Natalie's POV
Maaga akong gumising dahil maaga akong susunduin ng kaibigan ko. Sabay kasi kaming papasok sa unang araw namin sa trabaho.
"Lucio ang aga mo naman? Akala ko ba sabi mo ay kinakailangan mong umalis ngayon?" wika ko. Kung minsan ay hindi ko maunawaan ang baklitang ito. Parang lagi na lamang busy kahit na ba wala naman siyang trabaho pa. Wala nga ba siyang trabaho? Kung wala siyang trabaho, saan niya kinukuha ang lahat ng pinapanggastos niya? 'Yung bayad sa upa sa malaking bahay na tinutuluyan niya, saan niya 'yun kinukuha? Ang arte nya! Nag-iisa lang pero ang tinutuluyan niyang bahay ang laki at ang dabi nya inuupahan nya lang 'yon sa isang kaibigan niya.
"Hay naku beshie! Mag-papaalam kasi ako na ilang araw akong mawawala dahil may pinapaasikaso sa akin ang aking fadir. Gusto ko lang sanang masilip ang junakis mo bago ako umalis dahil matatagalan bago ako makabalik." aniya. Napakunot ang noo ko. Bakit ba alis ng alis ang baklitang ito? Ano nga kaya ang trabaho nya at ng sinasabi nyang ama niya? Kasi ang tagal na din namin dito pero hindi ko naman siya nakitang may kasamang kahit na sino.
Anim na taon na kami dito sa Baguio, then nakilala namin siya two years ago. Nuong una hindi ko inakala na baklita siya pero gwapo din pala ang gusto niya. Nakakaloka at nakakapang hinayang na nilalang. Magagandang lahi ang masasayang kapag hindi siya nakabuntis ng babae.
"Papa Lucio" ani sa kanya ng anak ko pagkakita pa lang sa kanya. Nagmamadaling tumakbo si Nathan palapit kay Lucio habang hawak nito ang isang basong gatas. Lumuhod naman si Lucio upang mapantayan ang aking anak ngunit sa kasamaang palad ay natapunan siya ng gatas sa dibdib nito kaya basang-basa siya at nanlalagkit. Buti na lang at mahilig sa malamig na gatas ang anak ko.
Mabilis akong kumuha ng tuwalya at pagbalik ko kay Lucio ay wala na itong pang-itaas at nakatalikod ito sa akin. Napahinto ako ng bahagya dahil hindi ko naman nakikita pa si Lucio na walang pang-itaas, naka t-shirt sya lagi na kulay itim or any dark colors. Nakakamangha naman talagang pagmasdan ang kakisigan ng kaniyang katawan.
"Uhm, may dala akong tuwalya." ani ko. Pagharap sa akin ni Lucio ay napataas ang kilay ko lalo na ng nagsimula na siyang lumakad papalapit sa akin. Tumayo siya sa harapan ko at hindi man lamang kumilos. Para akong naestatwa habang pinagmamasdan ko ang kabuuan niya.
"Hindi mo ba pupunasan ang katawan ko?" ani niya sa matikas na boses kaya napaangat ako ng aking mukha at napatitig ako sa kanya.
"Chariiiiz!" ani niya, kaya sa inis ko ay pahampas kong iniabot sa kanya ang tuwalya. Malakas na pagtawa naman mula sa kanya ang maririnig kaya mas lalo tuloy akong naiinis sa kanya.
"Pikon mo talaga beshie!" bulong niya sabay tingin sa anak ko na busy ng nanunuod ng tv. Napatingin naman ako sa tattoo niyang scorpion sa kaliwang dibdib niya kaya napakunot ang noo ko. Napatingin naman siya sa kung ano ang tinititigan ko at pa simple niya itong pinunasan ng towel.
"Bakit may tattoo kang scorpion? Sa palapulsuhan mo kasi may tattoo ka ding scorpion katabi ng pangalan mo. Ano ba ang sinisimbulo niyan?" ani ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at tinanggap naman ang t-shirt na hawak ng kapatid ko na kalalapit lang sa amin.
Napatingin naman ako sa aking kapatid na may hawak na tasa ng kape at iniabot ang isa kay Lucio matapos nitong maisuot ang t-shirt ng kapatid ko.
"Wala pa ba si Marcia ha? Bakit ang kupad naman yata ng punggok na 'yon? Unang araw ninyo sa trabaho mukhang masisisante agad kayo ate." wika sa akin ni Mellard.
"Sino ang punggok? Umayos ka nga Mellard at baka ipakain kita sa mga lasenggero diyan sa kanto!" inis na ani ng aking kaibigan na ikinatawa naman namin. Hindi na kumibo pa ang kapatid ko, kilala naman kasi niya si Marcia na hindi titigil kapag hindi rin siya tumigil. Nagpaalam na din kami sa kanila at pagkahalik ko sa aking anak ay umalis na din kami. Hinatid muna kami ni Lucio and as usual nakaakbay na naman siya sa akin pero naaamoy ko sa kanya ang gatas na naitapon sa kanya ng aking anak.
Pagkarating namin sa hotel na pinagtatrabahuhan namin ay kinausap muna kami ni Lucio, ipinaliwanag niya sa amin na hindi muna siya makakabalik ng ilang araw o baka abutin ng ilang linggo. Napaka importante daw kasi ng lakad niya at hindi niya ito balewalain kaya kinakailangan na niyang umalis.
"Huwag kayong magtitiwala kahit na kanino. Hintayin nyo ang pagbabalik ko at mag-uuwi ako ng maraming pasalubong sa inyo. Ikaw Marcia tigilan mo ang kaka-aya kay Natalie sa mga bar. Mag-uuwi ako ng mga imported na alak para magsawa kayo sa bahay. Pupunta lang kayo ng bar kung ako ang kasama ninyo o si Mellard pero kung kayong dalawa lang ay hindi pwede. nagkakaintindihan ba tayong tatlo?" ani niya.
"Opo nanay." sabay naming ani na ikinatawa naming dalawa ni Marcia.
Bago tuluyang umalis si Lucio ay mahigpit na yakap muna ang ibinigay niya sa akin at halik sa aking ulo ng paulit-ulit kaya natawa na ako sa kaartehan ng baklitang ito. Pagkaalis ni Lucio ay hindi namin maiwasang isipin kung ano nga ba ang mahalagang lakad ang pupuntahan ng baklitang 'yon at matatagalan bago siya makabalik.
"Alam mo beshie, gagamitin ko talaga 'yong alak na iuuwi niya sa atin upang l;asingin 'yang baklitang 'yan tapos gagapangin ko siya para maging isang tunay na lalaki." wika ni Marcia na ikinatawa ko ng malakas.
Naglakad na kami papasok sa loob ng hotel, magalang naman kaming binati ng guard ng hotel kaya naman nanibago kami.
"Kayo po pala ma'am, magandang umaga po!" ani sa amin ng guard. Napataas naman ang kilay ni Marcia lalo na ng yumukod ng bahagya sa amin ang guard ng hotel.
"Hay naku, kuyang guard! Hindi po amo dito ang kaibigan ko, katulong lang po kami ng hotel na ito noh! Sana nga noh para naman mabago na ang pamumuhay naming magkaibigan." ani niya sabay bungisngis kaya hinampas ko siya sa braso at maging ako ay natatawa na rin. Nakakaloka talaga itong kaibigan kong ito at kung ano-ano pa ang pinagsasasabi kay kuyang guard.
Naglakad kami sa opisina ng aming manager upang ipaalam sa kanya na magsisimula na kami. After naming nagpunta ng opisina at nagtungo naman kasi sa locker room namin at nagbihis na kami ng pang chambers maid. Ito na ang unang araw ng aming trabaho kaya pagbubutihin ko talaga dahil kailangan ko ang perang kikitain ko dito, para sa aking anak. Kakalimang taon lang ng anak ko at hindi ko man lamang siya naipaghanda, pero sisiguraduhin ko na iipunin ko ang kalahati ng kikitain ko dito para sa darating na kaarawan niya ay mabibigyan ko siya ng party.
"Beshie ang ganda naman natin sa uniporme natin!" masayang ani ni Marcia habang nakatitig sa salamin at paikot-ikot pa siya.
"Nagagandahan na pala kayo sa sarili ninyo ng lagay na 'yan? Ang cheap ninyo ha!" ani ni Jenna, kasamahan namin sa trabaho. Sasagutin sana siya ni Marcia pero pinigilan ko na lang dahil unang araw namin ito sa trabaho at ayokong masisante agad.
Kung ano-ano pa ang sinabi sa amin ni Jenna pero hindi na namin siya pinansin pa. Hindi ko nga alam kung ano ang problema ng babaeng 'yon sa amin at tila ba mainit ang dugo nya sa aming dalawa.
Nagsimula kaming kumuha ng utility cart na may mga lamang gamit na panglinis at sa ilalim nito ay mga malilinis na tuwalya na, naka-sealed ng plastic upang pamalit sa bawat room na lilinisan namin. Napadaan ako sa suite ng amo namin na may initial na XAV sa pintuan na kulay gold. Siguro ay initial 'yon ng buong pangalan ng may-ari ng hotel na ito.
Halos mag-aalas dose na ng tanghali ng matapos ako sa nakatoka sa akin at after ng luch naman ay sa ibang floor naman ako. Ang nakapagtataka lang ay puro malilinis na room ang ibinigay sa akin ni Ma'am Lira kaya wala naman akong masyadong ginawa. Pati nga mga towel ay naka sealed pa din ng plastic kaya alam kong wala pang gumamit ng room. Mamaya ay kakausapin ko ang manager namin dahil baka nagkamali lang siya ng mga room na naibigay sa akin.
"Beshie sa labas ba tayo kakain o sa canteen?" ani ni Marcia. Napag-usapan namin na sa canteen na lang kami kumain para naman hindi na kami lumabas pa. Pagdating namin sa canteen ay nakita namin na kumakain na si Jenna kasama si Lolita at napatingin sila sa amin. Tinaasan nila kami ng kilay pero hindi namin sila pinansin. Umorder kami ng spaghetti dahil mukhang 'yun lang ang kaya ng budget namin. Gusto ko sana ng rice na may ulam pero medyo mahal pala ang pagkain dito kaya nauwi kami sa spaghetti na lang. Sa susunod ay magbabaon na lang kami para naman makabawas sa gastusin.
"Ate, spaghetti lang po ang order namin, bakit ang dami naman po nitong nasa tray namin?" ani namin. Nakakagulat dahil rice at maraming ulam ang ibinigay niya sa amin at may kasama pang chocolate cake na paborito ko na may cherry sa ibabaw.
"Pa-welcome lang 'yan sa inyo ng may-ari ng hotel na ito. Sige lang at kung may gusto pa kayong kainin ay magsabi lang kayo. May pauwi pa 'yan mamaya kaya daanan ninyo dito mamaya." wika niya kaya sa katuwaan namin ay tinuro pa namin ang cookies. Kinapalan na talaga namin ang pagmumukha namin.
"Kung sino man ang boss natin, naku talaga ate, mahahalikan ko siya!" ani ko kay ate na nagseserve sa canteen.