Risalyn Lumabas ako kaagad sa clinic ng matanaw ko na si Sean. "Ikaw na lang ba ang nandito?"tanong ni Sean pagkalapit niya sa akin. Kanina pa umuwi ang dalawang nurse habang hinintay ko parin si Sean kanina. Luminga siya sa paligid. "I'm sorry kung ngayon lang kita nasundo, may kailangan pa kasi akong bisitahin na kliyente kanina."paliwanag niya sabay tingin na sa akin. "It's fine, kaka-alis lang naman nila kaya may kasama parin ako kanina." Hinawakan ni Sean ang kamay ko at hinalikan ito. "I'm really sorry, my love."ngumiti ako sa kanya. "Uwi na tayo."saad ko. Tumango naman siya at pinagsugpong na niya ang mga kamay namin. Napapasulyap ako sa kanya habang tinatahak namin ang daan palabas sa clinic. Ilang araw na lang, darating na si Steven dito kasama si Saya. Tinawagan ako ka