Workaholic Bachelor III: Sean Alcaraz/Chapter 62

1544 Words

Risalyn Kumapit ako kay Sean habang hinapit pa niya ako palapit sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko pareho kami ng nararamdaman ngayon. Pareho naming gustong makita ang isa't-isa. Kung tutuusin isang araw lang kaming hindi nagkita kumpara sa apat na taong naghiwalay kami. Pero sa paraan ng pagkikita namin ngayon, para kaming hindi nagkita ng matagal na panahon. Inangat ko ang tingin ko kay Sean ng inilayo na niya ang labi niya sa akin. "Anong ibig sabihin ng kilos mong ito? Isang araw lang na nawala ako sa tabi mo, ganito ka na kaagad sa akin."tumango si Sean sa sinabi ko. "Mababaliw ako Risa. Hindi ko kaya." Medyo dumistansya ako sa kanya pero hinapit niya lang ulit ang bewang ko palapit sa kanya. "Hindi ba nakipaghiwalay ka na sa akin."saad ko pero sinusubok ko lang siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD