Nagmamadaling tumakbo si Kenneth at Nicole patungo sa patient room ni Lenard, lampas na kasi sila ng sampung minuto sa oras na paglabas ni Lenard, masyado kasi silang nag-enjoy sa family bonding nila kanina. Saktong pagpasok nila sa patient room ni Lenard palabas naman si Lenard nakasakay ito sa wheel chair habang hinihila ng naka-duty na Nurse. "Mabuti at naabutan niyo pa ako dito."sabi ni Lenard. Lumapit si Nicole sa Nurse na naghihila ng wheel chair ni Lenard, "Miss, ako na po ang maghihila ng wheel chair ni Lenard." ani Nicole. Tumanggi ang Nurse. "Pasensiya na po ma'am bawal po kasi 'yon. Mapapagalitan po ako. "Aay! Ganoon po ba? Pasensya na." "Sexy, hayaan mo na lang ang Nurse ang mag hila niyan." sabad ni Kenneth "Oo nga Yummy, akala ko pwede bawal pala iyon?" "Sext at Yummy?
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books