CHAPTER 10
Alas-otso na nang umaga nang magising siya pag gising niya nasa sarili na siyang kama at nakabalot ng kumot. Sa pagkakatanda niya nakahiga siya sa sahig habang si Kenneth ang nakahiga sa kama niya
Bumangon siya para maligo at mag toothbrush hindi na niya hinanap si Kenneth dahil siguradong umalis na ito ng maaga. Pagkatapos niyang maligo nagsuot lang siya ng bathrob at lumabas na siya ng silid upang magluto ng kanyang almusal. Ganito palagi ang routine niya tuwing umaga.
Pagpunta niya sa kusina agad siyang nagtimpla ng kape at kampanteng umupo sa lamesa. Bago kasi siya niya sinisimulang magluto ng almusal inuubos niya muna ang kape niya.
"Hi! Good Morning."
Natigilan siya sa paghigop ng kape at nilingon ang may ari ng boses na iyon. Ganoon na lang sigaw niya dahil sa lalaking naroon sa loob ng condo niya. Hindi niya malaman kung paanong takip ang gagawin niya sa mga mata nakatakip kasi ng towel si Kenneth at walang suot na pantaas.
Nagulat naman si Kenneth at dali-daling tumalikod.
"Why are you still here?Akala ko ba umalis ka na kanina?" tanong niya.
"Dapat uuwi na ako kanina but since i owe you a lot i decided to cooked for you." Ani Kenneth.
"Bakit Hindi mo sinabi sa'kin?"
"How? Tulog ka nga di ba? Ayoko na rin istorbohin ka kasi napuyat ka kagabi."
"Oo nga pala. Ang bipolar ko talaga."bulong niya
"Ah! Basta! Kasalan mo! Teka nakita mo ba? Yung ANO? " tanong niya. Pakiramdam niya nagkulay kamatis mukha niya.
Umiling-iling si Kenneth.
Wala! wala akong nakita. Wala namang makikita."
"Tse! Bastos ka!"
"Pwede na ba akong lumingon sa iyo ang hirap makipag-usap ng nakatalikod."
"Teka! Teka! Magbibihis lang ako." Sabay takbo niya patungong kwarto upang magbihis ng damit.
Hiyang-hiya siya sa nangyari, kahit hindi nito aminin alam niyang nakita nito ang dibdib niya. Sanay kasi siyang hindi nagsusuot ng bra sa tuwing nasa bahay idagdag mo pa ang suot niyang bathrob
Napangiti siya nang maalala niya ang itsura nito. Hubad ang pang-itaas nito tanging towel lang ang naging suot nito. Bagong paligo si Kenneth at Tumutulo pa ang tubig sa katawan niya. Sa tatlong kwarto ng condo unit niya lahat iyon ay may banyo.
Sa itsura ni Kenneth hindi niya maipagkakailang ang hot nito tingnan, para siyang bidang lalake sa absolute boyfriend.
Napahinto siya sa pag-iimagine.
"Ang p*****t mo Amaya Nicole. Umagang-umaga 'yan ang iniisip mo."
Nang matapos siyang magbihis lumabas na siya ng kanyang silid. Nakita niyang naghahain ng pagkain si Kenneth.
"Ehem!" Agaw pansin niya sa ginagawa nito.
"Andiyan ka na pala! Tara kain na tayo."
Pinaghila siya nito ng upuan. Umupo naman siya pagkatapos pinagsandok siya nito ng pagkain.
"Thank you! Pero kaya ko na ang sarili ko. Kumain ka na rin." sabi niya ng hindi tinitingnan si Kenneth.
Nag-umpisa na silag kumain. Tahimik lang sila at nag papakiramdaman kung sino unang magsasalita. awkward feelings beetwen them.
She break the silence.
"Kamusta na pala pakiramdam mo?" She started to open a conversation.
He smiled. "I'm good. Magaling kasi mag-alaga ang nurse ko. Thanks for helping me."
"You're welcome. After you'll finish your breakfast you may go." Casual niyang sagot.
"Pwede bang humingi ng favor?" He pout.
Gusto niyang pisilin si Kenneth sa sobrang cute nito kapag nagpout. Pero pinipigilan niya ang sarili dahil baka yumabang na naman kapag ginawa niya iyon.
"What?"
"Can we go out today? Bayad ko na rin sa pagtulong mo sa'kin."
Huminto siya sa pagkain at kunwaring nag-isip.
"Kung hindi ka free ngayon. Okay lang, we will set some other time." Dugtong pa nito.
"Okay i'll go with you." Nakangiti niyang tugon.
"Are you sure?" Tanong ulit ni Kenneth.
Tinaasan niya ito ng kilay."Ayaw mo?"
"No! I mean... thank you, thank you! " Tuwang tuwa na sabi ni Kenneth.
Hindi na niya sinagot pa ito Pinagpatuloy na lang niya ang pagkain ko. Ayaw niyang ipakitang masaya siya at excited sa date nilang dalawa sa pagkakakilala kasi niya rito, mayabang at hambog ang lalaking iyon. Pinipilit niyang wag maniwala sa kabaitan ni Kenneth. Kahit pakiramdam niya sincere naman ito dahil natatakot siyang mahulog sa kung anoman ang binabalak nito para sa kanya.
*****
Matapos nilang kumain dalawa ng Almusal. Agad niyang niligpit ang pinagkainan nila ni Nicole. Habang inaantay niya ang dalaga. Muli niyang binalikan ang nangyari kagabi.
Nagising siya noong marinig niya ang malakas ng ring tone ng cellphone niya. Babangon na sana siya nang mahagip ng mata niya si Nicole. Nakahiga ito sa sahig. Tulog na tulog.
Napangiti siya nang bumangon at pinagmasdan niya ang himbig na himbig na si Nicole.
Dug.dug.dug.dug.dug.
Dinig na dinig niya ang pagkabog ng dibdib niya. Lumapit siya rito at Dahan dahan niyang hinawakan ang buhok nito. Tapos hinaplos niya ang Napakalambot na buhok nito.
hindi man lang ito nagigising habang hinahaplos niya ang buhok marahil sa sobrang puyat kagabi sa pagbabantay sa kanya. Napatingin siya sa labi ni Nicole. Napalunok siya, parang nanunuyo ang lalamunan niya habang hindi maalis ang mga mata niya sa labi nito.
Huminga siya ng malim upang pigilan ang inuutos ng isip niya. Ngunit sa tuwing mapapatingin siya kay Nicole. Ang labi nito ang una niyang napapansin.
"s**t!" Napamura niyang sambit. "I will not say sorry for this." Pagkatapos dahan-dahan niyang hinalikan ang labi ni Nicole. Ngumit siya ng hindi pa rin ito nagising sa kapusukan niyang ginawa rito.
"Gorgeous, Ninakawan na kita ng halik hindi ka pa rin nagigising. Kung gising ka baka na flying kick mo na ako" Kausap niya sa tulog.
Sinipat niya ang orasan at napansin niyang umaga na pala kung kaya't Naisipan niyang ipagluto ng almusal ang dalaga.
Pagkatapos niyang magluto ng almusal. Mamaya na lang niya gigisingin ang dalaga. Nagtapis siya ng tuwalya at lumabas ng comfort room paglabas niya hindi niya inaasahan na madadatnan siya sa kusina si Nicole Nanlaki ang mata nito nang makita siyang naka-bathrob habang umiinom ng kape.
Bigla siyang tumalikod. Pakiramdam niya pinagpawisan siya ng malapot. Hindi kasi niya inaasahan na makikita siya si Nicole sa ganoong ayos. She's really seductive and gorgeous women.
"Let's go!"
Narinig niyang sabi ni Nicole. Bigla siyang bumalik sa realidad. Napaunat siya ng kamay at pagkatapos naglakad siya papalapit kay Nicole. Nakabihis na ito kung kaya't nagtungo na sila ng mall.
Pasimple niyang hinawakan ang kamay ni Nicole habang naglalakad sila sa loob ng mall. Hindi naman tumutol si Nicole sa kanyang ginawa. Kaya hindi niya mapigilang ngumiti ng palihim.
"Uy! girl di ba si Kenneth iyon?! Vocalist ng Eternity band?" Sabi ng babaeng nadaanan nila.
Narinig nila ang hiyawaw ng apat na babae at Sinundan sila ng apat.
"Kenneth pa picture! Sigaw ng babae.
"Ako rin! Ang gwapo niya sa malapitan." Sabi ng kasama ng babae.
Tinitingnan niya ang apat na babaeng sunod nang sunod sa kanila. Hindi naman nakaligtas sa mga mata niya ang malakas na tawa ni Nicole. Hindi na nga maipinta ang mukha niya dahil sa inis sa mga babaing sunod nang sunod sa kanila.
"Sige na Kenneth! Please!" Wika ng babae nang maabutan sila ng mga ito.
"Kasama ko girlfriend ko, leave me alone!" inis niyang sagot.
Napansin ni Kenneth ang matalim na titig kay Nicole dahil sa sinabi niyang girlfriend niya ito.
"Kenneth, Please! Papicture lang kami." sigaw ng mga ito.
Ang liligalig nila nakatawag tuloy ng atensyon sa ibang taong naroon sa mall.
"Pagbigyan mo na para matapos na. Hindi ka niyan titigilan." Wika ni Nicole.
"Ayoko nga!" Sagot niya.
"Please!" Pakiusap ni Nicole.
"Ayoko nga sabi. Bakit ba nakikialam ka." Supladong sagot niya.
Pinameywangan siya ni Nicole and she glared. "Ganon? Pagbibigyan mo ba O iiwanan kita rito?!" Sambit ni Nicole.
Umingos siya. "Fine!"
Ngumiti si Nicole sa kanya pagkatapos tinawag niya ang apat na babae. Nagpa-picture ang mga babae sa kaniya habang si Nicole ang ginawa ng mga iyon na photographer.
"Smile..." Sambit ni Nicole sa mga ito.
Ang lapad ng mga ngiti ng babae habang nakasimangot naman siya.
"Kenneth, smile!" Wika ni Nicole.
After six shots. Umalis na ang apat na babae na humabol sa kaniya.
"Pinagbigyan ko silang lahat?" Inis niyang sabi kay Nicole.
Ngumiti ito sa kanya. "Famous ka na kasi."
Bumuntong-hininga siya. "Let's go gutom na ako, marami kang utang sa'kin."Sagot niya.
Hila-hila nito ang kamay niya hindi na naman ito umangal nang pumunta sila sa isang fast food chain sa loob ng mall. Um-order sila ng masasarap na pagkain ngunit habang kumakain silang dalawa hindi niya inalok si Nicole ng pagkain dahil sa inis dito.
"Galit ka ba?" Tanong nito sa kanya.
Kumuha ito ng fries pagkayapos sinubo ito sa kanya. "Say Aah!"
Pilit siyang ngumit pagkatapos muli niyang pinagpatuloy ang pagkain at hindi niya ito muling pinansin.
"Hmp! Ikaw na nga inaamo. Aayaw-ayaw pa. Sige, walang pansinan."sabi nito.
Habang tahimik silang kumakain ni Nicole biglang may lumapit na lalaki sa tapat ni Nicole.
"Amaya Nicole Underson, its that you?"
"Do i know you?" Nakakunot-noong tanong ni Nicole.
Ngumiti siya. "Ronnel Gamboa. Classmate mo noong highschool." Nakangit pa ito kat Nicole.
"Ronnel yung team leader ng basketball dati right?!"
"Ha-ha-ha! Buti naman at natandaan mo. Kumusta ka na pala? Wala akong balita sa iyo."
Hindi maipinta ang mukha niya habang kitang-kita niyang ang lapad ng ngiti ni Nicole habag nakikipag-usap sa lalaki. Mabilis niya itong pinasadahan ng tingin. Malaki ang katawan nito at makinis ngunit hindi hamak na mas magandang lalaki siya rito.
"Okay naman ako part time model ako. Ikaw?"
"Hindi na ako magtataka maganda ka at sexy ngayon, mas lalo kang gumanda." Ngumiti ito sa kanya.
Sa inis niya pasimple niyang inihulog ang tray dahil para maputol ang pag-uusap nila.
"Ay sorry! Biglang nahulog." sabi niya.
"By the way my boyfriend ka na ba or may asawa ka na?" Tanong ng lalaki kay Nicole
Bago pa sagutin ni Nicole ang tanong ng lalaki. Inakbayan niya ito. Hindi niya alam kung bakit inis na inis siya sa lalaking kausap ni Nicole.
"Sweetheart! hindi ka pa tapos kumain. Ubusin mo muna 'yan sweetheart Di ba gutom ka." he said with a sexy tone.
"Sweetheart?" Salubong ang kilay na sabi ni Nicole.
"Hindi ko na siguro hihintayin ang sagot mo. Mukhang galit na boyfriend mo."Nakangiti pa ang lalaki habang nakatingin sa kanya.
" But he's not my—?"
"Asawa niya ako. Hindi ka ba naka-attend ng kasal namin?" Sabi niya pa sa lalaki.
" I see... hindi mo sinabi sa ka-batch mate natin na kinasal ka na."
"Ah—?"
"Hindi namin sinabi sa iba kasi gusto namin magulat ang mga nakakakilala sa amin. See di ba? Nagulat ka sa nalaman mo?" Hindi na niya hinayaang makapagsalita si Nicole.
"Aah! Ganoon ba? Anyway, i'll give you my calling card, doctor na ako tawagan mo na lang ako diyan kung kailangan mo ng tulong ko." Inabot sa kay Nicole ang calling card ngunit inuhan na niyang kunin.
"I have to go. Bumili lang ako ng foods. "dugtong pa ng kaibigan nito.
"Salamat.. " Sabi ni Nicole.
Nang mawala na sa paningin nila ang lalaki. Pinagpupunit niya ang calling card na binigay ng classmate ni Nicole. Alam niyang wala siyang karapatang gawin iyon dahil hindi naman niya girlfriend si Nicole. Ngunit inis na inis siya sa lalaki.
"What the hell are you doing?" Sambit ni Nicole.
"Tss! Hindi mo naman kailangan yan, mas pogi ako don." Sabi niya.
"Eh, Ano naman konek sa tanong ko ng sagot mo?! Bakit ka ba nakikialam sa usapan namin? Close na ba tayo?"inis niyang sagot.
Para siyang nagising sa katotohanan. Bakit nga ba siya nakikialam? "Wala naman!"tipid nitong sagot. Pagkatapos muli niyang pinagpatuloy ang pagkain.
"Nagseselos ka ba?" Tanong ni Nicole.
Umiwas siya ng tingin sa kanya. "ASA!"
"Eh, bakit ka ganyan?"
Muli niyang binaling ang tingin kay Nicole. At Kumuha ng fries at sinubo niya sa dalaga. "Gutom lang 'yan, kumain ka na." he wink.
"Ano ba! muntik na akong mabilaukan."inis nitong sagot.
"Kung ano-ano kasi ang iniisip mo. Hindi ako nagseselos sa gwapo kong 'to." Sabi niya.
"Ahh! Ganon ba? okay! Sige susundan ko ang classmate ko! Kainin mo 'yan lahat!" Tumayo ito para sundan ang classmate nito.
Hinarang niya ang kamay niya sa dadaanan nito. Bumuntong-hininga siya..
"I'm sorry, naiinis lang kasi ako sa iyo dapat kasi date natin ito. Pero hinayaan mong mag papicture ang mga babae sa'kin. Ayoko nga sa kanila napilitan lang ako dahil sa iyo."
"Kasalan ko pala! Okay, i'm sorry.. Teka! Teka! Tama ba yung narinig ko "Date natin?" Pag-uulit nito.
"Ano kasi—Di ba date ang tawag kapag lumalabas ang lalake at babae?" Nahihiya niyang sagot kay Nicole.
"Kapag lumalabas ang babae at lalake date na agad? Hindi ba pwedeng nagkayayaan lang kumain?"
"Ah, basta! Wag mo ng kontrahin. Date natin ngayon. Kaya dapat wag na tayong mag-intertain ng iba." Sabi niya
"Bahala ka nga!" Sagot nito.
PAGKATAPOS nilang kumain nanood sila ng sine. Horror movie ang pinanood nila kaya walang ginawa si Nicole kung hindi ang sumigaw nang sumigaw dahil sa takot sa pinapanood. Hindi naman niya mapigilang pagtawanan ito dahil sa mas nauuna pa itong sumigaw napapasunod tuloy ang ibang nanonood ng movie.
"Hoy! Bakit ka natawa? Hindi naman comedy pinapanood mo." tanong nito nang mapansin siyang tawa nang tawa.
"Nakakatawa ka kasi. Nauuna ka pang sumigaw. Gustong-gusto mong manood ng horror tapos tatakpan mo mata mo tapos tatanungin mo sa akin kung anong nangyari sa kwento." Sabi niya
Hinampas siya nito sa balikat niya. "Kabadtrip ka!" Sabay simangot nito.
Pagkatapos nilang manood ng sine. Pumunta sila sa arcade. Naglaro silang dalawa. Madaming tao doon. Kaya maraming babae ang halatang-halata na nagpapansin sa kanya. May gustong mag papicture pero hindi na siya pumapayag. Hindi naman niya maawat ang mga babaing palihim siyang kinuhanan ng litrato. Tinuon na lang niya ang pansin sa paglalaro nais kasi niyang manalo ng teady bear para ibigay kay Nicole.
"For you!" Nakangiti pa siya habang inaabot ang teady bear kay Nicole.
Napatingin si Nicole sa kanya.
"Thanks! Panalo mo ba 'to?!"
"Hindi, Pinalit ko 'yan sa mga ticket na nakuha ko kaya pinalit ko na lang."
"Di ba? dapat marami ka dapat ticket para maipalit?"
"Oo nga! Madami akong ticket inipon ko iyon noon."
"Ibig sabihin palagi kang naglalaro?"
"Hindi naman magaling lang talaga ako."
"Aysus! Nagyabang na naman. Salamat rito." Sabi nito.
Naghanap silang dalawa ng videoke booth nang makahanap sila nag-umpisa siyang kumanta nang kumanta.
"Ikaw naman ang kumanta pagod na ako." Sabi nito. sabay abot sa kanya ng microphone.
"Ayoko! Pangit ang boses ko baka pagtawanan mo na naman ako." Sumimangot pa ito sa kanya.
"Okay lang matagal na akong hindi nakakarinig ng huni ng palaka." Pang-aasar pa niya rito.
"Ang yabang mo talaga kahit kailan. Argh! Nakakaasar ka alam mo 'yon? Sarap mong ilagay sa freezer." Sabay irap nito sa kanya.
Umupo siya sa tabi nito amoy na amoy niya tuloy ang pabango ng dalaga.
"Joke lang naman! Galit ka na agad! Sige na please kumanta ka na pagod na kasi ako."
"Okay sige, pero wag na wag kang tatawa." Sabi nito.
Tumango siya at itinaas pa niya ang kanang kamay niya. "I'll promise!'"
Tumayo si Nicole at naghanap ng bagong kanta. "This song is dedicated to my bestfriend. I was so stupid when i didn't asked his surnam. I am dying to miss you my friend." Pagkatapos kinanta nito ang Thinking out loud by Ed Sheeran.
Habang kinakanta ni Nicole ang Thinking out loud by Ed sheeran.
Naalala niya ang matalik niyang kaibigan sa katauhan ni Nicole. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso niya bagay na naramdamaan niya noon sa kanyang kaibigan na si Amaya.
"Sigurado ako, ikaw na talaga yun."bulong niya.
Matapos kantahin ni Nicole ang kantang Thinking out loud.
pumalakpak siya at nakangiti siyang lumapit dito.
Magsasalita pa sana ito ngunit bigla niyang niyakap ng mahigpit. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman ngunit pakiramdam niya mas gagaan ang bigat na nararamdaman niya habang yakap-yakap niya ito. Bigla kasi niyang naalala ang matalik niyang kaibigan na matagal niyang hinahanap sa puntong iyon hindi niya napigilan ang pag-agos ng luha niya sa balikat ni Nicole.