Chapter 2

2055 Words
Natalie's POV Maaga pa lang ay gising na ako, hindi ako nakatanggap ng tawag maghapon kahapon kaya batid kong hindi ako ang isa sa napili nila, sana kahit ang kaibigan ko na lang. Grabe naman kasi ang hotel na iyon, gaano ba kayaman ang nag-mamay ari ng hotel na 'yon kaya maging katulong ay kailangan maging presentable. Nakakainis! Paglabas ko ng aking silid ay inabutan ko na ang aking kapatid na nagluluto ng aming agahan. "Ate napakain ko na si Nathan." Ani ng aking kapatid kaya naman nagpasalamat ako dito at nilapitan ko na ang aking anak na naglalaro ng car toy. "Nanay sabi ni Uncle Mellard may bago ka na daw pong trabaho kaya maibibili mo na ako ng new toy." Ani ng aking anak kaya napatingin ako sa aking kapatid at napakunot ang aking noo. Anong trabaho pinagsasasabi ng aking kapatid? "Nga pala ate, nagpunta dito si Marcia sabi niya tumawag sa kaniya ang nag-interview sa inyo sa hotel at tanggap na kayong dalawa, hindi ka daw kasi makontak at dahil alam na magkasama kayo at magkaibigan eh sa kaniya na sinabi, pero may text din daw sa iyo." Ani niya sa akin kaya mabilis akong bumalik sa aking silid at ganuon na lang ang pagkainis ko na deadbatt na pala phone ko kaya wala akong natatanggap na tawag o text. Mabilis kong i-chinarge ang aking telepono at pagkatapos ay lumabas ako ng silid at hiniram ang phone ng aking kapatid upang matawagan ko si Marcia. "Bestie totoo ba?" Paunang wika ko ng sinagot niya ang aking tawag. "Oo tinawagan ako kaninang umaga at tanggap na tayo, naitanong kasi kita kaya ng malaman na magkaibigan tayo eh sa akin na sinabi na tanggap ka rin, at kailangan nating pumunta mamaya upang pumirma tayo ng kontrata at maibigay na rin sa atin ang bago nating uniporme." Ani niya sa akin kaya nanlaki ang aking mga mata sa sobrang katuwaan. Pagkatapos naming mag-usap ng aking kaibigan ay kumain na kami ng aking kapatid at pagkatapos ay naligo na ako dahil alas diyes daw ang sabi ng kausap ni Marcia. Napahinga ako ng malalim habang may ngiti sa aking labi, sa wakas ay may trabaho na ulit ako at makakapag simula na ulit akong mag-ipon para sa kinabukasan ng aking anak. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos lang ako ng kaunti at nagbihis ng simpleng damit at nagpahid ng kaunting make-up at inihabilin ko na si Nathan sa aking kapatid. "Ako na ang bahala dito sa makulit kong pamangkin na nagmana ng kaguwapuhan sa akin." Wika n'ya habang tumatawa at tumabi na sa pagkakaupo sa aking anak. "This is it!" Ani ko paglabas ko pa lamang ng aming bahay at tinungo ko na ang tirahan nila Marcia. Hindi naman nagtagal ay nakarating din kami sa Hotel na pagtatrabahuhan namin at excited kaming pumasok sa loob. Itinuro naman sa amin ng guard kung saan kami pupunta kaya naman hindi na rin naging mahirap para sa amin na hanapin ito lalo na at marami namang nag-aassist sa amin kung saan kami pupunta. "Two years, bestie!" Nakangiti kong bulong dito matapos kong mabasa ang kontrata. Sobrang saya naming magkaibigan ng malaman namin na two years ang kontratang pinirmahan namin para naman hindi kami laging nag-aapply ng mapapasukan sa tuwing matatapos ang kontrata namin. Naibigay na rin sa amin ang aming uniporme at shemay sobrang ganda at lambot ng tela, hindi katulad sa huli kong pinasukan na sobrang kati sa balat ng uniporme namin tapos dalawa lang kaya lagi kong nilalabhan samantalang dito limang uniporme ang binigay sa akin. "Shemay bestie ang ganda ng uniporme natin at lima pa." Masaya kong ani sa aking kaibigan. "Sukatin natin mamaya sa bahay mo." Wika naman niya sa akin. Matapos kaming pumirma ng kontrata ay nag-tour na rin kami sa mga room at ipinaalam sa amin kung aling room ang hindi namin dapat basta-basta na lamang pasukin na walang pahintulot ng may ari sa loob. Napatingin ako sa nakaukit na initials sa malaking pintuan. "Xav." Bulong ko at nagkibit balikat naman ako. Mukhang narinig ako ng manager kaya may kaunting paliwanag siyang idinagdag sa amin ng huminto ito sa kaniyang paglalakad. "Iyan naman ang silid ng may-ari ng hotel na ito, si Sir Xav." Wika niya kaya naman napatango na lamang kami ng aking kaibigan gayon din ang iba naming bagong makakasama sa trabaho. Mula sa pintuan ay mapapansin na sobrang laki ng silid na ito, napapaisip tuloy ako kung bata pa ba o matanda na ang aming amo pero hindi na lamang ako nag-usyoso at baka matanggal pa ako sa trabaho. "Ma'am Lira, binata pa po ba ang amo natin kasi ganda ng pangalan eh." Tanong ng isa naming kasamahan na hindi pa namin alam ang pangalan pero mukhang mataray ito at lagi kaming tinataasan ng kilay ni Marcia na hindi na lamang namin pinapansin. Hindi nga namin alam kung bakit buhat kanina ng pumasok kami sa opsina ni Ma'am Lira eh iniirapan at tinataasan na niya kami ng kilay, pero wala naman kaming pakialam sa kaniya. "Ang alam ko ay may asawa na si Sir Xav." Wika niya kaya tumango lang si suplada. May asawa na pala ang amo namin, siguro may edad na at may mga anak na din. Napatingin akong muli sa babae at muli niya akong tinaasan ng kilay kaya sa inis ko ay tinaasan ko din siya ng aking kilay, akala niya siya lang ang marunong magsuplada ha. "Problema ng isang 'yan?" Tanong sa akin ng aking kaibigan ngunit kahit ako ay hindi ko alam, basta nagsusuplada lang siya. Nagtraining na rin kami at itinuro sa amin kung paano ang magpalit ng mga bedsheets at punda ng mga unan at kung paano iaayos ito sa eleganteng paraan at dahil may experience na kami ng aking kaibigan ay na very good naman kami ni Ma'am Lira na mas ikinainis ni Miss. suplada. Maaga kaming pinauwi at naiwan ang iba upang tapusin ang kanilang training at dahil may oras pa naman kami ay kumain muna kami sa isang karinderya ng aking kaibigan na malapit lang sa hotel na pagtatrabahuhan namin. Habang kumakain kami ay nakarinig kami ng ugong ng helicopter, kahit mataas ito ay naririnig pa rin namin ngunit papababa ito sa pinaka ituktok ng hotel na pag-aari ni Sir Xav. "Sayang bestie mukhang dumating ang may-ari ng hotel oh, sayang di natin makikilala." Ani nito sa akin. Pagkatapos naming kumain ay paalis na sana kami ng biglang tumunog ang telepono ko kaya sinagot ko ito kahit numero lamang ang naka register sa screen. "Ay ma'am kayo po pala, bakit po kayo napatawag?" Tanong ko sa aming manager at napatingin ako sa aking kaibigan at sinenyasan ko ito na si Ma'am Lira ang kausap ko sa telepono. "Ganoon po ba? Sige po babalik po kami diyan." Ani ko dito kaya napatingin sa akin si Marcia at kinunutan ako ng noo dahil nagtataka ito kung bakit kailangan naming bumalik sa hotel. Matapos kong maipaliwanag sa kaniya na may sasabihin lang daw sa amin si Ma'am Lira ay mabilis na naming tinungo ang hotel, buti na lang talaga at nasa tapat lang kami ng hotel at hindi pa kami nakakaalis kung hindi ay sayang ang pera na pamasahe namin. "May sasabihin lang pala bakit hindi pa sa telepono sinabi? bakit kailangan pa nating bumalik? gaano ba kaimportante ang sasabihin niya at tila ba urgent na urgent?" Mga tanong ni Marcia na hindi ko naman alam paano ko sasagutin kaya nanahimik na lang ako at ikinibit ko ang aking balikat at tila ba naging sapat na iyon upang hindi niya ako kulitin. Pagkapasok namin sa loob ng hotel ay nakasalubong naman namin si Ma'am Lira na tila ba naghahadali pa at agad akong hinawakan sa aking braso at mabilis na iginiya sa isang opisina. "Ma'am may problema po ba?" Tanong namin dito dahil nagtataka kami kung bakit ganuon na lamang ang ikinikilos niya. Pagkapasok namin sa isang malaking opisina na may malaking salamin ay napakunot ang noo ko, bakit pakiramdam ko ay may mga matang nakatitig sa akin samantalang kami lang namang tatlo ang nasa loob ng silid. "Bestie bakit feeling ko may nagmamatyag sa atin?" Bulong ko sa aking kaibigan na ikinatingin naman niya sa akin, ewan ko ba, iba talaga ang nararamdaman ko o baka dahil sa malaking salamin sa harapan namin na halos ang buong dingding ay salamin at nakikita namin ang aming sarili. "Huwag mo kasing pakatitigan ang sarili mo para hindi ka makaramdam ng ganiyan." Tumatawang bulong naman sa akin ng aking kaibigan kaya sa inis ko ay mahina ko itong hinampas sa kaniyang braso. Nakakainis talaga ang bruhang ito! Tumunog ang telepono ni Ma'am Lira kaya sinagot niya ito at pagkatapos ay tumayo ito at tinawag ang aking kaibigan. "Dito ka muna Natalie at may ipapagawa lang ako kay Marcia, huwag kang aalis diyan at hintayin mo lang hanggang sa makabalik kami." Ani niya na ikinagulat namin ni Marcia pero wala din naman akong magagawa kaya napatango na lamang ako ng aking ulo. Tumingin ako sa aking paligid at pagkatapos ay tumayo ako at naglakad sa harapan ng malaking salamin at pinakatitigan ang aking kabuuan. Umikot ako ng dalawang beses at pagkatapos ay kumembot-kembot ako at napangiti ako dahil kahit may anak na ako ay magaling pa rin akong sumayaw. Kinuha ko ang telepono ko at nagpatugtog ako ng music at tumingin ako sa pintuan, ng wala naman akong makitang tao sa labas ay bumalik ako sa harapan ng salamin at nagsimula akong sumayaw at sinimulan kong umindak kasabay ng musika, habang pinagmamasdan ko ang aking sarili ay napangiti ako, magaling pa rin talaga akong sumayaw at ng matapos ang tugtugin ay bumalik ako sa aking kinauupuan. Napatingin ako sa aking orasang pambisig, bakit ba napakatagal naman yatang bumalik ni Marcia, nakaka tatlumpong minuto na ay hindi pa rin ito bumabalik at naiinip na ako. Tumunog ang aking telepono kaya napatingin ako dito at napangiti ako ng makita kong gustong makipag video call ng aking kapatid at sigurado din ako na ang baby ko ito. "Hi, baby! Miss me already? I miss you too! Muah, muah!" Wika ko kay Nathan ng biglang may narinig akong tila ba tumama sa dingding ng silid kaya napatingin ako dito at lumingon-lingon sa paligid pero wala namang tao pero narinig ko talaga kahit mahina lang 'yon. Napabuntong hininga ako, magsasalita pa sana akong muli ng biglang bumukas ang pintuan kaya mabilis kong napatayan ng telepono ang aking anak at ang aking kapatid at napatingin ako kay Ma'am Lira na nakatingin sa aking telepono. "Pa-Pasensya na po, may sinagot lang po akong tawag." Ani ko at tumango lamang ito. Mabilis namang umupo sa tabi ko si Marcia, tatanungin ko sana ito kung ano ang ipinagawa sa kaniya kaya lang hindi ko maitanong dahil nakatitig sa akin si Ma'am Lira. "Ma-May problema po ba?" Tanong ko dito at umiling naman ito at ngumiti ng matamis sa akin at umiling. "May kasintahan ka na ba Miss Rodriguez?" Tanong ni Ma'am Lira na ikinagulat ko, hindi ko tuloy maintindihan kung continuation ba ito ng aking interview kanina o ano pa man. Dahil hindi ko alam ang isasagot ko ay bigla na lamang akong napailing ng aking ulo at tila ba sapat na 'yong kasagutan ng muling magsalita si Ma'am Lira. "That's good! Ayoko kasi na habang nasa trabaho ay telepono ang inaasikaso." Ani niya kaya para akong nakaramdam ng hiya dahil nahuli niya ako kanina na nasa telepono. "Pa-Pasensya na po at hindi na mauulit." Nakayuko kong ani at tumango lamang ito sa akin. Hindi rin naman nagtagal ay pinauwi na rin niya kami dahil kinabukasan ay magsisimula na ang unang araw ng aming trabaho. "Grabe bestie! Pinaulit-ulit 'yung ginawa ko kaninang pag-aayos ng kama dahil hindi daw siya kuntento sa ginawa ko samantalang parehas lang naman ang ginawa natin, at isa pa eh nag very good na siya sa atin kanina. Ano ba nangyari sa manager na 'yon at mukhang biglang sinapian lang ng masamang espiritu." Naiinis na ani ng aking kaibigan. Nagulat nga ako sa sinabi niya dahil ako ang tinawagan kanina samantalang kay Marcia pala siya may ipapagawa, saka totoo rin naman na napahanga namin siya kanina sa bilis ng pagkilos namin at sa ganda ng ginawa namin kanina, pagkatapos pababalikin kami dahil hindi daw nasiyahan sa ginawa ni Marcia. Nakakapagtaka naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD