Chapter 8 -Weird daw-

2230 Words
❀⊱Natalie's POV⊰❀ Ngayon ang unang araw ng simula ng pagpasok namin sa hotel ng amo namin. Ewan ko ba, bakit pakiramdam ko ay kinakabahan ako. Hindi ko na lang pinansin ang nararamdaman ko at hinintay ko na lang matapos si Marcia sa pagbibihis. Sa isang kumpanya na kami magtatrabaho mula sa araw na ito, at hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Isang araw ay chambers maid lang kami, tapos ngayon ang pagkakasabi sa amin ay magiging sekretarya ako at si Marcia ay magiging isang desk clerk. Nakakaloka naman! Ano naman ang alam ko sa pagiging sekretarya? Well, may alam naman akong kaunti tungkol sa negosyo dahil may itinuro naman sa akin si Aaron nuon, pero nuon 'yon, matagal na 'yon. "Besh, sigurado ka ba sa sinabi sayo ng tumawag sayo kagabi? Seryoso ba na magiging sekretarya ako?" "Oo nga daw kasi! Kahit nga ako ay nagulat sa sinabi ng tumawag sa akin kagabi. Ang sabi ay malalaman natin pagdating natin sa kumpanya ng amo natin, pero nagulat ako ng tumawag sila kagabi. Tulog ka na kasi kaya hindi na kita ginising pa para ibalita sayo ang sinabi sa akin. Pagdating daw natin duon sa building ay alam na raw ng mga tauhan duon kung ano ang gagawin natin. Dumating na ba si Lucio? Sabi niya ay mag-iinuman tayo dito sa bahay mamaya," wika ni Marcia. "Sige, training lang naman tayo mamaya kaya maaga tayong makakauwi. Okay na ba ang suot ko? Bibigyan daw ba tayo ng uniporme o kahit na anong semi formal na lang ang isusuot? Wala naman kasi akong pang office na damit, jusko!" ani ko. "Ang pagkakasabi kasi ng nakausap ko ay mabibigyan tayo ng uniporme. Kasi ang sabi ko sa kanila ay wala naman tayong isusuot, pero sila na daw ang bahalang mag provide lahat ng isusuot natin," ani ni Marcia. Tumango na lamang ako sa kanya at ngumiti ako. "Bilisan mo na lang diyan at ng makaalis na tayo. Baka mamaya ma-late pa tayo eh hindi pa tayo makauwi ng maaga, mapagsabihan pa tayo ng abusado kahit hindi naman toto," wika ko. Natawa na siya at isang harap pa sa salamin ang kanyang ginawa at saka kami umalis. Hindi nga nagtagal ay sakay na kami ng jeep patungo ng office building na pagtatrabahuhan namin. Sabi nila ay bago lang ang kumpanyang 'yon at duon na nga kami papasok. Kaya siguro kami na-transfer ay dahil nga sa bago lang ang kumpanyang 'yon. Ang yaman naman ng may-ari at ang dami niyang negosyo. Twenty minutes lang ay nakarating din naman kami, buti na lang at hindi traffic kaya mas maaga kaming nakarating. Napatingala ako sa sobrang taas ng building at napakaganda pa nito. "Beshy dito ba talaga tayo magtatrabaho? Sigurado ka ba diyan? Jusko tignan mo naman ang suot natin, baka mapagkamalan pa tayong pulubi sa loob," ani ko habang kinakabahan ako. Hindi pa yata kami nagsisimulang magtrabaho ay matatanggal na agad kami dahil sa hitsura namin. "Tignan mo itong address na isinulat ko, ito talaga ang ibinigay na address at dito nga tayo magtatrabaho. Kinakabahan naman ako. Akala ko naman ay isang maliit na building lang ito, pero jusko naman, hindi naman sinabi sa akin ng kausap ko na isa pala itong napakalaki at napakataas na tower. Nakakailang naman na pumasok sa loob," ani ni Marcia. "Umuwi na kaya tayo, nakakahiya ang mga hitsura natin," ani ko pero pinagtawanan lang ako ng kaibigan ko. Sumibangot tuloy ako sa kanya. "Gaga! Hindi tayo pwedeng sumira sa kontrata at baka pagbayarin tayo ng malaki. Saan naman tayo kukuha ng pera kapag nag breach of contract tayo?" wika niya. Napaisip tuloy akong bigla. Oo nga pala, nakalagay nga pala sa kontrata na 'yon na pwede kaming magbayad ng malaking halaga o baka mauwi pa sa pagkakakulong kapag lumabag kami sa kontrata. Nakakainis naman! "Tara na besh, huwag ka ng mag-inarte diyan at ng masimulan na natin ang training. Para din makauwi na tayo agad, ang sabi nila ay hanggang two o'clock lang daw tayo, at pagkatapos nuon ay pwede na daw tayong makauwi. Kailangan lang muna lang daw natin na ma-briefing at pagkatapos ay ibibigay ang ating uniporme para makapaghanda tayo para sa Monday," ani ni Marcia. "Sige na nga. Tara na at ng makauwi rin agad tayo," sagot ko at tuluyan na kaming naglakad papalapit sa tower. Atubili kaming lumapit sa napakagandang building, hindi namin alam kung ano ang gagawin namin, kung sino ba ang unang papasok sa loob. Biglang napatingin sa amin ang guard sa entrance at kita namin sa kanyang mga mata ang pagkagulat. "Ma'am pasok po kayo dito at mainit diyan sa labas. Dito na po kayo," ani niya kaya nagkatinginan kaming dalawa ng aking kaibigan. Sino ba ang tinatawag nitong ma'am? Bigla tuloy kaming napalingon ni Marcia sa likuran namin kung may tao ba na nakatayo na tinatawag niyang ma'am, pero wala naman at kami lang naman ni Marcia ang nakatayo dito. "Ma'am, dito po kayo sa loob," ani ng guard at nagmamadali pa itong lumapit sa amin at pinayungan pa kami. "Hala! Mukhang napagkamalan pa yata tayo dito. Siguro ay nagagandahan siya sa damit natin? Itago mo 'yang butas sa may sleeves mo at baka biglang bawiin ang payong," bulong ni marcia kaya napatingin ako sa sleeves ko. Natawa ako ng mahina at inayos ko ang tupi ng manggas upang hindi mapansin ang maliit na butas. "Pasok po kayo ma'am, saglit lang po at tatawag ako ng mag-aasikaso sa inyo," ani ulit ng guard. Pagkatapos ay nagmamadaling nagpunta ng front desk. "Mukhang nasasapian ang guard, napagkamalan pa tayo," bulong ko kaya tawang-tawa kami. Pero natigilan kami ng mapatingin kami sa may front desk, lahat halos sila ay nakatingin na sa amin at tila ba pinag-uusapan kami. "Hala! Ayan na nga ba ang sinasabi ko, napagkamalan na tayong pulubi," ani ko kaya natawa si Marcia. Isang receptionist mula sa front desk ang lumapit sa amin. Nakangiti ito at tila ba nagbibigay galang pa yata sa amin. Hindi namin nauunawaan, pero naweweirduhan kami sa mga nangyayari. "This way, ma'am," ani niya. "Excuse me, lang miss. Nagkakamali yata kayo. Uhm... nandito lang kami para sa briefing namin. Sabi kasi ay magiging sekretarya ako at ito namang kaibigan ko ay magiging receptionist. Huwag mo kaming tawaging ma'am kasi hindi bagay sa amin," wika ko. Ngumiti lamang sa amin ang receptionist at nagpatuloy na ito sa paglalakad. Hindi naman kami kumilos kaya napahinto siya. "Halina kayo ma'am at may naghihintay na po sa inyo upang ma-briefing na kayo sa mga dapat ninyong gawin," wika niya kaya ngumiti kami ng pilit ng aking kaibigan. "Ang weird besh. Ganito ba talaga tawag nila sa mga empleyado dito, ma'am?" wika ni Marcia. Hindi naman ako kumikibo, tahimik lang ako at nakikiramdam dahil habang naglalakad kami, lahat ng tao ay sa akin nakatingin. Gusto ko na yatang bumuka ang lupa at lamunin na lang ako ng buo. Siguro ay dahil sa luma kong kasuotan. "Jusko besh, bakit ba lahat sila ay nakatingin sayo? Tignan mo nga 'yang sleeves mo at baka lumitaw ang butas kaya nakatingin silang lahat sayo," ani niya. Mabilis ko namang tinignan ang may butas kong sleeve, pero tago naman kaya walang dahilan para titigan nila ako. "Umuwi na kaya tayo besh. Hindi ko gusto 'yung nararamdaman ko. Nawi-weirduhan ako sa kanilang lahat," ani ko. Mas lalo akong hindi na mapakali ng halos lahat sila ay bumabati ng good morning sa akin. Jusko may kamukha ba akong babae na kakilala nila kaya ganito nila ako itrato? Mabilis na kumakabog ang puso ko at hindi ko na sila magawang tignan pa. Nakahinga lang ako ng maluwag ng biglang bumukas ang elevator. Pagpasok namin ay napahawak ako sa dibdib ko at nagkatinginan kami ni Marcia. "Miss, bakit ganuon ang mga tao dito? May problema ba kayo sa akin?" tanong ko. "Naku ma'am wala po. Huwag po ninyo silang intindihin. Mababait naman po ang mga empleyado dito kaya po huwag po kayong mabahala," sagot niya. Hindi na ako kumibo at napatingin lang ako kay Marcia. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa 30th floor. Pagbukas nito ay heto na naman, parang nakakita ng multo ang mga tao dito at nakatitig lahat sa akin. Isang babae ang tumikhim sa likuran nila kaya ang lahat ay nawala na ang mga mata sa akin. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ganuon na lang sila kung makatingin sa akin. "Ma'am Josie, sila na po 'yung mga pinatawagan nyo po sa amin na magiging secretary ni boos at magiging receptionist," ani ng kasama naming magandang babae. "Sige na at bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo at ako na ang bahala sa kanila. Kumilos na kayo at ayokong tinatakot ninyo ang bagong empleyado," ani ng ginang na tinawag na "Ma'am Josie. "Sumunod kayo sa akin para ma-briefing ko na kayo at ng makauwi kayo ng maaga. Paghandaan ninyo ang unang araw ng trabaho ninyo sa Monday," ani niya. Napangiti naman kami at bahagyang tumango. Nagtungo kami sa isang silid opisina at pinaupo sa harapan ng isang office desk na may dalawang silya. Kumakabog ng mabilis ang dibdib ko, pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa amin pero wala namang tao dito at kami lang namang tatlo ang nandirito. "Heto ang mga information na dapat ninyong pag-aralan. Kalakip niyan ay ang schedule ninyong dalawa. Don't worry dahil sabay din kayong uuwi, iisa lang naman ang schedule ninyo kaya magkasama kayong makakauwi sa bahay ninyo," ani niya. Tinanggap naman namin ang mga dokumentong ibinigay sa amin at binasa ko lang ito saglit. "Sa bahay na ninyo 'yan pag-aralan dahil ililibot ko kayo sa loob ng building para alam ninyo ang pasikot-sikot dito. Dadalhin ko muna kayo sa marketing department na nasa 29th floor para makilala nyo rin ang mga empleyado na makaka-salamuha ninyo every day. Then sa 28th floor naman ay sa finance department, lahat ng department ng kumpanyang ito ay lilibutin natin. Pagkatapos nuon ay pwede na kayong umuwi," wika niya kaya tumango kami. Pagkatayo ni Ma'am Josie ay lumabas na kami ng opisina niya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan nila kaming ma-briefing ng ganito samantalang receptionist lang sa ibaba ang kaibigan ko at isa lang naman akong sekretarya. So, bakit ganito kaimportansya ang ibinigay nila sa amin? Nakakaloka, ganito na ba talaga ngayon kapag nag-apply ng trabaho sa isang malaking kumpanya? Hindi ko carry, my god! Lumipas pa ang mga oras at sumapit na ang twelve o'clock ng tanghali. Dinala kami ni Ma'am Josie sa canteen sa ibaba upang makakain na raw kami. Nagkatinginan kami ni Marsha, wala kasi kaming extrang pera para sa pagkain, ang katunayan nagdala kami ng pagkain upang hindi na kami gumastos. Sayang din kasi kung bibili pa kami ng pananghalian namin kung pwede naman kaming mag-baon. "Uhm... Ma'am Josie, pwede po ba na sa locker room na lang kami kakain, kasi may pagkain po kaming dala," wika ko. "Duon na tayo sa canteen, don't worry dahil free naman ang pagkain ninyo duon, pa-welcome sa inyo ngayong araw. Halina kayo sa canteen at huwag na kayong mahiya. Maraming pagkain duon at pwede pa kayong mag-uwi kung gusto ninyo," wika niya kaya nanlaki ang mga mata namin ng aking kaibigan. "Seryoso ho kayo ma'am? Free at pwede kaming mag-uwi?" gulat na ani ni Marcia. Tumango sa amin ang ginang kaya unti-unting gumuguhit ang ngiti sa aming labi. Sobrang saya namin ng malaman namin na pwede daw kaming mag-uwi. "Sayang, wala tayong dalang malaking tupperware," bulong ni Marcia kaya lihim kaming natatawa. Katulad nga ng sinabi ni Ma'am Josie, kahit na ano ang kinain namin ay free nga lang ito. Ang babait pa nilang lahat sa amin ni Marcia at lalong-lalo na sa akin. Iyon ang isang bagay na hindi ko maunawaan kung bakit. Nawiweirduhan talaga ako sa kanilang lahat. Lumipas pa ang dalawang oras at tuluyan ng sumapit ang alas dos. Nilapitan na kami ni Ma'am Josie at sinabi niya na pwede na kaming umuwi, pagkatapos ay inabutan na niya kaming dalawang mga uniporme na naka balot pa sa plastic. "Thank you po ma'am, see you on Monday na lang po," wika namin. Pagkatapos ay umalis na kami at nagtungo ng elevator. Habang naglalakad kami sa hallway dito sa first floor, ang lahat ay nakatingin sa amin. Hindi ko talaga maunawaan kung ano ba ang nangyayari. Bakit lahat sila ay nakangiti kapag napapatingin ako sa kanila? Ang weird! "Ang weird nila, hindi ba besh?" ani ni Marcia. Hindi ako sumagot dahil nakayuko na ako at bawat hakbang ko ay may pagmamadali upang makalabas na agad kami ng building. "Ma'am, may taxi na po na naghihintay sa inyo," ani ng guard ng papalabas na kami ng exit door. "Ho? Naku hindi p 'yan para sa amin. Sa jeep po kami sumasakay at hindi sa taxi," wika ko. "Bayad na po iyan ma'am kaya sige na po at ng makauwi na kayo. Mukha pa namang pagod na pagod na po kayo," ani niya at muling binuksan ang payong at pinayungan kami. Hindi na kami nagsalita pa, pumasok na lang kami sa loob ng taxi ng pinagbuksan kami ng guard ng pintuan. Pagkatapos ay nagpahatid na kami upang makauwi. Nakakaloka ang nangyari sa amin, parang napaka espesyal naman ng trato nila sa amin. "Weird!" Sabay naming sabi ni Marcia kaya sabay din kaming tumawa ng malakas. "Besh! Taxi, sosyal!" ani ni Marcia, kaya napuno kami ng tawanan sa loob ng taxi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD