CHAPTER 9

1555 Words
Malapit ng mag-umpisa ang kasal ni Ella at Troy pero hanggang ngayon. Wala pa rin ang partner ni Nicole. hindi niya naman kasi na isip na basahin ang wedding invitation nila kasi doon pinadala sa bahay nila at Hindi sa condo niya. "Hoy! Nicole, ayusin mo nga yang mukha mo! Baka sabihin ng makakakita sa iyo diyan tutol ka sa kasal nila Ella at Troy." Bulong sa kanya ni Fema. Nasa likuran lang niya ito habang naka pila sila. Isa rin kasi sa Abay si Fema at guess what? kung sino ang partner niya. Si Vincent lang naman, kaya parang si Fema tuloy ang ikakasal dahil abot langit ang ngiti nito. "Sino ba naman ang hindi sisimangot? Mag-uumpisa na ang kasal wala pa rin ang partner ko. Grrr! Nakaasar talaga sino ba kasi iyon napaka very important person."sagot niya. "Eh, di mag lakad ka mag-isa, okay lang iyon hindi naman halata na wala kang partner." "Ikaw talaga Fema hindi ko alam kung kaibagan kita, kinokontra mo ako palagi." Nag peace sign si Fema sa kanya at nginitian siya nito. Inirapan naman niya ang kaibigan upang ipakitang naiinis siya rito. Ngunit walang Epekto iyon kay Fema. Tumugon ito ng nakakalokong ngiti pagkuway muling tinuon ng kaibigan niya ang pansin kay Vincent upang magpa-cute. Nag simula ng kumanta ang wedding singer hudyat na kailangan ng Umpisahan ang kasal. Kung kaya't walang choice kundi ang maglakad mag-isa. "Ako lang ang walang partner! Grrr! Asar talaga sino kaya yung partner ko dapat." bulong niya. "Sorry guys! Im late." tinig 'yon na nagmula sa likuran niya. "Nakaabot ka pa naman Kenneth. mag-uumpisa pa lang kaming maglakad sa gitna ng aisle."sagot ni Vincent. "Oh! Ang pogi naman pala ng partner mo, wag ka nang magalit" bulong ni Fema. Nakangiting tumingin sa kanya si Kenneth nang tumabi sa kanya."Hi! Im glad to see you again." Inirapan niya ito hindi niya nagawang magsalita pa. Dahil naglalakad na sila. kinuha ni Kenneth ang kamay niya at inilagay sa braso nito. "Ganyan dapat! Tingnan mo sila!" Turo pa sa iba. "Whatever!" Pero sa halip na patulan siya sa pagtataray niya kinindatan lang siya nito. "Anong hangin ang pumasok sa katawan nito bumait yata." Hindi niya pinansin si Kenneth hanggang sa matapos ang kasal. Hinanap niya ang kaibigan niyang si Fema noong nasa reception na sila ngunit hindi niya ito makita marahil bising-bisi sa pagpapa-cute kay Vincent. Naghanap siya ng bakanteng table dahil gusto niyang mapag-isa. Ayaw niyang may ibang kasama kung hindi nga lang nakakahiya sa kaibigan niyang bagong kasal na si Ella kanina pa siya umuwi. "Mag-isa ka yata." Tiningnan niya ang nagsalita at nang makilala niya kung sino ito nagbago ang expression ng mukha niya. "May nakikita ka bang kasama ko? Ano bang kailangan mo Mr, Kenneth Sy?" Hinila nito ang upuan na nakaharap sa kanya at kampanteng umupo sa harap niya. Nagkibit-balikat ito. "Nothing! Ayoko lang din sa crown." "And why are you here? Leave me alone." Pagtataray niya. Parang hindi narinig ni Kenneth ang sinabi niya. Nginitian lang siya nito at pagkuway tinawag ang waiter. catering kasi ang nag-a-assist sa pagkain ng mga bisita. "Palagi ka bang ganyan?" Tinitigan niya ito ng masama. "Kapag ikaw ang nakikita ko. Oo!" "Bakit naman? Alam mo ang swerte mo nga lumalapit sa'yo ang vocalist ng E.T dapat mag pasalamat ka kasi sa ibang babae parang nanalo na sila sa lotto." Nakangiting sabi ni Kenneth. Salubong ang kilay niyang nakatingin kay Kenneth habang tumatagal ang pag-uusap nila mas lalo siyang nababadtrip dito. "Tss! ang Kapal din naman ng mukha mo noh? Alam mo bang Kapag nakikita kita para akong nasa hell! Please go away! tsupi!" Tumawa ito sa kanya. "Bakit naman kita susundin? Ang sarap dito sa napili mong pwesto mahangin." "Kasing hangin mo! Makaalis na nga bago pa tuluyang masira ang araw ko." Tumayo siya para umalis pero hinila ang kamay niya ni Kenneth. "Ano ba! bitiwan mo nga ako!" Sigaw niya. "Please, stay here! " Utos nito sa kanya. "Aba! sino ka! Para sundin ko?!" "Please! Im begging you gusto ko lang ng may makakasama, after nito hindi na rin naman tayo magkikita isa pa may utang ka sa akin dahil niligtas ko ang buhay mo last week di ba?" Napaisip siya. Oo nga naman kahit papaano ito ang nagligtas sa kanya. "Fine! Basta wag mo akong kakausapin, wag mo akong pakikialam. Nagkaka-intindihan ba tayo?" Tumango si Kenneth tanda ng pagsang ayon. "Let's eat! Kanina pa ako gutom na gutom." Tumalima siya at muling bumalik sa kinuupuan. Tahimik silang kumakain walang gustong magsalita sa kanilang dalawa. Pagkatapos niyang kumain Binuksan niya ang cellphone niya at naglaro siya ng clash of clan matagal na niyang nilalaro ang COC nakakawili kasi. At kahit mga sikat na artista naglalaro ng coc. Ang mga kasali sa clan nila ay kapwa niya modelo yung iba. Stage singer at business man. Nakakalibang kasi ito. Lalo na kapag nag-uupgrade na ang mga troops mo. At dahil May war sila ngayon, libang na libang siya sa paglalaro hindi niya naisip na ay iba pa siyang kasama sa table. Sinilip niya si Kenneth at napansin niyang nakasubsub na ito sa table. "Teka ka! Mukhang tulog na ah!" "Kenneth!" Sigaw niya pero ito hindi nagigising. Nilapitan niya ito at niyugyog ang balikat pero walang epekto, napadako ang mga mata niya sa mukha ni Kenneth. Napansin niyang parang namumutla ito. Hinipo niya ang leeg at noo ni Kenneth. "Oh my God! Ang taas ng lagnat mo.' Tinawagan niya si Fema para. Humingi ng tulong pero hindi ito sinasagot. '"Nakakainis! Pag importante hindi talaga ma-kontak ang babaeng iyon." Naisip niyang tawagan ang ate ni Kenneth na si Vanessa para humingi ng tulong. "Hello, Vanessa, si Nicole 'to. Si kenneth kasi inaapoy ng lagnat. nandito pa kasi kami sa reception ng kasal ng kaibigan namin." "I'm sorry Nicole, walang tao sa bahay nasa out of town sila Mom&Dad. Ako naman nandito sa iloilo," sagot ng nasa kabilang linya. "Anong gagawin ko rito?" "Pasensya ka na pero tulungan mo muna siya please!" "Haist! May magagawa pa ba ako? pasalamat yang kapatid mo at may utang na loob ako sa kanya" "Wag kang mag-alala mabait naman yan si Kenneth. Thank you Nicole! Bye!" "Hay naku! Pasalamat ka mabait ako. Kung hindi Iniwan kita rito." Kausap niya sa tulog na si Kenneth. Tumayo siya saglit at naghanap ng taong makakatulong sa pagbubuhat kay Kenneth. Sa laki ng katawan nito. Hindi niya ito makakayang buhatin. Naroon siya sa condo at kasama ang may sakit na si Kenneth habang mahimbing na natutulog. Habang pinagmamasdan nya ito hindi nya alam kung paano niya nagawang dalhin ito sa loob ng condo niya. Sa bigat n'yang fourty five kilo muntik ng malaglag ang bahay bata niya sa sobrang bigat ng damulag na si Kenneth. Mabuti na lang tinulungan siya ng guard para maipasok sa loob. Nagluto siya ng sopas para mainitan ang sikmura ni Kenneth at upang makainom ng gamot. Hinanda niya rin ang bimpo at maligamgam na tubig. Naghanda na rin siya ng damit niya pampalit ng lalaki. Buti na lang may naiwang mga damit ang kapatid niyang lalaki dito sa condo na. Handa na ang lahat. Ang hindi niya lang napaghandaan ay ang pagpapalit ng damit nito. Umupo siya sa may gilid ng kama. Habang si Kenneth ay tulog na tulog. huminga siya ng malalim bago nag umpisang tanggalin ang mga botones ng polo ni Kenneth. Butil-butil ang pawis ang nararamdaman niya habang unti-unti niyang inaalis sa pagkakabotones ang polong suot nito. "Malakas naman ang aircon bakit pinagpapawisan ako." Bulong niya. Habang tinatanggal niya isa- isa ang botones. Unti-unti rin lumalantad sa makasalanan niyang mata ang dibdib ni Kenneth. "Oh my gosh!" Napalunok siya nang tuluyan niyang alisin ang suot nitong t'shirt. Bigla niyang tinakpan ang bibig niya at nagmadaling lumabas. Nagtungo siya sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Pakiramdam kasi niya naubos ang tubig sa katawan niya dahil sa Abs ni Kenneth. Muli siyang bumalik sa silid ng maka-recover. Napadako muli ang mata niya sa katawan nito. "Bakit kasi pag gwapo kailangan may six packs abs? requirements ba iyon kapag gwapo?" Muli siyang umupo sa gilid ng kama. "Enhale! Uhmm! Exhale Haa!" Pagkatapos matapang niyang pinagpatuloy na tanggalin ang polo ni Kenneth. Ilang beses siyang napapalunok kapag dumamdampi ang kamay niya sa balat nito parang siyang masusunog sa nature ng trabaho niya sanay na sanay na siyang nakakakita ng mga lalaking nakahubad kita ang six packs abs at nakabrief lang. Pero bakit ngayon parang first time niyang makakita at bakit masyado siyang apektado. "Nyemass! paano ko tatanggalin ang pants niya?!" Pikit mata niyang tinanggal ang belt nito pagkatapos unbotton. Hinila niya ang pantalon nito pababa hanggang sa malantad sa kanya ang matabang si junior na nakatago sa manipis na telang nakatakip dito. Bakit mataba at bakat na bakat ito. Natapos niyang palitan ng damit si Kenneth na halos daig niya pa ang nakipag wretsling kay big show, tagaktak ang pawis niya. Muli niyang Pinagmasdan si Kenneth habang natutulog, "Ang himbig ng tulog mo nagmumukha ka tuloy mabait sa itsura mo ngayon. Mapag sasamantalahan ka na lahat lahat. Tulog ka pa rin." Lumabas siya ng kwarto at kumuha ng sopas at gamot. Ginising niya si Kenneth at pinakain upang makainom ng gamot. Hininaan niya ang aircon at nag-alarm siya para magising siya sa oras ng pag-inom ng gamot ni Kenneth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD