Risalyn Naalimpungatan ako sa tunog na nanggagaling sa cellphone ko. Kaagad kong kinapa ito sa bedside table kahit nakapikit pa ako. Tsaka ko lang minulat ang mata ko ng nahawakan ko na ang cellphone ko. Kaagad kong tinignan kung sino ang tumatawag. Sinagot ko naman ng makita kong si Steven. Humikab ako bago ko tinapat ang cellphone sa taenga ko. "Steven." "Kamusta ka diyan, doc?"bungad niyang tanong sa akin. "Maayos."sagot ko naman. "Kayo ni Kuya?"napangiti ako sa tanong niya. Tapos tumingin ako kay Sean na mahimbing paring natutulog. Hindi ko na nga alam kung anong oras na dahil panay ang kwentuhan namin hanggang sa nakatulog narin kami. "Maayos na maayos." "Ramdam ko nga sa boses mo."ngumiti ulit ako. "Then iuuwi ko na diyan si Saya." "What?"tanong ko at napabangon pa ako.