Chapter 1

1282 Words
Hannah Kasalukuyan akong nagkakaroon ng meeting kasama ang marketing department. Mahigit isang oras na ang lumilipas ngunit hindi pa natatapos magsalita ang marketing manager. Napansin ko ng sumusulyap ang iba sa akin pero mas lalo ko lang tinuon ang buong atensyon ko sa manager. Kapagkuwan, natapos na rin ang kanyang introduction at sumunod na ang isang team ng department para sa kanilang proposal. Ipinagpatuloy ko lang naman ang pakikinig hanggang sa matapos narin ang team sa kanilang presentation. "Ma'am Hannah, anong masasabi mo sa proposal nila?" tanong sa akin ng manager. Bago ako sumagot, tumingin muna ako sa presentation tapos sa team na nasa harapan. Kung hindi ako nagkakamali, alipores sila ng manager ng department namin. "Great."maikli kong komento. Napansin ko namang may mga tumango at meron namang palihim na napa-iling. Sumulyap ako sa aking wrist watch. "And that's end our meeting."dagdag ko sabay tayo mula sa swivel chair. Tumayo naman ang lahat at nagpaalam sa akin. Tumingin ako sa aking secretary at sinenyasan na siya. Binitbit naman niya ang aking gamit. Naglakad na ako palabas sa meeting room. "Hindi na talaga papipigil si Madam ngayon." komento ng secretary. Hindi naman ako umimik. Lumiko kami ng secretary ko sa isang pasilyo kung saan walang CCTV na makikita sa lugar. At kaagad ko namang nakita ang aking kaibigan na si Risa na nakatayo sa malayuan. Pinasadahan ko ng tingin ang buong kasuotan ni Risa pagkarating namin sa harapan niya. "Satisfied ka naman siguro, friend. Kopyang-kopya kita."wika niya. Umismid naman ako. "Pwede na." saad ko, and she rolled eyes. "Halika na nga Jean."wika na ni Risa sabay lagay niya ng kanyang kamay sa siko ng secretary ko. "Hindi ako ganyan kay Jean."sabi ko. "Whatever."sagot ni Risa sa akin. "Kunin mo na ito at umalis ka na."dagdag niya sabay bigay sa akin ng bag na bitbit niya. Kinuha ko naman ito. Tinanggal ko na ang coat ko at linagay sa loob ng bag. "Mag-ingat ka."wika pa ni Risa bago sila lumabas sa pasilyo ng secretary ko. Aalis na rin sana ako ng marinig ko ang boses ng mga empleyado sa labas ng pasilyo. "Nababahala ako sa nangyayari. Bumababa ang sales ng mga gawa ng mga mananahi ng kumpanya dahil puro mga imported ang pinagtutuunan ng pansin ng marketing team." Tumagilid lang ako at nanatili ako sa aking kinatatayuan. "Sa ginagawa nila, sigurado akong may iba pa silang balak baguhin sa kumpanyang ito."rinig ko pa sa isa. "Ang akala ko iba itong si Miss Hannah." Sumilip ako at nakita ko pa ang secretary ko at si Risa sa malayuan. "Ano pang inaasahan mo. Siyempre, katulad ng tatay niyang sakim." "Bigla ko tuloy naalala si Sir Ron. Kung siya siguro ang namamahala ngayon-" "Wag mo ng gambahalin ang matagal ng patay. Ang kailangan natin gawin ay maka-usap si Don Ramon. Dahil hindi ako naniniwala na hahayaan niya ang mga mananahi natin na mawalan ng trabaho." Hindi ko na pinatapos ang usapan at mabilis na rin akong umalis sa pasilyo. Kaagad akong pumasok sa isang cubicle nang makarating ako sa pinakadulong powder room malapit sa exit na ng kumpanya. Mabilis akong nagpalit ng damit. Sunod kong kinuha ang make-up kit. Mas lalo kong minadali ang kilos ko ng marinig kong may pumasok. Nang matapos na rin ako, dali-dali kong linagay ang pinagpalitan ko at ang kit sa loob ng bag. Lalabas na sana ako pero hindi ko naituloy. "I'm sorry, I mistook this for a men's restroom." Kumunot ang noo ko dahil boses ng lalake ang narinig ko. "I apologize. I was in a hurry and didn't notice it. Please accept my sincere apologies for my lack of refinement." Umismid ako dahil alam kong pagdadahilan lang ito ng lalake. Ang laki ng women's sign sa labas, imposibleng hindi ito makita ng lalake. "You're Friam Del Valle, right?"boses na ng babae ang narinig ko. At saglit akong napatigil dahil sa pangalan na binanggit ng babae. Of all place, dito ko po talaga maririnig ang pangalan ng lalake. "Yes, and I am really sorry." Umuwang ang labi ko dahil sa gulat. Sa labas ng cubicle na kinalalagyan ko, meron si Friam Del Valle. "Oh, don't worry, baby."dinig na dinig ko ang malanding boses ng babae. "I don't mind being trespassed on as long as you're the trespasser."dagdag pa ng babae. "To a woman like you, I count myself lucky to be your trespasser."naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Hindi talaga ako makapaniwala. "Oh, you're making me blush." "But may I ask if you are an employee of this company?"kumunot ang noo ko sa tinanong ni Friam. "Yes baby, why?" "Wala naman, nakakamangha lang ang kumpanyang ito dahil napa-oo nila ang isang katulad mo. Gusto kong magpa-advice sa kanila."tuluyan ng tumaas ang isang kilay ko. "And may I use this as a chance to invite you. "Bring your colleague, and let's have a good time tonight at Cupid Bar."narinig ko pang sabi ni Friam. Sa hindi ko malamang dahilan. Awtomatiko ang katawan ko na lumabas mula sa cubicle. Pareho naman silang napatigil. Bumaling sa akin ang babae, at kaagad niya akong pinasadahan ng tingin. Tumingin rin naman ako sa kanya. Siya rin naman ang unang umiwas. "Your friend?" "No."mabilis na sagot ng babae. "Sino ka? Empleyado ka rin ba dito?What department?"tumaas-baba ulit ang tingin sa akin ng babae. Umismid lang ako at linagpasan sila. Binuksan ko na ang pinto pero bago ako lumabas, lumingon ako sa kanila. "I think you need inform the staff of your facilities to make that sign more larger. So that next time, that gentleman will not mistook it anymore."wika ko at tuluyan na akong lumabas. Kaagad rin akong nagtungo sa exit. "Miss! Wait!" Narinig ko ang boses ni Friam, nagpatuloy lang naman ako sa paglalakad. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay na pumigil sa akin. Bumaling naman ako sa taong nagmamay-ari ng kamay na pumigil sa akin. Kaya hindi ko na lang pinansin kanina dahil si Friam ang tumatawag sa akin. "Hindi mo man lang alam tumigil. May tumatawag na nga sayo." Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "At bakit kailangan kong tumigil? Sino ka ba?" Maikli siyang natawa. "Kung hindi lang ito ang first time na magtagpo ang landas natin. Iisipin kong may galit ka sa akin." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "May galit ka nga sa akin. Sabagay, kilalang tao naman talaga ako-"tatalikod na sana ako pero pinigilan niya ulit ako. "Masyadong kang masungit, miss. Ibabalik ko lang sa iyo ito." Bumaba naman ang tingin ko sa nakabukas na palad niya. Lumunok ako nang makita ko ang hikaw ko. "Hindi sa akin 'yan."wika ko. "Are you sure?" "Yes-" Bigla siyang lumapit sa akin. Hindi ako umatras at tumingin lang sa kanya. "What are you doing?" Mas lalo lang siyang lumapit. "Checking the evidence that is yours.' "What?-" Nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang pagdapo ng palad niya sa kanang taenga ko. "Same design sa hawak kong hikaw and-" medyo napaatras ako ng gumalaw ang ulo niya at sumilip sa kabilang taenga ko. "At nawawala ang pares nito." Lumipat na ang mga mata niya sa akin. Medyo nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan namin. "And for your information, napulot ko ito sa cubicle na ginamit mo. This proves, that this is yours." Mas umatras na ako. "Alright, thank you. Akin na."sabi ko sabay abot sa hikaw pero inilayo niya ito. "I'll give it to you the next time we meet each other." "There will be no next time."matabang kong sagot. "Believe me, there will be next time. From the moment I laid my eyes on you, I know we are destined to meet each other." Napatawa ako sa hangin. "Whatever."wika ko at tumalikod na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD