Prologue

1593 Words
-Prologue- Halos pitong buwan na kaming kasal ni Aaron at sa loob ng pitong buwan na 'yon ay naging maayos naman kami at masaya naman ako sa piling niya. Binibigay niya ang lahat ng pangangailangan ko maging ang pangangailangan ng aking kapatid, si Aaron din ang nagpapaaral kay Mellard sa pribadong eskwelahan na pag-aari ng kaniyang mga magulang at sa amin din nakatira ang aking kapatid. Nakilala ko si Aaron ng mamatay ang mga magulang ko, uminom ako sa isang bar kasama ko ang aking kaibigan, 20 years old pa lang ako nuon at talagang ibinuhos ko ang luha ko ng gabing 'yon dahil sa sama ng loob ko dahil sabay kinuha ng panginoon ang aming mga magulang. Binastos kami ng isang grupo ng gabing 'yon sa loob ng bar at tinulungan kami ni Aaron at ng kaniyang mga kaibigan. Sila din ang naghatid sa amin sa bahay namin, at mula nga nuon ay lagi na niya akong dinadalaw hanggang sa naging magkasintahan na kami at inalok n'ya agad ako ng kasal pagkasagot ko pa lamang sa kaniya. Mahal ko siya kaya tinanggap ko ang alok na kasal kahit nagtataka ako sa bilis ng mga pangyayari, pero dahil mahal ko siya ay tinanggap ko at naging maayos naman ang pagsasama naming mag-asawa, hanggang sa isang araw ay napadaan ako sa library ng aking asawa at aksidente kong narinig ang lahat pag-uusap nila ng kaniyang mga kaibigan. Dahil hindi nila naisara ng maayos ang pintuan, lahat ng pinag-uusapan nila ay rinig na rinig ko. "So hindi mo mahal si Natalie? Bakit pinakasalan mo?" tanong ni Carter sa aking asawa habang lihim akong nakikinig sa pag-uusap nila. Ang puso ko ay hindi tumitigil sa malakas na pagtibok habang lihim akong nakikinig sa mga ito. "Para sa mana ko, para mahawakan ko na ang aking mana na galing sa mga yumao kong lolo at lola na iniipit ng aking mga magulang, unless magpapakasal ako. Kailangan ko ng asawa para makuha ko ang mana ko kaya pinakasalan ko si Natalie. See nakuha ko ang lahat ng mana ko kaya nga nakakapag-patayo na ako ng sarili kong negosyo dahil ibinigay na nila ito sa akin," wika ng aking asawa na dumurog sa aking puso. Bigla na lamang nagtuluan ang aking mga luha dahil sa mga naririnig ko. Ang pinakamamahal kong asawa na akala ko ay tunay akong minamahal ay nagpapanggap lamang pala na mahal din ako para lamang makuha niya ang kaniyang mana. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang aking bibig upang mapigilan ko ang pag-alpas ng mga hikbi dahil sa sobrang pag-iyak ko dahil sa aking mga naririnig. "Grabe naman bro, ginamit mo si Natalie para sa sarili mong interes? Ibig mo bang sabihin ay hindi mo talaga minahal ang asawa mo?" Ani naman ni Joshua. "Kailangan ko siya ng mga panahon na 'yon, at dahil lugmok siya sa kalungkutan at nakikita kong kailangan niya ng taong dadamay sa kanya, ay 'yun na ang pagkakataon ko upang magawa ko ang mga plano ko at..." hindi ko na tinapos ang pakikinig ko at hindi ko na hinintay pa ang iba niyang sasabihin dahil mabilis na akong tumakbo sa aking silid habang walang patid ang pagdaloy ng aking mga luha. Hindi ko kinakaya ang sakit, para akong mamamatay dahil sa mga nalaman ko. Bakit niya nagawa sa akin ito? Naging mabuti akong asawa sa kaniya, nagtiwala ako sa kaniya at buo kong ibinigay ang pagmamahal ko sa isang tao na wala naman palang ibang hangad kung hindi ang sariling interes lamang. Buong akala ko ay mahal din ako ng aking asawa. Buong akala ko, kaya niya ako pinakasalan ay dahil sa pagmamahal pero ang lahat pala ay isa lamang pagpapanggap para sa sarili niyang interes. Ngayon ay alam ko na kung bakit ganuon na lamang kabilis niya ako inayang magpakasal. Naiintindihan ko na ngayon ang lahat. Halos madurog ang puso ko dahil sa mga natuklasan ko, napahawak ako sa aking tiyan at walang patid ang aking mga luhang ayaw paampat sa pagbuhos. Hindi niya kailangang malaman na ipinagbubuntis ko ang kaniyang anak, ayokong pati ang anak ko ay kuhanin niya sa akin at wala ng itira pa sa akin. Napahagulgol ako ng napahagulgol hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa labis na paghihinagpis ng aking puso. Isang haplos sa aking mukha ang pumukaw sa aking pagtulog, kaya napabalikwas ako at masama kong tinitigan ang mukha ni Aaron na malambing na nakatitig sa akin. Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata habang nagtataka itong nakatingin sa nag-aalab kong mga mata. "Baby, may problema ba?" tanong niya sa akin, at hahawakan sana niys ang kamay ko ngunit mabilis iniwas ang kamay ko. Ayokong makipaglokohan sa kaniya, kailangan ng matigil ang paglalaro niya sa damdamin ko. "Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan ninyo ng mga kaibigan mo, narinig ko lahat Aaron. Bakit mo nagawa sa akin ito? Minahal kita alam mo 'yan, akala ko totoo lahat ng ipinapakita mo sa akin pero matapos kong marinig ang pag-uusap ninyo ng mga kaibigan mo ay naging malinaw sa akin ang lahat kung bakit ganoon mo na lamang ako kabilis pinakasalan." sigaw ko dito habang bumabalong ang mga luha sa aking mga mata. Nakita ko ang pagbabago ng mukha niya, ang kaninang may lambing na tingin ay napalitan ng blanko at nawala ang ngiti sa kaniyang labi. "Sino ang bagbigay sa iyo ng permiso upang makinig sa pag-uusap namin, ha?" galit na ani nito sa akin habang nagliliyab naman ang mga mata ko sa sobrang galit na aking nararamdaman. Ang kapal din naman ng pagmumukha ng lalaking ito na siya pa ang may ganang magalit sa akin samantalang siya ang may malaking kasalanan sa akin. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang sakit ng katotohanan na pinakasalan lamang ako ng lalaking itinitibok ng aking puso dahil lamang sa yamang mamanahin nito. "Minahal kita Aaron, ikaw ang naging buhay ko, pinagkatiwalaan kita pero niloloko mo lang pala ako. Kung 'yan lang pala ang dahilan mo ng pinakasalan mo ako bakit hindi mo pa ako bitawan tutal nakuha mo na naman ang lahat ng gusto mo, hindi ba?" umiiyak kong wika dito habang siya naman ay titig na titig lamang sa aking mukha, at hindi ko mabasa ang kaniyang mga mata. "I want a divorce. I will give you enough money to start a new life." Para akong sinaksak sa aking puso matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Halos malunod na ako sa sobrang sakit na aking nararamdaman sa kaibuturan ng aking puso, para akong mamamatay matapos kong marinig ang kaniyang sinagot. Ganoon lang pala kadali sa kaniya ang lahat samantalang ako para akong mamamatay ngayon dahil sa sakit na idinulot niya sa akin. Gusto ko sanang marinig mula sa kaniya na mahal n'ya din ako, na hindi n'ya kayang mawala ako sa buhay niya pero nagkamali ako. Walang dalawang isip na gustuhin niyang mapawalang-bisa ang aming kasal, kung gayon ay wala siyang karapatan upang malaman ang tungkol sa ipinagbubuntis ko, akin lang ang anak ko dahil hindi ko hahayaang pati ang anak ko ay ilalayo niya sa akin. Dumapa ako sa kama at tanging paghagulgol lamang ang naisagot ko dahil nagluluksa ang aking puso. Hindi ako magmamakaawa sa kaniya upang manatili dito, hindi ako magpapakatanga na manirahan at makisama sa taong walang pagmamahal sa akin at ginamit lamang ako para sa sarili niyang interes. Lalayo kami ng anak ko at ng kapatid ko, magpapakalayo-layo kami at kakalimutan kita Aaron, kalilimutan ko ang bangungot na ito sa buhay ko. Nararamdaman ko pa rin na nakaupo siya sa kama ngunit hindi ito kumikilos kaya bumangon ako at tinungo ko ang aming malaking closet at pumasok ako dito. Hinanap ko ang aking maleta at pinuno ko ito ng aking mga damit, at lumabas ako ng silid. Pagtapat ko sa pintuan ay nagsalita akong muli bago ako tuluyang lumabas ng aming silid. "Pupuntahan ko lang si Mellard upang makapaghanda na ng kaniyang mga gamit at pagkatapos ay aalis na rin kami. Pakipadala na lamang ang divorce paper sa kaibigan kong si Marcia. Salamat sa lahat ng pagpapatira mo sa amin dito ng aking kapatid. Paalam Aaron at sana ay hindi na tayo muling magkita pa." wika ko dito at tuluyan na akong lumayo sa pintuan at pinuntahan ang aking kapatid. Hindi pa man ako nakakalayo ay isang malakas na sigaw ang nagpapitlag sa akin mula kay Aaron kaya napalingon ako sa bukas na pintuan ng aming silid at nakaramdam ako ng takot. "Aaaaaaahhhhh!" Pagkarinig ko ng sigaw niya ay mas bumilis pa ang mga hakbang ko at pumasok na ako sa silid ni Mellard at inilock ko ang pintuan. Nakatitig lamang sa akin ang aking kapatid na may pagtataka sa kaniyang mukha ng makita niya ang dala kong malaking maleta. Pagkatapos kong maipaliwanag sa aking kapatid ang buong katotohanan ay matinding galit naman ang nararamdaman nito para sa aking asawa at mabilis din itong nag-empake, at pagkatapos ay nilisan na namin ang mansion ng dati kong asawa. Dating asawa dahil simula sa araw na ito ay tapos na ang pagpapanggap niya, at tinatapos ko na rin ang pagmamahal ko sa kaniya. Alam kong matatagalan bago ko makalimutan ang lalaking nag-iisang itinibok ng puso ko pero kakayanin ko ito, kakayanin ko ito sa tulong ng aking kapatid at ng aking magiging anak. Pag-alis ko ng lugar na ito ay ito na rin ang huling araw na maaalala ko ang pangalan ni Aaron dahil para sa akin ay isa na lamang itong masamang nakaraan na kailangang kalimutan at huwag ng balikan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD