CHAPTER 8

1929 Words
Matamang pinagmamasdan ni Kenneth ang lumang litrato nila ni Amaya halos araw araw. hindi pala.... halos oras-oras n'yang tinitingnan ang mga masasayang litrato nila. kuha iyon noong sila ay unang mag kakilala, Napabuntong-hininga siya. Ilang taon na din niyang hinahanap pero hindi niya makita. Marahil nagbago na ang itsura nito O kaya may asawa na si Amaya, sa parteng 'yon may kirot siyang naramdaman. Binuklat niya isa-isa at pinagmasdan niya ang bawat angulo ng kanilang litrato. Halos sampung minuto n'yang ginagawa iyon ng maisipan n'yang magbalik tanaw sa nakaraan.. Magkawak kamay silang nag lalakad-lakad dooon sa park na lagi niyang pinupuntahan. Ang Luneta park. "Amaya ilang taon ka na ngayon?" Tanong niya. "Twenty years old, ikaw?" "Twenty three," Umupo sila sa may gilid habang pinagmamasdan ang dancing fountain. Maraming tao na tumatambay roon kahit alanganing oras. Maraming mag couple ang dumarayo para mag palipas oras, Pasimple niyang tinitigan si Amaya habang abalang-abala ang mga mata nito sa panonood sa mga taong naroon. "Maganda pala siya." Sabi niya. "Maganda pala dito noh!" Wika ni Amaya. Ngumiti lang siya habang nakatanaw. Kanina lang para siyang kaawa-awa. pero ngayon. Pakiramdam niya mas relax at mas kampante siya ngayon. Siguro dahil iyon kay Amaya. "Best Kenneth, saglit lang ha! May bibilhin lang ako. Wag kang aalis duyan?" Tumayo ito sa kinauupuan niya. "Samahan na kita." Umiling-iling ito. "Wag na saglit lang naman ako babalik ako agad." "Sigurado ka? Baka mapahamak ka." Ngumiti ito sa kanya. "Ang O.A naman ng best ko. Andoon lang naman sa kabila yung mga bilihan ng pagkain." "Sige, ikaw bahala. Ingat ka." Tinanaw niya ito habang papalayo. Malapit lang naman ang tindahan dito. ayaw niya lang talaga ito na mawala sa paningin niya. " TaRaann! Para sayo balot." Inabot sa kanya ang isang ang balot. Pero hindi niya iyon tinangap. "Hindi ako kumakain niyan nakakadiri kaya 'yan." " Masarap kaya 'to tikman mo lang." "Ayoko nga sabi eh, ikaw na lang ang kumain niyan." Pagtanggi niya. "Hmp!! Ang arte mo naman! " Tumalikod ito sa kanya at naglagay ng headset at hindi na siya muling pinansin ni Amaya. "Uy! Amaya." Kinakalabit niya ito pero hindi man lang siya pinapansin. "Umpisa pa lang may Best friend quarrel na agad kami." Bulong niya. He sighed. "Sige na! akin na 'yang binili mong balot kakainin ko na." Nakangiti itong humarap sa kanya. Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ni Amaya. " Yeheeyy! Kakainin na ni best ko ang balot. Wag kang mag-alala best masarap yan promise baka hanapin mo iyan kapag natikman mo." "Tss! Masarap ba yan? Nakakasuka nga eh," "Naku! Wag mo kasing iisipin na nakakasuka. Isipin mo na lang fried chicken 'yan." Sabay tawa nito ng malakas. "Fried chicken? Ewan ko nga sa iyo! Kung hindi lang talaga tayo mag bestfriend. Hindi ko 'yan kakainin." "How sweet naman ng bestfriend ko. Nakakaiyak ha!" "Nakakaiyak? Eh, natawa ka nga diyan, paano ba 'to kainin? Turuan mo nga ako." "Ganito lang yan." Kinuha ni Amaya ang isang balot na binili nito. Tig-isa na sila, pinukpok nito ng bahagya ang dulo ng balot sa may upuan. Tapos ng medyo nag c***k na yung dulo ng balot. Binalatan niya ito ng kaunti hanggang sa mabutas iyon nilagyan ni Amaya ng suka tapos hinigop niya ang sabaw. Pagkatapos tuluyan na niyang binalatan at kinain ang sisiw at dilaw ng balot. "Uhhmmm... Sarapp!" siya naman naka ngiwi kay Amaya habang Pinapanood niya itong kumakain. "Oh? Ikaw naman ang kumain niyan. Bilis! panonoorin kita." Sabi nito ng matapos kainin ang balot. "Kapag sumakit ang tiyan ko, lagot ka sa akin " "Sus! Ano ba 'yang anaconda mo sa tiyan chusy pa. Ayaw i-take ang balot. Kainin mo na!" Wala siyang nagawa kundi ang sundin si Amaya. Ayaw niya lang talagang magtampo ito kaya kahit ayaw niyang kumain ng balot. Napilitan siyang kainin. "Good bye Mommy! Good bye Ate and Daddy.." Sabi niya habang inumpisahan niyang lagyan ng suka ang dulo ng balot. Binatukan siya ni Amaya. Pagkuway na nagbunghalit ng tawa. "Ha-ha-ha! Ang O.A mo ha! Ano yan lason, may pagpapaalam ka pang drama diyan." Hinawakan niya ang ulo na binatukan ni Amaya. "Arayy ang sakit! Napaka gabriela mo talaga!" " Eh, ikaw kasi ang dami mong sinasabi akala mo naman mamatay ka sa pagkain ng balot " "Kakainin ko na ng matapos na!" maktol niya. Nakapikit siyang hinihigop niya ang sabaw ng balot. Binalatan niya ito tulad ng ginawa ni Amaya kanina. Tapos kinain niya ng buo. Halos muntik-muntikan niyang mailuwa ang balot. Kung hindi nga lang siya pinandidilatan ni Amaya ng mata Agad siyang uminom ng madaming tubig at pagkatapos nilunok niya ito tapos muli siyang uminom ng tubig. "Wow! Ang galing naman! Isa ka ng tunay na filipino, Ha-ha-ha!" pumapalakpak pa ito sa kanya habang nakangising nakatingin sa ka kanya. "Last na uyon pinagbigyan lang kita." "Anong lasa? Masarap ba?" Tanong 'ni Amaya sa kanya. "Hindi ko alam parang natinik ako." sagot niya Nakita niya sa mukha ni Amaya ang Pagpipigil na tumawa. "Bakit ka naman Matitinik. Ano yan isda?! Ha-ha-ha!" Walang tigil sa kakatawa si Amaya. Dahilan para mapukaw nila ang atensiyon ng ibang tao sa luneta. "Para kasing may tinik eh, tumigil ka nga sa kakatawa mo! Tawa ka nang tawa wala naman kumikiliti sa iyo." inis niyang sabi rito. "Ha-ha-ha! Nakakatuwa ka kasi , hindi iyon tinik,m baka tuka iyon ng sisiw. Malaki na yata yung sisiw. ha-ha-ha!" "Naisahan mo ako do'n ah! Humanda ka sa'kin magbabayad ka! " Tumayo siya para kilitiin si Amaya. Tumayo rin si Amaya ng mabasa niya ang gagawin niya. Tumakbo ito palayo sa kanya at hinabol niya naman ito. para silang mga bata na naglalaro ng habulan sa dis-oras ng gabi. "Ha-ha-ha-ha! Kenneth. Tama na! Nakikiliti ako! Ha-ha-ha-ha!" "Ha-ha-ha-ha! Hindi kita titigilan!" Kiniliti nya ng kiniliti si Amaya ng maabutan nya ito. Hanggang sa mapa-upo na sila sa lupa dahil sa paghaharutan nila. Wala silang pakialam kahit na nga pinag titinginan sila ng ibang taong dumarayo do'n Nang mapagod sila agad silang umalis at naghanap ng malapit na 711, do'n sila kumain ng ice cream, "Mas masarap ang double dutch ice cream ke'sa sa balot diba?" Sabi nya kay Amaya. Habang kumakain silang dalawa. Huminto sa pagkain si Amaya at tumingin ito sa kanya. "Pati ilong mo may ice cream na kenneth oh!' Pinunasan nito ang ice cream na nasa ilong nya. Nakaramdam sya ng Hiya kay Amaya. Yumuko sya."Thank you!" "Ang takaw mo kasi kenneth! Pati ilong pinakakain mo! Hahaha!" "Ah, gano'n! Inu-umpisahan mo na naman ako ha!" Tatayo na sana sya para kilitiin nya ulit ito. pero hinarang ni Amaya ang kamay nito. "Hep!hep!hep! Joke lang! Ayoko ng makiliti ang sakit na ng 'tyan ko kakatawa," Umupo ulit sya. tapos pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Pagkatapos ng ice cream trip. Hinatid nya ito Parking lot kung saan doon nakapark ang sasakyan ni Amaya. "Oh, paano! Hanggang sa susunod na pagkikita."ani Amaya. "Okay, thank you sa lahat bestfriend. Thank you for the wonderful night," tugon nya, "Wala 'yun. Okay sige na bye na! " Bago pa tumalikod si Amaya tumalikod. Tinawag nya ito. "Wala man lang ba'ng good bye hug&kiss?" Tumawa si Amaya at lumapit sya sa dalaga. Sya na ang unang yumakap kay Amaya. Niyakap nya ito ng mahigpit. Pakiramdam nya Hindi na nya ito muling makikita. Naramdaman din nya ang pagtugon ni Amaya ng yakap sa kanya. Habang magkayakap sila. naririnig nya ang pintig ng puso nya na Parang may nagda-drum sa loob nito. Kumakalabog ito ng napakalakas. "Best Amaya!" aniya "Hmm.. Bakit?" tanong nito. " Kapag wala pa tayo'ng asawa after four years. Tayo na lang magpakasal dalawa," sabi nya. Hindi nya alam ku'ng bakit yun ang gusto nyang mangyari. Para'ng basta na lang lumabas sa bibig nya ang mga salitang iyon. Inangat ni Amaya ang ulo nito mula sa pagkakahilig sa dibdib nya. habang magkayakap sila at tumingi sa kanya, "Sigurado ka? Sa itsura mo'ng yan! Para'ng hindi ka magtatagal na binata sa loob ng apat na taon." "Hahaha, pogi ba ako? Eh, di awayin mo ang lalandi sa akin para maging single ako ng apat na taon." Umingos 'sya, " tsk! Kapal mo! Honestly mabawasan lang ya'ng timbang mo. Alisin mo lang yang salamin mo. Mag bago ka lang ng pananamit. For sure you will be the next casanova," Napangiti sya sa compliment na galing kay Amaya. Ang sarap pakingan kapag si Amaya ang pumupuri sa kanya nadadagdagan ang confidence nya sa sarili. Feeling nya tuloy ngayon napaka gwapo na nya. "Kapag nagbago ako ng itsura. Hindi dahil sa iba'ng tao. kundi dahil 'yon sayo, kaya best Amaya promise mo.. Wag basta basta maiinlove. Antayin mo ang four years," nakatitig pa sya kay Amaya. "Hindi na'tin hawak ang kapalaraan. paano ko'ng after four years magkaro'n tayo ng sariling pamilya. 'Yung pamilyang mahal na mahal na'tin?" "Kung mangyayari 'yon. Mananatili ang pagkakaibigan nating Dalawa." Tumango lang si Amaya, "It's a deal?" "Deal!" Tugon 'nito. Ilang minuto silang magkayakap. Bago kumalas si Amaya sa bisig nya. Tinanaw na nya ito habang nag lalakad pero nakakailang hakbang pa lang si Amaya ng nilingon sya ulit nito. habang nakangiting lumalapit sa kanya, "May nakalim----?" Hindi na nya nagawang tapusin ang sasabihin nya Dahil hinila ni Amaya ang batok nya. At hinalikan sya sa lips. Tatlong segundo sigurong naglapat ang mga labi nila. Bago ito tuluyang bumitaw sa kanya. at tumakbo si Amaya matapos syang nakawan ng halik. Hindi na rin 'to muling lumingon sa kanya. Samantalang sya Nanatiling nakatanaw sa pag-alis ni Amaya. Tulala.. Habang hawak-hawak nya ang labi nyang dinampian ng labi ni Amaya. Hindi na ma alis-alis ang ngiti nya hanggang sa pag-uwi sya, "Tok! Tok! Tok!" Naputol ang pag babalik tanaw nya ng marinig nya ang pagkatok sa pintuan ng silid nya. Isa-isa nyang inayos ang mga larawan nila ni Amaya at inilagay sa loob ng cabinet nya. Pagbukas nya ng pinto. bumungad sa kanya ang dati nyang kaibigan, "Ikaw pala troy! Long time no see.. What make things bring you here? "I'd like to give you My wedding invitation. Abay ka ha!" Kinuha nya ang wedding invitation, "Sigurado ka? Mag papakasal kana? Wow! Nagbago ka na talaga! Sino pala 'yung malas na babae'ng. tinakot mo para pakasalan ka?" Biro nya, "Hahaha! Brad loyal 'to si Ella pa 'din. Kilala mo 'sya diba? " "Yah! Congrats! At na pagtiisan ka 'nya! Brad higpitan mo helmet ni Ella baka matanggal malapit pa naman kayo ikasal. Hahaha! "Gago ka talaga! brad. Parang hindi tayo mag kaibigan eh, matagal-tagal nami'ng pinaghandaan 'to. kaya wag kang mawawala. Aasahan kita!" Tinapik tapik nya ang balikat 'ng kaibigan nya. "Congrats brad, Im happy for you, Dont worry pupunta ako sa kasal mo," "Thanks brad! Oh paano alis na ako madami pa kami'ng aasikasuhin ni Ella sa kasal namin. Sinadya ko lang talaga 'yan sayo kasi sabi ni Vincent umiiyak ka na naman daw sa loob ng kwarto mo. Hahaha!" "Siraulo talaga 'yon si vincent. Oh, Sige ingat na lang" Nang makaalis na si troy. Binuksan ko ang invitation card, "Chua&ayala Nuptial. " Binasa nya ang mga abay. Hindi naman sya interesdo kung sino pa 'yung makapareho nya. Nacurious lang talaga sya sa loob ng Invitation Card, Nanlaki ang mata nya sa nabasa nya. lumakas ang kabog ng dibdib nya. Nakalagay kasi sa partner nya ang pangalan ng babae ay. "Amaya nicole underson," "Si Amaya kaya 'yun?" Dali-dali nyang tinawagan ang secret agent nya. "Hello! Arnold magkita tayo ngayon, may ipapahanap ako sa'yo! Sa may glorieta tayo magkita Sige bye! Agad nyang ini end call ang tawag nya at nag madali na syang umalis ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD