CHAPTER 7

2513 Words
Naalimpungatan si Nicole sa alarm ng cellphone niya kinapa niya 'yon at pinatay. Sobrang antok na antok pa kasi siya ang sarap pa kasing matulog. "How is She?" Nauulinigan niyang sabi. Pero dahil sa antok pa siya. binalewala niya ang ingay na 'yon. Ilang minuto pa ang nakakalimpas napasigaw siya ng may maramdaman siya na kung anong basa na nasa paanan niya, napatayo siyang bigla. "Stop Sushie! " Saway ng isang matandang babae na nasa edad kwarenta isais sa aso nito na ang breed na shitsu. "Where I am?" Takang tanong niya sa matandang babae. Kinarga niya ang aso at humarap sa kanya. "Sorry! Sa ginawa ni Sushie sa iyo napagkamalan ka niya sigurong si Vanessa kaya gusto niyang makipaglaro sa iyo. Nandito ka sa bahay namin. Ang boyfriend mong si Kenneth umalis muna saglit. Ako nga pala ang mommy ni Kenneth. Mama Lisa na lang itawag mo sa'kin." Mahaba nitong paliwanag. "Kenneth!" Saka niya lang naalala ang lahat na nangyari kagabi. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya. "I'm sorry po ma'am aalis na po ako." "Teka lang Ija, hintayin mo muna si Kenneth at kumain ka muna ng lunch bago umalis." Lalo tuloy siyang nahiya dahil inabutan na pala siya ng tanghali sa bahay ng ibang tao. "Hindi na po nakakahiya na po talaga. Salamat na lang." Bumangon siya upang ayusin ang sarili ngunit napansin niya na iba ang damit niyang suot pinakiramdaman niya ang sarili kung may mararamdaman siyang sakit sa katawan. "Ako nagpalit sa iyo ng damit kagabi nasukahan mo kasi 'yon." Wika ng Mommh ni Kenneth. Tinampla niya ang noo niya. Nakakahiya talaga sobrang perwisyo na ang ginawa niya sa pamilya ni Kenneth . "Bakit pa kasi ako uminom ng alak hindi naman talaga ako mahilig umiinom ng Alak. Si Fema kasi pinilit ako nakakahiya tuloy." "Halika na ija. Kumain ka na. Tuyo na pala ang damit mo pinalabhan ko kagabi kay Yaya Vicky nandoon nakapatong sa table." "Salamat po ng marami at pasensiya na po sa abala ma'am." "Naku wag kang magpasalamat. Girlfriend ka ng anak ko kaya masaya akong pasilbihan kita kahit papaano, wag mo na ko'ng tawaging ma'am Mama Lisa na lang." "Pero hindi po ako girlfriend ni Kenneth nakilala ko lang siya sa bar kagabi. Tinulungan niya lang po ako kaya po ako nandito sa bahay niyo. Ngayon, pasensya na po." "Kayo talagang mga bata kayo. Naglilihim pa nasa wastong edad na kayong dalawa wag niyo nang itanggi. " "P-Pero—" "Magbihis ka na diyan Ija. Nagluto ako nang masarap na tangahalian. Mayamaya lang darating na si Kenneth." Putol nito sa sasabihin niya at tuluyan na itong lumabas ng silid. Muli siyang umupo at pinagmasdan ang silid na tinulugan niya. Halatang silid ito ng babae dahil ang kulay ng dingding ay kulay pink. Pink din ang kulay ng unan at punda. Ang lahat ng gamit sa loob ay kulay pink. Mukhang mahilig sa pink ang nag mamay-ari nito. Naglalakad-lakad siya sa loob ng buong silid. Masyado itong malaki kumpara sa Silid niya sa condo niya. Binuksan niya ang isang pinto sa kanang bahagi. Namangha siya sa mga nakita niya. Napakadaming damit kasi ang laman ng malaking silid na binuksan niya. Para siyang nasa mall na may nakahalera mga damit. Ang dami kasing magagandang damit sa silid na iyon. Pumili siya at kumuha na isang dress na kulay black. above the knee iyon at hapit na hapit iyo sa katawan niya. Back less ito hanggang sa may balakang Samantalang sa harapan naman ay napapalibutan ng mga bids at perlas. Ilang beses siyang umikot-ikot sa salamin. Nang magsawa siya lumabas na siya at nagtungo sa loob ng banyo. Pagpasok niya sa loob ng banyo tumampad sa kanya isang kulay pink na Jacuzzi. Kaya talagang nag-enjoy siyang maligo. Minsan lang naman siyang mag feeling mayaman. Lubusin na. Halos kalahating oras siyang nasa loob ng banyo nang maisipan niyang lumabas. "Masyado ka naman yatang feel at home sweetheart." Wika ni Kenneth. nakaupo ito sa may gilid ng kama. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa towel na nakatakip sa hubad na katawan niya. "Hindi ka ba marunong kumatok?" tanong ko. "Bakit ko gagawin iyo bahay namin 'to." Pinagdiinan talaga niya ang salitang bahay nila. Nagbuntong-hiningang siya. "I'm sorry! Pwede bang lumabas ka muna saglit magbibihis lang ako." "Bakit pa! pwede ka namang magbihis sa harapan ko!" ngumisi pa ito sa kanya. She deadly glared. "Asa ka!" Tumawa si Kenneth ng malakas. Pagkuwa'y sinuri siya nito mula ulo hanggang paa. Hinawakan niya ng mahigpit ang nakatakip sa katawan niyang towel. Wala kasi siyang kahit anong suot kapag nahulog iyon. Napaatras siya nang papalapit sa kanya si Kenneth. Umatras siya nang umatras hanggang sa wala na siyang maatrasan. Lumapit si Kenneth sa kanya at nakataas ang dalawang kamay nito upang magsilbing harang sa kanya. Muli siyang tinitigan ni Kenneth. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya habang isang pulgada na lang ang pagitan ng mukha at labi nilang dalawa. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib niya. Para siyang nanghihina at walang lakas para itulak si Kenneth. Dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga ni Kenneth. pakiramdam niya may kuryenteng nag-uunahan na dumadaloy sa buong katawan niya. Para tuloy siyang naging excited sa gagawin nito. Hindi tuloy siya makatingin ng diretso kay Kenneth. Dahan-dahang nilapit ang bibig nito sa tenga niya. "You dont have any spell to seduce me. Wag ka ng mangarap hindi ka nakakaakit" ngumisi ito sa kanya at lumayo sabay tumawa ito ng malakas habang papalayo. "Fvck you!" Inis nyang sabi, pero hindi na narinig ni Kenneth ang pagmumura niya. Asar na asar siya sa lalaking iyon. Ang pangit talaga nang ugali ni Kenneth. Nagmadali siyang nagbihis. humarap siya sa salamin. Kitang-kita niya ang pulang-pulang mukha niya. Marahil dala ng pagkapahiya O galit kay Kenneth. Nagmadali siyang sinuklay ang mahaba niyang buhok. Bahagya niyang nilipstikan ang labi niya. Nagpulbo at kinuha niya ang bag niya. At Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto para matakasan ang kahihiyang inabot niya sa lalaking si Kenneth. Paglabas niya nakita niya si Kenneth nakasandal sa may gilid ng pintuan. Inirapan niya ito at dinaanan ngunit hinila ni Kenneth ang kamay niya. "Don't touch me!" "Wag kang maarte wala ka sa bahay mo!" ani Kenneth. Lalo tuloy siyang nanggigil sa lalaking ito. Grabe talaga mang-insulto. wala man lang kabaitang taglay. "I can go out without you. Hindi naman kasing laki ng mall of asia ang bahay niyo para maligaw ako." sarakastikong tugon nya. "Whatever! Inaantay na tayo ni mommy para kumain." "Ayoko!"pagtanggi niya. Tinitigan siya ng masama. "Wag mong paghintayin sila mommy. Naghanda sila ng maraming pagkain para sa batang katulad mo." "Bastos! Hindi ako bata!" Gigil niyang sagot. "Psh! Whatever! 34/A psh! Pathetic!" bahagya pa itong tumawa yung tipong maiinsulto ka. Sa sobrang Galit niya sa pambabastos sa kanya. hindi nya napigilang paliparin ang kanang palad niya sa pisngi ni Kenneth. "You're rude!" inis niyang sabi. Hinawakan nito ang pisnging nasampal niya. Nakita niya ang seryosong mukha nito Bago pa magkaroon ng world war lll sa pagitan nilang dalawa. Umalis na siya at iniwang nakatayo si Kenneth. Limang hakbang pa lang yata ang layo niya rito. Naramdaman niya ang mahigpit paghawak sa braso niya at walang pakundangan siyang hinila muntik na tuloy siyang masubsob sa dibdib nito. Matalim ang mga mata niyang pinukol kay Kenneth. Habang nakasunod siya do'n. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang para matapos na ang nakakapesteng araw na ito. Nang makarating sila sa dinning room. May tatlong tao siyang nakita at nakaupo sa mahabang lamesa kitang-kita niya na masaya silang nag-uusap at nang mapansin ng mga ito si Kenneth at Nicole. Agad na tumayo ang Mommy nito. "Andiyan na pala kayo, come here! kumain na tayo." Wika ng Mommy ni Kenneth. "Little brother, hindi mo sinabi sa akin na may girlfriend ka na. Tama nga si Mommy maganda siya." Sabi ng babae na nakaupo sa kabilang gilid ng lamesa. "She's not my girlfriend and she's not my type." Umarko ang kilay niya at tinitigan niya ng masama si Kenneth. Hindi niya rin naman gustong maging boyfriend si Kenneth dahil sa pangit ng ugali nito, pero masakit pala kapag harap- harapan mong naririnig ang pagtanggi sa iyo ng isang tao parang napakapangit mo na talaga para insultuhin. "Yeah right, we're not a couple. He was helped melast night that's why im here." Dugtong pa niya. "I'm sorry! Sabi kasi ni mommy girlfriend ka ni Kenneth." "Ate, wag mo akong ibugaw kung kani-kanino lang wala ka talagang taste." sabad ni Kenneth. Habang nagsasandok ng kanin sa plato niya. Parang gusto niyang tusukin ng tinidor ang bibig ni Kenneth sa sobrang inis niya. Nakakaasar Kasi ang lumalabas sa bibig nito. Napaka antipatiko at walang modo! Bastos! "Sorry pala Ija at napagkamalan kitang girlfriend ni Kenneth. First time niya kasing magdala ng babae kagabi kaya akala ko girlfriend ka niya." "Okay lang po iyon ma'am" "Tss! Wala kasi akong choice kundi dalhin ko siya rito mommy, parang mantika kung matulog nakailang sampal na nga ako sa pisngi niya hindi pa siya magising. Ihuhulog ko sana sa kotse kaso naawa pa ako." patawa-tawa pa ito habang nag kwe-kwento, Nanlaki ang mata niya at namumula siya sa galit. "Sinasampal pala niya ako noong tulog ako? bwiset siya!" "Bakla ka ba?" Inis niyang tanong. Nakita niyang huminto ito sa pagsubo ng pagkain at tiningnan siya ng masama. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Galit na galit ka kasi sa mga babae. Lahat ng babae nakikita mo binabastos mo! Ini-insulto mo. Insecure ka ba saming mga babae?" bahagya pa siyang tumawa. "You don't know me, kaya wala kang karapatan na tawagin akong bakla! " halos pasigaw na nitong sabi. Nagkibit-balikat siya at uminom ng juice nasa harapan niya. Pagkuway nagpatuloy siya sa pagsasalita. "I'm not interested to your K-drama. I'm sure its too boring, hindi lahat ng babae pwede mong insultuhin." Sagot niya. Hindi na niya inisip na nasa harap sila ng hapag kainan. At kasama ang pamilya nito. "Kenneth! Nasa harapan tayo ng hapag kainan!"awtoridad na sabi ng Daddy nito. Nakaramdam siya ng hiya ngunit kapag si Kenneth ang kaaway mo baka hindi ka na makakaramdam ng hiya kahit kay Pope Francis pa. Mukhang namang takot si Kenneth sa Daddy nito dahil bigla itong naging behave. Nagbago expression ng mukha ni Kenneth. "I'm sorry Dad." Wika ni Kenneth. "Ija ako na ang humihingi ng pasensiya sa iyo sa ginawa ng anak ko." Wika ng Daddy ni Kenneth. "Okay lang po pasensiya rin po sa pinakita kong pag-uugali." paghihingi niya ng dispensa. "Kenneth, say sorry to her." Utos ng Daddy niya. "P-Pero dad! " "Hindi kita pinalaki para bastusin ang babae. Ikaw ang nagdala sa kanya dito bisita mo 'yan. Hindi mo dapat siya binabastos. Hanggang kailan mo gagawin 'yan?" "Stop, Dad! Wag niyo ng ibalik ang nakaraan" wika ni Kenneth, Pasimple siyang tumingin kay Kenneth. "Parang may pangit na nakaraan siya?" Nagtama ang mga mata nila ni Kenneth. Ngumisi siya. "Bleehh!" dinalaan niya ito at inirapan. Umiwas lang naman ng tingin si Kenneth sa kanya. "Kung gano'n, humingi ka ng tawad sa kanya!" Wika ng Daddy nito.. " Sorry!" Tipid nitong sabi. "Sorry din," sagot niya. "Good, wag kayong magtatalo sa harap ng hapag kainan. So let's start our lunch. " sabi pa ng daddy nito para tuloy silang mga bata na pinagsasabihan ng magulang. Tahimik naman silang kumain. Si Kenneth naging tahimik na rin. Kapag nagtatama ang mata nila. Umiiwas ito ng tingin sa kanya. Marahil takot ito sa Daddy niya. Isa lang ang napansin niya sa pamilyang ito. Ang salita ng padre de pamilya ang batas sa bahay nila. Natapos ang lunch nila ng maayos at walang bangayan na naganap sa pagitan nila ni Kenneth at Nicole. Na pagdisisyunan nila na magpunta sa theater room, tumangi naman siyang magtagal pa ng ilang oras pa sa bahay nila uwing-uwi na talaga kasi siya Pero nakiusap ang mommy ni Kenneth na samahan silang manood ng movie. Kahit ayaw niya hindi niya magawang tumanggi. What is your name by the way?" tanong sa akin ng kapatid ni Kenneth na babae. Ngumiti siya."You can call me Nicole,"sagot niya. "Hi! nicole my name is Vanessa. Older sister ni Kenneth." inilahad pa nito ang kamay at ngumiti sa kanya. "Siya pala si Vanessa? ang ganda niya.. Sa kanya pala ang lahat ng mga damit na nasa kwarto. Hindi naman siya nakasuot ng pink na damit."bulong niya. "I love pink color pero hindi sa damit sa mga decorations gusto ko kulay pink." Marahil nabasa nito ang ini-isip niya.Tumango siya tanda ng pagsan-ayon. Nagsimula silang manood ng movie. Ang totoo hindi naman niya maintindihan ang pinapanood niya. Dahil Ka-text niya si Fema. "Nicole, wake up!" Naalimpungatan siya nang maramdaman niyang may kumakalabit sa balikat niya. Bahagya niya pang minulat ang mata niya. Nakita niya sa harapan niya si Vanessa na na nakangiti. "Sorry, nakatulog ako." Agad siyang Tumayo at hiyang-hiya na humarap sa kay Vanessa. "Ayos lang iyon, tara na!" Sinundan niya ito palabas at ng makarating na sila sa sala. Agad siyang nagpaalam sa mga magulang ni Kenneth. "Kapag hindi ka busy pumunta ka rito, welcome ka rito anytime." Sabi ng mommy ni Kenneth, niyakap pa siya nito. "Sige po, salamat! po sa inyo!" "Vanessa ihatid mo na siya ang kapatid mo kanina pa umalis." "Okay sige mommy, ysn talagang si Kenneth kahit kailan hindi maiintindihan ang ugali. Pepektusan ko 'yan mamaya kapag nakauwi."ani Vanessa. "Intindihin mo na lang."ani Mommy nito. Bumuntung-hininga si Vanessa. "Hanggang kailan siya ganyan? Sige, mommy! Aalis na kami. "yumakap at humalik si Vanessa sa mommy niya. "Let's go Nicole!" Tumango siya at sumunod siya kay Vanessa. At pagkuway sumakay na sila sa kotse. "Ahmm...Vanessa.. Pwede bang do'n mo na lang ako sa bar ihatid. naka-park kasi don ang kotse ko." " Sure!" Habang lulan siya ng sasakyan. Hindi niya maiwasang isipin ang pag-uusap kanina ni Vanessa at Mommy niya tungkol kay Kenneth. Pakiramdam niya may Mali sa ugali ni Kenneth. "Ano kaya iyon? Haist! Bakit ko ba siya iniisip, pangit naman ang ugali no'n."bulong niya " Aah! Nicole, about my lil' brother. Pag pasesyahan mo na lang. " putol nya sa katahimikan namin. "Ganon ba talaga iyon? Parang mental retarded?! " Usisa niya. Tumawa ng malakas si Vanessa. Nakataas naman ang kilay niya habang nakatingin siya rito. "What's funny?" "Nothing! Natawa lang ako kasi sinabihan mo siyang retarded Kapag narinig ka noon baka ihagis ka sa dagat. Ha-ha-ha!" " Hmp! Talaga naman na parang siyang retarded. Pasalamat siya at gwapo siya kaya suplado lang tawag sa kanya. Pero kung pangit siya iisipin ng lahat may sakit siya sa pag-iisip. Malala ang toyo sa utak eh, baka babaeng langgam O ipis aawayin pa no'n!" "Ha-,ha-ha!! Talaga! Gano'n pala ang tingin mo sa ugali niya. Pero tama ba ako sinabi mo na gwapo si Kenneth?!" "Gwapo siya! Pagtulog!" "Alam mo mukhang magkakasundo tayong dalawa, so friends?" ani Vanessa. Ngumiti siya. "Friends!" Marami silang mga bagay na pinag- usapan habang binabagtas nila ang daan patungo sa lugar kung saan naroon ang kotse niya. Nagkaroon siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Vanessa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD