Maagang nagising si Kenneth. Kinapa niya ang katabi niya kung naroon pa ito. Nang maramdaman niyang nasa tabi niya si Nicole. Dahan-dahan siyang bumangon at pinagmasdan ang mukha ng dalaga. He sighed. "Parang nasa panaginip pa rin ako. Hindi ko akalain na kasama kita after along years." Bulong ni Kenneth habang hinahaplos ang buhok ni Nicole. Ilang minuto rin niyang pinagmasdan si Nicole, bago siya tuluyang bumangon. Pagkatapos ginawa niya ang daily routine niya. Bago siya lumabas ng kwarto sinilip niyang muli si Nicole. Napangiti siya. Mahimbig pa rin itong natutulog kung kaya't dahan-dahan niyang hinagkan sa may sintido. Pagkatapos agad siyang pumunta sa kusina upang mag almusal. Nakita niya agad ang magulang niya sa dinning table lumapit siya sa mga ito. "Mom, Dad good morning!" Bati