Chapter 3

1375 Words
Aaron's POV Pagkauwi ko ng aking condo ay inabutan kong naghihintay sa labas ng pintuan ng unit ko ang aking tatlong kaibigan na si Carter, Jericho, and Joshua kaya napakunot ang aking noo habang pinagmamasdan ko sila. Napatingin ako sa aking telepono at mag-aalas otso pa lamang ng umaga kaya naman nagtataka ako kung ano ginagawa nila dito ng ganito kaaga. Pag-aari ko ang condo building na ito, ang Scott Complex at sa pinakatuktok ng building na ito matatagpuan ang unit ko, may dalawang swimming pool ito sa itaas at tanging ako lamang at mga kaibigan ko ang may keycard upang makaakyat dito. "Anong ginagawa ninyo dito?" Nakakunot noo kong tanong sa mga ito at nginisihan lamang nila ako. Inaya ko sila sa loob ng aking unit, alam naman nila ang pin-code ng unit ko pero mas gusto nila ang nag i-stay dito sa labas dahil paglabas ng isa pang pintuan ay matatagpuan naman ang outdoor pool na may magandang tanawin ng buong Makati kaya madalas ay duon sila naglalagi. Habang masaya kong kausap ang aking mga kaibigan ay isang e-mail ang dumating sa akin kaya napalingon ako sa bukas kong laptop ng tumunog ito at ng makita ko na galing ito sa aking manager na si Lira mula sa Baguio City ay tinignan ko agad ito, nagpapasend kasi ako sa kaniya ng mga biodata at resume ng mga aplikante upang ako mismo ang mamimili sa kanila kung sino ang aking tatanggapin. Isa-isa kong binasa ang mga pangalan ng aplikante at ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng mabasa ko ang pangalan ng isang babaeng kay tagal ko ng hindi nakikita at kay tagal ko ng gustong makita kaya napamura ako ng malakas na ikinalingon naman ng aking mga kaibigan. "Bakit ano ang nangyari?" May pag-aalalang tanong sa akin ng aking mga kaibigan. "I found her! I fuckìng found her!" Malakas kong ani ng may pagkasabik at halos hindi ko na malaman pa kung ano ang aking gagawin. "Found who? Natalie?" Tanong nila sa akin at isang ngiti ang isinagot ko sa kanila. Hindi ko akalain na sa bagong tayo kong hotel sa Baguio City ko lamang pala siya mahahanap, wala siyang kaalam-alam na ipinangalan ko sa kaniya ang hotel na pinag-aplayan niya ng trabaho ang The Thalie's Hotel. Mabilis akong pumasok sa aking silid habang hinahanap ko ang pangalan ng aking manager sa aking telepono, kailangan kong matawagan agad ito upang tanggapin niya si Natalie at pagkatapos ay pupuntahan ko agad sila duon. Paglabas ko ng silid ay kausap ko naman sa aking telepono ang aking piloto upang sunduin ako sa rooftop at tutungo agad ako ng Baguio City. "The hell? Saan ka pupunta?" Nalilitong tanong sa akin ng aking mga kaibigan. Nang sinabi ko sa kanila na pupunta ako ng Baguio City ay mabilis silang umuwi at nagpahintay sa akin upang kumuha sila ng gamit nila, gusto nilang sumama kahit ilang araw lamang upang makapag relax naman daw sila. "Bilisan ninyo mga gago! Kapag isang oras na at wala pa kayo ay iiwanan ko na kayo!" Sigaw ko sa mga ito ng tumatakbo na ang mga ito papalabas ng aking unit. Nagbuga ako ng hangin upang mabawasan ang malakas na pagtibòk ng aking puso, pakiramdam ko ay nanghihina ako, kay tagal kong ninais na makita siyang muli at ngayon ngang nalaman ko kung saan siya nagtago ng anim na taon ay hindi ko na ito palalampasin pa. Pero nakakaramdam din ako ng pag-aalala dahil halos anim na taon na ang lumipas at baka may iba ng nag-mamay ari ng puso nito. Bigla na lamang akong napaupo sa sofa at napasandal dito, pakiramdam ko tuloy ay biglang nawala ang pag-asa sa aking puso. Pero hindi! Nakalagay sa kaniyang biodata na single pa ito at Rodriguez pa rin ang gamit niyang apelyido. Kung may pamilya na ito ay sigurado akong isusulat niya ito sa kaniyang mga dokumento pero wala, single pa, kaya may malaking ngiti na naman ang sumilay sa aking labi. Napatingin ako sa aking orasang pambisig dahil nakakaramdam na ako ng pagkainip. Halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin nakakabalik ang aking mga kaibigan kaya bibigyan ko pa sila ng sampong minuto at kapag sa loob ng sampong minuto ay hindi pa rin sila nakakabalik ay iiwanan ko na talaga sila, at kung gusto nilang magbakasyon ay pwede naman silang sumunod duon sa akin dahil may sarili naman silang helicopter. Lumipas ang sampong minuto kaya naman mabilis na akong lumabas ng aking unit ng makasalubong ko ang aking mga kaibigan. "Iiwanan mo talaga kami ha gago ka?" Nakakunot noong ani sa akin ni Carter na tinanguan ko naman. Talagang iiwanan ko na sila dahil hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras para lamang maghintay sa mga bwisit na ito. Isang oras lamang ang lumipas at narating na rin namin ang pinaka ituktok ng aking hotel at nagmamadali akong bumaba ng helicopter at halos patakbo ko ng tinungo ang elevator upang masilayan kong muli ang babaeng matagal ko ng ninanais na makitang muli. Ngunit laking dismaya ko ng malaman ko na pinauwi na pala ito ng aking manager kaya sa galit ko ay nasigawan ko ito at sinabi kong pabalikin niya agad ito at papasukin sa sa room na katabi mismo ng aking opisina. Hindi naman nagtagal at nakita ko na ngang pumapasok sa loob ng room si Natalie kasama ang aking manager at isang babae na walang iba kung hindi si Marcia. Mabilis kong tinawagan ang aking manager at inutusan ko itong turuan ng gawain si Marcia at iwanang mag-isa si Natalie sa silid. Gusto ko lamang siyang pagmasdan kaya ng mapag-isa na ito ay pinagmasdan ko ito sa isang two-way mirror at wala siyang kaalam-alam na pinagmamasdan ko siya, sumandal ako sa aking upuan at napangiti ako ng tumayo ito at tumingin sa paligid. "Ang ganda pa rin niya, at sa tingin ko ay mas lalo pa siyang gumanda makalipas ng anim na taon. Akalain mo na dito lang pala sila nagtatago." Ani sa akin ni Jericho ngunit hindi ko siya pinansin at pinagmamasdan ko lamang ang kaniyang kagandahan. Lumapit si Natalie sa salamin at pinagmasdan ang kaniyang sarili kaya naman tumayo ako at lumapit din ako sa salamin at hinawakan ko ito at hinimas na tila ba mukha niya ang aking hawak. Gumiling ito na ikinagulat ko at ang mga kaibigan ko naman ay napatayo at pinagmamasdan si Natalie kaya malakas ko silang sinigawan at pinagtabuyan sila palabas. "Labas! Tarantado kayo huwag ninyo siyang panuorin!" Sigaw ko sa mga ito at malakas naman silang tumatawa habang lumalabas ng aking opisina. Napatingin akong muli kay Natalie at nakita kong kinuha nito ang kaniyang telepono at may kung anong ginawa dito, narinig ko ang musika dahil na rin sa speaker na nakakabit sa loob at nagsimula itong gumiling-giling at pagkatapos ay napag-ikot-ikot ito na animo ay inaakit ako. Para akong naestatwa at bumalik sa akin ang lahat ng ala-ala niya nuong unang gabi ng aming honeymoon na sinayawan niya ako habang lasing dahil sa nainom niyang alak nuon. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang aking katawan habang pinagmamasdan ko ang napaka ganda niyang mukha at katawan na gumigiling sa harapan ng salamin. Nang matapos ang tugtugin ay bumalik na ito sa kaniyang upuan at hindi naman nagtagal ay tumunog ang kaniyang telepono. Nakita ko ang pag ngiti niya ng matamis sa taong tumawag sa kaniya at ng marinig ko mula sa kaniya na tinawag niya itong baby at nag- I miss you ito at umaktong humahalik sa kausap ay nakaramdam ako ng selos at galit kaya ng mahablot ko ang aking vase ay malakas ko itong ibinato sa dingding at gumawa ito ng malakas na ingay. Nakita ko ang pagkagulat niya kaya batid kong narinig niya ang ingay na nagawa ko, mabilis kong tinawagan ang aking manager at inutusan ko ito na bumalik na at tanungin kung may kasintahan na ba ito. Matapos kong marinig ang kanilang pag-uusap ay huminga ako ng malalim dahil hindi ako naniniwala kaya kailangan kong malaman kung sino ang lalaking 'yon, sigurado akong kasintahan niya 'yon dahil nakita ko sa mukha niya kung gaano siya kasaya at puno ng pagmamahal ang kaniyang mga mata na nakatitig sa kaniyang telepono kanina habang nakikipag-usap sa taong 'yon. Hindi ako papayag!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD