Malakas na hiyawan ang maririnig mo sa loob ng bar dahil kasi iyon sa bandang Eternity band. Sikat na sikat sila sa bar na iyon.
Kapag araw ng biyernes at sabado ng gabi lang sila tumutugtog. kaya naman tuwing mga araw na iyon dinarayo ang bar bukod kasi sa magaling sila puro pa sila mga gwapo. Kaya naman hindi nakakapagtaka kung pag fantasyahan sila ng kadalagahan at kabaklaan na napunta sa bar na iyon.
Isa si Fema na kaibigan ni Nicole sa mga babaeng nag pafantasya sa grupong iyon. Isa si fema sa mga babaeng tuwing friday at saturday na tumatambay sa bar para lang masilayan ang crush niyang si Vincent.
Kapag tumutugtug ang bandang E.T. isa lang ang nakikita ng mata ni Fema. Si Vincent Sy. Pinsan siya ng vocalista na si Kenneth kaya naman parehong adonis ang itsura, ang pagkakaiba nga lang nila. Si vincent may pagkakababaero. Samantalang si Kenneth suplado. Babaero talaga dahil marami itong girlfriend na dini-date. Hindi naman nakakapagtaka kasi mapatingin ka lang sa dimple's nito sa tuwing ngingiti para ka ng nasa langit.
"Fema punta lang ako sa comfort room. Wika ni Nicole.
Saglit niyang nilingon ang kaibigan.
Tumango siya "Okay, sige!" Wika ni Fema pagkatapos muli niyang tinuon ang pansin sa bandand Eternity band na kumakanta sa stage.
Ngunit halos maubos na Fema ang iniinom niyang alak hindi pa bumabalik ang kaibigan niyang si Nicole. Kung kaya't naisipan niya itong sundan, hindi pa naman ito sanay sa lugar na ganito.
Tinawag nya ang waiter at binayaran ang nainom nilang alak at pagkatapos nagtungo na siya sa comfort room para puntahan si Nicole. Nakakaramdam na rin siya ng pagkahilo kaya nais na rin niyang umuwi. Habang naglalakad siya nararamdaman niya ang pag-ikot ng paningin niya kung kaya't hindi na niya namalayan ang babaeng pumatid sa kanya. Nawalan siya ng balance at siguradong una ang mukha niyang babagsak sa sahig.
"Ay!" Sigaw niya.
Sa sobrang shock niya huli na para maibalance niya ang katawan niya. Una ang mukha niyang bumagsak sa sahig, rinig na rinig niya ang tawanan ng mga babaeng nampatid sa kanya.
"Aaray ko! Tumabingi yata ang ilong ko!" Bulong niya. kahit medyo nahihilo siya. Dahan-dahan siyang tumayo ngunit bago pa man siya makatayo ng lubusan may isang kamay ang naglahad sa kanya.
"You need help?" Nakangiti pa ito habang nakalahad ang kamay.
Inangat niya ang tingin niya dahilan para mag blush siya.
"Vincent my love."
"T-Thank you," nauutal niyang sagot. kinuha nito ang kamay niya. Pasimple namang tumingin si Fema sa mga babaeng nambully sa kanya at kitang kita niya ang pagkadismaya nila at inggit sa kay Fema. Yung Idol ba naman nila ang tumulong sa kanya. Siguradong hinayang na hinayang sila. At dahil pagkakataon na niya para makasama ang love of my life niya ginalingan niya ang pag-arte.
"H-Hindi ako makatayo ang sakit-sakit ng paa ko." nauutal niyang sabi. Habang nakangiwi ang mukha niya.
Pinagmasdan siya ni Vincent. marahil binabasa siguro nito kung nagsasabi siya ng totoo. Kung kaya't mas lalo pa niyang ginalingan sa pag-arte.
"Napilayan ka yata. Saan ba kita pwedeng dalhin?" Wika ni Vincent.
Para siyang nasa langit habang binuhat siya ni Vincent. Pakiramdam niya maari na siyang mamatay dahil finally napansin siya ng mahal niyang si Vincent.
"Doon sa kotse ng friend ko kung okay lang ba sa'yo?"
Nginitian si Vincent. "Sure! Matatanggihan ko ba ang magandang dalaga na katulad mo."
Namula ang mukha ni Fema dahil sa sinabi ni Vincent. Kilig na kilig siya rito. Kung wala siguro sa harapan niya si Vincent baka para siyang uod na nilagyan ng asin sa sobrang kilig.
Nakapulupot ang mga kamay ni Fema sa leeg ni Vincent habang patungo sila sa parking area. Kitang-kita ni Fema ang masasamang tingin sa kanya ng mga babaeng nadadaanan nila palabas ng bar. Ngiting tagumpay naman ang naging tugon niya sa mga ito. At kapag titingin naman sa kanya si Vincent. Ini-iba niya ang itsura ng mukha niya parang nakakaranas ng matinding sakit.
"Oh, di ba? ang O.A ko sa pag-iinarte. Chance ko na 'to eh lubusin ko na." bulong niya.
After fourty eight years joke after a minute nakarating na sila sa koste ni Nicole. Mukhang umaayon talaga sa kanya ang tadhana kasi hindi mabuksan ang kotse ni Nicole.
"Oo nga pala na kay Nicole pala yung susi."sambit niya.
"Dito ka muna sa kotse ko hintayin na lang natin yung friend mo. Magkatabi lang naman yung pinag parkingan. okay lang ba?" Ngumiti pa ito lantad na lantad tuloy ang dimple's nito.
"Kahit dito na ako for life Vincent my life basta kasama kita okay na okay sa akin."bulong niya sa isip.
"Hindi ba nakakahiya sa'yo?" Tanong niya.
"Medyo!"tipid na sagot ni Vincent.
Yumuko si Fema parang bigla siyang nahiya sa naging sagot ni Vincent sa kanya. Hindi kasi niya Inisip na naiistorbo na pala niya si Vincent.
Tumawa ng malakas si Vincent. "I'm just kidding. Nakakatuwa yung itsura mo kanina"
Inirapan niya ito. "Ano ba ang itsura ko kanina. Mukha ba akong obvious na obvious."
"Masyado bang nakakatawa kaya ganyan ang reaksyon mo."
"By the way my name is Vincent!" Pagpapakilala nito.
"Call me Fema."
"Lagi ka ba rito sa bar na ito gumigimik?"tanong nito.
"Hindi naman every friday& saturday lang,"
"Dahil ba sa amin kaya gankong araw ka pumupunta?"
Tumango siya. Nakakarelax kasi ang mga kanta niyo."
"Sino yung pinakagusto mo sa amin?" tanong ni Vincent habang nakangiti sa kanya.
" H-Ha? Ahh- Nakakahiya naman sabihin sa iyo." nauutal niyang sagot.
"Sanay na kami sa mga babaeng humahanga sa'min kaya okay lang kung sabihin mo. pero sana ako yung gusto mo sa banda."he wink.
"Oh my gosh. Please call 911 hindi ako makahinga sa sobrang kilig"bulong niya.
Natulala lang siya. "I think we have to go. ihahatid na lang kita sa bahay niyo. Tawagan mo nalang yung friend mo!"wika ni Vincent.
Tumango siya at hinagilap niya agad ang cellphone niya ngunit lowbat naman ang cellphone niya. Nakalimutan niya pa lang mag charge kanina sa sobrang excited.
"Ahm... lowbat yung phone ko hindi ko siya matatawagan."
Inabot naman ni Vincent ang cellphone niya at ibinigay sa kanya. Dali-dali naman niyang tinawagan si Nicole pero cannot be reach ito. Kaya ang ginawa ni Fema ay nagtext na lang siya kay Nicole.
"Thanks! Nagtext na lang ako hindi ko siya ma-contact."
"Okay shall we go!" Wika ni Vincent.
Tumango siya at pinaharurut na ni Vincent ang sasakyan. Matama niyang pinagmamasdan si Vincent. habang abala ito sa pagdadrive. Hindi siya makapaniwalang makakausap at makakasama niya si Vincent ngayong gabi. napaka-swerte niya para siyang nanalo sa lotto.
"Ang gwapo talaga niya!" Sa isip-isip niya.
Ang hugis ng mukha nito, ang dalawang dimples na nakangiti rin kapag tumatawa. Ang maganda nitong labi na talagang ina-asam ng ibang dalaga na mahalikan. Napalunok siya sa nai-isip niya. Iniisip kasi niya na hinahalikan siya ni Vincent "Am i hot and handsome? do you satisfied?"he wink.
Hindi niya namalayan na nakahinto na pala sila sa stop light. Dahil sa abalang-abala siya sa pagsisiyasat sa itsura ni Vincent hindi niya namalayan na nakatingin pala ito sa kanya. Huling-huli siya akto nakaramdam siya ng hiya kung kaya't umiwas siya ng tingin sa sobrang pagkapahiya.
"Ang tanga mo talaga Fema! Nakakahiya ka talaga ka!" Bulong niya sa sarili.
"Hanggang kailan mo ba kakausapin ang sarili mo?" Wika ni Vincent habang ang mga mata ay nakatuon sa daan.
" H-Ha! Anong sabi mo?"nauutal niyang tanong.
"Alam mo ba ngayon lang ako nakakita ng babaeng kinakausap ang sarili kung hindi ka maganda iisipin ko na me tililing ka! Ha-ha-ha-ha!"
Halos lumubog si Fema sa kinatatayuan niya. "Lupa lamunin mo ako! Hu-hu-hu!" Nakakahiya talaga ako. Grabe bakit ba kasi napapalakas yung binubulong ko. Nagmukha tuloy akong katawa tawa sa kanya."
"Narinig mo ang binubulong ko?" Pero sa halip na sagutin ni Vincent ang tanong niya. Pinisil nito ang pisngi niya pagkatapos pinitik nito ang noo niya tapos ngumiti ito sa kanya.
"Aarayy! Masakit 'yon." Wika ni Fema.
Pinaandar ni Vincent ang kotse niya ng mag green light na. Siya naman naglagay ng headseat sa tenga at ipinikit niya ang mga mata niya habang nag-iimagine. Ito na yata ang pinakamasayang gabi ng buhay niya. Dahil Ang lalaking pinapangarap niya kasama niya na ngayon. Kahit saan siguro sila magpunta okay lang basta kasama niya si Vincent magiging okay ang lahat.