Chapter 11

2031 Words
THIRD PERSON POV Hindi maalis ni Dylan ang tingin kay Khethania habang natutulog pa rin ito. Maaga siyang nagising upang maaga rin sana silang makaalis pero nakita niyang mahimbing pa ang tulog nito kaya hinayaan na lang muna niya. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi nito kagabi at nababagabag siya. Kung inatake nga ito ng dark wizard, malamang may lahi nga itong phoenix. Dahil alam niyang tanging may lahing phoenix ang inaatake nito. Wala siyang narinig nang kung ano mang inatake nito, iyon lang. Malapit na sila sa centro ng Allejera, matagal-tagal na rin na hindi siya nakapunta doon at ngayon may kasama pa siyang isang babae na sa tingin niya ay konektado rin sa Allejera. Napansin niyang gumalaw ito at dahan-dahang napadilat ang mata. Una siya nitong nakita at hindi naman ito kumilos. Kaya siya na ang unang kumilos, tumayo na agad siya. "Maghanda ka na, aalis na tayo," sabi ni Dylan dito. Marahang tumango si Khethania at kumilos na rin upang maghanda. Kanina pa nakaayos si Dylan kaya hihintayin na lamang siya si Khethania. "Hintayin na lang kita sa ibaba," sabi niya dito. Tumango lang si Khethania at pumasok na sa banyo upang maligo. Hindi maiwasan ni Khethania na kabahan habang naliligo siya. Iniisip kung ano ang malalaman niya sa pagkatao niya, pagdating sa centro ng Allejera. Ngunit kailangan niyang magpakatatag. Mabilis lang siyang naligo at nagbihis saka pinuntahan na si Dylan na naghihintay sa kanya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong sa kanya ni Dylan habang inaayos ang kabayo nito. "Oo, medyo magaling na rin ang ibanh sugat ko," sagot niya dito. Tumango si Dylan saka sumakay sa kabayo. Inabot niya ang kamay kay Khethania at nagtataka namang tumingin ito sa kanya. "Kaya mo na namang humawak di ba? Halika na, sumampa ka na dito," sabi sa kanya ni Dylan. Kahit naiilang siya ay sinunod niya ito upang makaalis na sila. Agad siyang sumampa sa kabayo. Kinuha ni Dylan ang kamay niya at niyakap sa bewang nito. "Kumapit ka para hindi ka mahulog," sabi nito sa kanya. ''S-Sige," sagot niya dito at dahan-dahang yumakap sa bewang nito saka pinatakbo ni Dylan ang kabayo. Napahawak naman nang mabuti si Khethania dito, dahil sa bilis nitong magpatakbo. "Siguro naman pwedi na tayong maghiwalay dito? Dahil may kikitain pa akong tao," sabi sa kanya ni Dylan habang nakatayo sila sa malaking gate ng Allejera. Nasa labas na sila nang kaharian. Nakikita niya ang mga naglalakihang pader sa harapan at mga nagtataas mga puno sa kagubatan. "S-Sige, maraming salamat saiyo, Dylan, kung hindi dahil sa tulong mo hindi ako makakarating dito," nakangiting sabi niya dito. "Walang ano man, sige mag ingat ka. Mauuna na ako at may naghihintay pa sa akin. Pumasok ka na rin baka nasa loob na ang mga kasama mo," sabi naman ni Dylan sa kanya. Tumango lang siya kaya nauna nang pumasok si Dylan sa loob. Nanatili siyang nakatayo sa malaking gate. Hindi niya alam kung paano ihakbang papasok ang mga paa niya. 'Come on Khethania, you're already here, you can do this. You're here for some reason," sambit nang isip niya. Napabuntong-hininga siya at nagsimulang maglakad papasok sa gate. Habang naglalakad siya hindi niya maalis ang kaba niya. Napapikit pa siya habang naglalakad papasok. Nang idilat niya ang kanyang mga mata, natigilan siya sa nakita niya. "A-Akala ko, w-wala nang tao dito," wala sa sariling sabi niya. Nakikita niya sa harapan ang ilang mga taong nasa paligid. Buzy sa kanya-kanyang ginagawa. May nagtitinda sa tabi, may uusap, tumatakbo, tumatawa at mga naglalakad. 'Akala ko ba isang abandonadong lugar na ito, bakit may mga tao parin na nakatira,' tanong niya sa sariling. Hindi niya maalis ang paningin sa paligid. Masigla ang mga taong nakikita niya na tila walang pinagdadaanan. Naagaw ang atensiyon niya sa isang daan, kung saan tinatahak nito ang palasyo. Napatitig siyang mabuti sa malaking palasyo sa di kalayuan. Nasa itaas ito nang bahagi ng bundok. Kahit malayo ito ay nakikita niya ang ganda nito, kahit pa napapalibutan ito ng mga baging. "Ang ganda pa rin tingnan di ba?" Napalingon siya sa isang babae na biglang tumabi sa kanya. Nakatingin rin ito sa palasyo tulad niya. "Bata pa lang ako nang huli kong makita ang sigla at ganda ng palasyo. Ngayon kahit matagal nang nawala ang hari at reyna, nanatili pa rin ang ganda nito," sabi nito. "Maganda nga po siya," sabi niya rin dito. Pareho silang napangiti habang nakatingin dito. "Inaasahan namin ang pagbabalik ng prinsesa, sana maayos lang siya," muling sabi nito. Napatingin siya dito. "Akala ko po wala nang nakatira dito at abandonado na ito, pero may mga nakatira pa rin pala rito," sabi niya kaya napatingin sa kanya ang babae. "Sa totoo lang, talagang umalis lahat nang nakatira dito noong mawala ang hari at reyna dahil sa mga taga-Holland. Gusto nilang gawing alipin lahat ng tao dito. Ngunit makalipas nang ilang taon, bumalik kami dito dahil sa tulong ng mga taga-Gordon. Malaki ang utang na loob namin sa kanila, kahit kunti lang kaming nakabalik dito ay nagpapasalamay parin kami. Hindi namin kayang tuluyang umalis sa lugar na ito, na mahal na mahal ng reyna," sabi nito sa kanya. Napansin niyang may napapatingin sa kanila, kaya hindi niya maiwasang magtaka. "Ikaw, may lahi kang phoenix hindi ba?" biglang sabi ng babaeng kausap niya kaya natigilan siya at bahagyang napaatras. "Naramdaman namin ang nakatagong kapangyarihan mo bilang isang phoenix, kaya siguradongay lahi kang phoenix," sabi naman ng isang lalaki. Kaya napalingon siya dito. Doon na niya nakita ang ilan na nakatingin na sa kanya. "H-Hindi ko po alam ang sinasabi niyo," nalilito niyang sabi at muling napaatras. Nakikita niya ang ngiti sa mga labi nito at tila natutuwa nang makita siya. Mas lalo siyang nalito sa mga pinapakita nito. "Pumunta ka sa palasyo at masasagot ang lahat nang katanungan sa isip mo," biglang sabi ng isang babaeng dumating. Napatingin siya dito. Base sa itsura nito ay isa itong manggagamot. Napaatras siyang muli at napatingin sa palasyo. Muli siyang natigilan na nang may napansin doon. May kung anong kuminang doon at kitang-kita niya iyon. Hindi niya namalayang naglalakad na pala siya patungo sa palasyo. Kahit naliliti ay sinubukan niyang maging matatag. Muli pa siyang tumingin sa mga taong kumausap sa kanya. Nakita niya ang mga itong ngumiti sa kanya. Hindi niya alam na may kaya rin pala ang mga itong alamin kung anong mayroon sa kanya. Muli siyang nagpatuloy hanggang sa makarating na siya sa labas ng palasyo. Maraming nakapalibot na baging sa malaking gate nito, pero may nakita siyang maliit na pinto kaya binuksan niya ito. Pumasok siya doon at muling namangha sa nakita niya sa loob. Maraming nakapalibot na bulaklak sa daan at tila ba inaalagaan pa rin ito. Hindi niya mapigilang ngumiti habang naglalakad. Namamangha siya sa ganda nang kanyang nakikita. Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya alam kung ano ang titingnan niya sa palayo. Hinayaan niyang dalhin siya sa kung saan mapunta ang kanyang mga paa. Hanggang sa mapahinto siya sa isang malaking pinto at binuksan. Doon nakita niya ang malaking bulwagan. Sa dulong iyon ay may dalawang upuan at alam niya kung para kanino ang mga iyon. Ngunit naagaw ang tingin niya sa isang malaking estatwa sa gitna nang bulwagan. Kulay ginto ito na may halong kulay dugo. Napatitig siyang mabuti dito. Hindi siya pweding magkamali. Isa itong estatwa ng isang phoenix. "Is that a.....phoenix statue?" sambit niya sa sarili. Hindi niya mapigilang mamangha sa nakikita niyang estatwa. Marahan siyang naglakad palapit dito at nang nasa harap na siya ay mas lalo siyang namangha. Dahil tila bigla itong kuminang nang lumapit siya dito. "I can't believe this," sambit niya sa sarili. Iniangat niya ang kamay niya upang hawakan ang ulo ng phoenix na nasa harap niya. Nang mahawakan na niya ito ay nagulat siya dahil bigla ito lumiwanag kaya lumayo siya dito. Bumalik ito sa dating kulay pero siya biglang may naramdaman siyang kakaiba sa sarili niya. Muli siyang napatingin sa estatwa. Hindi niya maintindihan ang nangyari. Pakiramdam niya may kung anong kumawala sa kanya. Iniangat niya ang kamay niya at nagulat sa kanyang nakita. Nakita niya ang marka ng isang phoenix dito. Muli sana siyang titingin sa estatwa, ngunit natigilan siya. Hindi niya maigalaw ang buo niyang katawan. "A-Anong," sambit niya sa sarili. 'Dahil ba ito sa paghawak ko sa phoenix? No, imposibleng dahil iyon doon. Nararamdaman kong may kakaiba sa paligid at hindi ako nag iisa' Natigilan siya nang may mapansin siyang tila naglalakad. Hindi siya makatingin dito dahil hindi siya makakilos. Nararamdaman niya ang aura nitong papalapit. Hindi niya maitangging malakas ang kapangyarihang taglay nito. Nagtataka naman siya sa nararamdaman niya. Hindi ganito kalakas ang pangdama niya, lalo na sa isang kapangyarihan. Bigla itong nagbago matapos niyang mahawakan ang estatwa. "I'm not expecting that you are here," sabi nang boses babae. Hindi parin siya makakilos ng mga sandaling iyon. Naramdaman niya itong nasa likod niya. 'Ang dark wizard kaya ito? Pero imposibleng nandito siya,' wala sa sariling tanong niya. "I'm waiting for this moment, Princess. Now that you are here, I'm not going to lose you," muling sabi nito. Akma siya nitong hahawakan nang may maramdaman siyang papalapit. Nakita niya ang babaeng bigla na lamang tumilapon, kaya naman nakagalaw na siya. Tumingin siya sa taong biglang dumating at natigilan.. "D-Dylan?" sambit siya. Seryoso itong tumingin sa kanya at agad siyang hinawakan. Bumaling si Dylan sa babaeng tumilapon dahil sa ginawa niya. Tumayo ito at nakangising tumingin sa kanila. "Dylan Gordon," sabi nito. Mariin itong nakatingin sa kanilang dalawa, kaya mahigpit na hinawakan ni Dylan si Khethania. Nanatiling nakangisi sa kanila ang babae. Ramdam ni Khethania na magkakilala ang dalawa. Maganda ang babae at mukhang malakas nga ang kapangyarihang nito. Ngunit mas nangingibabaw ang lakas na kapangyarihang taglay ng lalaking katabi niya. 'Naging ganito ba katalas ang pangdama ko, simula nang mahawakan ko ang estatwa?' sambit na lamang niya sa sarili. "Gaya nang inaasahan ko, magkikita tayo sa oras na ito. Hindi ko aakalaing kilala mo pala ang babaeng iyan, Dylan," sabi nito. "Wala akong alam tungkol sa babaeng ito, pero dahil sa nakita ko. Alam ko na kung anong magagawa ko para sa kanya at wala akong oras para makipag usap saiyo," sabi ni Dylan at ginamit niya ang teleportation magic upang makalayo sila sa babaeng iyon. Napadpad sila sa dulo nang kagubatan nang Allejera. Samantalang nagulat naman ang dalawang taong nagpapahinga ng mga sandaling iyon, sa pagdating nila. Si Bella at Drake. Mas nagulat pa ang dalawa nang makilala si Khethania. Agad silang lumapit dito. "Thania!" sabay na tawag ng dalawa. Ngunit wala itong tugon sa kanila at hindi nagsasalita. Nakatingin lang si Khethania kay Dylan na seryoso rin nakatingin sa kanya. "What was that?" nalilitong tanong ni Khethania kay Dylan. Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatingin sa kanya. Hanggang sa tingnan nito ang kamay at hinawakan ito. Napatitig ito sa palad niya nang makita ang nakaukit dito. Nakita rin ito nina Bella at Drake. Sabay na nagulat ang dalawa at napatingin kay Khethania, na nanatili parin kay Dylan ang tingin. "Saka na natin ito pag usapan, kailangan nating makaalis dito bago pa tayo masundan," ang tanging sagot ni Dylan sa tanong niya at napatingin sa dalawang taong kasalukuyang nakatingin sa kanilang dalawa. Nagtama ang tingin ni Dylan at Drake at parehong nagulat nang makilala ang isa't isa. "A-Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Drake at napatingin kay Khethania. Doon lang napansin ni Khethania sila Bella, kaya naman agad siyang lumapit kay Bella at napayakap. "Mabuti at ligtas ka, Khethania," nag aalalang sabi nito sa kanya. Hindi tumugon si Khethania at nanatiling nakayakap kay Bella. "Ikaw ang tumulong at kasama ni Khethania?" tanong ni Drake kay Dylan. Tumango lang si Dylan at napasulyap kayKhethania na nakayakap parin kay Bella. "Kailangan na nating umalis dito, sumama na lang kayo sa amin Drake," sabi ni Dylan. Tumango si Drake at inakay na sina Bella at Khethania. Walang salitang sumunod naman si Khethania sa sinabi ni Dylan. Naisip niyang mas mabuting sumama siya dito para malaman ang lahat, dahil ito lamang ang makakasagot ng lahat nang tanong niya. Kung sino nga ba siya at kung ano ang ibig sabihin sa nangyari sa kanya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD