Hannah
Pagdating ko sa loob, hinanap kaagad ng mga mata ko si Friam. Ilang ikot ako sa lugar bago ko siya natanaw sa pinakadulong lamesa ng second floor. At natigalgal ako nang makita kong marami siyang kasamang babae.
You became a womanizer. Is that it?
Kumuha muna ako ng alak sa counter bago ako naglakad palapit sa likod ng lamesa ni Friam. Pumwesto ako sa sofa na nasa likod niya. At unti-unting umawang ang labi ko nang marinig ko ang usapan niya kasama ang mga empleyado ng LFL.
Iisa lang ang pumapasok sa isipan ko ngayon, Friam is gathering information about LFL. At hindi ko alam kung anong motibo niya. Kailangan kong malaman ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa.
Ilang sandali pa ang lumipas bago nagsi-alisan ang mga empleyado sa lamesa. Naramdaman ko naman na tumayo na si Friam. Napansin ko pang maingat siyang naglakad palabas sa second floor upang hindi niya makuha ang atensyon ng mga empleyado ng LFL.
Dahan-dahan ko rin naman siyang sinundan tsaka ako pumunta sa harapan niya nang makarating na siya sa first floor.
"What a dirty trick it is to use your charm to gather information."mapang-uyam kong saad sa kanya.
Tumigil siya at humarap sa akin.
Kaagad siyang umismid.
"As I thought, you did heard what I said to that lady."pinasadahan niya ako ng tingin.
"Oh well, let's just say that we are indeed destined to meet each other."
Umismid din ako.
"We are really destined to meet each other. Because I'm pretty sure that there's this thing we have in common."wika ko na may ngiti na sa mga labi ko.
Lumapit ako sa kanya tsaka ko pinatong ang kamay ko sa balikat niya.
"We are both interested of Lacuesta family."bulong ko sa kanya.
Tuliro na ang isip ko ng inikot niya ang kanyang kamay sa bewang ko. Naikuyom ko ang isang kamay ko upang pagkuhanan ng lakas ito.
"Sweetheart, let's get down to business."sumama ang mukha ko dahil sa tinawag niya sa akin. Hindi ko gusto na tawagin niya ako sa ginagamit niya sa mga babae kanina.
"I can give you all of Lacuesta's information if you promise to destroy them. I want you to completely ruin Johnny Lacuesta."tumingin na ako sa kanya at binaling naman niya ang mukha niya sa akin.
Kung naitadhana talaga na makita ko ulit siya. Siguro, ang dahilan ay makakatulong siya sa akin para mas mapabilis ang pagpapabagsak ko kay Dad.
"Compared to the girls you fooled just for the purpose of collecting information. I'm more knowledgeable. I know everything there is to know about Lacuesta."
Napansin kong bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Pinilit ko namang maging normal sa harapan niya na parang hindi ko napansin ang pagtingin niya sa labi ko.
"How would I know if you are really telling the truth?"
Pero hindi ko talaga makaya ang tingin niya sa akin, para bang may nagwawala sa akin. Bumitaw na ako sa kanya at lumayo na ako sa kanya ng pakawalan niya ang bewang ko.
"Kinamumuhian ko sila at gusto ko silang mawala sa mundong hindi sa kanila." rumehistro ang galit sa mukha ko pero bago pa ako mawalan sa kontrol, kaagad ko rin itong binura. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko na papairalin ang emosyon ko. Hindi na ako matatakot sa lahat at haharapin ko anuman ang maging resulta.
"It's up to you. I'm sure you're in even more desperate need right now. Let us part ways if you don't wish to accept my offer."tumalikod na ako dahil habang tumatagal nararamdaman ng puso ko ang presensya niya na dapat sana hindi.
Pero nagulat ako ng hinila niya ang kamay ko at pinaharap niya ako sa kanya. At hindi ko napaghandaan nang kabigin niya ako at halikan ako.
Mabilis ko naman siyang tinulak at lumalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Deal, my lady."nakangisi niyang sabi sa akin.
Umatras ako at tumalikod pero hindi ko rin nagawang ihakbang ang mga paa ko paalis. Wala sa utak ko na gagawin niya sa akin 'yon, paulit-ulit akong huminga ng malalim upang pakalmahin ang nagwawala ng sistema ko. Nandito na ako kaya itutuloy ko na.
I turned around and gave a flirtatious smile.
"Deal, my gentleman."sagot ko na nagpataas ng kanyang dalawang kilay.
Nag-iwas siya ng tingin pero hinarap niya rin ang mukha niya sa akin at umismid. Unti-unti pa siyang lumapit sa akin.
This is not good.
"You won't be able to seduce me, my lady. I have a knack towards seducing women. It's nothing out of the ordinary for me to be seduced by a hundred ladies."
Nagtiim-bagang ako, kahit kailan hindi sumagi sa isipan ko na magiging ganitong klaseng babaero ang unang lalakeng nagustuhan ko.
"Then we are in the same page, my gentleman."sagot ko, tinatago ang pagkadismaya ko sa kanya.
Tumingin na ako sa ibang bagay dahil kinakalma ko pa ang sarili ko sa ginawa niya--napabaling ako sa kanya ng bigla niya na lang akong akbayan.
"What the hell are you doing to me-"
"Hinahanap na ako ng mga babae."wika niya at ginaya na niya ako palabas sa bar. Pero sinisiko ko siya habang naglalakad kami palabas.
"Ititigil mo 'yan o hahalikan kita ulit."bulong niya sa akin, umismid ako.
"Lahat ba kayong mga lalake 'yan ang ginagamit niyo na pantakot sa mga babae."lihim akong napalunok ng hinila pa niya ako palapit sa kanya. Dinala niya ulit ang labi niya malapit sa tenga ko.
"Probably, pero kapag ginagamit ko ito sa kama ang diretso."bumaling ako sa kanya at ngumisi ako tsaka ko tinadyakan ang tuhod niya.
"Jerk!"
Nagpupuyos ang dibdib ko ng makalabas na ako sa bar. Iyon na nga ang sinasabi niya sa akin, nakakaramdam pa ako ng epekto sa katawan ko.
"Saan ka pupunta, iyong deal natin!"habol niya sa akin.
Tumigil ako at humarap ako sa kanya.
"Give me your calling card."wika ko.
"Whoaw, gusto mo narin makuha number ko. Sige ba, why not, madali lang akong kausap."
Nagtiim bagang ako sa inasta niya. Punong-puno ng kayabangan ang boses niya.
Linabas niya ang wallet niya at kinuha ang calling card niya at inabot sa akin.
Tinignan ko ito. Napatigil ako sa nabasa ko.
"Isa kang abogado."
"Indeed."nakangisi niyang sagot.
Binalik ko ang mga mata ko sa kanya. At hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya.
"You're stare is quite disrespecting me."wika niya, umiwas ako ng tingin.
"Kaya pala kumakalap ka ng impormasyon dahil attorney ka."bawi ko rin sa huli.
"I don't think so. Sa tingin mo parang hindi ka naniniwala na attorney ka."
Binalik ko rin ang tingin ko sa kanya
"But you're an attorney."wagayway ko sa calling card.
"That's why, I believe you."
Natawa siya sa hangin.
"Magkita na lang tayo bukas, alas-onse ng umaga sa restaurant na 'yon."turo ko na sa nakita kong restaurant malapit sa bar.
"No. We'll meet at my condo at twelve o'clock in the evening."wika niya.
Di naman ako makapaniwalang tinignan siya.
"Your what?"ngumiti siya sa akin.
"My condo, and we'll meet at night."lapit niya sa akin. Nakipagsukatan naman ako sa kanya ng tingin.
"No. Sa restaurant tayo magkikita-"
"My lady, this is quite risky. This isn't an ordinary transaction for you. Keep in mind that this is a ploy. We can't meet in broad daylight in an open area."mas lalo pa siyang lumapit sa akin.
"Kung iyon talaga ang habol mo sa akin."mapanloko pa niyang wika.
Naikuyom ko ang kamay ko dahil naiinis ako sa kanya.