"Let's go Nicole. we're both pretty and sexy na!" Wika ni Fema matapos nitong pagmasdan ang mukha nito.
Nagmamadali silang umalis ni Fema patungo sa dadaluhang party nila. Ngayon kasi ipapakilala ng may-ari ng pinaka tanyag na clothing company ang anak niya na umuwi ng pilipinas. Kung kaya't Napilitan siyang sumama dahil sa manager niya. Kaibigan kasi ng manager niya ang pamilya na iyon.
"Maraming mga high profile na tao doon. At mga bachelor at mga gwapong boylets!" Sabi ni Fema. kilig na kilig pa ito. Sobrang excited pa ang loka.
"Yung totoo? Pogi lang ba dahilan mo kaya ka pumunta!" Tanong niya.
Kinuha ni Fema ang salamin sa bag niya pagkatapos nag-apply uli ito ng lipstick at face powder. "Hindi naman, pupunta kasi doon si Vincent at ang parents niya. Malay mo ipakilala niya ako sa future manugang ko." Nakangiti pa ito sa kaniya habang sinasabi iyon.
"Tsk! Ambisyosa!" Sabay irap niya.
"Ha-ha-ha! Kontra ka palagi sa kaligayahan ko friend."
"Ikaw din naman pareho lang tayo." Sagot niya.
Nagtawanan silang dalawa. Ganoon silang dalawa. Palagi silang kontra sa isa't- isa pero kahit ganoon marami silang mga bagay na napagkakasunduan.
Maraming high profile ang dumalo sa party na iyon. Iba't ibang tao. Mga nasa business industry, mga sikat na artista at mga pulitika.
Naglalakad siya habang naghanap ng lugar na hindi masyadong maraming tao. Hindi talaga niya gusto ang ganitong gathering ngunit kailangan niyang um-attend dahil sa trabaho niya. Nagtext siya sa kaibigan niyang si Fema upang malaman nito kung saan sila magkikita mamaya. Habang naglalakad siya hindi niya namalayan ang kasulubong niya kaya nagkabanggaan sila nito.
"Aray!" Sabi niya ng mabangga siya. Mabilis naman siyang nahawakan na taong nakabangga sa kanya.
"I’m sorry!" tinig iyon ng lalaki.
Tumingala siya upang makita ang lalaking nakabangga niya. "Oh my Gosh! Anghel na bumaba sa lupa."
Isang 6'3 ang tangkad, maputi at makapal niyang kilay na parang iginuhit. Bumagay ito sa mukha niya. Mapungay rin ang mga mata nito. Pakiramdam niya habang tinitigan siya nito parang unti-unting mawawalan ng garter ang panty niya. Kamukha kasi niya ang leader ng korean group na idol niya.
"A-Ahh, sorry din." sabi niya.
Nakangiting in-extend nito ang kamaya. "I'm Lenard Scott and you?"
Para naman siyang papanawan ng ulirat dahil sa adonis na kaharap niya, physically attractive siya sa lalaking ito. Feeling niya nangangatal siya hindi sa takot kung hindi sa sobrang kilig na gustong kumala sa kanya.
"S-Scott!" Pautal utal niyang sabi.
Tumawa ang lalaki. "You're so funny."
"Grabe ang cute niyang tumawa. God help me baka hindi ko na makaya maging wild ako at pugpugin ko siya ng halik ko." Bulong niya.
Tumawa ito. "Yes, I'm Lenard Scott."
"H-Ha! Okay! Nice meeting you Lenard." Parang bigla siyang nakaramdam ng hiya. Ibig sabihin kasi kamag-anak ito ng billioner na si Lorenzo Scott
"Anyway, bakit nag-iisa ka rito?" Tanong niya.
"Ha? Hinahanap ko kasi ang kaibigan ko." Alibi niya.
"Oh, I see.. pareho pala tayong naghahanap ng kaibihan." Sabay kindat nito sa kanya.
Unti-unting nagkukulay kamatis ang mukha niya dahil sa sinabi nito. Umiwas siya ng tingin dito hindi na kasi niya matagalan ang nakakalokong ngiti nito habang nakatingin sa kanya.
"A-Alam mo may kamukha ka?" Tanong niya.
"You're boyfriend?"
"Nope, yung basurero sa lugar namin." Tumawa siya. "Joke lang!" Sabi niya.
"You look so familiar." Sabi nito sa kanya.
"Alam ko na 'yan kamukha ako ng katulong niyo?" Sabi niya.
Ngumiti siya. "Nope. Kamukha mo ang magiging asawa ko."
And my face turns to red.
****
ILANG minuto nang nasa mansiyon ng mga Scot si Kenneth. Wala sana siyang planong um-attend ng party. kung hindi lang sinasabi sa kanya ng ate niyang si Vanessa na baka pumunta si Nicole doon. Naaalala niya pa ang sinabi ng ate niya kanina.
"My dear brother, magpahinga ka na lang diyan sa bahay, balita ko pupunta si Nicole sa party. Naku! Siguradong maraming hahabol ng tingin sa kanya."
Nagsalubong ang kilay niya. "Psh! Wag kang gumawa ng kwento hindi pa rin ako sasama." Sabi niya.
Nagkibit-balikat si Vanessa. "Okay! Hindi kita pipilitin. Bye!”
Nang makaalis ang ate Vanessa niya agad niyang tinawagan si Vincent para i-confirm kung naroon nga si Nicole. Nang masigurado niyang pupunta nga roon si Nicole nagmadali siyang umalis ng bahay.
Habang naglalakad siya. Napadako ang tingin niya sa garden ng mga Scott. Madalang ang tao doon. Nahagip ng mata niya ang babae at lalaki na masayang nag-uusap.
"Si Nicole ba iyon?" Sabi niya.
Agad siyang nagmadali lumapit doon. Nagdilim ang paningin niya at kuyom ang dalawang palad niya nang makilala niya ang mga iyon si Nicole kasama si Lenard Scott.
"Kenneth, bakit ganyan itsura mo? "Tanong sa kaniya ni Joshua. Isa siya sa mga ka-bandmate niya. Huminto siya sa tapat nito pero Hindi niya ito sinagot sa halip titig na titig siya sa dalawa. May kirot sa puso niya habang pinagmamasdan niya ang mga ito.
Napansin iyon ni Joshua ang masamang tingin niya sa dalawa. Ngumisi ito sa kanya at tinapik siya sa balikat.
"Brad, alam mong wala kang karapatan di ba? Wag mong ipahiya sarili mo. Kung type mo yung babae ligawan mo." ani Joshua.
Tiningnan niya ng diretso si Joshua. Huminga siya ng malalim.
"Salamat Brad! Di ko lang mapigilan nararamdaman ko." parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Wala naman talagang dapat ikagalit wala naman siyang karapatan. Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit nasasaktan siya sa nakita niya.
"Nagseselos ka?" usisa ni Joshua
Sumimangot siya. "Hindi, bakit naman ako magseselos?" Sabay iwas niya rito.
"Alam mo? Brad, kilala kita matagal na tayong magkaibigan high school pa lang tayo kaya alam na alam ko kung nag seselos ka o hindi."
"Hindi nga sabi eh!" inis niyang sagot
"Woohh! relax lang wag masyadong pikon. Ha-ha-ha!"
Nagwalk out siya. Naiinis kasi siya sa kaibigan niyang si Joshua.
“Ano naman kung nagseselos ako. Teka! nagseselos ba talaga ako?” sa isip-isip niya.
***
"Nicole!"
Napalingon siya sa likuran niya. Nakita niya si Vanessa nakangiti sa kanya habang papalapit.
"Hi! Vanessa. I'm glad to see you here." sabi ni Nicole.
Nagbeso-beso silang dalawa. "Actualy, hindi lang ako ang nandito andito sila Mom and Dad at si Kenneth." Nakapaito sa kanya.
"Nandito pala siya."
Naging malikot tuloy ang mga mata niya. Nagbabaka sakaling mahagip ng mga mata niya si Kenneth.
"Yeah! Andoon sila sa kabilang table. Come and join us." Sabay hinila siya nito sa table kung saan naroon sila Kenneth at mga kaibigan nito.
"Vanessa, wait!" Ngunit hindi niya binitawan ang kamay ko. Dinala niya ako sa table nila.
Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Si Vincent, Kenneth, at yung dalawang ka- bandmate ni Kenneth. Nagulat siya nang makita niya ang kaibigan niyang si Fema na katabi ng upuan ni Vincent. Nagpeace-sign ito sa kanya.
"Listen every one. I would like to meet you Nicole." Sabi ni Vanessa.
"Nicole buti nakita mo kami."sabi ni Fema sa kanya.
Pinandilatan niya ito ng mata. "Kasi naman lagi mo ako iniiwan sa ere. Tinawag lang ako ni Vanessa kaya ako nakarating dito."
"Alam mo naman ang dahilan di ba? Tsaka may usapan tayo!" Pa-simple pang tinuro ng mga mata ni Fema ang katabi na si Vincent.
Inirapan niya si Fema.
"Guys! Let's drink." Sabi ni Vanessa. Nagsalin sila ng alak sa bawat sa wine glass.. Yung sa kanya konti lang ang inilagay at ang kay Kenneth punong-puno.
"Kaya mo 'yan inumin?" Tanong niya kay Kenneth.
"Dont mind me!" Sagot nito sa kanya.
"Tss! Nagtatanong lang ang sungit na agad!" Inirapan niya ito.
"Wala kang pakialam! Wag ka nang magtatanong!" Tinunga nito ang isang glass wine na puno ng alak pagkatapos ng hingi pa ulit ng isa.
"Ugh! Ok Fine!" Galit niyang sabi.
Ininom niya rin ang wine kahit hindi niya gusto ang lasa ng wine binaliwala niya ito dahil sa sobrang asar niya kay Kenneth.
Napansin niyang sa kanya nakatingin ang mga kasama niya sa table. Parang may kuryete sa mga mata nila tuwing nagkakatitigan silang dalawa ni Kenneth.
"Woah! Tama na 'yan! Bawal ang may topak dito ha!" Awat ni Vincent.
Inirapan niya si Kenneth ng muling magtama ang paningin nila. Samantalang si Kenneth naman inubos na yata ang alak sa table.
Para walang gulo hindi na lang niya ito pinansin. Kumain at nag kwentuhan sila. Hindi nakikisali si Kenneth sa usapan nila. Umiinom lang ito mag-isa mayamaya napansin niyang tumayo ito.
"Guys! I have to go." Nagpaalam na ito na hindi man lang nagpaalam sa kanya O tapunan siya ng tingin. Ngunit nakakadalawang hakbang palang si Kenneth. Natumba na ito. Buti na lang maagap ang kaibigan niyang si Joshua dahil nahawakan siya nito upang hindi siya tuluyang bumagsak sa semento. Tumayo na rin si Vincent at ang iba pa niyang kasama. Inalalayan si Kenneth para makatayo.
"Anong problema ni Kenneth? He never drink too much alcohol. Ngayon lang." tanong ni Vanessa sa mga kaibigan nito.
"Vanessa, nagseselos kasi siya!" Sagot ni Joshua .
"Jelous? Who's the lucky girl?" Tanong uli ni Vanessa.
"We will find out soon." Ngumiti pa si Joshua.
Pansin na pansin niya ang mga tingin ng mga ito sa kanya at hindi niya alam kung anong dahilan.
"Anong problema nila? Bakit sila nakatingin sa'kin lahat? Tss! kainis!" Bulong niya habang iniinom niya ang wine na nasa baso niya.