◄Aaron's POV►
"Talaga? Sinabi niya na kung sino man ang may-ari ng hotel na ito ay mahahalikan niya?" ani ko sa aking sekretarya ng sabihin niya sa akin kung ano ang sinabi ni Natalie sa namamahala sa canteen.
"Yes, po sir, tuwang-tuwa nga po kaya nagpabalot pa ng cookies at spaghetti na may pritong manok dahil uuwian daw po niya ang mahal niyang si Nathan." ani ng aking sekretarya na bigla na lamang ikinakulo ng dugo ko.
"What? Nagawa pa nya talagang dalhan ng pagkain ang lalake niya?" galit na galit kong ani. Nagulat naman sa akin ang aking sekretarya kaya mabilis ko siyang itinaboy palabas ng opisina ko.
Talaga yatang ginagalit ako ng babaeng 'yon, pati ang lalake niya ay nagagawa niyang dalhan ng pagkain. Kapag nalaman ko kung sino ang Nathan na 'yan ay sisiguraduhin ko sa kanyang isusubsob ko siya sa kumukulong langis.
Hindi ako mapalagay. Hindi ko gusto na may ibang lalake na umaaligid sa kanya. Siya kaya 'yung lalake na kasama niya sa mall ng sinundan namin siya ng aking kaibigan?
"Bro mainit yata ang ulo mo?" ani ni Jericho na pumapasok sa aking opisina. Napatingin ako sa kanya at napahugot ako ng malalim na paghinga. Naiinis ako at pakiramdam ko ay gusto kong basagin ang mukha ng lalaking 'yon, ang lalaking kasama niya sa mall. Siguro ay 'yon si Nathan.
"Mukhang may ka relasyon na nga si Natalie, ang sabi ng sekretarya ko ay may mahal na siya na nagngangalang Nathan. Naaalala mo ang lalaking nakita natin na kasama niya sa mall nuon na nakaakbay sa kanya? 'Yon kaya si Nathan? Mukha namang lampa ang gagong 'yon!" inis kong sabi. Natawa naman ang kaibigan ko at napapailing sa mga sinabi ko sa kanya.
"Talaga ba na lampa ang tingin mo sa lalaking kasama ni Natalie nuon? Sa laki ng katawan na 'yon at sa tangkad ng lalaking 'yon, ang tingin mo talaga sa kanya ay isang malaking lampa?" sagot ni Jericho.
Hindi ako sumagot kaya natawa siya. Kakampi ko pa ang kaibigan kong ito o duon siya sa lalake ni Natalie?
"Dude! Kaibigan mo ako, at pinagtataksilan ako ni Natalie," galit kong sabi sa kanya.
"Pinagtataksilan? Gising bro! Pinapirma mo siya sa divorce papers ninyo, baka nakakalimutan mo kaya wala siyang ginagawang masama sa iyo. Hindi siya nagtataksil kung may ka-relasyon man siya," sagot niya.
"Sunog na ang divorce papers na 'yon at kasal pa rin kaming dalawa. Akin lang siya at ako pa rin ang asawa niya. Kay tagal ko siyang hinanap, kung saan-saan ako nakarating tapos nandito lang pala siya sa Baguio City. Ako ang asawa niya bro at legal pa rin kaming mag-asawa," sagot ko na naiinis kay Jericho.
"Tama ka naman sa sinabi mo bro, mag-asawa pa rin kayo pero ikaw na lang ang nakakaalam niyan dahil ang alam niya ay matagal na kayong hiwalay dahil pinapirma mo siya sa divorce paper. Six years bro, ganuon na katagal na ang pagkaka-alam niya ay putol na ang ugnayan ninyong dalawa. Hindi mo na siya masisisi kung magkaroon man siya ng ibang lalake sa buhay niya. Mas gumanda ang asawa mo, napansin mo ba? Napakaganda niya bro at lahat ng kalalakihan ay mahuhumaling sa taglay niyang ganda," mahabang litanya ng aking kaibigan.
Hindi naman ako kumibo. Matagal ng maganda ang aking asawa pero totoo ang sinabi ng kaibigan ko na mas gumanda siya ngayon. Nang makita ko nga siya ay halos lumundag ang aking puso palabas ng rib cage ko dahil sa sobrang kagalakan.
"Ako pa rin ang asawa niya. Matagal ko siyang hinanap at alam ninyong lahat 'yan. Pero ngayong natagpuan ko na ang aking asawa ay hindi na ako papayag na mawala pa siya sa paningin ko.
Gusto kong humingi ng tawad sa kanya at gusto kong malaman niya na habang mag-asawa kami nuon ay unti-unti siyang napamahal sa akin. Pagmamahal na hanggang ngayon ay isinisigaw ng puso ko.
"Bakit hindi mo siya lapitan at ipaalam mo sa kanya na mag-asawa pa rin kayo?" wika niya.
"Hindi ko alam kung paano ako mag-sisimula at natatakot din ako na malaman na hindi na niya ako mahal at ang Nathan na 'yon ang pumalit sa akin sa puso niya. Natatakot ako bro, natatakot akong masaktan at malamang wala na akong babalikan pa dahil iba na ang nag-mamay ari ng kanyang puso," wika ko.
Bakit hindi mo siya ipa-transfer sa Manila? Ang dami mong tayong bagong hotel na hindi niya alam. May Thalie's Hotel ka din sa Makati, duon mo siya i-transfer para mas madalas mo siyang makasama. O kaya naman ay gawin mo siyang sekretarya mo, hindi ba mas okay 'yon? May kontrata naman siya kaya hindi siya basta-basta makakapag resign," sagot ni Jericho.
"Hindi niya iiwanan ang kaibigan niya," sagot ko. Natawa naman siya at sinabi niya na pareho ko silang i-transfer sa Manila upang hindi na makatanggi pa ang aking asawa.
"Tama ka, gagawin ko siyang sekretarya ko," nakangisi kong sabi sa kanya.
Tinawag ko agad ang aking sekretarya at pina-ayos ko ang mga dokumento ng dalawang mag-kaibigan. May kontrata sila sa akin kaya hindi nila ako pwedeng suwayin. Ipapa-transfer ko agad sila ng Manila upang duon ay mas mapadalas ang pagkikita namin. Sisiguraduhin ko din na sa unang araw niya ay makikilala niya kung sino ang boss niya. Si Marcia naman ay itatalaga ko bilang isang desk clerk sa ground floor sa information area habang si Natalie ay ang aking personal secretary.
"Ang ganda ng ngisi mo ha? Mukhang maganda ang naiisip mo," aniya.
Pagkatapos naming mag-usap na magkaibigan ay tumawag naman ako kay Carter na nasa opisina ko ngayon upang sabihin sa kanya na ilipat ng ibang departamento ang aking sekretarya dahil magkakaroon na ako ng bagong personal secretary. Gulat na gulat si Carter at pilit akong tinatanong kung sino ang ipapalit ko. Nang marinig niya ang sinabi ko ay malakas na kantiyaw ang naririnig ko sa kanya.
Pagkatapos naming mag-usap ni Carter ay hinarap ko naman ang aking trabaho. Ilang saglit lang din ay kumakatok na rin ang sekretarya ko upang ipaalam sa akin na natapos na niyang ayusin ang mga papeles na ipinaayos ko.
"Dalhin mo ang mga 'yan sa manager na may hawak sa kanila at sabihin mo na kausapin ang dalawa sa opisina niya upang ipaalam sa mga ito na kailangan silang ma-transfer sa Manila as soon as possible," utos ko at nagmamadali naman siyang sumunod sa pinag-uutos ko sa kanya.
"Naks! Ang ganda na ng ngiti mo ah!"
"Huwag mo na akong pansinin. Samahan mo ako at panunuorin ko ang pag-uusap nila," aniko at naglakad na ako palabas ng aking opisina kasunod ang aking kaibigan.
Pagkarating namin sa silid ay pinindot ko ang speaker upang marinig namin ang kanilang magiging pag-uusap.
Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang dalawang magkaibigan at nakikita namin ang malaking pagtataka sa kanilang mga mata.
Ipinaliwanag sa kanila ng manager ko na namamahala ng lahat ng chambers maid ang tungkol sa paglilipat ko sa kanila sa Manila. gulat na gulat sila lalong-lalo na ng marinig nila ang magiging bagong trabaho nila. Alam kong kakayanin ni Natalie ang pagiging isang sekretarya dahil matalino siya. Isa sa mga katangian niya na gustong-gusto ko.
Nakikita namin sa mukha nila ang pag-aalinlangan at ang katuwaan. Pero lumaki ang pagkakangiti ko ng pumayag silang pareho kaya napatalon pa ako sa sobrang katuwaan ko.
"Dude! Para kang tanga!" inis na ani ni Jericho.
"Mailalayo ko na rin siya sa Nathan na 'yon. Hindi ako makakapayag na maagaw niya sa akin ang aking asawa. Asawa ko si Natalie at legal 'yon," ani ko.
"Chill okay! Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Huwag masyadong excited, tandaan mo na hindi pa niya alam na ikaw ang boss niya. Isipin mo na lang kung ano ang magiging reaksyon ni Natalie kapag nalaman niya na ang kanyang ex-husband is her new boss," aniya kaya napaupo akong bigla sa swivel chair.
"Wala na naman siyang magagawa dahil ang kontratang pinirmahan niya ay may kalakip na hindi siya maaaring umalis sa trabaho niya, unless ako ang mag-papaalis sa kanya. Kapag lumabag siya sa kontrata ay maaari silang makulong o magbayad ng multa sa malaking halaga,"
"Ibang klase! Sigurista ka rin ha!" tumatawa niyang sabi kaya napapangiti naman ako.
"Ma'am kailan po kami maililipat sa Manila? Marami po kasi kaming aasikasuhin bago kami bumalik ng Manila. May tutuluyan naman po kami duon kaya wala naman pong problema, kaya lamang po ay kailangan po namin ng ilang araw upang maayos muna namin ang bagay-bagay na kailangan naming asikasuhin," ani ng aking asawa na ikinalingon ko.
"Tatawagan ko na lamang kayo tungkol sa bagay na 'yan. Maghanda kayo dahil anumang oras ay tatawag ako sa inyo upang papuntahin na kayo ng Manila," sagot ng aking manager.
Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik na sila sa kanilang mga trabaho. Kami naman ni Jericho ay bumalik naman sa aking opisina upang maghanda sa meeting namin.
"Iba talaga ang nagagawa ng in-love, masyadong inspired."
Hindi ko na pinansin pa ang pang-aasar ng aking kaibigan at inasikaso ko na lamang ang mga dapat kong gawin upang matapos na ang gawain ko dito at makabalik na kami ng Manila dahil ang gusto ko, bukas na bukas din ay pupunta na sila ng Manila.