Chapter 4

1513 Words
Natalie's POV Simula na ng trabaho namin bukas. Masayang-masaya kami ng aking kaibigan dahil sa wakas ay may mas maganda na kaming sweldo. Malaki ang maitutulong nito lalo na at nag-aaral na ang mahal kong anak. Mamimili kami ngayon sa supermarket ng ilang gamit at pagkain na kakailanganin dito sa bahay dahil magiging busy na ako dahil sa bago kong trabaho. Napalingon ako sa paligid at hinahanap ko si baklita, kanina kasi ay nandito lang naman siya sa tabi ko tapos bigla na lamang siyang nawala. "Nasaan ba si Lucio ha? Kanina lang ay nandito lang siya tapos ngayon ay nawawala na." ani ko sa aking kaibigang si Marcia. Kanina ko pa kasi siya hinahanap dahil may lakad kaming magka-kaibigan pero bigla siyang nawala. Baka naghanap ng mabibiktimang lalaki. Sa isiping 'yon ay bigla akong natawa sa aking sarili. Lumingon si Marcia sa paligid at ng makita niya ang baklita naming kaibigan ay ininguso agad niya sa akin kung nasaan ito kaya napakunot ako ng noo at mabilis naming nilapitan si Lucio na nasa likod ng puno na tila ba magnanakaw na nakasilip lang. Tinignan namin kung sino ang sinisilip niya at ganuon na lamang ang gulat namin ng makita ko na sinisilip niya ang kapatid kong si Mellard na nagbubuhat ng dumbbell habang kasama nito ang babaeng parang sawa na laging pumupulupot sa kapatid ko. Ang babaeng laging kinakapos ng tela kapag kaharap ang kapatid ko. Katulad ngayon na halos lumuwa na ang malalaki niyang dibdib na operada naman sa harapan ng aking kapatid. Isang pingot sa tainga ang ibinigay ko kay Lucio habang hinihila ko siya papasok sa loob ng bahay. Ang bwisit na ito at pinagpapantasyahan pa yata ang kapatid ko. Imposible naman kasi na ang babaeng 'yon ang sisilipan niya kaya sigurado ako na ang kapatid ko ang sinisilip niya. "Gusto mo bang buhusan kita ng kumukulong langis ha? Kapatid ko 'yang pinagnanasahan mo bwisit ka! Umayos ka nga Lucio at baka ibuking kita kay Mellard na Luciana ka sa gabi." wika ko sa baklita kong kaibigan at mabilis niyang tinakpan ang aking bibig na mabilis ko ding inalis dahil baka kung ano-ano ang hinawakan niya noh. "Bwisit ka! Naghugas ka ba ng kamay mo? Nakakadiri ka talaga!" naiinis kong ani sa kanya habang pinupunasan ko pa ang bibig ko ng likod ng palad ko. Si Marcia naman ay malakas na tumatawa habang ako naman ay inis na inis. "My god, beshie naman! Hanggang pantasya na nga lang ako sa macho mong kapatid tapos binabawalan mo pa ako. Grabe ka ha!" malandi niyang ani sabay irap pa sa akin. Sarap talagang sabunutan ng baklitang ito. "Umayos ka Lucio! Kapatid ko 'yan at baka malaman niya ang ginagawa mo eh lumpuhin ka niya." wika ko sabay irap ko sa kanya. "Luciana nga kasi!" naiinis niyang ani na ikinatawa ni Marcia. Nagpaalam na kami sa kapatid ko at siya na din ang bahala muna sa aking anak. Pupunta kasi kami ngayon ng mall upang mamili ng ilang gamit sa bahay. Si Lucio ay mabilis na umakbay sa akin at naglakad na kami ng sabay. Kung titignan mo si Lucio ay lalaking-lalaki ito. Malaki din ang pangangatawan nito at may bahagya pang balbas. Kung hindi mo siya kilala ay iisipin mo na lalaking-lalaki siya at mai-inlove ka talaga sa kanya dahil bukod na sa macho siya ay gwapong-gwapo din siya. Ayaw din niyang ipaalam sa mga kapitbahay na baklita siya, kaya nga kaming mga kaibigan lang niya ang nakakaalam na baklita siya at maging ang kapatid ko ay walang kaalam-alam sa tunay niyang pagkatao. Pag kaharap namin ang mga kapit-bahay ay lalaking-lalaki kasi siyang tignan. "Alam mo besh, kung hindi ko lang alam na baklita 'yang si Lucio ay iisipin ko na may gusto 'yan sa iyo." wika ni Marcia kaya mabilis akong binitawan ni Lucio at nginiwian niya agad ang aming kaibigan. "Eeew! Kadiri ka beshie ha!" ani ni Lucio sabay irap sa kaibigan namin kaya nagkatawanan na kami at kumendeng-kendeng pa si Lucio sa paglalakad. "PAGKARATING namin ng mall ay nakaakbay na naman sa akin si Lucio, nakakatuwa talaga ang baklita na ito dahil totoo ang sinabi ni Marcia na kung hindi lang namin siya kilala ay iisipin namin na tunay siyang lalaki. Kung minsan kasi ay inaamoy niya ang ulo ko at pakiramdam ko pa hinahalikan niya ang ulo ko pero ang sabi naman niya ay inaamoy lang niya ang shampoo na gamit ko dahil gusto niyang bumili kasi mabango daw. Habang naglalakad kami sa mall ay hindi ako mapalagay. Huminto ako sa paglalakad at nagpalinga-linga ako. "Sino ba ang hinahanap mo ha? Huwag mong sabihin makikipag-date ka ngayon ha! Ay naku subukan mo at lilipad talaga ang lalaking magtatangka!" wika niya na ikinatingin ko kay Lucio. "Lilipad siya kasi aagawin ko sa iyo. Syempre kapag nakita na niya ako para siyang nasa heaven." malandi niyang ani. Napapailing na lamang ako sa kakulitan ng kaibigan naming ito. Muli kaming naglakad at inakbayan akong muli ni Lucio at mas hinapit niya ako sa katawan niya kaya naninibago ako sa baklitang ito. Isang malakas na sigaw ang narinig namin na ikinagulat namin, malayo man ang pinanggagalingan ng tinig ay dinig na dinig naman namin ang isinigaw nito. "Bitawan mo ang asawa ko!" malakas na sigaw. Lahat halos ng tao maging kami ay naglingunan ngunit wala naman kaming makitang tao na nag-aaway o anu pa man. Pero tila ba kilala ko ang boses ng taong sumigaw kahit matagal na kaming hindi nagkikita. Pero imposible namang siya 'yon dahil balita ko ay tuluyan na itong nanirahan sa ibang bansa. Hindi ko rin alam dahil nabalita lang naman 'yon dati. "Hay naku! May mga taong lumuwag na naman ang mga turnilyo sa utak. Nakakaloka!" ani ni Lucio na ikinatawa namin ni Marcia. Muli kaming naglakad hanggang sa makarating kami ng supermarket. Pumasok kami sa loob at nagdala at kumuha kami ng basket. Wala naman kasi kaming gaanong pera, kaunting groceries lang ang bibilhin namin para sa pangangailangan ng anak ko. "Hay naku! Matutuwa na naman ang junakis ko nito dahil mayroon na naman siyang chocolate milk." ani ni Lucio. Daddy kasi ang tawag sa kanya ni Nathan. Pinasanay kasi niyang tawagin siyang daddy kaya ayun, ganun na ang tawag sa kaniya. "Ikaw magbabayad niyan ha! Para naman kay Nathan 'yan kaya bayaran mo 'yan." wika ko at tumawa lang siya at nagbiro pa na kahit daw ang buong mall ay bibilhin niya para lang sa amin ni Nathan. Natawa na lamang kami sa kanya ni Marcia dahil sinusumpong na naman ng kabaliwan ang kaibigan naming ito. Pagkatapos naming mapuno ang basket ay nagbayad na agad kami sa cashier at pagkatapos ay kumain naman kami sa isang Fastfood chain na nandito sa loob ng mall. "Grabe busog na busog na naman ako." wika ni Marcia. Inasar naman siya ni Lucio kaya ayon at nagkapikunan na naman ang dalawa. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin agad kami, inabutan namin ang kapatid ko na nanunuod ng tv habang ang aking anak ay natutulog sa kandungan niya. "Umiyak 'yan kanina ng hindi ka niya nakita. Sabi ko namili ka ng maraming pasalubong kaya 'yan tumahan kaya lang nakatulog naman. Siguraduhin mo na marami kang pasalubong na dala dahil kung wala ay baka mag-iiyak 'yan mamaya kapag nagising." ani ng aking kapatid kaya ipinakita ko sa kanya ang ilang pasalubong ko para kay Nathan kaya napangiti naman siya. Inayos ko na ang lahat ng pinamili namin, inilabas ko ang de-lata na binili ko upang lutuin para sa hapunan namin mamaya. Ibinigay ko naman kay Mellard ang pasalubong ko sa kaniyang spaghetti na binili namin kanina sa fast-food resto. "Dito na lang ako matutulog mamaya, kahit diyan na lang ako sa sofa, boring kapag mag-isa lang sa bahay." wika ni Lucio. Nagkibit balikat lang kaming magkapatid kaya tuwang-tuwa si baklita. Pagkaalis ni Marcia ay nagtungo naman ako sa silid ko upang maligo na, ang sakit pa naman ng ulo ko kaya kailangan ko talagang maligo upang maginhawahan ang pakiramdam ko. Pagkatapos kong maligo ay nakapagbihis din agad ako ng isang maigsing short at blouse na medyo kita ang aking pusod. Paglabas ko ng silid ko ay nakatitig sa akin si Lucio kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay. "Hoy Lucio! Minamanyak mo ba ang ate ko ha?" inis na ani ng aking kapatid na nakatingin pala sa baklita kong kaibigan. "Hindi ko type 'yang ate mo! Umayos ka nga Mellard at baka banatan kita diyan." ani ni Lucio sabay kindat sa akin at pinilantik pa ang kanyang mga daliri ng palihim kaya mahina akong tumawa na ikinalingon naman ng aking kapatid. "Sige na, may trabaho pa ako ngayon, mga alas otso ng gabi ang uwi ko ate kaya kung magugutom na kayo ay huwag na ninyo akong hintaying kumain. Mauna na lang kayo para hindi magutom ang gwapo kong pamangkin." ani niya pero sinabi ko sa kanya na hihintayin namin siya. Bukas ay may trabaho ako kaya buti na lang at walang pasok bukas si Mellard at kung meron man ay kay Lucio ko pababantayan ang aking anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD