Risalyn "Risa, makinig ka muna."linapitan ako ni Sean at hinawakan niya ako. "Hindi ko maalala kung anong nangyari ng gabing 'yun dahil lasing ako. Pagkagising ko-"umiling ako at tinakpan ko ang magkabilang taenga ko. "Tama na, ayoko ng marinig." "Risa, please hear me out." Binaba ko ang pareho kong kamay at tinignan ko siya. Nagsilabasan ulit ang mga luha ko. Linapit niya ang kamay niya sa pisngi ko pero iniwas ko ang mukha ko. "Pagkagising ko, magkatabi lang kami sa kama. At pareho naman kaming may suot kaya ang alam ko walang nangyari sa amin-" "Pero meron Sean. Maliwanag na maliwanag, buntis si Jona."ibinalik ko na ang tingin ko sa kanya. Tuluyan na siyang hindi naka-imik. Ilang ulit kong pinalo ang dibdib niya. "Ano Sean? Wala ka ng sasabihin? Magsalita ka naman. Ano?" Nana