CHAPTER 5

1700 Words
" A-Ahh- Kenneth para sa iyo cup cake ginawa ko yan."nauutal pang sabi ng isang babae sa Vocalist ng bandang E.T Band. Napahinto si Nicole sa paglalakad nang marinig niya ang isang babae na humarang sa dadaanan ng vocalist ng E.T Huminto naman ang vocalist ng E.T pagkuwa'y tinitigan mula ulo hanggang paa ang babaeng nagbigay ng cupcake. Tapos nagpatuloy na ito sa paglalakad na hindi man lang pinansin ang dalaga. " P-Please... Tanggapin mo na Pinaghirapan ko yang gawin."sabi ng dalaga. Nakayuko pa ito habang inaabot ang box ng cup cake. Napakunot ang noo niya sa nakita niya habang pinapanood ang dalawa. Gustong-gusto niyang lumapit sa harap nila at kausapin ang hambog na lalaking iyon. "Akala mo kung sinong gwapo. Tss!" Bulong niya. Gano'n na lang ang pagkagulat niya sa naging tugon ng hambog na si Kenneth sa dalagang ng effort na bigyan siya ng cupcake. Kinuha kasi nito ang cupcake sa babae at tinapon sa basurahan. "Oh! Tinanggap ko na ang gift mo. Thanks but no thanks." ngumisi pa ito na parang nang-aasar pagkatapos nagpatuloy na ulit ito sa paglalakad. Nakita niya ang dalagang nakayuko na lang habang umiiyak. Nakaramdam siya ng awa para sa dalaga. At galit naman para sa hambog na lalaking akala mo kung sinong anak ni Adonis. Kinuha niya ang cupcake na tinapon ng vocalist ng Eternity band sa basurahan. "Miss, wag ka ng umiyak sisiguraduhin kong matatanggap ang cupcake mo ng lalaking iyon." Sabi niya sa babae. Gulat na gulat naman ang dalaga sa kanya. Yumuko ito sa kanya dahil sa sobrang hiya dahil nasaksihan niyang pagpapahiya ng lalaking vocalist. "Thank you miss ganda, pero wag mo na lang habulin siya. Bago ka lang sigurong nakarating dito sa bar na 'to. Hindi kasi kita mamukhaan pero kasi yang si Kenneth ganyan talaga siya sa mga babaeng lumalapit sa kanya. " pahayag nito. "By the way I'm Amaya Nicole. But you can call me Nicole." Pormal niyang pagpapakilala sa babae. "I'm Josie. Nice meeting you Nicole.Wag mo ng ibigay yan. Isa pa sira na yang cupcake na yan dahil sa pagkakahagis niya kaya ko lang naman siya gustong bigyan ng cupcake kasi birthday ko ngayon. Parang birthday wish ko lang sana na tanggapin niya ang regalo ko kahit sa ganoong paraan lang masaya na ako. Matagal ko na kasi siyang idol. Crush ko nga siya." Namumula pa ito habang sinasabi niya iyon. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng galit sa lalaking iyon. Simpleng hiling lang ng dalaga para sa birthday niya hindi man lang mapagbigyan. "Ang kapal pala talaga ng mukha ng lalaking iyon. Napaka ungentleman." Lumapit siya sa dalaga at niyakap niya ito pagkatapos nginitian niya ito. "Dont worry! Sisiguraduhin kong ibibigay ko ito sa kanya sa ayaw niya O sa gusto." sabi niya rito. Pagkatapos tumakbo na siya palayo sa dalaga upang hanapin ang binata. Naglalakad lakad siya para hanapin ang binata ngunit hindi niya ito makita. kung kaya't naisipan niya ng itanong na lang sa isang bartender na nakita niyang palabas ng bar. "Excuse me, nakita mo ba yung vocalist ng E.T yung Kenneth?!" Tanong niya sa bartender. "Ma'am baka po nasa parking area na po si sir Kenneth or baka po nakauwi na siya. Ganitong oras po kasi umuuwi ng mga iyon. Try niyo po baka maabutan niyo." sagot ng bartender Hindi na niya nagawang mag thank you sa bartender. Kasi nagmamadali na siyang pumunta sa parking area. Lakad at takbo ang ginawa niya. Para tuloy siyang may hinahabol na importanteng tao. Pero napangiwi siya sa naisip niya "Grrr! Importanteng tao? Tss. Sarap nga yang ipatapon sa bermuda triangle eh." Bulong niya. Halos kapusin siya ng hininga ng matanaw niya ang binata. Nakita niyang papasok ito ng kotse. Kaya bago pa ito makapasok sumigaw siya rito. "Mayabang!" Lumingon naman si Kenneth At hinanap kung sino ang sumigaw. Tumakbo si Nicole papalapit sa lalaki Tapos binuksan niya ang cupcake na sirang-sira na. Walang sabi-sabing sinampal niya sa mukha nito ang sirang cup cake. Bago pa ito makapagreak nakadikit na ang cup cake sa buo niyang mukhang. Gusto niyang matawa sa itsura nito. "What the f**k! Why did you do this to me? Who are you?!" Singhal nito sa kanya. Nagcross-arm siya at taas ang kilay niyang nakatingin sa lalaki. Gusto niyang matawa sa itsura ng lalaki. Nagpipigil lang siya. "It's not important para 'yan sa dalagang nagbigay ng cup cake sa iyo kanina na basta-basta mo lang tinapon sa basurahan. Yan ang bagay sa iyo."inis niyang sagot. Agad siyang pumihit patalikod upang umalis na. tapos na kasi ang misyon niya. Na-iganti na niya ang babaing kawawa kanina. Ngunit bago makahakbang papalayo hinila siya nito papalapit sa kanya. Sinandal siya sa kotse nito ang dalawa kamay niya ay nasa likuran. Hawak-hawak ni Kenneth. Halos mag dikit ang labi nilang dalawa. Amoy na amoy niya tuloy ang mabangong pabango ng lalaki. Nagkatitigan silang dalawa Parang naririnig niya ang pagkabog ng puso niya parang hindi normal. "Bitiwan mo ako!" She glared. Tinitigan lang siya nito at ngumiti sa kaniya. "Paano kung ayaw ko, may magagawa ka ba? hmm..." Yung boses nito ay parang may lambig sa pandinig niya. Halos hindi siya makahinga. hindi niya talaga alam kung ano nararamdaman niya ngayon. Hindi kasi niya maipaliwanag ang dahilan ng pagkabog ng puso niya. Parang may karera sa loob ng dibdib niya. " Bitawan mo ako bastos ka! Hindi ako makahinga!"sabi niya. Mas lalo siyang ininis ng lalaki. idinikit nito ang katawan niya sa kanya. Dinikit din nito ang mukha nito sa mukha niya. hindi tuloy siya makatingin ng diretso kay Kenneth. habang pinagmamasdan nito ang labi niya. Kaya habang palapit nang palapit ang labi nito kay Nicole. Wala na siyang nagawa kundi ang pumikit na lang pero halos twenty second na siyang nakapikit wala naman siyang naramdamang dumampi sa mga labi niya. kung kaya't unti unti niyang minulat ang mga mata niya. Kitang-kita ni Nicole ang mukha ni Kenneth na nagpipigil sa pagtawa. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya. "Waiting for my kiss? Ha-ha-ha! What do you expect? hahalikan kita. ASA KA! " binitiwan siya nito tumawa nang tumawa. Nang gigil tuloy siya sa pagkakapahiya niya. Kung kaya't buong tapang niya itong itinulak "Bastos!"Sinampal niya ito. Natulala si Kenneth sa ginawa niya. Pagkatapos buong lakas niyang sinipa ang bagay na kahinaan ng mga lalake. Yung nasa gitna ng dalawang hita nila at nagtatakbo siya palayo kay Kenneth. Nilingon niya ito at kitang-kita niya ang pamimilipit nito sa sobrang sakit habang hawak ang parteng iyon. "Buti nga sa iyo! Akala mo kung sinong gwapo! " bulong niya. Naglalakad siya papasok sa loob ng bar para hanapin si Fema. Gusto na kasi niyang umuwi. Nakakasuka na kasi ang amoy ng bar. Ngunit nang bumalik siya sa table nila hindi niya nakita si Fema. Sinubukan niya itong tawagan pero out of coverage palagi. Muli siyang lumabas at pumunta sa pinag parkingan ng kotse niya baka sakali kasing naroon si Fema at nag-aantay sa kanya. Dahil malayo ang pinag-parkingan ng kotse niya. Naglakad siyang mag-isa patungo roon. "Pssst! Sexy!" Narinig niya habang naglalakad siya Binilisan niya ang paglalakad. " Sexy! Ang sungit mo naman." "Pare, in-snob ka ng babae oh! Ha-ha-ha!" narinig niyang sabi ng isang lalaki. Kinilabutan siya. Dalawang lalake kasi ang sunod ng sunod sa kanya. Tumakbo siya ng mabilis ngunit hinahabol pa rin siya ng dalawa. Ngunit dahil sa alanganing oras iyon. wala kahit isang nakarinig sa kanya. "Huli ka! Walang hiya kang babae ka pinahirapan mo kami sa kakahabol sa iyo." Takot na takot siya. Kahit may pagkamatapang siya. Hindi naman niya kayang labanan ang dalawang lalaking ito. Matangkad, madaming tattoo at may balbas at bigote ang dalawa. Pulang-pula ang mata nila. Parang nag take ng bawal na gamot. "BITAWAN NIYO AKOO! Saklolo! Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw niya. Hawak hawak siya ng isang lalaki at kahit anong pagpupumiglas niya wala siyang nagawa ang lakas lakas kasi ng mga ito. "Miss sexy! Wag ka ng pumalag diyan. Pagbigyan mo na lang kami, promise hindi ka magsisi gagalingan ko." nakangisi nitong sabi sa kanya. "Brad, sunod ako sa iyo ha! Bilisan mo lang." Sagot pa ng isa. Nangangatog ang tuhod niya sa sobrang takot. "Bastos! Mga hayup kayo! Tulong! tulungan niyo ako!" Sigaw niya. paos na paos na siya. Ngunit wala man lang nakakarinig sa kanya. Umiiyak siya sa sobrang takot. Nang aakmang hahalikan siya ng lalaki dinuraan niya ito. "Hayup kang babae ka!" Sinuntok nito ang sikmura niya. Namilipit siya sa sakit ng tiyan nahihirapan siyang huminga. Naawa siya sa magiging kapalaraan niya. Mukhang makikita na lang siguro ang katawan niyang walang saplot. Unti-unti siyang nahilo at walang lakas. Tanging ang nagawa na lang niya ay ang umiyak. Napapikit siya. Ayaw niyang makita ang kahayupang gagawin sa kanya ng dalawang lalaking mukhang nakasinghot ng drugs. Naramdaman niya ang pagkawala ng hawak sa kanya ng r****t. Kung kaya't idinilat niya ang mga mata niya. Nakita niya ang vocalist ng E.T na nakikipag suntukan sa dalawang lalaki. Dahil wala na siyang lakas hindi niya na nagawang tumakbo O tumayo. Matama niya lang itong pinapanood habang nag dadasal na sana matalo niya ang dalawang lalaki. Kung siguro nasa normal siyang kondisyon baka nagtitili na siya habang pinapanood si Kenneth. Napakagaling kasi nitong makipag suntukan ni hindi man lang ito tinatamaan ng mga suntok at sipa ng dalawa. Halos madurog ang mukha ng dalawa ng bumagsak sa lupa. At tulad ng inaasahan kung kailan tapos ang lahat na saka dumating ang mga guard at pulis. Lumapit sa kanya si Kenneth. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pag-aalala para sa kanya. "Are you okay?" tanong nito sa kanya. Sa halip na sagutin niya ito. Umiyak siya ng malakas dahil sa sobrang takot niya dahil akala niya mawawala na sa kanya ang lahat. Mabuti nalang na lang dumating ito. "Thank's God, he save me!" Dasal niya. Niyakap siya ni Kenneth ng mahigpit. Yumakap na rin siya habang iyak siya nang iyak. Pakiramdam niya ligtas siya pag nasa tabi niya si Kenneth. Pagkatapos niyang magbigay ng salaysay sa mga pulis kinarga siya nito. Hinayaan niya lang si Kenneth na buhatin siya. Pagod na pagod na kasi siya at wala na siyang lakas. Alam naman niyang ligtas siya sa mga bisig ni Kenneth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD