Risalyn Pinunasan ko ang spaces sa wardrobe habang linilipat naman ni Sean ang mga gamit ko. Isang space lang sa wardrobe ang kinalalagyan ng damit ko dahil ilang damit lang naman ang dinala ko. Sinasara ko na ang maleta ng naramdaman kong nakamasid siya sa akin. Tinignan ko siya, ngumiti siya sa akin. "Bakit ka na naman ngumingiti?" "Ikaw, bakit parang naiinis ka?" "Hindi ako naiinis."sagot ko naman. Gusto ko lang na maging normal ang usapan namin at hindi na naman kami magka-ilangan. "Umuusok ilong mo." "Bakit mo ba sinasabing naiinis ako?Saan sa mukha ko ang nagpapakita na naiiinis ako?"walang pasensyang tanong ko at tinuro ko pa ang mukha ko. Inakbayan niya ako. "Ang pikon mo talaga."sabi niya. Tinignan ko siya at nag-isang linya ang labi ko. "Bad mood talaga ang magiging