Risalyn Magkahawak-kamay kami ni Sean habang naglalakad kami papasok sa cafe. Sa wakas, nakumbinsi ko rin siya na lumabas na sa bahay. Sumulyap ako sa kanya, ngumiti naman siya sa akin kaagad. Tapos bigla siyang tumigil sa paglalakad. "Parang ayoko pang pumasok. Balik ulit tayo sa bahay-"hinila ko kaagad ang ang kamay ko sa kanya. "Sean, tumigil ka dahil kailangan mong tignan kung ano ng nangyayari sa cafe mo. Kawawa naman si Jona kung sa kanya mo na ibibigay lahat ng trabaho." "My employees are more thankful when I'm not around. I'm giving them a lot of time to rest." "Siguro hindi mo binibigyan ng pahinga ang mga tauhan mo.” tumango siya kaya napalo ko siya. "Wala kang puso sa mga tauhan mo."nasabi ko pa sa kanya. "I know, tinangay mo ang puso ko kaya malamang wala talaga-"pina