CHAPTER 4

1343 Words
Nakaharap si Nicole sa salamin habang pinag mamasdan niya ang sarili niya. Ang daming nagbago sarili niya mula sa pananamit sa tamang pagkilos at panlabas na anyo nagbago sa kanya. Naging bread winner siya ng pamilya niya. Mula noon mas lalo siyang nagsikap at naghanap ng iba't ibang trabaho. Natutong lumaban sa buhay. Tatlong taon na ang nakakalipas mula ng pumunta siya ng Italy. Naging partime model siya doon at nagta-trabaho bilang yaya ng anak ng tita niya na nasa italy, noong naging model siya maraming binago sa kanya. Pinatangal ang mga scar niya sa mukha pati ang malaking peklat sa kamay. Inayos din ang hugis ng mata niya at ilong niya. Pina-extension ang pilikmata niya, pinalalim din ang dimple's niya sa pisngi, pumuti rin siya dahil siguro sa mga lotion at sabon na ginagamit niya sa katawan. Lahat iyon binago para tuloy-tuloy ang pagiging model niya. Kahit Ibang-iba na ang itsura niya ngayon. At kung susuriin mo ang lumang larawan niya masasabi mong ibang tao na ang nasa picture sa itsura niya ngayon. Hindi naman siya nagsisi sa mga pinabago niya kasi naging sunod-sunod ang mga company na kumukuha sa kanya bilang modelo. Kung hindi nga lang nakakahiya sa tita niya i-fufull time na niya ang pagiging model niya sa italy. Triple kasi ang nakukuha niyang kita kaysa sa pag-aalaga ng bata, Ang tita kasi niya ang dahilan para makarating siya ng Italy. Nang makaipon siya umuwi siya ng pilipinas, napatapos naman niyang pag-aralin ang kapatid niya. May negosyo na rin ang mama niya isang bouquet at siya ay may sarili ng condo at kotse, may ipon na rin siya sa bangko kahit konti. Sa loob ng tatlong taon naging succesful ang naging buhay niya. Krinnggg!" Naputol ang pagmuni-muni niya nang mag ring ang telepono sa sala ng condo niya. Lumabas siya para malaman kung sino ang tumatawag. "Hello!" "Hello, ma'am, may naghahanap po sa inyo sa may labas. Fema raw po ang pangalan." Sabi ng security guard ng condo. "Sige po papasukin niyo na po siya. Friend ko po 'yan." Sagot naman niya. "Okay po ma'am salamat." "Thank you rin po manong." Binababa niya ang telepono at kinuha niya ang bag niya pagkatapos umupo na lang sa sala para antayin ang kaibigan niyang si Fema. Mayamaya tumunog na ang doorbell. Dali-dali niyang binuksan iyon. "Baklaa!"sigaw ni Fema. Nagtitili ito na parang nakakita ng pogi. Kahit kailan talaga napaka Over acting ng kaibigan niya. Nagyakapan silang dalawa. "Long time no see, hindi ka pa rin nag babago Fema ang hyper mo pa rin." sabi niya sa kaibigan. "What do you expect bakla? Ganito na ako since one month pa lang ako. Maligalig na ako sa loob ng tummy ni mommy. Hoy! Infairnes laki na ng pinagbago mo, naging Dyosa ka na rin katulad ko. Hindi ka na boyish frog. Ha-ha-ha!" Walang prenong sabi nito. "Sarap pektusan ng kaibigan kong ito napakadaldal at laitera pa rin." Sa isip-isip niya habang nakatingin sa kaibigan. "Diyosa na ako noon pa wag kang kumontra." "Oh, siya sige Diyosa ka na rin kaya nga tayo mag kaibigan dahil pareho tayong Diyosa di ba?" Ang lapad pa ng ngiti nito sa kanya. "Tama ka diyan!" sabi niya "Okay, gomora na tayo para makita ko ulit ang Vincent ng buhay ko." "Sino ba yung Vincent na iyon Fema?" "Mamaya mo malalaman friend halika na Dali! Dali!" "Hindi ka naman niyan excited?" "Medyo lang, tara na bilisan mo! Pasakay pala sa kotse mo wala akong dalang kotse eh." "Okay," ****** SA BAR: Halos hindi maipinta ang mukha niya dahil sa inis kay Fema Hindi niya kasi alam na dito pala sila pupunta kung alam lang niya sana nag beauty rest na lang siya sa Condo niya. Hindi niya gustong pumasok sa lugar na iyon dahil bukod sa magugulo ang tao roon dahil karamihan doon ay mga lasing. sari-saring amoy ang nalalanghap niya. Naroon ang amoy ng pabango, usok ng sigarilyo, amoy ng alak at mabahong hininga at pati ang amoy sa kilikili nag halo na rin. pakiramdam niya masusuka siya sa mga naamoy niya rito. "Nicole, nakikita mo ba yung drummer na iyon? Yan ang Vincent ng buhay ko grabe! Ang pogi niya talaga! Mahal ko na talaga siya!" kilig na kilig na sabi ni Fema. "Gwapo naman."Tipid niyang sagot. "Hoy! Bakla! Pag-aari ko na yang si Vincent, maghanap ka na lang diyan sa mga ka-grupo niya. Walang agawan ng mahal." Tumawa siya ng malakas dahilan para tumaas ang kilay ni Fema. "Kung maka angkin ka naman diyan Fema parang prutas na binibili lang sila sa palengke. Lakas talaga ng tama mo diyan sa Vincent na yan! Wag kang mag-alala hindi ko siya type." Sagot niya "Tse! Basta akin lang si Vincent. Maliwanag! Anyway, dito ka muna at lalapit lang ako ng konti sa kanila para kuhanan ng video." Wika ni Fema. Tumango siya. "Go! Magpakatanga ka."sigaw niya kay Fema. "Tse! Inggit ka lang!"sigaw ni Fema. "Ang gwapo talaga ng bandang E.T band" sabi ng babae sa kabilang table ko. "E.T band ang pangit naman ng name ng banda nila. Parang pang allien." Bulong niya. "Ang gwapo ni Vincent!" "Hindi lang pala si Fema ang nababaliw sa bandang E.T madami pala silang nababalie sa grupong ito." "Mas gwapo yung guitarista si Jay Ar." Tiningnan niya ang sinasabi nilang Jay Ar. Napangiwi siya, pogi nga ang sinasabi nilang si Jay Ar. Kaya lang may tattoo ito sa kanang braso. "Ayoko talaga ng may tattoo, turn off ako sa kanila." "Mas pogi si Kenneth." Sabi pa ng isang babae. "Magiging asawa ko 'yan si Kenneth. Kaya wag mo ng pangarapin." Sagot pa ng isang babae. "Hindi pumapatol sa unano si Kenneth kaya wag kang mangarap." "Nag-eenjoy ba kayo!" Sigaw ni Kenneth mula sa stage. Pati siya sumagot ng "Oo" Habang tumatagal ang panonood niya sa banda mas tumatagal ang mga mata niyang nakatutok sa vocalistang si Kenneth and she admit that from this moment she's one of his fan. "This final song is dedicate to my bestfriend. She's my everthing. Bestfriend, wherever you are what ever you do, I just wanna say I really missed you so much. I am still waiting for you." Dumadagundong na hiyawan ang maririnig sa loob ng Bar na ito. Halos maubusan na ng boses at tilian ang mga babae ng kumanta na si Kenneth. Ang vocalista ng banda. Kaya naman pala nawiwili si Fema rito puro gwapo ang bandang Eternity Band mahilig pa naman sa gwapo si Fema. "Hayyss! Sana ako na lang ang hinahanap ni Kenneth my love na babae." Narinig niyang sabi ng babae sa likuran niya. "ASA KA! Sa panget mong 'yan!" rinig pa niya. "Hiyang-hiyang naman ako sa ganda mong pang Perya!" Gusto niyang tumawa sa mga naririg niyang pagtatalo sa likuran niya Ganito yata ang mga Fan ng E.T nagkakaasaran pa. Muli niyang pinanood ang E.T band. Sa ganda ng boses ni Kenneth talagang lahat magkakagusto sa kanya. "Ang swerte naman ng babaeng best friend niya, sana ako na lang iyon." Sa isip-isip niya. Napapikit siya habang pinakikinggan ang kantang Righthere waiting For you ni Richard Max. I wonder how we can survive This romance But in the end if I'm with you I'll take the chance Oh, can't you see it baby You've got me going crazy Habang pinagmamasdan niya si Kenneth. Bigla naman niyang naalala ang dati niyang kaibigan na Kenneth din ang pangalan. Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng t***k ng puso niya para rito, pakiramdam niya sa kanya ang kantang iyon. Kung pwede nga lang lapitan ito para tanungin ginawa na niya ngunit sa itsura kasi ng lalaking iyon, parang sisigawan ka kapag lumapit ang kabaro ni eva. May mga babae kasing hindi mapigilan na umakyat sa stage at kapag lalapit na sila sa Vocalista agad silang hinaharang ng mga bouncer. Pero kahit ganoon sinisigaw pa rin ng mga babae ang pangalan ni Kenneth. Kung ihahambing niya ang ugali ng nakilala niyang Kenneth noon, napakalaking kaibahan nila. Hindi lang sa physical kung hindi pati sa pag-uugali nito. "Bestfriend nasaan ka na kaya ngayon?" bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD