Chapter 7 -Ang pagbabalik ng Manila-

1554 Words
❀⊱Natalie's POV⊰❀ Kararating lang namin ng Manila. Akala ko ay hindi na ako makakabalik pang muli dito sa Manila. Aaminin ko na namiss ko ang lugar na ito, pero nasusuklam din ako sa lugar na ito dahil dito ko nakilala ang dati kong asawa, ang taong ginamit lamang ako para sa sarili niyang kapakanan. "Oh my god! Buti hindi sinira ng anay ang bahay nila nanay dito," ani ni Marcia habang ineeksamin ang kabuuan ng bahay. Maliit man ang bahay na ito, naging tahanan namin ito nuon. Sila ang kumupkop sa amin ng kapatid ko kaya para sa akin, ang bahay na ito ang tunay naming tahanan. Buti nga at lumipat sila ng Baguio kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na makalayo sa lugar na ito upang makalimutan ko nuon ang ex-husband ko. "Tara beshie maglinis na tayo dahil hindi na ito naasikaso pa mula ng mamatay si tita, siya kasi ang nag-aalaga nito dati. Kaya lang nagkasakit at binawian ng buhay sa hospital kaya paminsan-minsan na lang ito puntahan ni tatay," wika niya. Kaming dalawa lang ang nauna dito sa Manila. Ang mga magulang niya ay hindi makakasunod dito dahil nanduon ang trabaho nila kaya kami-kami lang ang maninirahan dito kasama ang aking kapatid at ang aking anak. Pero wala pa dito si Mellard at Nathan. Nasa Baguio pa sila at baka next week daw sila makasunod dito. Hindi ko naisama ang anak ko dahil walang mag-aalaga sa kanya kapag nasa trabaho na kami bukas. Inaasikaso pa ni Mellard ang mga papers ni Nathan upang ma-transfer siya sa school malapit lang dito, walking distance lang kaya hindi ako mahihirapan kapag susunduin namin siya. Ginugol namin ang buong maghapon sa paglilinis ng bahay. Pinalitan na rin namin ang mga kurtina at sapin sa kama at sa sofa at nilabhan na rin namin ang mga ito. Para kaming mga lantang gulay na nahiga sa tig isang sofa matapos kaming makapag linis ng bahay. Idagdag pa na gutom na gutom kami pero wala pang laman ang refrigerator. "Beshie punta kaya tayo ng bayan para makapamili tayo ng mga stocks natin dito sa bahay katulad ng mga de-lata, bigas, mantika at kung ano-ano pa. Wala kasi tayong kahit na ano dito," aniya. Tumingin ako sa kanya na feeling ko nanlalambot ang buo kong katawan. Inilawit ko pa ng bahagya ang dila ko kaya malakas siyang tumatawa. "Iligo muna natin ang pagod natin para naman kahit papaano ay mapreskuhan tayo bago tayo mamili sa bayan," sagot ko. Tumayo naman siya at patakbo niyang tinungo ang banyo kaya nanlaki ang mga mata ko na hinahabol ko ang kaibigan ko. Ang bruhang 'yon at talagang inunahan pa ako samantalang ako naman ang nag-suggest na maligo muna kami. "Bilisan mo diyan. Nakakaloka ka, talagang inunahan mo pa ako sa pagtakbo," wika ko at malakas na tawa lang niya ang naririnig ko kasabay ang lagaslas ng tubig. Buti na lang at hindi pinaputol ng nanay niya ang tubig at kuryente dito. Wala namang gumagamit, 'yung ilaw lang sa labas para sa gabi kaya kaunti lang ang bill na natatanggap nila buwan-buwan. Pagkatapos maligo ni Marcia ay sumunod na rin agad ako, halos abutin nga lang ako ng twenty minutes dahil gutom na gutom na rin ako kaya kailangan na naming kumain kahit sa simpleng karinderya lang pagdating namin ng bayan. "Tara na," ani ko. Tinignan naman ako ng kaibigan ko mula ulo hanggang paa at saka bumungisngis. Napataas naman ang kilay ko sa kanya at hinampas ko siya sa kanyang braso kaya mas lalo siyang bumungisngis. "Sigurado ka ba na aalis na tayo?" aniya kaya mas lalo akong naiinis sa kaibigan kong ito. "Oo nga! Tara na nga kasi, nakakainis ka na Marcia!" aniko sabay talikod ko at lalabas na lang ako ng pintuan ng magsalita siya. "Gaga! May tuwalya ka pa sa ulo mo!" Bigla kong sinalat ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko at napa-awang ang labi ko ng mahawakan ko ang tuwalyang nakabalot sa buhok ko. "Jusko! Pagod na pagod naman kasi ako at gutom na gutom pa kaya lutang na ang isipan ko." ani ko habang hindi na ako tumitigil sa kakatawa. Nakarating kami ng bayan, kumain muna kaming dalawa sa isang karinderya bago kami nagtungo ng palengke. mas mainam ng busog ang aming mga tiyan kaysa naman mawalan kami ng malay dahil sa gutom. Marami kaming napamili, ilang bag din ito na bitbit ko at ilang bag din ang bitbit niya. Nag tricycle na lang kami pauwi para naman hindi na kami maglakad sa kanto kung mag jeep kami, mabigat din kasi ang dala namin ay masakit na nga ang kamay ko dahil mahaba-haba din ang nilakad namin kanina. "Ang pangit mong mapagod," ani sa akin ng kaibigan ko kaya malakas akong tumawa at hinampas ko talaga siya. "Ikaw naman ang sama mo! Ikaw ang binuhat mo lang eh 'yang magagaan, sa akin napunta ang mga de-lata. Buti nga last na natin nabili 'yung bigas, pinadaan lang natin sa tricycle driver. Kung nauna 'yon, baka ipinasan mo 'yon sa likuran ko maiuwi lang natin. Nakakaloka ka!" sagot ko sa kanya. Malakas naman siyang tumatawa na akala mo nakakatawa 'yung sinabi ko samantalang may katotohanan ang lahat ng sinabi ko sa kanya. "Ano ang babaunin nating ulam bukas sa trabaho? Gusto mo mag-prito na lang ako ng manok, tig isa tayo, tapos ikaw na lang ang mag-saing," wika niya. Nag-isip naman ako, pwede naman kaya tumango ako sa kanya. "Teka muna pala, ano ang uniporme natin? Wala naman sinabi sa atin ang manager basta ang sabi lang niya pagdating natin sa address na ibinigay sa atin ay duon pa lang natin malalaman ang bago nating trabaho," aniko sa kanya. "Hindi ko nga din alam. Magsuot na lang tayo ng pantalon at simpleng pang-itaas. Bukas ay malalaman natin kung saan tayo itatalaga. Jusko sana naman ay simpleng trabaho lang, hindi na kailangan pang gamitan ng mathematics at baka mabaliw ako," wika ni Marcia na ikinatawa ko ng malakas. "Seryoso ako noh! Ang hina ko kaya sa math, parang kapag tinanong ako ni Luciana ng one plus one tapos ang isasagot ko ay Twogether lolobo ang tiyan ko. Ganern!" wika niya kaya halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa kakatawa ko. Sumakit naman ang tiyan ko kakatawa sa kanya. Pagkatapos naming pagplanuhan kung ano ang iluluto namin bukas at kung ano ang isusuot namin ay pumasok na rin kami sa aming mga silid upang magpahinga. Gabi na rin naman at pagod na ang aming mga katawan. Sinigurado ko muna na nakakandado ang lahat ng pintuan at mga bintana bago ako tuluyang pumasok sa aking silid. Nahiga ako sa kama at kinuha ko ang aking phone. As usual, tumingin na naman ako sa business world news at tinignan ko ang larawan ni Aaron na sobra pa ring gwapo. Hindi ko alam kung totoo 'yung nabasa ko nuon na may asawa na siya. Hindi ko rin alam kung may anak na ba sila, siguro meron na dahil it has been six years. Mas okay na 'yon para hindi na siya magtangka pang kuhanin sa akin ang aking anak sa oras na malaman niya na may anak kaming dalawa. Hindi ko kakayanin, baka ikamatay ko kung aagawin niya sa akin si Nathan. Ewan ko ba, hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit anim na taon na ang lumipas pero heto ako at ini-stalk ko pa rin siya pati sa social media niya na hindi naman nag-a-update. Ang huling update niya ay nuong magkasama pa kami. Naka pribado man ang social media niya pero sigurado ako na hindi na ito updated dahil ang larawan pa rin namin ang profile pictures niya. Baka nga hindi na niya ito inoopen pa kaya hindi na ito napalitan. Sa world news, at least duon ay nakikita ko kung ano ang hitsura niya, 'yun nga lang limitado ang tungkol sa kanya, pero last time na nabasa ko, sabi niya ay may asawa na siya. Nawala nga ang balitang 'yon, at kahit na anong hanap ko ay hindi ko na ito nakita pa. Kaya sigurado ako na may asawa na talaga siya. Humugot ako na malalim na paghinga at tinitigan ko ang larawan ni Aaron. Hinimas ko ang pisngi niya at may luhang dumaloy sa gilid ng aking mga mata. "I hate you, Aaron. I really hate you! Niloko mo ako sa kabila ng wagas na pagmamahal ko sayo. Sana hindi na lang kita nakilala," ani ko sabay punas ng aking luha. Kung may isang bagay man na ipinagpapasalamat ko na naikasal ako sa kanya at nakilala ko siya, walang iba kung hindi si Nathan. Binigyan niya ako ng anak na mapagmahal sa akin kaya mabilis kong nakalimutan ang sakit na idinulot niya sa akin. "Masaya ka na sa buhay mo, masaya na rin ako sa piling ng anak ko. Sana lang ay huwag ng muling magtagpo pa ang landas natin Aaron dahil nasusuklam ako sayo. Sana nga ay hindi na kita makita pang muli ngayong bumalik na akong muli ng Manila. Sana hindi na muling mag-krus pang muli ang landas natin." wika ko sa aking sarili at ibinaba ko na ang aking telepono at ipinikit ko na ang mga mata ko upang makatulog na ako. Bukas, unang sabak namin sa trabaho, sana mabait ang amo namin, sana hindi niya kami pahirapan sa aming trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD