Hannah
Matagal akong tumingin kay Friam. Alam kong pumapayag siya dahil sa trabaho niya. Hindi dahil sa akin kundi sa pansariling interes. Kaya hindi dapat ako maapektuhan sa kanyang mga salita dahil trabaho lang ito at wala ng iba.
Tumikhim ako tsaka ako tumingin sa cellphone ko. "Magkita na lang ulit tayo kung may karagdagang impormasyon na akong hawak."saad ko.
"Dito ulit sa condo ko?"tanong niya sa akin.
"I guess so. Ito lang ang pinaka-safe na meeting place natin, diba?"paniniguro ko sa kanya.
"Tama ka pero ang problema, wala pang babaeng umuulit na pumunta dito. That's my rule, one night stand only."tinitimbang ko na ang tingin ko sa kanya dahil bumabangon na naman ang inis ko sa kanya.
Muli na namang tumunog ang doorbell kaya nanggigigil na akong tinungo ang intercom at mabalis kong pinindot.
"Hindi pa kami tapos, umalis ka na."saad ko at pinatay ko na ito. Hinarap ko rin si Friam.
"Pagod na akong makipag-usap sayo ngayong gabi, Attorney Friam Del Valle. Kaya sabihin mo sa akin kung saan tayo magkikita ulit."sabi ko ng hindi lumalapit sa kanya.
"Pagod ka na tapos sinabi mong hindi pa tayo tapos-"
Yumuko na ako para tanggalin ang suot kong stiletto. I can't take his words anymore.
"Anong ginagawa mo?"
"Kumukuha ng ibabato sayo."tinignan ko na ulit siya ng matanggal ko ito. Umatras naman siya at hinarang ang dalawang kamay niya sa katawan niya.
"Wala namang ganyanan."natatawa niyang wika.
"No, dapat may ganito dahil hindi mo ako kinakausap ng matino. Puro kalandian ang nasa bibig mo. Hindi ka ba nahihiya, dalawang beses pa lang tayong nagkita tapos kung makipag-usap ka sa akin parang close tayo."naiinis kong sabi sa kanya.
Kung tutuusin, ilang beses pa lang kami nagkaka-usap pero ang bibig niya walang preno.
"Mga babae ngang isang beses ko pa lang nakita, kinakama ko na."muntik ko ng ibato ang takong ko ng marinig ko ito mula sa kanya, mabuti nalang at napigilan ko ang sarili.
Binaba ko rin ang takong ko at sinuot ito.
"Dito na lang ako pupunta. "saad ko at nagmartsa na ako palabas.
"Aalis ka na ba talaga?"sunod niya sa akin sa pinto.
Bumuga ako ng hangin at liningon siya.
"Diyan ka lang at huwag mo na akong sundan."wika ko. Tinuon ko na ang atensyon ko sa kanyang pinto para buksan ito.
"Hatid na kita."nagitla ako ng marinig ko ang boses niya sa tabi ko.
Ang dami namang lock ang pintong ito!
Hindi na ako umalma ng dinala na niya ang kanyang kamay sa pinto at isa-isa niyang tinanggal ang lock.
"Kailangan kong palagyan ng maraming lock ang pinto ko dahil matatalino ang mga babaeng umaaligid sa akin."saad niya, binaling ko naman ang mukha ko sa kanya.
"Hindi dahil sa easy to get ka, Attorney?"patanong kong sabi.
Umismid siya. "Mahirap akong sungkitin, Rena. Kita mo nga, ang daming lock ang kailangan mong pagdaanan. Pasalamat ka pa at binubuksan ko para sayo."natawa naman ako sa sinabi niya.
"Keso de bola ka ba, Attorney?"
"Keso de bola?"namamangha niyang tanong sa akin pero taas lang ang kilay kong nakatingin lang sa kanya.
"Oo, cheesy mo na nga, nambobola ka pa."nawindang ako ng matamis siyang ngumiti sa akin.
"Kung para sayo, ayos lang sa akin na maging keso de bola. Malay mo, maging paborito mo akong palaman-"bumaba ang mga mata niya sa katawan ko kaya naintindihan ko rin ang gusto niyang ipahiwatig.
"Sa tinapay mo."dugtong niya tsaka niya tinaas ang nanunudyo na niyang mga mata sa akin.
"Bastos!"ngumisi siya sa akin kaya tinabig ko na ang kamay niya at tuluyan ko ng binuksan ang pinto.
"Attorney Friam, ayoko ng madadatnan kitang nakasuot ng ganyan. Bago mo ako pagbuksan ng pinto, ayusin mo ang sarili mo pati narin ang living room. Kung hindi mo gagawin, hindi ako papasok."huling sabi ko bago ko siya nilayasan.
Sumandal ako sa gilid ng elevator ng makapasok ako dito. Kinapa ko ang bandang puso ko.
I shouldn't be shaken by him.
Dumeretso muna ako sa apartment ni Risa para magpalit bago ako umuwi ng bahay. Nadatnan ko naman ang kasambahay namin sa labas ng bahay.
"Manang, gabing-gabi na, bakit gising pa kayo?"
"Naku, Hannah. Mabuti't dumating ka na. Ang Dad mo nasa kwarto ng Lolo niyo."
Mabilis naman akong naglakad papasok sa loob at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ni Lolo.
Ikinubli ko ang kabang nararamdaman ko nang makarating ako sa pinto ng kwarto ni Lolo. Tinipa ko ang passcode ng kwarto tsaka ko ito maingat na binukas.
Naikuyom ko ang kamay ko ng madatnan ko si Dad na malapit sa apparatus na nakakabit kay Lolo. Pero napansin ko rin na may hawak siyang brown envelope.
"Dad, nandito ka pala."kaswal kong saad.
"Saan ka nanggaling? Wala ka na sa office mo ng pinuntahan kita."
"Hindi po ba sinabi sayo ng secretary ko na pumunta ako sa isang branch natin."pagsisinungaling ko.
Ang totoo'y nag-early out ako dahil sa shift ko sa warehouse kanina.
"Huwag ka muna sa mga business matter ng kumpanya. We need to meet my friend and his son. I'll arranged your marriage with his son."
"What?"gulat ko ng tanong Kay Dad.
"Anong kasal ang pinagsasabi niyo-"
Inabot sa akin ni Dad ang brown envelope at kaagad ko naman itong binuksan.
Kumunot ang noo ko ng makita kong larawan ng last will and testament ni Lolo ang nasa loob ng envelope. Binasa ko ang nakasulat sa loob ng larawan at napatingin ako kay Lolo na nakaratay sa kama.
"This old man secretly made his last will and testament. At si Faith ang linagay niyang tagapagmana ng LFL."tumingin ako kay Dad na ngayon ay damang dama ko ang paninibugho niya kay Lolo.
Kaya ako natatakot sa tuwing pumupunta siya sa kwarto ni Lolo, baka maisipan niyang tanggalin ang machine na bumubuhay kay Lolo.
"Sinong abogado ang nagpadala nito sa inyo, Dad?"
"That's my problem. Walang nakalagay sa mail. I don't know the attorney hired by this old man. Tinawagan ko na si Mama tungkol dito pero wala rin siyang alam."
Tumingin ulit si Dad kay Lolo kaya bumalik ang panlalamig ko, baka 'di niya mapigilan at may gawin siyang masama kay Lolo.
"Kaninong angkan nabibilang ang lalakeng papakasalan ko? Mapagkakatiwalaan ba sila?"
"Del Valle." Natigil ako sa sinagot ni Dad.
"Mapagkakatiwalaan ang pamilyang ito. If you know the boy who always visit here when you were young-"
"Friam."wala sa sarili kong sagot.
"Yes, it's him. He's an attorney, may marka na sa lipunan. Indeed, a husband material."
Nabasa ko ang labi ko.
"Dad, siguradong hindi tatanggapin ni Friam ang pagpapakasal niya sa akin. Katulad ng sinabi mo, pumupunta na siya dito noon kaya sigurado ako na alam niya na hindi tayo totoong Lacuesta."usap ko kay Dad.
"Kaya nga dapat lang na maikasal ka sa kanya para maitago ang lihim natin. Huwag kang mag-alala, si Adrian na ang bahalang kumausap sa kanyang anak. Ang totoo'y napag-usapan na namin ito."baling na rin sa akin ni Dad.
Medyo naluwagan ang loob ko dahil lumayo na rin siya Kay Lolo.
"Pumunta na nga rin si Friam sa kumpanya, hindi ka nga lang pumunta sa office ko noong pinapatawag kita."
Napatingin ako Dad.
Pumunta na si Friam? Kailan?-
Wait, so noong araw na nakita ko siya sa restroom, iyon din ang araw na dapat kong makatagpo siya sa office ni Dad.
"I'm sorry, dad, I was in a meeting-"
"It's alright. Anyway, one of these days, I'll set your date with Friam. At gusto kong siya muna ang pagtuonan mo ng pansin. Dapat mong makuha ang loob niya. Ibigay mo muna ang mga trabaho mo sa mga empleyado mo."
Gusto kong tumutol pero nababahala ako na baka mas ikainit pa ng ulo ito ni Dad. Kaya wala akong nagawa kundi tumango.
Bumalik ang tingin niya Kay Lolo kaya kinabahan ulit ko.
"Old man, betraying me was a bad decision of yours. I'll make sure you'll never be awake again."nanggigigil na saad ni Dad bago siya lumabas sa kwarto.
Nanghihina naman akong kumapit sa kama. Isa pang dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Pilipinas. Three years ago, binalita sa akin ng kasambahay namin na nalaglag sa hagdan si Lolo. Ang ulo niya ang napuruhan na nagdulot ng kanyang pagkaka-comatose.
Sinubukan kong tanungin ang mga kasambahay at ang mga kapatid ko tungkol dito pero walang matinong sagot ang nakuha ko mula sa kanila. Kaya hindi ko maalis sa isipan ko na baka hindi lang ito simpleng insidente, na baka si Dad rin ang may kagagawan nito.
Alam kong hindi ko kayang kalabanin si Dad ng mag-isa. Kaya ako pumasok sa warehouse ng kumpanya namin, nagbabaka-sakaling makahanap ng bagay na ikakapanira ni Dad. Dahil sa oras na nasa bilanggo na siya, maaari ko ng isiwalat ang lahat ng nangyari noon. Siguradong wala na siyang kawala at pagbabayaran na niya ang lahat ng kasalanan niya sa totoong mga Lacuesta.