Chapter 21

1850 Words
Biglang napatigil sa pag atake si Dylan nang biglang mawala si Luther, maging ang imahe ni Diana. Hindi niya alam kung bakit bigla itong nawala. Kaya naman nagmadali siyang bumalik sa palasyo para balikan si Khethania. Ngunit pagbalik niya doon ay wala na si Khethania. Napaupo na lamang siya habang nakatingin sa kung saan nakatayo si Khethania kanina. Sigurado siyang nakuha na ng mga ito si Khethania kaya biglang nawala si Luther kanina. May naramdaman siyang paparating, alam niya kung sino ang mga ito. Hindi siya sumulyap sa mga ito at nanatili parin siyang nakatingin sa kung saan si Khethania. "What happen? Where is Khethania?" narinig niyang tanong ni Bella habang hinahanap ang kaibigan. Hindi nagsalita si Dylan at nakayuko lang. "Dylan, where is Khethania?" tanong sa kanya ni Drake. Hindi parin siya nagsalita kaya galit na lumapit sa kanya si Bella at hinawakan siya sa dalawang balikat. "Sumagot ka, Dylan! Nasaan si Khethania? Nasaan siya!" galit na sabi ni Bella habang umiiyak. "Hindi ko alam, pero siguradong hawak na nila si Khethania. Naglalaban kami ni Luther at bigla nalang siyang nawala. Pagbalik ko dito, wala na sila," sabi ni Dylan sa kanila. Napasuntok siya sa pader habang naiinis parin sa sarili. "Dylan! What happen? Where's Khethania?" tanong nang kanyang ina na nagmamadaling lumapit sa kanya. Umalis agad ito kanina nang biglang dumating ang mga slayers kaya walang alam ang mga ito sa nangyari kay Khethania. "Kinuha nila si Khenthania," sagot sa kanila ni Dylan. Muling napasuntok si Dylan sa pader at napahagulhol naman nang iyak si Bella. Agad itong nilapitan ni Drake at napayakap ito sa kanya. "Oh my god!" gulat na sabi ng reyna. Napailing na lamang ang hari sa nalaman at hindi alam ang gagawin. Marami ring napinsala sa bayan at ilan sa mga taong naninirahan ay agarang lumikas, upang hindi madamay. "What will we do now?" tanging sabi ng reyna habang nakahawak sa braso ng hari. "Kailangan natin siyang bawiin sa Holland," narinig nilang sabi ni Dylan. Napatingin sila kay Dylan nang sabihin ng binata iyon. Bahagyang napatango si Drake at Dylan nang magkatinginan sila. "Babawiin natin siya." Napahinto sa paglalakad sina Camilla nang makita ang ilang tao na nagmamadali sa paglalakad. Tila ba takot na takot ang mga habang may kanya-kanyang dalang gamit. Nagtataka sila sa nakikita at napatingin sa di kalayuan, kung saan ang kaharian ng Gordon. Malapit na sila at natatanaw na nila ang malaking gate ng Gordon. Hindi nila napigilang magtanong kaya kinausap nila ang isang babaeng nagmamadali. "Teka lang, anong nangyayari at nagmamadali kayo?" tanong ni Camilla dito. "Nagkakagulo sa palasyo, may mga kalaban na pumasok at nakikipaglaban ang prinsipe maging ang mga kasamahan nito.," sabi nito. Natigilan naman sila Camilla sa sinabi nito. "Alam mo ba kung sino ang mga pumasok na kalaban?" tanong naman ni Leo. "Ang Slayers na mula sa Holland," sabi nito at nagmamadali nang umalis. Bigla silang nakaramdam nang kaba dahil sigurado silang si Khethania ang pakay ng mga ito. "Si ate," sambit ni Caleb. Naging seryoso ang mukhan nang mag asawa. "Kailangan nating makarating doon, tayo na," sabi ni Camilla at nagmamadaling naglakad. Sumunod naman sa kanya ang anak na si Caleb at asawang si Leo. Hindi nila mapigilang kabahan dahil sa nalaman. Medyo malayo ang Gordon mula sa Atlanta, kaya naman natagalan sila sa pagpunta rito. Nang makarating sila sa malaking gate ng Gordon. Nakikita parin nila ang mga taong patuloy na nagmamadaling umalis. Minsan pa ay may nababangga sa kanila. Naramdaman naman nilang wala na silang naririnig na nagkakagulo, bukod sa mga taong nagmamadaling umalis. Hindi na nila maramdaman ang aura nang kalaban at nakita rin nila ang ilang pinsala sa paligid. Nasisiguro nilang katatapos lamang ng mga itong makipaglaban. "Sa palasyo tayo," mariing sabi Leo. Tumango sila. Kahit na may mga pinsala na sa paligid ay hindi maiwasang humanga ni Caleb. Ito ang unang beses na nakarating siya sa Gordon. Hindi niya alam ay dito galing ang kanyang mga magulang. "Hindi ko maramdaman ang aura ni Khethania," biglang sabi ni Leo kaya napahinto sila. Mas lalong kinabahan si Camilla dahil maging siya ay hindi na niya ito maramdaman. "P-Posible kayang nakuha na nila si ate?" wala sa sariling sabi ni Caleb. Hindi nakasagit ang kanyang magulang sa kanyang sinabi. Muli silang nagpatuloy patungo sa palasyo. Hindi mawala sa isip ni Leo at Camilla ang pangalan ng grupong iyon. Ang Slayers; alam nila kung anong klase itong grupo. Ito ang malakas na grupo na mula sa Holland. Magagaling ang membro ng mga ito kaya may posibilidad na matalo ng mga ito ang taga-Gordon. Ngunit may tiwala naman sila sa kakayahan nina Bella at Drake. Lalo na ang prinsipe ng Gordon. Higit sa lahat, biglang bumalik ang alaala ni Camilla sa lugar na ito. Hindi niya maitatangging, bahagi rin ito nang buhay niya. Ngunit naging masaklap lamang ang dinanas niya rito; lalo na sa kapatid niyang Carina, na isa nang reyna ng Gordon. Nais man niyang iwasan ang pagtatapo nilang muli nang kanyang kapatid ay sadya nga atang itinadha na ngayo'y muli silang magkikita. Nang makarating sila sa palasyo, may narinig silang nag uusap at may umiiyak. Nakilala nila ang boses nang babaeng umiiyak. Kaya nagmadali sila at sa pagpasok nila nakita nila ang mga ito na seryosong nag uusap. "Kailangan natin siyang bawiin sa Holland," narinig nilang sabi ni Dylan; ang prinsipe ng Gordon. Naikuyom ni Camilla ang kamay niya dahil sa narinig. Hindi niya aakalaing nakuha na nga ng mga ito si Khethania. "Babawiin natin siya," mariing sabi ni Leo. Narinig iyon nina Dylan, kaya napatingin ang mga ito sa kanila at nagulat nang makita sila. "T-Tita? T-Tito?" sambit ni Bella nang makita sila Seryosong tumingin sa kanila sina Leo at Camilla. Lalo na sa balitang nalaman nila mula rito. "C-Camilla?" sambit ng reyna. Napatingin naman dito si Camilla at seryosong nakipagtitigan dito. Aminin man niya o hindi. Matagal na rin niyang gustong makita ito, pinipigilan lamang niya ang sarili. Iniwas niya ang tingin dito at tumingin kay Bella. "Nagpadala ng mensahe si Minerva saiyo, nabasa mo ba?" tanong niya kay Bella. Tumango naman si Bella. "Kanina lang dumating, sasabihin ko na sana sa kanila na parating kayo pero biglang dumating nang maaga ang slayers at nakuha nga nila si Khenthania," umiiyak pa ring sabi ni Bella. Napapikit si Camilla at napabuntong-hininga nang malalim. "Kung nasa kanila na si ate, kailangan natin siyang sundan kung saan siya dinala nito," singit ni Caleb sa kanila. Iniangat ni Leo ang kamay upang pigilan sila sa sinabi nang anak. "Hindi tayo pweding magpadalos-dalos ngayon. Ililigtas natin si Khenthania pero kailangan nating pagplanuhin nang mabuti, upang magtagumpay tayo," mariing sabi ni Leo. Natahimik sila at inisip kung ano nga bang mas makakabuti sa sitwasyon ngayon. "Sinabi sa akin ni Minerva na kontakin mo siya Bella, siguradong makakatulong siya kung paano tayo makapasok sa Holland, kapag pupunta na tayo roon," sabi ni Camilla kay Bella. Tumango naman si Bella. "Sumunod kayo sa akin," sabi ni Bella at naunang naglakad sa mga ito, kasunod si Drake na inalalayan siya. Napatingin naman si Camilla kay Dylan. Hinayaan niyang mauna ang mga kasama nila at nilapitan niya ito. Napatingin naman si Dylan sa kanya. Ngumiti siya dito at hinawakan sa ulo. "Ang laki mo na, nagpapasalamat ako, dahil ikaw ang nakilala at tumulong kay Khenthania sa gubat na iyon. Ikaw rin ang nagsama sa kanya sa Allejera. Nakakagulat man ang pagkatao niya, masaya parin ako dahil naging anak ko siya," sabi ni Camilla. Hindi maiwasang mailang ni Dylan dito, pero masaya siya dahil nakilala na rin niya ito sa wakas. Matagal nang kinu-kwento nang ina niya ang tungkol sa tita Camilla niya, na inakala nitong patay na. Iyon pala ay buhay pa. "Wala hong anuman, nakakagulat nga ang pagkatao ni Khenthania pero masaya ako dahil nakilala ko siya. Siya ang naging dahilan upang muli niyong nakita ni mommy ang isa't isa," sabi ni Dylan. Napangiti lang si Camilla dahil naiilang parin siya; lalo na sa ina nito na iniiwasan niya. Hindi pa siya handang kausapin ito pero mukhang hindi iyon maiiwasan. Lalo na at malapit na sila sa isa't isa. "Tara na," anyaya na lamang niya rito. Tumango ito at sabay na silang pumunta kung saan sila Bella, upang kausapin si Minerva. Naabutan nilang may kung anong spell ang pinalabas ni Bella at ginamit iyon sa tubig na nasa harapan nila. Mayamaya pa ay lumitaw ang imahe ni Minerva na hinihintay lamang siya. "Tita Minerva!" tawag ni Bella dito. Napataas ang kilay nito at seryosong tumingin sa kanila. Nakita nito sina Camilla saka siya napabuntong-hininga. "Mukhang nahuli na kayo," sabi nito. Hindi nagsalita sila Camilla. Alam na iyon ni Minerva dahil nakikita niya ang mga nangyayari sa Gordon bago pa nakarating sina Camilla. Bigla kasing nawala ang iniharang ng mga taga-Gordon na isang majika, upang hindi agad makapasok ang kalaban. Kaya naman nakita agad niya ang nangyari; lalo na kung saan pumunta ang Slayers kasama si Khethania. "Gusto naming malaman kung makakapasok ba agad kami sa Holland," seryosong sabi ni Camilla. "Sa ngayon kailangan ko munang alamin ang bawat kilos ng mga taga-Holland. Hindi kayo pweding magpadalos-dalos sa pagsugod. Hawak nila si Khethania kaya maging maingat kayo. Susubaybayan ko muna sila at k-kontack ako sa inyo bukas," sabi ni Minerva sa kanila. Nais sana nilang magprotesta kung bakit kailangang bukas pa. Ngunit, tama naman ito. Kailangan muna nilang subaybayan ang kilos ng kalaban bago sumugod. Dahil kaligtasan ni Khethania ang nakasasalay sa gagawin nila. Kailangan nilang mag ingat upang hindi mapahamak si Khethania. "Naiintindihan namin, sige bukas na ulit tayo mag usap," sagot ni Camilla sa sinabi nito. Tumango si Minerva ngunit muli siyang naging seryoso. "May iba ka pa bang sasabihin, tita?" tanong ni Bella nang mapansin ang seryosong mukha nito. "Nararamdaman ko ang malakas na kapangyarihan habang sinusubaybayan ko kayo, gaya nang sinabi ko sa mensahe; may iba pang nagmamasid sainyo," mariing sabi nito. Alam na nila ang ibig sabihin nang sinabi nito. Alam nila kung sino ang nagmamasid lang at handang umatake kahit na anumang oras. Ang dark wizard. "Alam namin kung sino iyon," sagot ni Dylan. "Ang dark wizard ba ang tinutukoy niyo?" tanong naman ng reyna. Sabay na tumango ang mga ito at hindi na siya nakapagsalita pa. "Sige, babalitaan ko na lang kayo bukas. Mag ingat na lamang kayo diyan," paalam nito at tuluyang nawala. Pareho silang natahimik lahat matapos nilang makausap si Minerva. Mayamaya ay nagpaalam na sina Bella at Drake upang magamot ang mga sugat at makapagpahinga. Maging si Dylan ay nagpaalam na rin. "Ihahatid ko kayo sa magiging silid niyo," sabi ng reyna kina Camilla. Hindi sumagot si Camilla pero sumunod parin sila dito. "Mom, medyo kamukha mo siya. Kamag-anak ba natin sila?" hindi mapigilang itanong ni Caleb. Hindi sumagot si Camilla at patuloy lang sa paglakad kaya naman tumabi si Leo sa kanyang anak. "Actually yes, because she is you mother's sister," sagot ni Leo sa tanong nang anak na nagulat sa sinabi nito. Hindi makapaniwalang tumingin si Caleb sa reyna at sa kanyang ina. Doon niya talaga nasiguro ni Caleb ang pagkakahawig ng dalawa, na magkapatid nga ang dalawa.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD