Chapter 14

2003 Words
KHETHANIA'S POV Napapatingin ako sa paligid. Kanina pa lang pagpasok namin sa malaking gate ng Gordon ay napapalingon na sa amin ang lahat ng tao. May ilan na yumuyuko pa noong dumaan kami. May ilan din na kumakaway at masayang nakatingin sa amin. Nakikita ko ang mga ngiti sa mga mata nila, maging ang mga bata ay nag uunahan para lamang makita kaming dumaan "Bumalik na ang mahal na prinsipe!" biglang sigaw nang ilan sa nakatingin sa amin. Prinsipe? Napatitig naman ako kay Dylan. Taga-rito siya hindi ba? Ibig sabihin siya ang sinisigaw ng mga ito. Imposible namang si Drake, kaya paniguradong si Dylan iyon. Hindi ko aakalaing isa pala siyang prinsipe. Wala akong alam na kasama lang pala namin ang prinsipe ng Gordon. Marahan akong tumabi kay Bella para tanungin ito. "Bella, si Dylan ba ang prinsipe ng Gordon?" mahinang tanong ko. Bumaling naman siya sa akin at tumango. "Oo siya, kaya nga noong nakita ka naming kasama siya nagulat kami ni Dylan. Magkakilala ang dalawang iyan at mahilig maglakbay si prinsipe Dylan sa kung saan, kaya nakilala namin siya ni Drake," sabi sa akin ni Bella. Hindi parin ako makapaniwala at muling tumingin kay Dylan na nauuna sa paglalakad sa amin. "Wala akong ediya sa kung sino siya noong una pa lang. Nakakagulat naman ang pagkatao niya, na isa pala siyang prinsipe," nabibigla ko pa ring sabi. Bigla akong siniko ni Bella kaya naman napatingin ako sa kanya. Mapang asar siyang tumingin sa akin. "Ikaw nga, nakakagulat din ang pagkatao mo. Si Dylan kilala na nang lahat na isa siyang prinsipe, eh ikaw? Nakapunta ka lang sa Allejera upang alamin ang koneksyon mo sa lugar na iyon, higit pa doon ang nalaman mo," sabi sa akin ni Bella kaya naman napaiwas ako. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya kaya napatingin muli ako sa kanya nang hawakan niya ang balikat ko. "Huwag mong madaliin Thania, naiintidihan namin ang nararamdaman mo. Sa ngayon kailangan mo munang alamin lahat kung bakit ka nawala sa Allejera. Unti-unti lang Thania, huwag mong madaliin," sabi sa akin ni Bella saka ngumiti. Napangiti rin ako sa kanya at tumango. Muli kaming nagpatuloy patungo sa palasyo ng Gordon. "Tama nga ang narinig ko, bumalik ka na nga Dylan," sabi nang isang lalaking nakaupo sa gitna ng trono ng palasyo. Nasa tabi nito ang isang napagandang babae. Mukhang sila ang hari at reyna ng Gordon. Pareho kaming nakayukong apat sa kanila. "Oo, mahal kong ama," sagot ni Dylan dito. Nag angat ito nang tingin saka tumayo. Bumaling siya sa amin at tumango, pinapahiwatig na tumayo na rin kami. "Nakausap mo na ba ang taong pinuntahan mo sa Allejera?" tanong ng hari sa kanyang anak. "Oo at ganoon parin, nais parin ng mga taga-Holland na sakopin ng tuluyan ang Allejera," sabi ni Dylan. Nakita kong napabuntong-hininga ito. "Ganoon ba? Oonga pala, sino iyang mga kasama mo?" tanong ng hari at tumingin sa amin. May naramdaman akong nakatitig sa akin, kaya napatingin ako sa Reyna na kanina pa pala nakatitig sa akin. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. "They are my comrades and I have a good news for you, father," sabi ni Dylan. Naramdaman ko ang tuwa sa mga sinabi niya. "Ano iyon?" sagot ng hari. "I found the princess of Allejera, there she is," sabi ni Dylan at bumaling sa kinaroroonan ko. Naramdaman ko ang paglayo ni Bella at Drake upang makita ako ng hari. Bahagya pa akong napalunok dahil sa pagtitig niya sa akin. Kitang-kita ko rin ang pagbabago nang reaksyon sa mukha niya. Marahan siyang tumayo habang nanatiling nakatingin sa akin. "I-Is this real?" hindi makapaniwalang sabi nito. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa akin. Napansin ko namang napatayo ang reyna at napatutop sa bibig niya habang gulat parin na nakatingin sa akin. "Y-You are Queen Khenna's daughter?" hindi parin makapaniwalang sabi niya. Huminto siya sa harapan ko at mariin akong tinitigan. "We are searching for you all these years and finally you are here," muling sambit niya. Bahagya akong napasulyap kina Bella na nakangiti sa akin. Naalis lang ang tingin ko sa kanila, nang maramdaman kong may yumakap sa akin. Niyakap ako ng reyna habang umiiyak. "Thank god your here and you're okay. I'm sure Khenna will happy that you are here. Khenna and I was bestfriend before when we are young," sabi sa akin ng reyna. Hindi ko alam pero napayakap na rin ako sa kanya at tulad niya ay naging emosyonal din ako. "I'm glad to see you, Princess," sambit niya at marahang kumalas nang yakap sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya. "Where did you found her, Dylan," narinig kong tanong ng hari kay Dylan. Kaya napalingon ako sa kanila, hindi parin mawala ang saya sa mga mata ng hari. "Actually, I didn't found her. We just accidentally meet and she was wounded that time. I help her and I didn't know who she is. I just found out when we finally arrive at Allejera," sagot ni Dylan sa kanyang ama. Tumango ang hari at bumaling sa akin. "Saan ka lumaki at sinong ang nakakita saiyo?" tanong sa akin ng hari. "I was at Atlanta kingdom. I live there with my former parents. Tinuring nila akong pamilya at masaya ako dahil sila ang nakasama sa mga taon na iyon," nakangiting sagot ko naman sa hari. "Atlanta?" narinig kong sabi ni ng Reyna. Bumaling ako sa kanya at tumango. "Yes, Mama Camilla and Papa Leo Romana was the one who raise me. They are the one who saw me at forest of Allejera. Sinabi nila sa akin na sa Allejera ang punta nila dahil nangangailan sila ng isang manggamot. Kasalukuyan kasi na manganganak si mama Camilla nang sandaling iyon. Ngunit hindi na sila tumuloy dahil sa narinig nilang kaguluhan noon sa Allejera, iyon ang sabi nila sa akin," sabi ko sa kanila. Naramdaman ko ang pagtahimik ng reyna kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakita kong napayuko siya at muling tumulo ang luha niya. "B-Bakit po mahal na reyna?" nagtatakang tanong ko dito. Mas lalo siyang naiyak kaya nilapitan na siya ng hari upang aluin. Yumakap ito sa kanya at doon patuloy na umiiyak. Hindi ko alam kung may nasabi ba ako na siyang dahilan nang pag iyak niya. "Camilla is my sister," sagot nh reyna na ikinabigla ko. T-Tama ba iyong narinig ko? Kapatid siya ni mama Camilla? Ngunit bakit wala akong alam tungkol sa kanya? Sinadya bang ilihim iyon ni mama? "She was pregnant but I throw her away with her husband. I was so stupid for what I did to her. I thought she was dead in the kingdom of Allejera. That was the news I've heard before. Nang malaman ko iyon, labis akong nagsisi sa ginawa ko sa kanya. And now I'm hearing that she was the one who raise you made me feel happy. I'm glad to know that she's alive.," umiiyak parin nitong sabi. Hindi ako nakapagsalita dahil sa nalaman ko. Bagong impormasyon na naman ang nalaman ko. Hindi ko aakalaing magkapatid pala sila. "I want to meet her, I want to see her," sambit niyang muli. Napangiti ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Huwag po kayong mag aalala, magkikita po kayo," sabi ko sa kanya na ikinangiti niya. "I'm very glad to meet you, princess," sabi niya at muli akong niyakap. Napakagaan nang pakiramdam ko habang kayakap siya. "Enough of this drama, you need to know everything about who you are." Natigilan kami at sabay na lumingon sa taong nagsalita. Mali, batang nagsalita. It was my grandmother. Napansin kong natahimik ang hari at reyna habang gulat na nakatingin dito. Naglakad ito palapit sa amin at ngumiti. "I know you me, Queen Diana and King Lance," sabi nito habang nakatingin sa hari at reyna. "Y-You are---" gulat parin na sabi ng hari at reyna. "Yes, I am the former Queen of Allejera. I'm Queen Arrena," pakilala nito. "Oh my god! What happen to you? We know that you're already dead. But now your here at thay young age?" nagtatakang sabi ng hari. "Well, I become the guardian of the blood of phoenix. Nakalaya ako doon dahil sa ginawang paghahawak no'n ni Khethania. Ngunit, mawawala rin ako kapag tuluyan nang sumanib sa kanya ang blood phoenix," sabi niya. Natigilan naman ako. She is a guardian of that bloody phoenix statue? Mawawala siya kapag sumanib na sa akin ang phoenix? "I still can believe that your here, Queen Arrena," sabi ng reyna. "I know, nakakagulat naman talaga," sabi niya. Bigla siyang tumingin sa gawi ko. "Come with me princess, I will show you something," sabi nito sa akin. Bahagya akong napasulyap kina Bella, ngumiti lang sila at tumango sa akin. Kaya naman sumunod na ako sa lola ko. Talagang nakakailang na biglang naging bata ang lola ko. Hindi ko alam kung anong tamang itawag sa kaniya. THIRD PERSON POV Pinagmasdan lang nila ang pag alis nang dalawa. Nakangiti naman si Bella na nakatingin kay Khethania. Masaya siya para sa kaibigan niya. Hindi nasayang ang pagpunta nito sa Allejera at higit pa ang nalaman nito sa pagkatao nito. Hindi parin naman siya makapaniwala na ang kaibigan niya ay isang prinsesa, sa lugar na nais nitong puntahan. "Masaya ako dahil nandito na siya," sabi ng hari na nakangiti parin. Hindi maalis ang saya sa mga mata nito. Sumang-ayon sila sa sinabi nito. Mayamaya nagpaalam na si Dylan na magpapahinga muna saglit. Isinaman naman ni Dylan sina Bella at Drake. Habang naglalakad sila sa pasilyo ng palasyo, hindi mapigilang magsalita ni Bella. "Matanong ko lang, bakit ba ang saya-saya niyo ngayong nandito si Khethania?" tanong ni Bella. Napatingin naman si Dylan kay Bella sa tanong nito, habang naglalakad sila. "We are happy because after all those years, we tried everything to find her. Hindi ko maramdaman ang aura niya dahil sa tingin ko sinadyang harangan ang majika niya. Noong unang nakita ko siya, nakaramdam agad ako na pamilyar siya. Ngunit binalewala ko iyon dahil imposibleng may tinatago siya. Nang magkahiwalay kami sa Allejera, nakita ko siya noon na naglalakad papunta sa palasyo ng Allejera," sabi niya at inalala ang mga sandaling iyon. Patuloy parin silang tatlo na naglalakad habang nakikinig sa sinasabi nito. "Sinundan ko siya noon, dahil may naramdaman akong kakaibang aura na nasa palasyo. Nang makita ko siya, nakahawak na siya doon sa estatwa ng phoenix. Ngunit bukod sa kanya, may isa pang tao roon na siyang nakakita rin sa nangyari kay Khethania, nang hawakan niya ang phoenix. In the moment that she touch sa statue, I already know who really she is. Ang taong naroon nang sandaling iyon ay ang prinsesa ng Holland, si Lucy. Nais niyang kunin at saktan si Khethania niya. Kaya naman ginamit ko ang teleportation magic ko upang makaalis kami sa lugar na iyon. Kaya nagkita tayo noon sa kagubatan ng Allejera," patuloy nitong sabi sa kanya. Napakunot-noo naman si Bella sa sinabi nito. "Sino naman si Lucy?" tanong ni Bella. "She's the Holland princess, she desire the power of phoenix. Bukod sa amin, hinahanap niya rin ang prinsesa ng Allejera. Nais niya makuha ang kapangyarihang iyon at patayin ang prinsesa. Kaya hangga't nandito siya sa Gordon, walang kahit na sino ang makakanakit sa kanya. Hindi rin makakapunta dito nang ganoon ka dali ang mga taga-Holland. Dahil malalaman agad namin iyon. Nais naming ma-protektahan si Khethania upang mabawi niya ang Allejera na inaangkin ng mga taga-Holland," seryosong sabi ni Dylan. "Kung ganoon, hindi pa rin ligtas si Khethania dahil sa mga taga-Holland. Maging ang dark wizard ay nais siyang ipahamak," seryosong sabi ni Bella. Napabuntong-hininga si Dylan at napahinto sa paglakad. "Ibang usapan na rin ang dark wizard na iyon. Hindi natin alam kung kailan ulit aatake. Sana nga at wala itong gawin kay Khethania," seryosong sabi ni Dylan. Hindi na ulit sila nagsalita at nagpatuloy na sa paglalakad. Iniisip na lang nila na gagawin nila ang lahat para protektahan si Khenthania. Lalo na at mahalaga na sa kanila ang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD