"Kenneth, can you explain to me what's the meaning of this!" Gigil na sabi ni Vanessa. Kasama niyang pumunta si Arnold sa condo ni Nicole. Dahil ang sabi ni Kenneth may party doon. Expected niya ay social gathering na naman iyon at kailangan ng bonggang outfit ngunit pagpasok nila ng condo ni Nicole sila lang dalawa ni Arnold ang nakasuot ng formal samantalang silang lahat nakasuot lang ng short, sando, Panjama, t'shirt. "Why Ate? Something wrong? "Tanong ni Kenneth na parang hindi alam ang nangyayari. "Bakit hindi mo sinabi na hindi naman kailangan mag suot ng formal dress sana hindi na ako nagpalit ng damit kanina!" Inis nitong sabi. Tinitigan ni Kenneth si Vanessa at si Arnold. Habang nakatayo sila sa kusina nasa may sala kasi ang ibang kasama nila. "Kayo lang naman talaga ang dapat