Chapter 2

1088 Words
Hannah Iwinaksi ko sa aking isipan si Friam at nagtungo na ako sa factory ng Lacuesta Fashion Line. Nagtime-in ako kaagad at deretso sa trabaho. Hindi na ako nagtaka ng makita kong konting damit lang ang tatrabahuin ko. Dahil tama ang mga empleyado, bumababa ang sales ng mga nagagawang damit sa factory habang tumataas naman ang sales ng mga damit na galing abroad. Kung patuloy na mangyayari ito, sigurado talaga na mawawalan ng trabaho ang mga mananahi. Hindi pa ako nakakagitna sa trabaho nang makita ko ang isang empleyado na lumabas sa office ng factory, bitbit ang mga gamit niya. "Nalagasan na naman tayo."saad ng isang empleyado. "Inaraw-araw na silang tumatanggal ng mga kasamahan natin." "Wala tayong magagawa, hindi na daw nabebenta mga ginagawa natin."usapan ng mga mananahi at nakikinig lang naman ako. "Siguradong isa si Rena sa huling matatanggal. Ang galing niyang gumawa ng damit." Bumaling naman ako sa nag-salita at tumawa. "Mas maayos at mas matibay ang mga gawa niyo."wika ko. "Ganda lang ang meron sa akin."kindat ko Natawa naman sila. Bumalik rin kami sa kanya-kanya naming trabaho. Habang nagtatrabaho, linibot ko ang mga mata ko sa buong factory. Isa lang ang pakay ko sa palihim na pagpasok dito, at ito ang makahanap ng maaari kong gamitin laban sa ama ko. Nandito ang problema kaya dito ako makakakita ng butas. Hindi na ako bumalik sa office ko pagkatapos ng shift ko sa factory. Dumeretso na ako sa apartment ni Risa. At habang nasa daan ko, hindi ko maiwasan ang pagkikita namin ni Friam kanina. "Cupid Bar."naisatinig ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at napa-iling ako sa aking sarili. Pagpasok ko sa apartment ni Risa, naamoy ko kaagad ang linuluto niyang pagkain. "Hi."bati ko pagpasok ko sa kitchen. "Hi."balik niyang bati sa akin. "Tapos na ba ang pagiging undercover agent mo?"may sarkasmo niyang tanong. "Yes, ikaw, kamusta ang pagiging marketing supervisor mo?"tanong ko rin. "Good, konti na lang, mapeperfect ko na ang pirma mo." natawa naman ako sa sinagot niya. Naupo na ako sa mini table at pinanood siyang nagluluto. Hindi ko ulit mapigilan ang sarili kong isipin si Friam. "Hannah." Naibalik ko ang atensyon ko kay Risa. "What?" Bumuntong hininga si Risa. "I said, let's eat." Tumango ako at umayos ng upo. "So tell me, what's bothering niyo?"tanong ni Risa habang kumakain kami. "Problema sa mga mananahi sa kumpanya-" "I don't think so." Tinaasan ko siya ng kilay. "Wow, mas nagiging Rena ka na talaga." umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Pero ilang sandali lang ang lumipas, hindi ko rin napigilan ang sarili ko. "I met Friam." "Your teen crush s***h your first love. Oh I mean, your first unrequited love."sumama ang tingin ko kay Risa, ngumisi lang siya sa akin. "Okay, so you met him. How was it? Did the old feeling came rushing back in your heart?"patuloy na panunutil pa niya sa akin, sumama lang naman ang tingin ko sa kanya. Nagpakawala ng malalim na hininga si Risa at sumeryoso na rin siya. "Naiisip mo siya at napapatanong ka kung bakit nagkita kayo. Ang lawak ng Pilipinas pero nagkita parin kayo."tahimik lang akong nakinig kay Risa. "Perhaps, you're destined to meet each other. Perhaps, there's a reason kung bakit nakita mo siya." "And what's that reason?"tanong ko. "I don't know, hindi naman ako si tadhana."sagot niya. Sumama ulit ang tingin ko kay Risa. Pero napa-isip ako, kapagkuwan, tumayo na ako mula sa kina-uupuan ko. "Saan ka pupunta?"tanong niya. "To him. I will check kung naitadhana ba talaga na makita ko siya ulit." Matamis na ngumiti si Risa. "And where you can find him?"tanong niya. "And why do you need to know?" Nagkibit-balikat si Risa. "Para alam kung saan kita hahanapin. Malay ko kung di ka na bumalik." Napa-iling na lang ako at lumabas na sa kitchen "Saan nga?"pangungulit niya. "Sa cupid bar."sagot ko dahil alam kong hindi niya rin ako titigilan. "Oh bar. I wanna come." "No."mabilis kong tutol. "Why naman?" "Because I said so."sagot ko. "Damot."narinig ko pang maktol niya. Kumuha na ako ng bagong damit sa closet at nag-retouch ulit sa bathroom. Lumabas na ako mula sa bathroom pagkatapos kong magbihis. Nakahiga na si Risa sa kama habang pinagmamasdan na ako. "Alam mo, ilang ulit ko ng nakita ang ganyang hitsura mo pero naninibago parin ako. Ganito pala ang epekto ng hindi naglalagay ng kolorete sa mukha. Mabibigla ka na lang sa transformation." "Talaga ba? Hindi mo ako nakikilala?"paninigurado kong tanong. Sigurado naman ako na walang makakakilala sa akin pero ngayon, parang gusto ko pang manigurado. "Oo, kahit nga boses mo hindi ko narin makilala."ngumiti naman ako sa kanya. Tumitig si Risa sa akin. "Hannah, kalimutan mo lang kaya lahat at bumalik ka na sa ibang bansa. Ituloy mo na lang ang pagiging voice actress mo doon."saad pa niya. "Alam mong hindi ko 'yun kaya. Hindi ako matatahimik." Matagal siyang nakatitig sa akin. "Hindi rin naman kita masisisi."malungkot siyang ngumiti sa akin. "And I want you to know that I'm proud of you."sabi pa niya pero humihina na ang boses niya, senyales na patulog na siya. "Alis na ako."paalam ko matapos kong bitbitin ang clutch bag ko. Hindi ko narinig ang sagot ni Risa dahil mahimbing na ang kanyang tulog. Nasa harapan na ako ng Cupid Bar pero bigla akong nagdalawang-isip na pumasok. Bumuga ako ng hangin, matagal na akong kating-kati na alamin ang buhay na ngayon ni Friam. Pero iwinawaksi ko rin ito sa akin isipan dahil para saan pa? Sa anong dahilan? Lalo ngayon, anong silbi ng pagpunta ko dito. Kung naitadhana man na makita ko ulit siya, wala rin naman magbabago. Dahil hindi ang pag-alam sa buhay niya ang dapat kong atupagin. Dapat kong pagtuonan ng pansin ang paghahanap ko kay Faith at sa mga kapatid niya. Isang taon na akong nakabalik dito sa Pinas pero hindi ko pa sila natatagpuan. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Umatras rin ako at tumalikod. Naglakad na ako pagbalik sa sasakyan ko. "Ma'am, excuse me, hindi niyo pwedeng i-park diyan ang sasakyan. Doon po sa gilid." Tumingin ako sa lumapit na staff at humingi ako kaagad ng pasensya. "I'm sorry-" "Ako na po ang mag-park."presenta ng staff. "No, it's okay, aalis rin naman ako-" "Sige na, ma'am, ako na po. Pasok na kayo sa loob." "I said-"tatanggi ulit sana ako pero napatigil rin ako. At bumaling ako sa cupid bar. Nakagat ko ang labi ko. I'll just take this as a sign. Binigay ko na sa staff ang susi ng sasakyan ko at naglakad na ako pagbalik sa bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD