Risalyn "Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin?" "Sasabihin ko nga sayo, next week." "Tell me right now. Curiosity is killing me, my love." "Fine, sasabihin ko pero ipangako mo na papatawarin mo ako. Hindi ka didistansya sa akin-" "Pangako."putol na niya sa akin. Inilabas ko naman ang cellphone ko at kinalikot ito. Tapos pinagana ko ang audio recorder nito. "Go, ipangako mo."tumingin siya sa cellphone ko. "Ipangako mo na mapapatawad mo ako ano man ang mangyari. Hindi ka bomba na parang sasabog-" "Seryoso ba talaga 'yan sikreto mo sa akin?"tanong niya. Tumingin ako sa kanya ng diretso at tumango ako. "Oo."mariin ko pang sagot. Tinignan niya rin ako at kitang-kita ko na nagdadalawang-isip siya. "So sasabihin ko na?" "No, next week mo na lang sasabihin. Kung posibleng pag-aawayan na