyang tulungan ng mga ito, ngunit hindi nila magawa dahil sa mga kalaban na kaharap nila. Dahan-Dahang tumayo si Khethania at tinukod ang espada upang makatayo. "Hindi pa man ako magaling sa paggamit ng majika, ngunit masisiguro kong mapapabagsak kita sa ganitong mga atake!" sigaw niya at mabilis na sumugod dito. Inihanda naman ni Seren ang sarili sa atake nito. Nakita niya si Khethania na nasa harap upang atakehin siya. Ngunit natigilan siya sa sunod na nangyari dahil bigla itong nawala sa harap niya. "Nandito ako!" Hinampas ni Khethania ang espada mula sa likuran nito. Ngunit agad itong nasangga ni Seren pero muli siyang nawala at umatake na naman mula sa likod. Paulit-ulit ang ginawa niya hanggang sa hindi na siya masundan ni Seren at natatamaan na niya ito. Sa huling atake niya ay muli itong natamaan at tumilapon. Paulit-ulit itong bumangga sa mga puno bago ito huminto. Hinihingal siyang nakatingin dito na hindi na halos makatayo dahilsa ginawa niyang pag atake. Nakita iyon ng mga kasamahan niya at natuwa. Kaya mabilis na tinapos ng mga ito ang laban. Pareho nila itong napabagsak. "M-Magkikita pa ulit tayo!" sabi ni Luther at bigla na lang nawala ang mga ito. Biglang napaupo si Khethania sa pago kaya nilapitan agad siya ni Bella. "Ayos ka lang?" nag aalalang sabi nito. Tumango lang si Khethania at ngumiti dito. Tinulungan siya ni Bella na tumayo. Lumapit naman sina Drake at Dylan sa kanila. "Ayos lang ba kayo?" tanong sa kanila ni Dylan. "Oo, ayos lang kami," sagot ni Khethania. Inayos niya ang espada at nilagay sa likuran niya. Muli siyang umupo maging ang kasama niya. "Kailangan nating makarating agad sa Gordon, hindi nila tayo pweding maabutan ulit dito kapag muli silang bumalik," seryosong sabi ni Dylan. Tumango ang mga ito. "Malapit na ang Gordon dito di ba? Magpahinga muna tayo saglit bago magpatuloy," sabi naman ni Drake at sumang-ayon ang mga ito sa kanya. Tumingin si Dylan kay Khethania. Nakita niya ang ginawa nitong mga atake kay Seren at inaamin niyang humanga siya sa ginawa nito. Paano pa kaya kapag nakagamit na ito ng kapangyarihan. Alam niya sa sarili kung gaano kahalaga si Khethania, lalo na sa kaharian ng Allejera. Kaya kailangan niya itong ingatan, alang-alang sa lahat. Dahil ito lamang ang makakatalo sa kasamaang nakapalibot sa kanila ngayon. Hindi niya alam kung kailan rin aatake ang Dark wizard, kaya kailangan niya talaga itong protektahan laban sa mga nais kumuha at papatay kay Khethania.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD