Maagang nagising si Nicole at Fema dahil may thanks giving party ang Eternity Band at sa condo ni Nicole gaganapin iyon. Maliit na salo-salo lang naman iyon ngunit dahil ito ang unang beses na magkakaroon ng party sa condo ni Nicole. Kaya naman sobrang excited sila. Dahil gusto nilang babuyin ang condo ni Nicole este gusto nilang sa condo ni Nicole i-celebrate ang party natulog si Fema sa coondo ni Nicole upang makapaghanda ng maaga. Maaga kasi silang mamimili ng mga kakailanganing lutuin. Hindi naman ganoon kabongga ang party pero mas gusto nilang paghandaan ng maaga. Ayaw kasi nilang magpa-catering gusto nila lutong bahay. "Fema anong oras ba darating sila?" Tanong ni Nicole habang abalang-abala sa paghiwa ng sibuyas. "Sabi ni Vincent mga 10:am nandito na raw sila." "Ganoon ba? 9:00