Nakangiti si Kenneth habang pinagmamasdan niya ang dalawa. kahit kasi hindi aminin ng Ate niya at ni Arnold. Halata naman na mahal nila ang isa't-isa. Bigla tuloy niyang naalala ang mga plano nila kay Nicole. Nasa loob sila ng Mini-bar ng mga barkada niya kasama si Fema, pinag pa-planuhan nila kung paano at hindi sinasadyang malalaman ni Nicole ang lahat. Dapat ang unang plano. Magyaya lang silang mag-inuman doon sa bahay ni Nicole. Pagkatapos kunwari maiiwan ni Kenneth ang pitakang may old picture nila ni Nicole. Ngunit biglang dumating ang dalawang mag couple si Vanessa at Arnold ng hindi nila napapansin at nakikinig na pala ang mga ito sa pinag-uusapan nila. "Can we join?" Sabad ni Vanessa. Tinitigan siya ni Kenneth. "Ate wag na kaya namin ito." "I have an idea? Bakit hindi niyo sab