Risalyn Kinaumagahan, pumasok parin ako sa clinic kahit alam kong namumugto ang mga mata ko. Tahimik lang ang dalawang nurse at nakatuon lang rin ang atensyon nila sa mga pasyente. "Risa, paano mo nagagawang pumasok dito sa clinic sa sitwasyon mo ngayon."tumaas ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Hannah. Hindi ako nagsalita at tumitig lang ako kay Hannah. Lumapit siya at umupo sa harapan ko. "Are you ok?” "Maayos ako."sabi ko at tumayo na ulit ako. "Saan ka pupunta?" "May kailangan akong pag-aralan." Hinila ulit ako ni Hannah at sapilitan niya akong pina-upo ulit. "Hindi ko alam kung paano mag-advice sa ganito. Parating na si Faith." Hindi naman ako makapaniwalang tinignan si Hannah. "Or do you want me to hug you? Iyon lang ang alam ko."saad pa ni Hannah at napatitig nar