Natalie's POV
Almost six years had been passed at nakalimutan ko na rin ang lahat ng pasakit na idinulot sa akin ni Aaron. Mahirap nuong una pero kinaya ko naman dahil sa tulong ng aking mga kaibigan at ng aking kapatid at syempre ng aking mahal na anak.
Dito kami ngayon naninirahan ng aking kapatid sa Baguio, lumipat kasi dito ang aking kaibigan na si Marcia at sa kanila kami nanunuluyan kaya sumama na rin kami since wala naman kaming ibang mapupuntahan. Nakilala din namin dito si Lucio two years ago lang aka Luciana sa gabi at kung hindi mo siya kilala ay iisipin mong tunay na lalaki si Lucio dahil sa napakagandang katawan nito, maskulado, square face at tunay namang napaka gwapo. Pagnanasahan mo talaga!
"Hoy babaita baka malaglag ang panty mo kakatitig kay Lucio." Panggugulat sa akin ni Marcia.
"Hoy bruha! Umayos ka dahil hindi sasaludo sa iyo ang alaga ko kahit maghubad ka pa sa harapan ko." Nakaigkas ang isa niyang kilay na ani sa akin.
"Grabe ka naman sa akin, akala mo naman sa akin mauubusan ng lalake?" Tumatawa kong ani.
Habang masaya kaming nagkukuwentuhan ay dumating naman ang aking kapatid habang kalong ang aking anak na si Nathaniel, kaka five years old pa lamang ng aking gwapong anak at buti na lamang ay nagmana sa akin, well may nakuha din naman siya sa kaniyang ama pero mas kamukha ko siya.
Mabilis na lumapit sa akin ang aking kapatid na si Mellard na ngayon ay 22 years old na at ako naman ay 26 years old na, bilis talaga ng panahon. Malaki na rin ang ipinagbago ng aking kapatid, gwapo at matipuno rin ito pero napaka playboy at hindi pa rin nawawala dito ang matinding galit niya sa dati kong asawa. Pero ako, kung ano man ang nagawa niya sa akin nuon ay kinalimutan ko na at napatawad ko na rin ito kahit na hindi naman siya humihingi ng kapatawaran, pinirmahan ko rin nuon ang ipinadala niyang divorce paper namin na may pirma na niya at base sa kwento ng abogado niya ay bago pa man kami naikasal ni Aaron ay naipagawa na niya ang divorce paper namin, ang loko at pinaghandaan nya talaga ang divorce namin pero okay na sa akin ngayon, tanggap ko na at masaya na ako sa buhay ko kahit wala siya.
"Nga pala bestie hiring ngayon sa bagong tayong The Thalie's Hotel sa bayan, nangangailangan sila ng mga chambermaids at baka gusto mong mag-apply since katatapos mo lang ng kontrata mo sa Hotel Louise." Wika ng kaibigan ko na ikinalaki ng aking mga mata, tamang-tama dahil paubos na nga ang naiipon ko at kailangan ko ng bagong income lalo pa at nag-aaral na ng kinder ang aking anak.
"Bestie samahan mo ako mamaya at mag-aapply ako, kailangang-kailangan ko ngayon ng trabaho, nakakahiya naman kung iaasa ko sa aking kapatid ang pagpapalaki ko sa aking anak." Ani ko dito.
"Bakit naman kasi ayaw mo pang galawin ang perang ibinigay sa iyo ng dati mong asawa, biruin mo instant milyonarya ka agad." Wika niya sa akin. Kalakip ng divorce paper namin nuon ay isang tseke na nagkakahalaga ng dalawampong milyong piso pero hanggang ngayon ay hindi ko ito ginagalaw at wala akong balak na galawin ang perang 'yon. Mas gugustuhin ko pa ang magkalkal ng basura kaysa naman tanggapin ang perang 'yon. Para ko na ring pinagbili ang karangalan ko kung gagastusin ko ang perang 'yon kaya hinding-hindi ko gagalawin ang perang 'yon kahit maghirap pa kami.
"Maliligo lang ako bestie at pagkatapos ay punta na tayo ng bayan para makapag-apply na ako." Ani ko dito mabilis na akong pumasok sa loob ng bahay.
Mabilis lang akong naligo, nagsuot lamang ako ng simpleng damit at nagpahid ng simpleng make-up. Hindi ko naman kailangang magpabongga lalo na at katulong sa hotel ang papasukin ko. Paglabas ko ng bahay ay nakasalubong ko naman si Marcia na nakaayos na rin at ready to go na din.
"Mag-aapply ka din?" Tanong ko dito.
"Oo dahil balita ko mas malaki ang pasweldo nila sa hotel na 'yon kaysa sa hotel na pinapasukan ko noh." Natatawa niyang ani kaya naman hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at umalis na din agad kami.
Sana ay matanggap kami, kailangan ko talaga ng trabaho ngayon at sabi naman ni marcia ay maraming chambermaid ang kailangan nila kaya sana talaga ay palarin kami ng aking kaibigan.
Hindi naman nagtagal at narating din namin ang napakagandang hotel na tinutukoy ng aking kaibigan, angat na angat ang karangyaan nito kumpara sa mga katabi nitong hotel kaya halos malaglag ang mga panga namin ng aking kaibigan habang nakatingala kami at pinagmamasdan ang kabuuan nito.
"Woooow!" Bulalas ni Marcia habang nakatingala ito sa napakataas na building at sa harapan naman na may malaking entrance ay may nakasulat sa itaas nito na The Thalie's Hotel at ganuon din sa pinaka gitna ng bakuran nito na animo ay isang pa circle na garahe o daanan ay may nakasulat na The Thalie's Hotel. Napakaganda at napaka elegante ng pagkakagawa ng hotel na ito.
"Matanggap kaya tayo dito bestie?" Nag-aalala kong ani. Mukhang kahit yata katulong dito kailangan ay presentableng tignan, napatingin tuloy ako sa kasuotan ko at bigla akong nakaramdam ng hiya.
"Susubukan lang naman natin kaya halika na sa loob at baka wala pa tayong abutan kapag papatay-patay tayo ng kilos." Wika niya kaya sumunod agad ako sa kaniya ng nagpatinuna na ito sa paglalakad papasok sa loob ng hotel.
Matapos ang mahaba-habang interview ay umuwi na din agad kami dahil tatawagan na lang daw ang mga taong mapipili nila at sana ay palarin kami ng aking kaibigan na matanggap sa hotel na iyon, malaki nga ang sweldo at makakasapat sa amin 'yon ng aking kapatid at mapag-aaral ko ng maayos ang aking anak.
"Bestie daan muna tayo sa Burnham Park." Ani sa akin ng aking kaibigan kaya naman pinaunlakan ko ito at tumuloy na nga kami sa park, malapit lang naman ang park sa tinutuluyan naming apartment kaya maglalakad na lang kami pauwi mamaya.
Habang masaya kaming kumakain ng fishballs ay napatingin kami sa isang grupo ng kalalakihan na hindi kami iniiwanan ng tingin, mga naka three-piece suit ang mga ito at alam mong may ipinagyayabang sa buhay, nakaramdam ako ng hiya kaya tumalikod ako sa mga ito at nagpatay-malisya na lamang ako na hindi ako apektado sa mga titig nila sa amin.
"Bestie palapit sa atin ang isa sa kanila. Sheeeet ang gwapo bestieeeeee!" Bulong sa akin ni Marcia na tila ba kinikilig samantalang ako naman ay panay kain lamang ng fishballs na tila ba hindi ko naririnig ang kaniyang sinabi kaya hindi ko nililingon ang lalaking tinutukoy niya.
"Hi! My name is Randle Harper, and your beautiful face and smile caught my attention. May I know your name, if you don't mind?" He smiled sweetly ng humarap ako dito. Nakikita ko ang aking kaibigan na kinikilig at tinutulak ako ng bahagya papalapit sa lalaking nagpapakilalang Randle kaya ngumiti ako ng pilit dito.
"Nath." Sagot ko at tinuloy ko na ang pagkain ng fishballs at hindi ko pinansin pa ang kamay niya na iniabot niya sa akin. Mula ng malaman ko nuon sa dati kong asawa ang ginawa niya sa akin ay hindi na ako muling nagtiwala pa sa mga lalaki, para sa akin lahat yata sila ang tingin ko ay gagamitin lamang ako para sa sarili nilang kapakanan.
Naging mabilis naman ang pagkilos ni Marcia at kinuha niya ang isa kong kamay at iniabot ito sa kamay ng lalaki kaya naman malaking ngiti ang sumilay sa labi nito.
Hindi ko na lamang ito pinansin pa kaya ng mainip ay napakamot na lamang ito ng kaniyang ulo at umalis na din agad kaya ng makaalis ito ay mabilis ko ng inayang umuwi ang aking kaibigan, wala ako sa mood makipagplastikan sa mga lalaki kaya mas mainam pang umuwi na lamang ako at alagaan ang aking anak. Hihintayin ko na lang din na tawagan ako at baka palarin na isa kami sa mapipiling Chambermaids ng hotel na pinag aplayan namin ng aking kaibigan.
"Ang suplada mo talaga bestie! Ang gwapo-gwapo ng lumapit sa iyo kanina at mukhang mabait tapos hindi mo man lamang pinansin." Nakangusong ani ni Marcia na tinawanan ko lang ng pagak.
Ganyang-ganyan din dati ang ex-husband ko, gwapo, mukhang mabait at mukhang mahal ako pero ang lahat ay pagkukunwari lamang. Natuto na ako, hindi na ako magpapaloko pa tutal sapat na naman sa akin na may anak ako at may kapatid na kasama sa buhay. Sapat na sila sa akin.
"Siguro kaya ayaw mong magpaligaw dahil hanggang ngayon 'yong Aaron pa rin na 'yon ang laman ng isip at puso mo noh?" Panunukso sa akin ng aking kaibigan kaya naman tinaasan ko siya ng isa kong kilay.
"Pwede ba bestie! Ang nakaraan namin ay tapos na, naka move on na ako at hindi ko na nga siya naiisip pa." Nakanguso kong ani dito. Nagkibit balikat lamang siya sa akin at binagalan ang kaniyang paglalakad.
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay humarap ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat.
"Huwag mo akong alalahanin, may kapatid ako na nagmamahal sa akin at may anak akong aagapay sa aking pagtanda, hindi ko na kailangan pa ng lalaki para mabuhay sa mundo, sapat na ang kapatid ko at anak ko para mapasaya nila ako." Wika ko dito at nangilid ang kaniyang mga luha at niyakap ako ng mahigpit. Pakiramdam ko tuloy ay maiiyak na rin ako dahil sa kadramahan ng kaibigan kong ito. Kakainis naman eh!